7

Hindi ko masabi kung anong magiging reaksiyon ko sa nangyari sa public shower area. Ang marinig lang ang mga katagang impyerno raw ang Dormisteryo at ang mga sikretong itinatago ng bawat isa sa mga dormers dito ay hindi ko talaga kinaya.

Nung una, naaawa pa ako kay Azi dahil para siyang yung tipo ng kabataang nangangailangan talaga ng atensiyon. Pero ang makita ko mismo yung ikinikilos niya? Hindi ako natuwa. Lalo na noong sumilip siya sa itaas ng cubicle kung saan ako naliligo.

I'm not against a public bathroom where everyone could see each other naked. But what Azi did to me was too much to just let it slip by. Napagtanto ko na nakababastos yung ginawa niya. It was weirdly disrespectful.

Lumabas tuloy ako ng public bathroom na tila may gusto akong pagtaguan. I don't want to see his face for another minute again. Kahit parang gusto niya akong bigyan ng babala? Wala akong pakialam dahil mas mukhang kailangan kong umiwas sa kaniya.

"Ayos ka lang?" Pambungad na tanong sa akin ni Martin nang makabalik na ako sa unit namin. Sumilip pa ako sa labas ng pinto at tumingin sa pintuan ng unit 12, nagbabakasakali kung nandiyan si Azi.

Umiling-iling ako. "Sa totoo lang, hindi. Kilala mo ba yung Azi na tiga unit 12?"

Tumango si Martin. "Oo, bakit?"

"Ang weird niya. Ang dami niyang sinabi tungkol sa Dormisteryo na impyerno raw to tapos marami raw bahong itinatago ang mga dormers dito. Hindi ko siya maintindihan, kinabahan ako nung nagkausap kami sa public bathroom kanina." Naramdaman ko ang paninindig ng mga balahibo ko.

Nakita ko sa aking isipan ang nakangiting mukha ni Azi habang nakadungaw mula sa itaas. He's really giving me goosebumps. Nakakakaba pala talaga ang magkaroon ka ng close encounter sa isang taong gano'n ang pag-uugali.

Mukhang hindi makapaniwala si Martin sa mga nasabi ko. "Talaga? Tahimik lang kasi yung taong yun e. Hindi ko pa siya nakikitang may kausap na dormer dito sa Dormisteryo. Ikaw pa lang ang una," inaayos na ngayon ni Martin ang mga bond papers niya. "Ba't naman kayo nagkausap?"

"Ganito kasi, maliligo na sana ako no'n tapos may narinig akong dumating. Walang tao sa loob ng public bathroom no'n kaya nakiramdam ako. Tapos may narinig akong nag-uusap sa cellphone, si Azi at yung nanay niya. May pinagtatalunan sila na ayaw daw ni Azi na mag-stay sa Dormisteryo dahil parusa raw to sa kaniya ng tatay niya, tapos ang sagot naman ng mama niya e wala naman siyang magagawa dahil tatay ni Azi ang nagdesisyon na dito siya patirahin," sabi ko.

"Tapos?"

"Dito na naging weird ang lahat. Matapos niyang makipag-usap sa mama niya, akala ko e umalis na siya. Pero maya-maya lang bigla na lang may dumungaw sa ulunan ko, si Azi-"

"At nakita ka niyang nakahubad?"

"May magagawa ba ako? E sa maliligo na sana ako no'n," sabi ko pa.

Biglang tumawa si Martin. "Okay, okay, that's really weird for him to do it to you. Hindi ka naman ba niya inabuso?" He slightly tilted his head.

Umiling-iling ako. "Hindi naman. Pero doon na siya nagsalita ng masasamang bagay tungkol sa Dormisteryo. Parang ayaw niya talaga dito sa hindi ko malamang dahilan. I mean, hindi ba siya nakuntento sa mga facility rito sa Dormisteryo?"

"Hayaan mo na siya, layuan mo na lang. Ikaw lang din ang mamomroblema sa kaniya 'pag nagkataon," sambit ni Martin. "O, handa ka na ba? Lumabas lang si Clyde para bumili ng coke. Pagbalik no'n, papasok na kami."

"Si-sige, ayusin ko lang mga gamit ko." Nagtungo ako sa cabinet ko. "Ngapala Martin."

"O?"

"Sa atin na lang yung napag-usapan natin a," sabi ko sa kaniya.

Ngumiti siya. "Sige sige, magtiwala ka. Hindi ko sasabihin sa iba. Nakakahiya naman kasi talaga yung nangyari tsaka ang weird nga naman talaga."

Tumango ako. "Salamat."

~~~

Runic Arcana is really a huge treasure for a college experience. Mula sa gate ay matatagpuan na kaagad ang kahalagahan ng security. The guards are carefully inspecting everyone's bags even the teachers and other visitors even if it might take a second.

Fortunately, may limang guwardiya silang nagbabantay sa gatehouse. One for the gateway, another one on the pathway, and three other guards who are busy inspecting bags.

Sabay-sabay kami nina Martin na pumasok sa school. Sabay din kaming dumaan sa inspection ng mga gamit namin. Mabuti na lang at walang anumang abala sa naging inspection.

Gaya ng sinabi ni Martin, hindi nga niya nabanggit ang tungkol kay Azi. He kept it to himself and I'm glad I trusted him. Meanwhile, Clyde looked a little bit grumpy. Dulot pa rin kasi ito ng nangyari sa mga brief niya. Karamihan ba naman ay nanakaw lang at wala na siyang iba pang ideya kung saan yon makikita.

Habang naglalakad kami ay tahimik lang siyang nagbabasa ng libro. Martin tried to engage him for a conversation but he didn't budge. Kaya walang nagawa si Martin kung di ang makipag-usap na lang sa akin.

We talked about the school. About the landmarks that can be found here. Medyo may kalakihan kasi ang unibersidad na ito, if you're not careful enough to be alert of your surroundings, maaari kang maligaw.

Nadaanan naming tatlo ang ilang estudyante sa tabi-tabi na masayang nakikipag-usap sa mga kaibigan nila. Most of them are laughing at their own jokes as I think so. Doon ko rin napansin na maraming klase rin pala ng estudyante ang nandito.

Some of them had colored hairs. Another one looked like a gothic emo, while the rest looked like a cliche common college film flick set of commoners. Like the three of us.

"Hindi ka naman ba maliligaw dito?" tanong sa akin ni Martin.

"Hindi naman yata. Gano'n ba talaga kalaki to?'

"Yes, gano'n kalaki. Maraming estudyante sa syudad na ito ang gustong mag-aral dito. This is their first choice among other universities. Kumpara sa ibang private university, Runic Arcana gives you an affordable tuition fee," nakangiting sagot ni Martin. "Sa totoo nga niyan, ako lang talaga nagpapaaral sa sarili ko. I have a part-time job, sa isang diner. Malapit lang sa Dormisteryo."

"What diner? Marami akong nadaanang diner bago ako nakarating sa Dormisteryo."

"The retro style one."

Napatango ako. "Oh, yun?"

He smiled. "Yup. That one."

"Gusto ko yung diner na yon. Actually doon ako kumain isang beses, ba't hindi kita nakita?"

"Medyo busy ako sa pag-aasikaso ng mga requirement ko rito sa school. Kilala naman ako ni uncle Bob-"

"Uncle mo?"

Tumawa si Martin. "Hindi. Gusto lang niyang tawaging Uncle. Wala raw kasi siyang mga pamangkin."

Kaya naman pala. Akala ko uncle ni Martin ang may-ari ng diner na yon. "I see."

"Mabait ang boss namin. Sa totoo nga niyan, siya ang nagtuturo sa akin ng ilan sa mga putaheng inihahanda ko sa dorm. May tiwala na kasi si uncle Bob sa akin." Ngumiti si Martin na tila may inaalala siyang masayang pagkakataon.

Naglakad lang kami hanggang sa makarating kami sa isang bulletin board na maraming mga nakapaskil na papel. May isang babae ro'n kaming naabutan, she's sobbing while touching a missing poster-wait!

"Sino yung babaeng yon?" I asked Martin. "Yung parang umiiyak?"

Natigilan sina Clyde sa paglalakad. Both of them looked into the direction of the girl I was talking about. Suddenly, their expressions went unsure of the surroundings. Parang may pag-aalinlangan silang sagutin ang tanong ko.

"Si Kesha yon... Yung sinasabi naming kapalitan ni Kyle sa reception area," sagot ni Martin sa akin. May kung ano sa kaniyang tingin doon sa babae na parang may ipinapahatid siyang mensahe.

"Lalapitan ko-"

"Ngayon mo na ba siya kakausapin, Kent?" tanong ni Clyde sa akin.

"O-oo, puwedeng ngayon na nga. May gusto rin kasi akong itanong sa kaniya..."

"Mauna na kami." Clyde started walking onwards.

"Sige Kent, mauna na kami, good luck." Sumunod na rin si Martin.

Naiwan tuloy akong mag-isang nakatayo sa daanan habang nakatingin kay Kesha. Unlike the other girls here, she's only wearing the common uniform of an information technology student. Medyo may katangkaran siya pero mas matangkad ako sa kaniya. She has this kind of look that could pierce your heart if she wanted to. But she's not definitely fierce looking also.

Yung missing poster. Yun ang litrato ng kapatid niyang si Casey. The girl who disappeared in Dormisteryo. Up until now, wala pa rin silang lead sa kung nasaan ang babaeng iyon. She's been a mystery left unsolved.

Paano ko kaya sisimulan ang usapan? I don't want to sound like a creep. But I wanted to sound like someone who would be trustworthy enough even if I am a complete stranger to them.

Bumuntong-hininga ako bago ko siya nilapitan. I stood behind her without alarming her of my presence. I observed how she looked so careful on her sister's face.

"Anong nangyari sa kaniya?" tanong ko.

Kesha slowly looked behind her. "Nawala siya..."

"Sa Dormisteryo?"

Tumango siya. "Oo."

I didn't say a word for a short while. This is a tactic to wait for your new acquaintance to say more things about them. And this time, to show sympathy too.

"Kung sakaling makita mo siya, tawagan mo lang ang numero na to. It's my number... usually mga prank calls ang natatanggap ko. Pero umaasa pa rin ako na isang araw, isang taong nakakita sa kapatid ko ang tawag na masasagot ko." She tried to smile.

"Ikaw si Kesha di ba?"

Bahagyang nanlaki ang mga mata niya sa gulat. "Paano mo... nalaman?" She's quite shaken of what I'd said.

Napakamot tuloy ako ng ulo. Hindi ko inaasahang hindi pala ganito kadali ang gusto kong mangyari. Talking to a new girl looked like speaking in front of your classmates while wearing a funny hat.

"Actually,  ako yung bagong dormer sa Dormisteryo at nalaman ko lang yung tungkol sa'yo mula kay Kyle."

Bigla siyang napatakip ng bibig gamit ang kaniyang magkabilang palad. She looked really shocked. I wonder why.

"I-ikaw ba si Kent?"

I awkwardly nodded my head. "A-ako nga, bakit?"

Biglang tumalikod si Kesha. I can see her actions that she's talking to herself like she's pondering about something. Overexcited, maybe?

"May problema ba?" I asked her.

Mabilis siyang umiling. "Wa-wala, naikuwento ka kasi sa akin ni Kyle. Hindi kasi ako nakapasok sa shift ko kagabi, naging abala kasi ako sa preparation para sa first day of second semester."

"Anong sabi niya?" Dude, ba't mo pa naitanong?

She's blushing now. "Wa-wala naman. Anyway, how's your stay? Hindi nabanggit sa akin ni Kyle kung saang unit ka. Puwede ko ba malaman kung saan?"

I frozed for a second. Hindi ko alam kung anong magiging reaksiyon niya kung sakaling malaman niya na sa unit 16 ako nananatili.

Sa unit kung saan nawala di umano ang kapatid niya.

"Sa... Unit 16."

The smile on her face had slowly turn into a frown. "Sa unit 16? Kasama mo sina Kurt?" She asked me as if I have done something wrong. Muli siyang napatalikod. "So alam mo na pala ang tungkol sa kapatid ko? Did they tell you something about my sister?"

Mabilis akong umiling. "No, wala pa silang alam na alam ko ang nangyari sa kapatid mo. Sa totoo nga niyan, parang may tinatago sila sa akin na ayaw nilang malaman ko-"

"I see. That's what they always do. Itago ang katotohanan. Alam mo ba na sila ang huling taong nakasama ng ate ko?" Her vibes turned from casual talk into an interrogative one.

Umiling ako. "Wa-wala nga akong alam. Nandito nga ako para tanungin ka kung anong nangyari. Concerned lang ako."

Tinitigan niya ako nang ilang segundo. Matapos no'n ay bumuntong-hininga siya. "Pasensiya na, nadala lang ako ng feelings ko. Hi-hindi ko lang in-expect na sa lahat ng unit, sa 16 ka napunta. Marami naman kasing bakanteng unit do'n."

"Ayos lang, naiintindihan ko naman. Tsaka si Kyle naman nagsabi sa akin na sa unit 12 at 16 na lang yung nangangailangan pa ng isang tenant. Kaya doon na ako." I shrugged.

Nakahinga siya nang maluwag. "I see, I see. Pasensiya na talaga ha. I'm really sorry for my behavior," humarap siya sa missing poster ni Casey. "Matagal ko na kasing hinahanap ang ate ko pero wala talagang nakakaalam kung saan siya napunta matapos niyang bisitahin ang unit 16."

"A-ano bang balak niyang gawin sa unit 16?"

"Ang sabi niya sa akin, kailangan daw niyang makausap si Martin. Magkatrabaho kasi silang dalawa sa isang diner. Sabi niya sa akin, may mahalagang bagay daw siyang sasabihin kay Martin. Hinayaan ko siya, pero nung patapos na ang shift ko, wala akong nakitang babaeng lumabas ng Dormisteryo. Pumunta ako ng unit 16 pero ang sabi nilang lahat, wala na raw si Casey, umalis na. Pero saan siya nagpunta?"

"May iba pa bang exits ang Dormisteryo bukod sa unahan?"

She nodded. "Yes, there's a fire exit directing everyone to a ladder papunta sa likod ng Dormisteryo. But no one have seen a girl went outside."

"Pa'no naman sila nakasigurado?"

"The police was already done investigating what happened. Wala silang makitang lead sa kung saan nagpunta ang ate ko. But I doubt she would just instantly disappear. She's not a magician." She bitterly chuckled. "Di ba?"

"Anyway, bakit parang galit ka kina Kurt?"

Her facial expression went back from sadness to anger. "Because first of all, they were all irresponsible. Wala man lang naghatid sa kanila sa ate ko pababa? And besides... wala akong maidahilan. Sila lang naman kasi talaga ang huling pinuntahan ng ate ko at nagdududa ako na nagsasabi sila ng totoo."

"Ano bang iniisip mo na maaaring nangyari?"

"I have this nightmare. Every night, I could see Casey screaming inside the room of unit 16. She's there, I know it. She never left. They're hiding her..." Nagsisimula nang magluha ang kaniyang mga mata.

I took the opportunity to turn our situation around. I'm now the one who's interrogating her. I didn't flinched upon seeing her almost crying again.

"Inimbestigahan ba ng mga pulis ang bawat unit, ang bawat puwedeng pagtaguan sa loob ng Dormisteryo?"

Tumango siya.

"Then why are you still having suspicions with them? May rason ba sila para may gawin silang masama kay Casey?"

Hindi siya sumagot.

"Kung gusto mong mahanap ang kapatid mo, don't point your fingers to anyone who could help you. Don't worry, kabilang na ako sa mga dormer ng unit 16. Ako na ang bahala sa pagtatanong ng ilang bagay sa kanila."

Medyo kumalma si Kesha. "Thanks..."

"But I still have one question left."

She looked at me with a confused look on her face. "Ano yon?"

"May ideya ka ba kung sino ang nagnanakaw ng mga brief namin?"

She burst out laughing but I saw her eyes...

And I know she knows something.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top