3

Nagising ako nang may pakiramdam na paninibago. Yung pakiramdam na nagising ka sa isang kuwarto na hindi mo pagmamay-ari at mapapatanong ka na lang sarili mo kung bakit ka nasa kuwartong hindi mo naman pagmamay-ari.

Kakaiba pa ang naririnig kong mga tunog sa paligid. Imbes kasi na mga huni ng ibon at mga tunog ng kapitbahay naming maagang nagwawalis sa kanilang bakuran ang aking nakasanayang naririnig, tunog naman ng electric fan at mga boses ng mga nagk-kuwentuhang mga kalalakihan sa labas ang maririnig dito.

Napabuntong-hininga ako. Tumagilid ako ng paghiga at nakita ko ang kabuuan nitong kuwarto.

Hanggang ngayon, napapaisip pa rin ako kung ano bang dahilan ng taong 'yon. Of all the things that he could steal, why briefs? May fetish ba siya sa mga underwear? Ano kayang kasarian niya? Kung lalaki siya, he might be some sort of maniac? Kung babae naman—kaso ang problema e walang babae rito bukod sa mga receptionist... wait!

Biglang may ideya na pumasok sa isipan ko. Siguro tama ang iniisip ko, it is logical for my theory to happen. But the question is, why would that person steal briefs? There's only one way to find out.

Bumangon na ako para masabi ang mga naisip ko tungkol sa katauhan ng brief thief. Para kasi akong nakahanap ng isang piraso ng puzzle na makakatulong sa pagbuo ng malaking litrato. Ang kailangan ko lang siguraduhin ay tama ang lahat ng mga facts na nakalap ko.

Bumangon at dumiretso na ako sa labas ng kuwarto at naabutan kong nanonood ng balita sina Kurt at Clyde. Prente silang nakaupo sa mga couch na tila relax na relax sila sa mga oras na 'to.

'Breaking Entertainment News! Nakuha ng sikat na aktor na si Spencer Chaves ang jackpot sa noontime show na–' biglang pinatay ni Kurt ang TV sa pamamagitan ng remote control na hawak niya sa kaliwang kamay.

Tinignan siya ni Clyde nang masama. "'Yan na naman siya, pinatay na naman niya yung TV na parang siya lang ang nanonood." Sarkastikong pananalita ni Clyde, itinaas niya pa ang pareho niyang mga paa sa couch na inuupuan niya.

Inihagis ni Kurt ang remote sa ilalim ng center table, pumatong iyon sa mga magazine na nakaayos sa ilalim nito. Humikab si Kurt at inunat niya ang mga braso niya.

"Nakakayamot kapag gano'n mapapanuod mo. Ang yayaman na nga ng mga artista na 'yon tapos sila pa rin contenders sa mga game show ng istasyon nila? Easy money sa kanila mga ganitong kalokohan, pera pera lang." Sumimangot si Kurt.

"Inggit ka lang, kasi sila yumayaman nang gano'n gano'n lang." pasaring ni Clyde kay Kurt na may mapang-asar na ngiti sa kaniyang labi.

"Ba't naman ako maiinggit? Kapag naka-gradweyt na ako, sasali ako sa National basketball team. Makikita mo. Doon hindi easy money, talagang palakasan ang labanan. Palibhasa nasilaw ka ng showbiz," sabi ni Kurt.

"Wushu, nagsalita ang hindi mahilig manood ng mga foreign TV series. Halos pilitin mo na nga mga ka-teammate mo para lang mag-download sa torrent websites e," natawa si Clyde, maging sina Reinald at Martin na may kaniya-kaniyang ginagawa ay hindi rin naiwasang hindi matawa.

Napansin kong nakita ni Kurt ang mga itsura nila nang pagtawanan nila siya. Mabuti na lang hindi at hindi niya ako nakikita, nakikinig lang kasi ako sa usapan nila, naghahanap ng tamang tiyempo para sa theory na gusto kong sabihin sa kanila.

"Iba ang foreign shows sa mga shows natin dito. Doon sa kanila, hindi nakakasawa ang mga palabas. Hindi tulad sa bansa natin, masyado nang formulaic." Napagkrus ni Kurt ang mga braso niya sabay de-kuwatro naman ng kaniyang mga binti. "Mga nagkahiwalay na magkapatid, nag-aagawan sa iisang lalaki hanggang sa ending, ano bang bago sa mga telenovela ngayon?"

Tiningnan ni Clyde si Kurt na tila inoobserbahan niya ang mukha nito. "Lakas nito maka-criticize. Alam mo bagay kang maging artista kaysa basketball player. May itsura ka, pero hindi nga lang marunong umarte."

"Gusto mong sapok?" Halatang naasar si Kurt sa sinabi ni Clyde.

Pero tila hindi naaapektuhan si Clyde sa pagpapakita ni Kurt sa kaniya ng pagkairita. Nagawa pa ngang ngumisi ni Clyde na siyang ikagulat ko. Ganito na yata talaga sila ka-close rito.

Tumagal nang ilang segundo ang titigan nila nang putulin ito ni Martin. "Kent, gising ka na pala?" Nasa kusina si Martin, nagluluto siya ng agahan.

Lahat sila ay napatingin tuloy sa akin. Pakiramdam ko ay para akong isang spy na nagmamasid lang sa kanila at bigla na lang nahuli sa ginagawa ko. Napangiti na lang ako at saka naglakad palabas ng kuwarto.

"Good morning," bati ko sa kanila.

Dumiretso ako sa sala at umupo ako malapit kay Clyde. Napansin ko na naputol na yung usapan nila ni Kurt kanina lang dahil naglabas siya ng isang libro mula sa tabi niya. Nabasa ko kung ano ang title nito at nalaman ko na isa pala iyong katha ni Bob Ong. Ang Paboritong Aklat Ni Hudas.

"Mukhang puyat ka a?" napatingin ako kay Reinald, nasa dining table siya habang may sinusulat siya sa librong nakapatong sa mesa. Makapal ito at nakita ko ang ilang mga drawing na nakalagay doon.

Napakamot tuloy ako ng ulo. "Oo nga e, hindi ko pa rin kasi makalimutan yung nangyari kagabi. Napuyat ako kakaisip kung sino yung taong 'yon."

"Masanay ka na lang, Kent." Usal ni Kurt. Bahagya siyang umurong paharap para muling damputin ang remote control sa ilalim ng center table at nang makuha niya iyon ay saka niya binuhay ang telebisyon.

Nakita kong nakahinga si Kurt nang maluwag nang makita niyang hindi na entertainment news ang nasa balita.

"Pero hindi ibig sabihin na masanay ka ay hahayaan mo na lang na mangyari 'yon," sabi ni Reinald, pinaglalaruan niya naman ngayon sa kaniyang kanang kamay ang isang lapis na bagong tasa pa.

Tumingin si Kurt sa kaniya at napakibit-balikat siya. "Ano pa nga bang magagawa natin? Gaya nga ng sabi ko, wala tayong magagawa dahil kahit na ang management ng dormitoryo na 'to e wala ring maisip na solusyon tungkol sa magna na 'yon." Bumuntong-hininga siya na tila nawalan na siya ng pag-asa.

"Bakit ba kasi hindi nila mahuli?" tanong ko sa kaniya.

"Ilang beses na kaming humingi ng tulong sa kanila, pero puro na lang 'paki-lock na lang ang pinto nang maayos' ang sagot nila. Parang nagka-kawaling-tenga–"

"Nagte-tengang-kawali, Kurt. Basic na basic." Pagsabat ni Clyde habang abala siya sa binabasa niyang libro.

Mabuti na lang hindi naasar si Kurt. Napakibit-balikat na lang siya at napailing na lang. "Ah, basta 'yon na 'yon. Hindi nila tayo pinapakinggan."

"Pinakikinggan naman nila tayo guys. Pero hindi lang talaga nila alam kung paano mahuli yung magnanakaw na 'yon. Kahit nga tayo, hindi tayo makaisip ng paraan kung paano natin siya mahuhuli e." sabi ni Martin, sunod na narinig ko sa kusina ang kumukulong mantika habang kasalukuyang nagpiprito si Martin.

"Problema sa inyo hilig ninyong kumontra. Pero basta, ako, wala akong magagawa tungkol sa taong 'yon. Bahala siya hanggang sa mapagod siya, sinasayang lang niya ang oras niya. Pero kapag talaga natiyempuhan ko siya? Siguradong matitikman niya 'tong kamao ko." Ikinuyom ni Kurt ang kamay niya.

"Masarap ba 'yan? Patikim nga," sabi pa ni Clyde, habang nakangisi.

"Lapit ka rito."

"Ano ako? Uto?"

"Guys." Pagputol ko sa magsisimula na namang asaran sa pagitan nina Kurt at Clyde. Kapag nagpatuloy sila, mahihirapan lang akong mag-hanap ng tamang tiyempo kung paano ko sa kanila sasabihin ang nalalaman ko.

Mabuti na lang, nakuha ko naman ang atensiyong hinahanap ko. Napatingin silang lahat sa akin at naghihintay silang marinig ang sasabihin ko.

Huminga muna ako nang malalim. Medyo malaking bagay ang sasabihin ko at mukhang magugulat talaga sila sa mga nalalaman ko. Lalo na at ang brief thief ang aming pag-uusapan sa mga oras na 'to. May ideya rin ba sila kagaya ng naiisip ko?

"May sasabihin ako tungkol sa nagnanakaw ng mga brief ninyo–"

"Natin, Kent. Isa ka na rin sa amin..." Sabat ni Reinald sa sinasabi ko, medyo napangiti ako sa sinabi niya. Yung pakiramdam na gumaan ang pakiramdam ko dahil itinuturing na nila akong isa sa kanila.

"...na nanakawan na rin ng brief." Pagdadagdag ni Reinald. Medyo na-disappoint ako dahil akala ko naman ang pinupunto niya ay isa na ako sa kanila, bilang bago nilang kaibigan.

Yung ngiti ko tuloy, dahan-dahang nawala. Kaya minabuti ko na lang na kalimutan ang sinabi niya.

"Oo, natin. Ganito kasi, actually, noong matulog na kayo kaninang madaling araw, hindi pa ako agad natulog no'n. Nang mahiga ako sa kutson ko, ilang minuto lang ang lumipas e biglang may tao sa labas na nagbukas ng pintuan. Nakita ko kung paano siya kumilos, kung paano nakapasok 'yong brief thief. He's careful. Kaya hindi natin siya matiyempuhang nagnanakaw ng gamit natin," sabi ko sa kanila.

Mukhang interesado na si Kurt sa mga sinasabi ko. Si Martin naman ay natigilan pa sa pagluluto habang nakikinig. Isinara pa ni Reinald ang librong sinusulatan niya para lang makinig sa akin. Habang si Clyde naman ay tahimik lang na nakikinig habang nagbabasa ng libro.

"Nakita mo siya?" tanong ni Reinald sa akin.

Tumango ako.

"I mean, lalaki ba siya o babae?"

Nang banggitin niya ito ay agad kong naalala ang suot-suot ng brief thief kanina. All black with matching white death mask. He's like an undercover agent na may kakaibang espionage technique to watch over his preys.

"Hindi ko nakita ang mukha niya. Hindi ko rin masabi kung lalaki ba siya o babae–nakasuot kasi siya ng hoodie jacket. Tapos nakamaskara pa siya," sabi ko.

"Ang husay naman ng loko. May props!" Pumalakpak nang mabagal si Kurt habang mabagal na umiling-iling. Halata sa kaniyang ngiti ang bakas ng pagkasarkastiko.

"Pa'no naman siya nakapasok? Naka-lock 'yong pinto natin sa loob. 'Di ba nga, sinigurado ko pang naka-lock 'yon bago tayo natulog?" tanong ni Martin sa akin.

"May dala siyang mga susi," sagot ko. "Tingin ko lahat ng unit sa Dormisteryo ay may kopya siya ng susi ng bawat isa."

Nagkatinginan silang lahat, parang nag-iisip kung sino marahil ang puwedeng maging suspek sa ganitong klase ng sitwasyon. Kitang-kita ko na iniisip nilang mabuti ang mga posibilidad.

"So he's not a poltergeist after all. Hindi nakakagamit ng susi ang mga multo." Clyde commented, giving Reinald a pointed look. "No need to call a priest for blessing."

"Well, ayos na rin 'to. Alam na natin na may tao nga talagang nasa likod ng magnanakaw na 'yon. Hindi multo, walang paranormal na nangyayari. This is a very weird case of kleptomania." Reinald tapped the eraser of his pencil on the book in front of him.

Tumango ako. "Yes, at nang makapasok na siya, pinakikiramdaman niya kung gising pa ba tayo o hindi. Kung alam ni'yo lang, ang hirap magtulog-tulogan kanina. Pero nagawa kong hindi niya mahalata na gising pa ako. Kaya nakita ko ang lahat ng ginawa niya. Hindi nga lang ako gumalaw dahil baka may dala siyang patalim. Mahirap na," sabi ko pa.

Tumatayo tuloy ang mga balahibo ko sa tuwing naaalala ko yung tagpong iyon. The feeling that he's just standing a few meters away from me? At iniisip ko na baka may kutsilyo siyang dala? Anytime he can stab me on my chest... that really freaked me out.

"Sayang naman. Kung killer 'yon, si Kurt uunahin no'n. Mahangin e, parang lobong masarap paputokin." Clyde put down his book and he made a hand gesture like he's going to pop an imaginary balloon. "Pop!"

Tumingin ako kay Kurt pero hindi siya naasar sa sinabi ni Clyde. He's just having that bored look like he's used to Clyde's unflattering side comments about him.

"Ingay mo." Kurt sighed.

Clyde picked up the book he was reading and he continued reading the book despite of having some people talking loudly around him.

"Anong sunod na ginawa niya Kent?" tanong ni Martin.

"Pumasok siya sa kuwarto at tinignan niya ako nang ilang segundo. Ang hirap talagang magtulog-tulogan. Pero nakaligtas naman ako, tapos dumiretso siya sa cabinet ni'yo and guess what?" I looked to them one by one. "He stole some briefs."

Nanlaki ang mga mata ni Clyde. He closed his book again and he looked at me. "Tell me it's not my brief? Mauubos na 'yong allowance ko kakabili ng brief!"

I shrugged. "Hindi ko alam kung kaninong mga brief 'yon. Pero sa pagkaka-alala ko, tatlo ang kinuha niya." That moment came back to my mind. It's clear to me that he stole three briefs that night.

"Check mo nga bansot," utos ni Kurt kay Clyde.

Habang patayo si Clyde mula sa pagkakaupo, tinignan niya si Kurt nang masama. "Maka-bansot ka a? Sana ikaw ang nanakawan. Para wala ka nang maisuot."

"Pumunta ka na lang do'n. Tingnan mo na."

"Makautos?" reklamo ni Clyde pero wala siyang nagawa kung 'di ang pumunta na lang din sa kuwarto. I know he wants to know if he was the target of the brief thief last night.

Nang makapasok na sa loob ng kuwarto si Clyde, narinig namin ang pagbubukas ng mga drawers nila. Nagkatinginan lang kami nina Kurt at nakita kong nakikinig lang sila sa nangyayari sa loob ng kuwarto.

"What the hell! 'Yong sa akin ang nawawala!" Clyde shouted inside.

I saw Kurt snickering. He's enjoying the moment of triumph for him. Maybe he's lucky this time and Clyde is the unfortunate one to be the victim.

"Karma! Ako pa talaga ang gusto mong manakawan ha? Look who's crying like a baby? Bansot." Kurt laughed.

Hindi kami nakarinig ng anumang counter reply mula kay Clyde. If I am going to take a guess, maybe he is sitting on the floor, thinking about the why's.

The rest of them felt relieved for not being the victim.

"Tapos Kent, ano nang ginawa niya?" tanong ni Martin.

"Umalis na siya. Pero ni-lock niya ulit 'yong pinto gaya nang pagkaka-lock nito bago siya pumasok," sabi ko.

Then silence followed. Natahimik ang lahat at halatang nagsisimula na silang mag-isip ng mga possible suspects. Kurt is looking on the center table, while his right hand was gently caressing his thigh. Reinald is staring on his book while absentmindedly biting the end of his pencil. But Martin is just there, standing beside the stove, in deep thoughts.

While I was just awkwardly observing what they were doing. I don't have any possible suspects in my mind yet–except her.

A few more minutes has passed, Reinald put down the pencil that he was biting on the table. "Ang weird. Sino sa tingin ni'yo ang gising pa rin sa gano'ng oras? Three o'clock ng umaga? Sa tingin ni'yo, babae kaya siya o lalaki?"

"Hindi ko rin masabi e. Nakatalukbong kasi siya ng hoodie, hindi ko rin makita base sa kilos niya kung babae siya o lalaki," sagot ko.

"Anong klase ng pangangatawan ang meron siya? Kung malaki, siguradong malaki ang tsansa na lalaki 'yon. Pero kung maliit lang at sakto lang, baka mahirapan tayo niyan. May mga petite kasi na babae, mayroon ding payat na lalaki. Meron ding bansot," ngumisi si Kurt pero walang natawa sa panghuling sinabi niya.

"Sakto lang ang laki ng pangangatawan niya e, hindi mataba, hindi rin naman malaki ang mga braso. He's just like the typical person na nakakasalubong mo sa daan." Pagpapaliwanag ko.

Napailing si Kurt. "Pa'no ba 'yan? Karamihan sa mga dormers dito medium built–"

Nakarinig kami ng padabog na lakad mula sa kuwarto. Lumabas mula roon si Clyde, mukhang napuno na siya. Bumalik siya sa kinauupuan niya kanina at napabuntong-hininga siya.

"Seriously, I'm not enjoying this anymore. Come on guys, gumawa na kaya tayo ng paraan? Nasasayang lang pera natin kakabili ng mga brief," usal ni Clyde.

"Alam mo Clyde, may solusyon naman diyan e. Kung nagtitipid ka, 'wag kang bumili. Pero kung hindi talaga kayang hindi ka bibili, puwedeng pa-isa isa lang. Suotin mo yung isa tapos hintayin mong manakawan ulit bago ka bumili ng bago." Kurt made a mischievous smile.

"Nye," sabi na lang ni Clyde na halatang wala na sa mood makipag-asaran.

Lumabas na ng kusina si Martin at lumapit siya sa amin. Tumayo siya sa likod ni Kurt habang nakahawak ang kaniyang dalawang mahabang mga kamay sa sandalan ng couch na inuupuan namin.

"Kung iisipin natin, bakit siya may susi?" tanong niya sa aming lahat.

"'Yan nga rin ang iniisip ko kanina pa. Bakit siya may susi na kayang magbukas ng unit natin?" sabi ko sa kanila. Malapit ko nang sabihin kung sino ang suspek na nasa isip ko.

"Wait guys, tingin ninyo konektado 'to sa mismong management? 'Di ba sila lang ang may access sa spare key? Paano kung 'yong isa sa mga receptionist ang may gawa nito?" tanong ni Clyde sa amin. And he clearly got my hunch right.

"Tama si Clyde. Sila rin ang pumapasok sa isip ko. Sila lang ang may hawak ng spare key rito at wala nang iba." Pagtugon ko sa sinabi ni Clyde.

"Pero paanong magiging sila? Hindi naman sila rito natutulog. There's no female dormers here. Umuuwi sila pagkatapos ng shift nila. And it happened at exactly three o'clock in the morning, dumadating lang ang unang babaeng receptionist every six o'clock," tumingin si Martin sa orasan na nasa sala; nakasabit ito sa pader. "Sa mga oras na 'to, nandito na si Kyle."

"Yes, hindi nga sila rito natutulog. But they have the keys right? Kaya nilang pumuslit sa loob nang walang kamalay-malay ang mga dormers na nandito sila. Kahit sino sa kanila, puwedeng pumasok sa loob ng unit natin sa gano'ng oras. Lalo na kung gusto nila." Pagdadagdag pa ni Clyde sa mga sinasabi niyang posibilidad.

"Isa lang ang koleksiyon ng mga spare key rito. Pero may kaniya-kaniyang master key ang mga receptionist. Dalawa lang ang babaeng receptionist dito. Sa umaga hanggang tanghali, si Kyle Urbano ang receptionist. Pero kapag natapos na siya, si Kesha naman ang papalit sa kaniya hanggang eight ng gabi. Kaya kung iisipin, may punto si bansot," seryosong nagsalita si Kurt.

"Namumuro ka na sa pagtawag sa akin niyan a? Gusto mong mabansagan din kita?" Clyde retorted.

"Tahimik. Anyway, mataas ang kutob ko na si Kesha lang ang posibleng gagawa nito kung silang mga receptionist din lang ang suspek natin," sabi ni Kurt.

"Ano namang magiging dahilan nila?" pag-uusisa ko.

"Well," napakamot ng ulo si Kurt. "Galit si Kesha sa amin. Mahabang kuwento, pero kapag nalaman mo ang dahilan, maiintindihan mo rin ako."

"B–bakit nga ba siya galit? Makikinig ako." Tanong ko ulit.

But as I tried to push my luck, I noticed every one of them, looking so stirred and worried. Si Reinald napailing na lang at saka niya binuksan ang libro sa harapan niya at naglipat-lipat na lang ng mga pahina nito. Si Martin naman napakrus na lang ang mga braso, samantalang si Clyde ay napasandal na lang sa upuan habang nakatingala sa kisame.

What's happening? Bakit parang iniiwasan nila ang sagot sa tanong ko?

"Gusto ko sanang ikuwento kaso may pasok pa kayo. Puwede kong ikuwento sa susunod, basta sigurado ako na kung sila ang suspek, siya lang may motibo." Dagdag ni Kurt habang nakatutok na ang kaniyang mga mata sa telebisyon.

"Subukan mo kayang kausapin Kurt?" tanong ko sa kaniya.

Umiling si Kurt. "Hindi puwede. Ayoko."

I looked at Martin. Trying to ask the same question. But he shrugged it off and he went back to the kitchen, leaving me alone in deep thoughts.

There's something wrong in here. May itinatago sila sa akin. At kung ano man ang bagay na iyon, pakiramdam ko ay sobrang laki nito. What's their connection with that receptionist?

"Kung ayaw ninyo, ako na lang ang kakausap sa kaniya," sabi ko sa kanila.

"Puwede. Ikaw na lang ang kumausap sa kaniya." Walang buhay na sambit ni Reinald.

"Kesha ang pangalan niya 'di ba? Tuwing hapon hanggang gabi ang shift?" Paninigurado ko.

Tumango si Reinald. "Yes."

"Ako na ang bahala," sambit ko.

"Kent, anuman ang sabihin niya tungkol sa amin... 'wag kang maniwala sa mga sasabihin niya. Trust us. We don't deserve to be blamed." Kurt said with complete seriousness.

I didn't say anything about it. Simpleng tango na lang ang naisagot ko. From what he said, it looked like they were in trouble with that girl. But I don't know about what kind of trouble they had with her.

"Best of luck Kent," I heard Martin's voice, cold and unemotional. "Just good luck."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top