1
The series of unfortunate events started when I recently transferred to a new college university at the city, miles away from the little town that my family was living in.
Nagkataon nga lang na malayo yung campus sa bayan namin kaya napagdesisyunan namin ni mama na mag-dorm na lang ako rito sa syudad kung saan matatagpuan ang main campus ng unibersidad na papasukan ko.
Sinubukan ko ang paghahanap ng mga dormitoryo na malapit sa main campus at doon ko nalaman na karamihan sa kanila ay hindi papasa sa standards ko.
My mom has taught me to have a very observant eye hence why most of the dormitories that I have visited earlier didn't pass my initial judgement.
Hindi naman mataas ang mga expectation ko pero sadyang hindi lang talaga umayon sa gusto ko ang mga bagay na meron ang mga naunang dormitories na napuntahan ko.
Sa lahat kasi ng iniaalok nilang serbisyo sa akin, laging parang may kulang. At yung pagkukulang na iyon ang hinahanap ko para makapili ng dormitoryong lilipatan.
Hanggang sa mapuntahan ko ang isang katangi-tanging dormitoryo na matatagpuan hindi kalayuan sa main campus.
Maraming nagsasabi na ang mga dormitoryo na malapit sa mismong school, ay ang klase ng mga dormitoryong punong-puno, masikip, at higit sa lahat ay magulo. Kaya inihanda ko na ang sarili ko sa aking makikita sa loob ng malaking gusali nito.
Sa pagpasok ko sa loob ay may naabutan akong magandang babaeng nakatayo sa isang maliit na 'reception area'. She looks beautiful to me, because every girl deserves a certain beauty in my eyes.
Nakangiti siya habang abala ang kaniyang mga daliri sa pagtitipa sa kulay itim na laptop na nakapatong sa mesa sa kaniyang harapan. She's quite focused on what she's doing that she hadn't noticed me entering.
Napalingon lang siya sa akin nang malapitan ko siya. She greeted me with a smile and I saw how she looked at close range.
"Good morning sir," pagbati niya.
Maiksi at kulay itim ang kaniyang buhok. May suot-suot din siyang isang pares ng puting hikaw. At ang kaniya namang mukha ay medyo bilugan ang hugis na bumagay naman sa ngiting ipinapakita ng kaniyang mapupulang labi. She's also wearing a wire-rimmed glasses, typical genius look for me.
Ibinaba ko muna ang ilan sa mga bag na dala ko sa sahig bago ko siya kinausap.
"Hi miss, puwede bang mag-inquire dito? Kailangan ko kasi ng unit na matutuluyan," sabi ko.
Nilibot ko ng tingin ang kabuuan nitong main lobby nila. Kumpara sa mga naunang dormitoryo na napuntahan ko, kakatwang ang dormitoryo na ito lang ang may reception area. Kalimitan kasi ay may sariling unit ang landlord nila hindi tulad dito.
Para tuloy akong nasa isang maliit na hotel dahil sa disenyo ng paligid. Mukhang mamahalin, pero sana ay abot-kaya naman ng budget ko.
"Sure po, wait lang po, Sir, at titignan ko kung saang unit ka puwede." Tumigil siya sa pagtitipa sa kaniyang laptop.
May kinuha siyang makapal na logbook mula sa drawer sa ilalim ng mesa at saka niya ito inilapag at binuklat sa harapan ko. "Puwede mong i-check ang unit 12 pati na rin ang unit 16 sa second floor." Tumingin siya sa akin habang may ngiti sa kaniyang labi.
"Salamat. Sige, pupuntahan ko. Ngapala, puwede ko bang iwan muna rito ang mga gamit ko? Pakibantayan lang, kanina pa kasi ako nabibigatan sa mga dala ko," tanong ko, hindi ko rin maiwasang hindi mapangiti. "Nakakangalay na kasi."
Tumango siya, may kakaibang ngiti rin siya sa kaniyang labi. Somewhere between genuine and mischief. At kahit anuman sa dalawa, walang-dudang bagay naman sa kaniya.
Kinuha ko ang mga bag ko at iniabot ito sa kaniya at saka niya ito itinago sa cabinet na nasa tabi niya. Dahan-dahan niya iyong ginawa, siguro ay iniisip niya na baka may mga gamit ako sa loob ng bag ko na puwedeng mabasag.
Natuwa naman ako dahil maingat ang staff nila rito sa gamit. Weird, wala namang ganito sa ibang dormitoryo na napuntahan ko? Parang gusto ko tuloy i-double check kung dormitoryo nga ba talaga 'tong napasukan ko. Baka kasi dahil sa pagiging desperado kong makahanap ng dormitoryo e pati hotel ay napasok ko na.
"Sige, ako na muna ang bahala rito," ngumiti siya. "Take your time po."
Nagpatuloy ako sa paglalakad papasok sa loob ng dormitoryo nila nang mapanatag ako sa kalagayan ng mga gamit ko.
Malaki at malawak ang gusali na ito, nasa dalawampu't-apat na units ang mayroon ang dormitoryo na 'to base sa nakita kong mini map na nakapaskil sa pader na nadaanan ko kanina sa main lobby.
Habang naglalakad ako sa hallway, may naririnig akong mga tawanan sa mga unit na nadadaanan ko sa first floor.
May tumatalbog na bola, may mga nagsisigawan para i-cheer ang team na pinapaboran nila sa mga sport show sa telebisyon na kanilang pinapanuod, at may ewan ko ba kung anong meron at may umuungol na parang aso sa loob (kung meron man, bawal kasing mag-alaga ng hayop dito, sabi naman sa nakapaskil na note sa labas). Kaya kung may aso man o iba pang klase ng hayop ang naipuslit dito, siguradong matinik ang taong 'yon.
Sa hallway pa lang ay kita ko na kung gaano kalinis ang dormitoryo na ito, yung sahig kasi, alam mong maintained na nasa magandang kalagayan. Puwede kang magpadulas habang suot-suot ang iyong medyas pero asahan mong hindi 'yon madudumihan. Seryoso, walang halong biro.
Nang makarating ako sa hagdan papunta sa second floor, napansin ko rin na may mga safety precaution signs din sila na nakapaskil sa pader.
May nakahanda ring fire extinguisher na nakalagay pa sa isang babasaging case sa tabi ng hagdan habang may mga note naman na mag-ingat sa tuwing gumagamit ng hagdan lalo na kapag katatapos lang maglinis ng janitor nila rito.
Sa second floor matatagpuan ang unit 12 at ang unit 16. Bale walong unit bawat palapag.
Yung unit 1 to 8 ay nasa first floor, habang sa second floor naman ang unit 9 hanggang 16 at ang nasa third floor naman ay ang mga natitirang unit mula 17 hanggang 24. By the looks of it, this is totally way above the level of other dormitories nearby.
Pag-akyat ko sa itaas, ilang hakbang lang mula sa hagdanan ay nasa unit 12 na ako, kinatok ko ang pintuan nito nang tatlong beses.
Pinagbuksan nila ako ng pinto pero hindi ako natuwa sa bumati sa akin. Kung anong iniayos ng labas ay siya namang ikinasama nitong loob ng unit na 'to.
Puro mga mukhang hindi mapagkakatiwalaang mga lalaki ang nandito. Isa sa kanila ay may kulay asul na buhok na mukhang isang ubo na lang dahil sa kapayatan nito, may bigotilyo naman na kailangan nang mag-shave sa kapal ng facial hair nito, may kalbo rin na maraming tattoo sa kaniyang katawan na kitang-kita ko dahil wala siyang suot na pang-itaas (konti na lang magmumukha naman 'tong selda), pero kahit papaano ay may mukhang disente naman sa kanila ang itsura, iyon nga lang ay nakahilata siya sa sahig na parang puyat na puyat sa pagkakatulog-mantika, may nakita pa nga akong tattoo sa kaniyang kanang balikat na ang nakasulat ay 'Azi D.' In cursive letters.
"Bakit?" tanong sa akin ng pinakamalaki sa kanila, walang-iba kundi yung bigotilyo. Sa tangkad niya ay nakatingala pa ako para matingnan siya sa kaniyang mga mata. Bakit kasi sa lahat ng magbubukas ng pinto, siya pa?
Huminga ako nang malalim at pilit na ngumiti.
"Ah, wala po, hinahanap ko lang kasi kung nasaan yung unit 16." Palusot ko na lang kahit obvious na obvious na ilang hakbang na lang ay malapit na rin ako sa unit 16.
"Wala ka bang utak? Ang aga-aga nangyayamot ka? Ayun yung unit 16 o," itinuro niya ang pintuan ng unit 16 malapit sa amin, "bulag ka yata at dito ka sa unit 12 nagpunta?" halatang naaasar yung lalaki sa akin pero ayokong magkaroon ng tensiyon kaya pinipilit kong maging kalmado lang.
Ayokong mapaaway at hindi ko alam kung kaya ba ng katawan ko ang lumaban, lalo na at mas malaking bulas 'tong nasa harapan ko. Luging-lugi naman ako no. But then, I was just playing safe considering of what my body is capable of doing once I encountered a fight-or-flight situation.
"P-Pasensiya na. Medyo malabo kasi ang mga mata ko, nakalimutan kong suotin yung contact lens ko. Sige," dagdag ko pa at saka ako tuluyang naglakad palayo sa unit 12.
Hindi ako gumagamit ng contact lens.
Narinig ko pa siyang bumubulong-bulong nang maka-ilang hakbang ako palayo pero 'di ko na siya nilingon. Wala akong oras na sasayangin sa kaniya. Pero aminado ako na habang naglalakad ako palayo sa kaniya, ramdam ko na nakatitig pa rin siya sa akin.
The look he gave me was full of annoyance. Ba't kaya gano'n ang bungad no'n sa akin. What did happen to him for him to act hostile to me? Whatever it is, first impressions lasts.
Dumating na ako sa tapat ng pintuan ng unit 16. Kumatok ako sa pinto pero walang taong nagbubukas. Sinubukan kong pihitin yung doorknob pero naka-lock ito mula sa loob. Mukhang wala ngang tao rito. Sayang naman, mukhang hindi pa rin ito ang tamang dormitoryo para sa akin—
"Magnanakaw ka 'no?" nagulat ako nang biglang may magsalita sa likuran ko.
Isang matangkad na lalaki na may matikas na pangangatawan, well-built na mga bicep at may mestizong itsura, ang siyang nakatayo sa harapan ko. Pinagpapawisan pa siya dahil mukhang kagagaling lang niya sa paglalaro ng basketball dahil may hawak pa siyang bola nito sa kaliwang kamay.
"Hindi ako magnanakaw—" Hindi niya ako pinakinggan bagkus ay binuksan niya ang pinto gamit ang susi na inilabas niya mula sa bulsa ng short niya.
Nang mabuksan niya ang pinto ay bigla niya akong hinawakan sa balikat at saka itinulak papasok sa loob ng unit 16. Doon ay sinabihan niya akong umupo sa isang couch, I did what he wants me to do, saka naman siya umupo sa tapat ko bago niya inihagis ang bola ng basketball na hawak niya papunta sa direksiyon ng isang basket sa sulok nitong salas. Pasok ang bola't ni hindi man lang ito dumaplis, magaling siyang tumira.
Mula sa loob, mas lalo kong nakita ang kabuuan ng unit 16 at kung ikukumpara ko ang unit 12 sa unit na ito, mas gugustuhin kong dito na lang tumira. Malinis dito at mukhang hindi naman mga bad influence ang mga nakatira rito. Medyo intimidating nga lang talaga ang lalaking nasa harapan ko ngayon, considering that he just accused me of being a thief.
"Sabihin mo na kasi, ikaw yung laging pumapasok dito kapag wala kami 'no? Ano bang balak mong mangyari? Maubusan kami ng mga brief?" nanlaki ang mga mata ko sa narinig. Napaawang pa ang bibig ko sa gulat. Anong sinasabi niya?
Briefs? Ano namang gagawin ko sa brief nila?
"A-Ano kamo?" tanong ko na may halong pagtataka tungkol sa mga sinabi niya.
Ngumiti lang siya at pinunasan niya ang mukha niya gamit ang isang face towel. Dahil pawis na pawis siya ay nakuha na niyang hubarin ang pang-itaas niya at nagpunas na rin ng kaniyang katawan. Bigla tuloy kumalat ang amoy ng pawis sa loob ng unit dahil sa kaniya. Mukhang gumamit siya ng deodorant dahil naaamoy ko ang samyo ng produktong ginamit niya.
Sa tingin ko ay madalas na nagpupunta sa gym ang lalaking 'to dahil sa lagay ng kaniyang pangangatawan. He's totally the stereotype of a jock, the athletic dude you always see in the movies.
"Nagmamaang-maangan ka pa. Lagi na lang kami nawawalan at nauubusan ng maisusuot na brief, alam mo ba 'yon?" aniya.
"Hindi ako magnanakaw ng brief. Nagpunta ako rito dahil kailangan ko ng unit na puwedeng tirhan, sabi naman ng receptionist ninyo sa ibaba ay available raw dito." Pagpapaliwanag ko, tumango-tango naman siya at napatango na lang din ako. Malinaw ko namang nasabi ang intensiyon ko.
"Gano'n ba? Pasensiya na. Akala ko talaga ikaw na yung magnanakaw," napakamot siya ng ulo. "Anyway, ang pangalan ko ay Kurt Randel. Varsity player ako ng Huge Leap Basketball Club sa Runic Arcana University." Pagpapakilala ni Kurt. Inilahad niya ang kamay niya para makipagkamay sa akin na siya ko namang malugod na tinanggap.
Nakamamangha namang malaman na isa palang Varsity player ang isa sa mga magiging dorm mates ko. Pero hindi ko naman tinatanong kung ano siya sa school nila? Medyo mayabang pala ang isang ito, pero wala naman sigurong mali na ipagmalaki niya ang mga narating niya. Pride.
"Ang pangalan ko ay Kent Harada. Photography ang hobby ko." Pagpapakilala ko naman.
Nakahinga ako nang maluwag, wala na ang awkwardness ng nangyari kanina.
"Pasensiya na sa ginawa ko. Akala ko kasi talaga ikaw na yung magnanakaw." Bulong ni Kurt. Halatang dismayado siya sa nangyari, mukhang inakala niya talaga na ako yung magnanakaw ng mga brief nila. "Naging desperado na kami na mahuli ang taong 'yon. Hindi nga lang namin siya matiyempuhan."
"Ano bang meron sa magnanakaw na 'yon?" tanong ko dahil mukhang interesante ang bagay na 'to.
A thief stealing their underwears? Quite an odd case. Kung sinuman iyon, he's probably having a fetish with briefs or just a complete voyeur.
"Ganito kasi 'yon—" naputol sa pagsasalita si Kurt nang biglaang bumukas ang pinto at may pumasok na tatlong lalaki sa loob.
Dahil sa biglang pagpasok nila ay nagulat tuloy kaming dalawa ni Kurt.
"O, nahuli mo na siya?!" tanong ng maputing lalaki na may salamin sa mata; na siya ring pinakamaliit sa aming lahat, kay Kurt.
Lumapit sila at pinalibutan nila ako. Umupo yung dalawa sa kaliwa't kanan ko samantalang sa likod naman nakatayo yung isa na parang binabantayan ang bawat kilos ko.
"Negative. I think we have a new dorm mate. Kent, meet Reinald, Clyde, and Martin." sabi ni Kurt bago niya itinuro sa akin kung sino ang mga kasama niya rito sa unit 16.
Tumingin ako sa kanila pero wala silang ipinakitang emosyon. Medyo awkward...
"K-Kamusta?" iyon na lang ang nasabi ko habang nakatingin sa kanilang mga mata.
Pero ang hindi ko alam, sila na pala ang mga taong magdadala sa akin sa isang misteryong nangangailangan ng kasagutan. Isang misteryo na dito sa dormitoryong ito naganap, ilang buwan lamang ang nakararaan...
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top