CHAPTER 22 - SURRENDER
CHAPTER 22 - SURRENDER
TULALA akong pumasok sa loob ng music room. Wala pa rin akong sapin sa paa. Ramdam ko ang lamig ng semento sa bawat pag-apak ko. Ang suot kong ballgown ay puno na rin ng dugo. Napakagulo ng buhok ko.
Wala pa ring tigil ang pag-iyak ko habang iginagala ang paningin sa malawak na kwarto.
Bumabaha ang mga ala-ala.
"The walls of Dolorous won't let you feel lonely only if you have your own circle of friends. Why not make friends with the others? At least, hindi ka loner plus mababawi mo pa ang bad image mo."
"You can't please anyone here. They will just treat you as a juvenile. A criminal."
"You can't think clearly. You're feeling disoriented and having a hard time focusing or making decisions. Is that what you're feeling right now?"
"Ikaw ba, would you trust me to save you?"
"I'm a demon. Please stay away from me."
"Charles Darwin said, we stopped looking for the monsters under our bed when we realized they're inside us."
"Do me a favor."
"End my sufferings."
Dahan-dahan akong umupo sa harap ng malaking piano at napahikbi. Nanginginig man ang mga daliri, pinilit kong tumugtog upang basagin ang katahimikan ng gabi.
We let the waters rise
We drifted to survive
I needed you to stay
But I let you drift away
My love where are you?
My love where are you?
Parang paulit-ulit na tinutusok ang puso ko. Gusto kong isigaw ang sakit na nararamdaman.
Whenever you're ready, whenever you're ready
Whenever you're ready, whenever you're ready
Can we, can we surrender?
Can we surrender?
I surrender
No one will win this time
I just want you back
I'm running to your side
Flying my white flag, my white flag
Napatigil ako sa pagtugtog at napapikit. Sana sa pagmulat ko, bumalik na sa normal ang lahat. Sana hindi nauwi sa ganito. Sana walang dumanak na dugo. Wala sanang nasayang na buhay.
My love where are you?
My love where are you?
Whenever you're ready, whenever you're ready
Whenever you're ready, whenever you're ready
Can we, can we surrender?
Can we surrender?
I surrender
"Please don't cry over a dead murderer. You will live. Please never surrender yourself to the authority after this. Make the most of your life and change. You deserve a second chance."
Tuluyan ko nang itinigil ang pagtugtog sa piano at napatitig sa kawalan. Kahit anong gawin ko ay bumabalik lahat ng mga sinabi niya sa akin. Napakalakas ng epekto. Hindi ko na alam ang gagawin ko.
Hinugot ko ang cellphone ko at nanginginig na nag-dial ng number. Ilang minuto lamang at may sumagot mula sa kabilang linya.
"Hello? Ezelle? Hello?" Nakahinga ako nang maluwag nang marinig ang boses ni Janet. Napakagat-labi ako. Nagdadalawang-isip kung sasagot o hindi. Napalunok-laway muna ako bago magsalita.
"J-Janet, yeah it's me, Ezelle. Can you do me one last favor?" Bakas sa boses ko ang pamamalat nito.
"What is it?"
"Please tell Lolo I'm going to the police. I'll surrender myself."
"Wait, what?!"
Hindi na ako sumagot at tuluyang pinatay ang tawag. Naglandas ang luha ko at ngumiti na parang wala sa sarili habang nakatitig sa piano na nasa harap ko lamang.
"NASAAN ang iyong mga kasamahan?"
Hindi ako sumagot. Nakatitig lamang ako sa bumbilyang kumikisap-kisap na sa bandang ulunan ko. Tila hinihipnotismo ako nito.
"Hija, tinatanong kita! Saan ka galing?"
Hindi pa rin ako umimik. Napabuntong-hininga ang pulis at napahawak sa bewang. Nauubusan na ito ng pasensya sa ginagawa ko pero wala akong pakialam.
Mayamaya pa'y hinugot nito ang cellphone at nagdial ng number. Saglit lamang akong sumulyap sa kanya at binalik ang atensyon ko sa bumbilyang malapit na atang mapundi.
"Sir, narito ako ngayon sa loob ng interrogation room. May babaeng sumugod rito sa station kanina. Humihingi ng tulong. Hindi ko alam. Hindi pa rin siya nagsasalita. Hindi umaamin, e." Nakapamewang na palakad-lakad ang pulis habang may kausap sa kanyang cellphone.
"Sige, sir. Copy." Ibinaba niya ang cellphone at humarap sa akin. Hinampas niya nang malakas ang mesa dahilan para mapaigtad ako. Tinitigan ko lamang siya.
"Hija, paano kita matutulungan kung hindi ka nagsasalita? Sino ka ba? Anong pangalan mo? Saan ka galing?"
Napaiwas ako ng tingin. Sa bandang sulok ng kwarto kung saan madilim itinutok ko ang mga titig.
"Ikaw itong humahangos kanina at humihingi ng tulong. Tingnan mo ang sarili mo. Duguan ka pa at sugatan. Sangkot ka ba sa isang aksidente? Sabihin mo ang buong pangyayari!"
"Ang buong pangyayari," sarkastiko kong sambit dahilan para masapo niyang mukha.
"Hindi ko alam kung pinagti-tripan mo lang ako bata o sadyang baliw ka lang," naiiling niyang wika.
"Sabihin mo!"
"Sabihin mo!"
"Sabihin mo!"
Napangiwi ako. Sumasakit ang ulo ko. Nakakarinig ako ng mga sigaw at pagmamakaawa. Sandali lamang ay napatitig ako nang matalim sa pulis na kaharap ko.
Nabigla siya sa akin at napaatras.
"Hija, ang kailangan mo lang naman ay ikwento ang nangyari," mahinahon niyang sambit.
Umawang ang bibig ko. Naghahanap ng mga salita. Nasa dulo na ng dila ko.
Napaiyak ako.
"Hija?"
Mayamaya ay kusa na lamang akong napatawa. Umiiyak. Tumatawa habang inaalala ang mga nangyari.
"Ang pangalan ko ay Ezelle. Ezelle Lamontez." Napatitig muli ako sa pulis. Nakakunot na ang noo niya.
"Naaksidente ka ba? Nasaan ang iba mong mga kasama?" usisa pa niya kaya napangisi ako.
Kasabay ng pagkisap-kisap ng bumbilya sa unahan ko ay ang muli kong pagsagot sa tanong niya.
"Labing-dalawa kami. Ako na lang ang natira. Pinatay ko silang lahat."
Namatay ang ilaw.
"EXCUSE me! Let me pass!"
Bukod sa mga nagsasalitang pulis at mga reporter ay nakaagaw atensyon sa akin ang humahangos na babae papalapit sa pwesto ko. Habang nakaposas ang dalawang kamay sa likod, mahigpit rin ang hawak ng dalawang pulis sa akin.
Iniisip siguro nila na tatakas pa ako sa lagay na ito.
"Ezelle? Oh my God!" Natutop ni Janet ang bibig at napaiyak nang makita niya ako sa ganitong kalagayan. Ramdam kong naaawa siya sa akin.
Gusto kong umiyak lalo na nang yakapin niya ako nang sobrang higpit at hinaplos ang pisngi kong may tuyot na dugo. Pero ngumisi lamang ako kahit may luha nang namumuo sa aking mga mata. Pinilit kong tatagan ang loob ko. Ayokong ipakita na mahina ako. Hindi na ako bata para iyakan ang pagkakamaling ginusto ko namang gawin.
"Ezelle, please tell me you didn't do this. Please." Nanginginig niyang hinawakan ang nalalamig kong kamay. Pero iwinakli ko ito.
"I did this. I killed them," pag-amin ko. Wala akong naramdamang pagsisisi kahit lumuluha.
"I killed them the way I killed my parents."
Napaiyak siya nang tumawa ako na parang baliw habang umiiyak.
"Your lolo will arrive soon. Please stay still. I'll call him again," aligaga niyang dinukot ang cellphone pero pinigilan ko siya.
"Don't bother. I can handle this." Ngumiti lamang ako at tumango para sabihing ayos lang ang lahat.
"Ezelle!"
"Natagpuan ang mga bangkay sa loob ng Dolorous Academy. One of the victims was Caelum Truxillo Carter. He has gun shots and multiple stabs in his stomach. Some were unidentified dead bodies but we'll do our best to distinguish them as soon as possible."
Muli kong narinig ang sigaw ni Janet pero hinatak na siya palabas ng presinto. Ngumiti ako nang tipid.
"This is for what I did to Mama and Papa."
I won't defend myself anymore. I am now ready for my punishment.
***
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top