Chapter 60 - E N D
NOTE: This is the last chapter. So it means, last na. Wala ng kasunod. No epilogue.
---
Mandy POV
"Mahal na mahal na mahal kita Mandy.."
Napangiti ako. Ang sweet sweet ng James ko. Kanina pa 'yan. After we..
>.<
Di pa rin ako maka-move-on na may nangyari na sa'men! Medyo nahihiya ako kay James. Kasi naman eh.
"Baby.." Yumakap sa'ken si James. He's topless. OMG! And he's only wearing his boxer. Ang hot lang! Waaaa.
"Hm. Mahal na mahal din kita James." Sagot ko.
Nakahiga kami dito sa kama. And pakiramdam ko pagod na pagod 'yung katawan ko dahil dun sa ginawa namin. First time eh. Tapos medyo masakit pa yung alam nyo na.
"Anong gusto mong dinner?" Tanong niya.
Gabi na din pala. Parang kanina, hapon palang. Akala mo ang tagal naming nag-ano eh.
"Anything?"
"May pagkain bang anything?"
=_=
"I mean, kahit ano. It's up to you." Sabi ko.
Para ngang wala akong energy kumain. Nanghihina nako na gusto ko, nakahiga lang ako.
"Mandy.."
"James?"
"Are you okay?"
Nag-pout ako. Napansin na ba niya na medyo nanghihina ako? Hindi na ba ako mukhang fresh? Waaaa!
"Medyo..."
"Tired?" Tanong niya.
Tumango ako. "Yeah. A bit tired."
"Sayang. Isa pa sana eh. Kaso parang 'di mo na kaya."
O_____O
Waaa! He wants more? Eeeehhh. Ano ba. Gusto ko ba? Ano eh, pagod na ako pero parang gusto ko pa naman.
O_O
Whuuuttt? No. Wala akong sinabi.
"A-ah, ano.."
"O-order na ako ng foods. Pahinga kalang Mandy, okay?"
=_=
Wala na. Wala ng second round. Sayang naman. Yaaa! Ano bang sinasabi ko. Nagiging green na utak ko. Kasi bakit ganito ang feeling. Parang biglang hinahanap hanap ko agad 'yung haplos niya. Yung ano..
>.<
Ah ewan! Magpigil ka Mandy! Jusko.
Tumayo na si James para yata tumawag sa phone. Kaso na-distract ako..
Ula-lammm! Mula muscles hanggang ABS hanggang...
O____O
Waaa! Naka-umbok. Okay. Green-minded na naman ako! Pinagnanasaan ko si James. Shems. Ano bang nangyayari saken? Ang halay ko!
"Hahahaah! You're blushing. Why Mandy ko?"
O_O
Napansin nya? Napansin ba niyang nakatingin ako sa...sa...mountain sa may boxers niya?
"Don't look at my..."
O______O
"No! Hindi ako tumitingin sa bundok tralala! Promise, hindi!"
(_ _ )"
He grins at me. "Hahahaha! Bundok tralala? Ano yun? Sabi ko don't look at my ABS. Ano bang sinasabi mo?"
>.<
Napaghahalataan ako. Shocks! Nakakahiya. Saan ko ba nakuha ang tralala na yon?
"A-ah, he-he. Wala 'yun. Sige na, order ka na James.."
Ano ba 'yan! Nakakahiya talaga ako. Para akong timang talaga kapag si James kasama ko eh. Sarap i-untog ang ulo ko. Pulang-pula na for sure ang mukha ko.
"Okay. But later, kindly explain to me what tralala means." He smirks then make a call.
Waaaaa! Tralala..ano kasi..KYAAA! Bakit ba 'yun ang naisip ko. Ang dami daming term, yun pa. Juice colored.
"Okay na. Naka-order na ako." Umupo na ulit si James dito sa tabi ko sa kama. Nakatakip pa kasi ng kumot ang katawan ko anf I'm half naked.
Natatamad pa akong magbihis eh. Masarap naman sa feeling. Fresh! Hahaha.
"You're smiling. Anong iniisip mo?"
Huh? Napatingin ako kay James na humiga na pala sa tabi ko saka tumagilid paharap sa'ken. Parang hinihintay niya 'yung sasabihin ko.
"A-ah, ikaw." Nasagot ko nalang. Alangan namang sabihin ko na masaya ako dahil hubad ako? For Pete's sake.
"Sus. Ang Mandy ko talaga.."
O_____O
Palapit ng palapit ang mukha niya. Ki-kiss na naman niya ako tapos hindi na namin mapipigilan ang sarili namin at mag-a-ano ulit kami...
=_=
He just kissed me on my cheeks! What the hell. Nag-imagine na ako eh. Assumera to the 10th power.
"Mandy.."
"Yes James. What do you want?" Tanong ko. Kapag ganyan ang pagbanggit niya ng pangalan ko, parang may gustong hilingin eh.
"You are exactly what I want."
O____O
Anong ibig sabihin nyang AKO? Gusto niya bang mag....
"Loving you is a battle I won't surrender."
>.<
Magli-litanya pala siya ng sweet words tapos napaka-berde ng utak ko. Makarinig lang ng WANT. Haynako!
"James.." Nakakatouch naman talaga ang sinasabi ng James ko.
"I can still remember the first time we kissed." Sabi nya saka ako kinintalan ng halik sa labi ko.
Nakatitig lang ako sa kanya. Naghihintay ng susunod pa nyang sasabihin.
"I feel alone whenever I'm not with you.." Patuloy niya saka ako hinapit at niyakap.
"You make me smile for no reason. You make me laugh at unfunny things, but most of all, you make me love you when I shoudn't be loving you.." Kasunod niyon ang paghigpit ng yakap niya saken.
T_T
Bakit ang sweet sweet ni James? Kung tutuusin, hindi talaga namin in-expect na mamahalin namin ang isa't isa. Nagsimula sa asaran, awayan, siraan ng araw..
Enemy become lovers ang peg. I'm longing for someone's love pero ang hindi ko alam, andito lang pala sa tabi tabi ang lalaking magpaparamdam sa'ken ng tunay na pagmamahal.
At thankful ako. Sobrang thankful dahil masayang masaya ako ngayon with James.
--
I don't talk to strangers..
Naalimpungatan ako ng may marinig ako. Sa isip ko. That was James's voice. Pero kanino niya sinabi yun?
Aarrgh. Napahawak ako sa ulo ko. Ang sakit sakit..
Bumangon ako. Naupo lang muna. Natutulog na si James. Pagkatapos naming kumain kanina, naglambingan lang, nagtawanan, walang katapusang kiss at hug pagkatapos ay natulog na din.
Ang sakit talaga ng ulo ko. Ano bang nangyayari saken?
Old friend..
Napahawak ako sa ulo ko. Boses ni James 'yun. Bakit parang nakikita ko sa isip ko na umiiyak ako tapos si James, walang emosyon habang sinasabi ang katagang yun.
Past is past..
Shit. Ang sakit sakit talaga ng ulo ko. Halos manikip ang dibdib ko sa sunod na nag-flash sa isip ko.
Si James, kasama si Ynna na maganda ang ngiti sa harap ko--na mukhang kawawa.
Ano yon? Hindi ko maintindihan. Kusang tumulo ang luha ko. Hindi ko kaya yung nakikita ko sa isip ko. Is that real?
Shit! The scene..yung parang nire-rape ako ni James. I'm crying there. James is mad..
Hindi ko na kaya. Ang sakit sakit ng ulo ko. Ayoko ng mag-isip! Bakit may mga ganong nagpa-flash sa isip ko?
Pinilit kong tumayo. I need air. Naninikip na ang dibdib ko. Hindi ko na inabala pang gisingin si James. Dahil gusto kong malaman ang totoo. Gusto kong maalala ang lahat. Ito na ba yung part na hindi ko maalala? Bakit ganon..bakit ganon!
T_T
Nakalabas na ako ng suite. Mabilis akong bumaba ng elevator. Pumunta ako sa tabing dagat. Medyo nahimasmasan ako nang maramdaman ko ang ihip ng malamig na hangin.
"Aaah!" Napahawak ulit ako sa ulo ko nang may mag-flashback na naman scene sa isip ko.
Tinataboy ako ni James..
What the hell. Ano yun! Bakit pulos labag sa puso ko ang mga nagpa-flashback sa isip ko?
T___T
Napaiyak ako. Ano ba talagang nangyari sa'ken? Yung mga nagpa-flash sa isip ko, yun ba talaga ang mga pangyayaring 'di ko maalala?
Nasabunutan ko ang sarili ko.
Flashback..umiiyak ako sa kwarto ko. Bakit? Bakit ako umiiyak..
T_T
Hindi ko na alam ang iisipin ko. Naguguluhan na ako. Ibig sabihin, sinaktan ako ni James? Kaya ba parang ang apologetic ng mukha niya sa ospital? Kaya ba ang sweet sweet niya, dahil sinaktan nya ako? Bumabawi lang siya?
Nahihirapan na ako..
Ang sikip na ng dibdib ko. Anong mga pangyayari ang nabura sa isip ko? Ang hindi ko matandaan? Ano pa ang magpa-flash sa isip ko? Natatakot ako. Ano pa?! Ano pang pananakit ang ginawa ni James saken na kelangan kong maalala?
</3
Ang saya saya namin..
Yun pala, dahil sinaktan niya ako. Ginagawa niya ang mga bagay na'to para makabawi. Am I right?
T___T
Para akong nawawala sa sarili. Yung isip ko lumilipad. Natatakot na ako sa maaari ko pang maalala..
Wala sa sariling tinanggal ko ang suot kong tsinelas saka lumakad papunta sa dagat.
Malawak na dagat. Tahimik. Parang dagat nalang ang tanging makakaintindi saken..
Ano na bang nangyayari sa'ken? Parang humiwalay sa'ken ang kaluluwa ko. Parang wala akong sariling isip. Ang mga paa ko, kusang lumalakad papalapit sa dagat.
Hanggang maramdaman ko ang malamig na tubig ng dagat sa mga paa ko..sa binti ko..
Hanggang umabot na hanggang sa baywang ko. Paulit-ulit na nagpa-flash sa isip ko yung mga nag-flash kanina. Ang sakit sakit..
Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko sa isip ko. Sinaktan ako ni James..
Hindi ko na yata kayang magpatuloy pa kung mabubuhay ako sa isang kasinungalingan. Wala akong kaalam alam..
Sinaktan ako ni James..
Yun ang nawalang part sa memorya ko. Yun ang part na di ko matandaan? Sobrang sakit ba ng naidulot non saken para makalimutan ko yun? Para mas piliin nalang ng isip kong wag ipaalala sa'ken yun?
Hindi ko na alam..
Hindi ko na namalayan na nasa malalim na bahagi na ako ng tubig. May sariling isip ang katawan ko. Hindi ko na ma-kontrol.
Tuloy tuloy sa paglakad hanggang maramdaman ko na ang tubig ng dagat sa mukha ko...
James, mahal na mahal kita pero hindi ko na alam kung anong iisipin ko..
--
James POV
Nagising ako nang maramdaman kong naiihi ako. Napatingin ako sa side clock. It's four in the morning.
Napatingin ako sa katabi ko---ang babaeng mahal ko.
Pero wala siya. Nasaan kaya yun? Baka gumamit ng banyo? Tumayo ako. Binuksan ko muna ang ilaw saka ako nagpunta sa banyo.
"Mandy?" Tawag ko pero walang sumasagot.
Hanggang makapasok ako dito sa banyo, wala siya. "Mandy!" Sigaw ko.
Bigla akong kinabahan. Shit. Bakit bigla akong kinabahan? Patakbo akong lumabas ng banyo. Lalabas ako ng hotel. Nang makalabas ako ng banyo, patakbo akong lumabas.
"Excuse me, may napansin kabang lumabas sa room na'yon?" Tanong ko sa babaeng nakasalubong ko dito sa hallway.
"Wala eh." Sagot nya kaya tumakbo ulit ako palabas.
Hanggang tuluyan akong makalabas ng hotel.
Madilim pa sa labas. Nasaan siya? Hindi siya aalis ng hindi sinasabi saken! At bakit lalabas siya ng suite namin?!
Nasaan na ba siya?! Fvck.
Tumakbo ako palabas. "Mandy!" Sigaw ko hanggang makarating ko dito sa may tabing dagat. Palinga-linga ako.
"Mandy!"
Shit! Nasaan na ba siya? "Manddddyyyy!"
Fvck. Bakit ganito yung kaba sa dibdib ko?! Bakit? Tangna! Nasaan na ba siya!?
Naglalakad lakad pa ako habang lumilinga. "Mandy!"
Hanggang mapatigil ako..
No! Mali ang iniisip ko! Hindi. Hindi!
Napaluhod ako sa buhanginan dahil sa isang bagay.
Tsinelas..
Kay Mandy 'to! Kilala ko 'to! Kay Mandy 'to!
Tangna! Bakit nandito ito sa tabing dagat? Bakit? Hindi eh. Mali yung iniisip ko. Mali! Puta**ina! Mali!
"Mandy!" Sigaw ko. Hindi ko na namalayang tumulo ang luha ko.
Fvck! Fvck! Hindi..hindi..
Ayokong isipin ang possibility na nalunod siya? Pero ba't siya pupunta sa tabing dagat? Okay naman kami. Masaya kami bago natulog! Fvck!
NOO! No..
Mandy, 'wag kang magbiro ng ganito. Nasaan kaba? 'Lika na, lapit ka na saken. Tinataguan mo ba ako? Labas kana dyan sa tinataguan mo..
Mandy..
Patunayan mong mali ang iniisip ko. Mandy ko..hindi pwede..okay na tayo eh!
"Sir! May problema po ba?"
"Y-yung...fvck! Tumawag kayo ng rescue! Nawawala ang asawa ko! Baka nalunod siya! Kelangan syang mahanap!" Sigaw ko. Asawa ko na si Mandy. She's mine..papakasalan ko na siya.
Pero bakit may ganito pa? Bakit?
"Sir huminahon kayo. Gagawin namin ang lahat para makita ang katawan ng--"
"Fvck! Buhay pa siya! Makikita nyo siyang buhay!" Sigaw ko. Fvck. Ayoko! Ayokong isipin na...
SHIT! Putan**a!
Tumingin ako sa langit. "Ano ha? Ano bang problema mo saken? Dahil ba sa nagawa ko kay Mandy?! Dahil ba nasaktan ko sya kaya kinukuha mo?! Binuhay mo na sya tapos kukunin mo ulit! Naglolokohan ba tayo, ha?! Ha!"
Fvck.
T___T
Napahagulhol ako habang nakatungo sa buhanginan. Hindi ko alam ang gagawin ko.
Mandy...
Naramdaman ko nalang ang natatakbuhang rescue.
Naririnig ko na naghahanda sila ng speedboat. Hahanapin nila si Mandy sa dagat..
Hindi naman pwede yun eh! Tang*a naman! Bakit siya malulunod? Bakit siya pupuntang dagat? Kelan? Habang tulog ako? Bakit?
O baka may kumidnap lang sa kanya? May masamang taong kumuha sa kanya? FVCK!
"Sir gagawin namin ang lahat. Sasama ho ba kayo sa paghahanap?"
Umiling lang ako. Hindi ako sasama. Dito lang ako sa tabing dagat. Baka nandito lang si Mandy eh. Baka bigla siyang mapadaan. Kelangan ko siyang bantayan. Kelangan ko siyang abangan..
"Sige po sir. Babalitaan po namin kayo agad 'pag may nakita kami.."
Hindi ko na pinakinggan ang sunod na sasabihan nung rescue. Tulala ako. Nagsisimula ng lumiwanag.
Mandy..
Ano bang kalokohan ang ginagawa ng kapalaran? Tang*a nila! Ang saya saya na namin! Guguluhin pa! Hindi ba sila makuntento! Ha? Putan**nang tadhana yan!
T___T
Fvck. Hindi ko na alam saan pa nanggagaling ang luha ko..
Hindi ko kaya. Hindi ko alam ang gagawin ko. Babalik sa'ken si Mandy. Andyan lang siya eh, diba?
Napatingin ako sa pares ng tsinelas..
Nasaan na ba ang nagsuot sayo? Pwede bang magsalita ka dahil kailangan kong malaman? Fvck.
Nanginginig na tiningnan ko ang mga kamay ko.
Kanina lang hawak kita..tapos bigla kang nawala?
Nasaan ka na Mandy ko? Diba madami pa tayong gagawin? Wag ka naman excited. Nauna ka na yatang gawin ang mga plano natin. Basta mo nalang ako iiwan.
T__T
Fvcking tears. I can't stop it. Hindi ko na kaya. Halos kapusin na ako ng hinga sa pag-iyak. Tang*a nasaan na ba siya?
Mandy...
--
"James, anak alak na naman? Ang aga aga!"
Wala akong pakialam kung umaga, tanghali o gabi. Basta gusto ko ng alak.
Isang linggo na..
Isang linggo na ang lumipas mula ng matunghayan ko ang pinakamalagim na pangyayari.
Sa batangas, buong araw akong nasa tabing dagat pero walang Mandy. Walang anino niya. Wala..
Hanggang no'ng gabi, may natagpuang katawan ang mga rescue. Hindi ko na pinag-abalahang tingnan dahil hindi ko kaya.
Alam kong si Mandy 'yun. Dahil malapit lang sa pampang ang nakita nila.
Hindi ko kayang tingnan ang katawan niya. Hindi ko kayang tingnan si Mandy na walang buhay.
Nalaman ng lahat ang nangyari. Pumunta sa batangas sina Lance..sina Kyle..sina Chelsea..
Sila na ang namahala sa bangkay ni Mandy. Hindi na ako sumama. Hindi na ako nagpakita pa sa kanila. Mula ng araw na matagpuan nila ang bangkay na yun, lumayo ako.
Tangna lang kasi hindi ko kaya. Hindi ko kayang tanggapin na nangyari 'yun.
"Anak, tama na yan."
Nandito na ako ulit sa korea. Pinutol ko lahat ng connection ko. Ayokong makarinig ng kahit anong balita mula sa kanila.
Ang sakit sakit eh. Tangna! Swerte ko pa na nakasurvive ako ng one week.
Halos wala na akong buhay. Mas gusto ko pa ngang mawala nalang din sa mundo. Ang higpit ng kapalaran saken eh.
Ano? Dapat ba, sa ospital palang mamamatay na si Mandy? Binigyan lang ako ng extension para makasama siya? Tangna talaga!
Wala akong alam paano, o ano ang nangyari bakit siya nalunod. Bakit siya nasa dagat. Bakit siya..
T___T
"James, anak.."
"Ma please. Hayaan nyo na ako." Gusto ko lang mapag-isa.
"Anak, kailangan mong tanggapin. Hindi lahat ng love story, happy ending.."
"Pero 'ma! Bat kami pa? Bat samen pa ni Mandy nangyari yun? Bat kami pa ang hindi makakakuha ng happy ending? Pinaglalaruan talaga ako eh! Tangna eh!"
"Anak.."
Humagulhol na naman ako. Wala akong pakialam kung ka-baklaan 'to. Fvck. Masakit eh. Dito oh! Dito sa puta**ang puso ko!
"Unti-unti mo ring matatanggap, anak. Sa tingin mo ba matutuwa si Mandy na nagkakaganyan ka? Maging matapang ka, anak."
Napatigil ako sa pag-iyak. Si Mandy. Hindi siya matutuwa 'pag ganito ako..pero bakit niya ako iniwan? Bakit..
"Maiwan muna kita anak, pakatatag ka. Wag mong hayaang panghinaan ka ng loob. May bukas pa. Wag mong hayaang makulong ang sarili mo sa nangyari. Tapos na yun..mahal kita anak. At ayokong nakikita kang nagkakaganyan. Nasasaktan din ako."
Lumabas na si Mama sa kwarto ko. Napasandal ako sa pader. Sa sahig ako nakaupo.
Kelangan ko nabang ibaon ang lahat sa limot? Kakayanin ko bang mag-move-on?
Nandito kalang naman sa tabi ko, 'di ba Mandy? Mandy ko...
Napangiti ako. She's here. I know. I know she's here. Hindi niya ako iiwan eh. Tama! Andito lang siya.
Nasaan ka man, mahal na mahal kita, Mandy ko..
E N D
*
First of all. Gusto kong pasalamatan ang lahat ng matiyagang readers na binasa ito ng buo. Sobrang thank you din sa mga votes and comments na hindi ko na masagot.
After updating this, I'll be offline kasi alam ko dudumugin nyo ko dahil sa nangyaring ending. Magtanong man kayo, wala akong isasagot. END. So tapos na. Well, hindi lahat ng love story happy ending. Reality...yun lang.
I love you people! <3 #DBMEnd
-Pinkyjhewelii
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top