Chapter 43
Mandy POV
Tuloy ang buhay. Kailangan kong maging malakas para kay James. Habang wala siya, ipaghihiganti ko siya. At least may magawa man lang ako para sa kanya.
Hindi ako pwedeng basta nalang sumunod sa Korea. Malinaw saken ang banta ng Mama niya at alam kong hindi malabong gawin nung Mama niya yun.
I'm ready for school. Walang Ynna na mambabadtrip at sisira ng araw ko pero tuwing naiisip ko na kasama siya ni James sa Korea, gusto ko siyang buhusan ng muriatic acid.
Lumabas na ako ng mansyon. I'm about to get in my car when I notice someone outside the gate.
Kumunot ang noo ko. Is that XKing? What the hell. Lumapit ako sa may gate at lumabas sandali.
"XKing?"
He smiled a bit. "Let's go?"
"Saan?"
"Ihahatid kita sa school mo." Sabi ni XKing. So pinapanindigan niya talaga yung girlfriend slash boyfriend thingy? Seryoso ba talaga siya? Psh. Sad to say, I'm not serious about it.
Mas mabuti na siguro 'to. Para next time, hindi lang I like you, kundi I love you na ang sasabihin niya saken. And then right there, I'll let his world turned down.
"Fine." Sabi ko saka lumapit sa kotse niya. Sumakay na ako agad. Hindi ko na siya pinagsalita pa.
"Are you okay?" Tanong ni XKing nang makasakay siya sa driver's seat.
Tumango ako at nagpilit ng ngiti. "Yes I am. Why?"
Umiling siya. "Nothing." Pinaandar na nya ang kotse.
Tahimik lang kami sa byahe hanggang makarating kami sa SWU.
"I'll fetch you later."
Umaasta talaga siyang boyfriend? Seriously? Psh. "Bahala ka."
"Mandy."
O_O
Hinawakan nya ako sa braso. Pababa na sana ako eh. "W-why?"
"Call me if something bad happens."
Paranoid 'tong si XKing o sadyang OA lang siya sa pagiging caring sa'ken?
"Got it." Sagot ko saka bumaba na sa kotse niya.
Naglakad na ako papasok sa gate ng SWU nang makasabay ko si Angel.
"Hey. Long time no see. Any problem?" Tanong ko sa kanya habang patuloy kami sa paglalakad.
"Nagka-problema lang. I don't know. Baka mawala ako ng ilang buwan dito sa school."
Kumunot ang noo ko. Bakit parang hindi siya bitchy ngayon. "Why?"
"N-nothing. Don't mind me. I have to go."
Tumakbo na siya. Ano bang nangyayari sa kanya? Pero may napansin lang ako, parang tumaba yata sya? Ewan ko.
Nang makarating ako sa room, as usual, takot ang mababanaag sa mata ng mga classmate ko. They know how bitchy I am. Dala ko pa rin naman ang pink cards ko kahit wala si Ynna. Pero kung nandito si Ynna, siguradong yayaman yun sa dami ng pink card na ididikit ko sa noo nya.
Naupo na ako sa upuan ko. Ilang minuto lamang ay dumating na ang professor. Psh.
Nakakaantok. Nakatingin lang ako sa prof habang abala na siya sa pagtuturo ng lecture. Ang boring ng subject nako, damn! Inaantok ako lalo eh. Di na kasi ako nakakatulog ng ayos ngayon dahil kay James.
Iniisip ko kung ano na bang nangyari sa kanya don. Gumising na ba siya? Magaling na ba siya? Babalik na ba siya dito? Hay. I feel like my heart is broken.
"Miss Aguilar? Are you with us?"
Natauhan ako nang marinig ko ang boses ng prof. "Y-yes?"
"I'm asking you a question. You're not paying ayttention on my lectures. Get out."
=_=
Ang isang Mandy Aguilar pinalabas ng professor sa klase? Tumayo ako.
"Mabuti sana kung hindi ka boring magturo. What do you want me to do? You're just reading the book! Wala man lang explanations or what. Sana inutusan mo nalang kaming magbasa, right? We're not kid na kailangan mong basahan ng libro. Next time, teach us well."
"Miss Aguilar. To guidance office, now!"
Hinahamon ako ng prof na'to. Nagtitimpi nalang ako eh. Ito yung isang beses na nakita kong binayaran lang ng isa kong classmate para makapasa sa exam.
"I'm going home. If you want, ikaw ang pumunta sa guidance office and admit your sins there." Sabi ko saka nag-martsa palabas ng room.
Yes I am bitch. Gumagalang ako sa dapat igalang pero 'yang mga ganyan? No. Ipakita nila saken na karespe-respeto sila.
Pagbaba ko dito sa may quadrangle, saka ko lang naalala na wala akong dalang kotse. Damn it! Gusto kong mag-bar. Gulung-gulo na ang isip ko.
Kelangan kong makibalita sa kung anong nangyayari kay James sa Korea. Kelangan kong malaman ang kalagayan niya doon. Shit.
I dialled Yumiko's number. Imposible naman kung wala silang balita kay James, pamilya sila.
[Mandy?]
"Hello Yumi, may balita na ba tungkol kay James?" Nag-aalala kong tanong.
[Alam ko tumawag si Tita Jamie kay Lance kanina. Ngayon yata ang operation ni James and after that, mas malaki na ang possibility na magising na siya.]
*o*
Biglang nag-cheer-up ang puso ko. Malaki na ang possibility na magising na si James? Sana maging successful ang operation. I'm longing for James. I want to see him, hug him, kiss him and show him how much I love him.
Bubuuin pa namin ang mga pangarap namin. Marami pa kaming pag-uusapan. Madaming-madami.
"O-okay. Yumi, please balitaan niyo 'ko agad kung anuman ang kalagayan ni James."
[I will. Don't worry.]
"Thanks." Pinatay ko na ang tawag. Good thing na malaman kong may possibility na magising na siya. Sana lang talaga maging successful nga ang operation nya ngayon. Kung nandon lang sana ako. Sana ako ang nasa tabi niya. Pero hindi eh.
Pinagkaitan kasi ako ng access na makita at mabantayan siya. Damn that witches!
XKing calling..
Bakit naman tumatawag 'to? I answered the call. "Yes?"
[What are you doing outside?]
Huh? Paano niya nalamang nasa labas ako? Napatingin ako sa paligid. "N-nasa room ako." Pagsisinungaling ko.
I don't know why do I need to lie.
[Really? Then bakit may nakikita akong magandang demonyita na nakatayo sa SWU quadrangle?]
O_____O
Magsasalita pa sana ako nang may umagaw na ng phone ko mula sa likod ko.
O_O
"Bakit ka nandito?!" Tanong ko. At paano siya nakapasok dito, aber?
"Checking on you, I think?"
Psh. Bakit kailangan niyang magtaas-baba ng kilay habang nagsasalita? Nagpapa-cute ba siya?
"And why?"
"Because you're my girlfriend."
=_=
Talagang pinaninindigan niya. Bahala nga siya. "Uuwi na ako." Sabi ko.
"And why, lady? You don't have class?"
"Pinalabas ako ng professor ko kaya wala na akong ganang pumasok." Sabi ko. Pero ang totoo, natatamad ako dahil wala yung energizer ko--si James.
"At bakit pinalabas ka ng professor mo?" Kunot na kunot ang noo nya.
"Dahil nahuli niya akong hindi nakikinig. Like, what the hell. I'm sleepy. And she's not teaching us well so why would I listen to her? And why do I need to explain to you? Gusto ko ng umuwi."
Lalakad na ako ng hilahin niya ako. "Don't."
O_O
One word pero yung impact saken. Yun kasi yung nasa rule niya. Yung don't thingy. Pag sinabi nyang don't, don't do it.
Napatigil ako. "Why?"
"Sinusubukan ko lang kung susundin mo ang rule number five, you'll stopped so..you obeyed me."
"And then?" Wala talaga akong masabing matino kay XKing. He's acting weird. Para syang hindi gangster na nakakatakot eh.
"Ihahatid na kita pauwi. You're sleepy so its better if you'll go hime and take a rest.".
Hinila na nya ako papuntang parking. Aba, naka-park ang kotse nya. Grabe lang talaga yung access nya dito sa SWU, eh 'no?
Sumakay na ako sa kotse nya. Ihahatid daw nya ako eh, edi go! Fine.
"Mandy.."
Kinikilabutan ako sa mga ganyang pagtawag ni XKing eh. "Yes?"
Nakatitig sya saken. Damn! Ano, may dumi ba ako sa mukha?
"Don't wear that kind of dress next time. It's too revealing." Sabi nya saka pinaandar ang kotse.
Ano daw? Napatingin ako sa sarili ko. Nakasuot lang naman ako ng fitted dress na medyo kita ng konti ang cleavage ko at maikli lang talaga.
Eh nakasanayan ko na ang ganito. "Why do I need to---"
"I said, don't. Please."
O____O
Nag-please sya? Shocks. EARTH? What's happening on XKing? Sinapian ba siya? I can't believe this.
Natahimik nalang ako. Hanggang sa makarating kami dito sa mansyon.
"Thanks." Sabi ko. Pasasalamat sa paghatid.
"See you tonight."
"Huh?"
May lakad ba kami? Sabagay, umaga palang. Magta-tanghali palang. Diba nga first subject ko, napalabas agad ako ng professor. Psh.
"At spade bar. I'm going to fetch you. I'll call you later." Sabi ni XKing saka sumakay na ulit sa kotse.
And there, umalis na. Yung totoo? Naka-tira ba ng drugs ang lalaking yon? Ang kalmado nya kasi. Para syang ordinary suitor eh. Di ko feel na gangster siya na kinatatakutan. Well, fine. Whatever! Kailangan ko siyang sakyan sa trip nya--for my revenge.
--
Ynna POV
"Tita, manalig po tayo. Magiging successful ang operation."
Nandito kami sa labas ng operating room. Inooperahan si James. Sabi ng doctor, malaki ang possibility na magising na siya kapag na-operahan na siya.
"Salamat iha at narito ka. Kaya hindi ako nagkamaling paboran ka para sa anak kong si James. Ikaw ang nararapat sa kanya."
Napangiti ako. Hundred percent na boto saken ang Mama ni James, well, sorry nalang sa Mandy bitch na yun.
Napatayo kami ng lumabas na ang doctor mula sa operating room.
"How's my son?" Tanong agad ni Tita Jamie.
Hindi ko na masyadong narinig ang pinag-uusapan nila. Korean na kasi ang gamit nilang language. Kaya, hinintay ko nalang na matapos silang mag-usap.
Then, nagpaalam na yung doctor.
"Ano daw pong balita kay James?"
Niyakap ako bigla ni Tita Jamie. "Successful ang operation! At maya-maya ay ililipat na siya sa kwarto. Hihintayin nalang natin siyang magising. Thank God!"
Gumaan kahit papaano ang pakiramdam ko. Magiging okay na ang lahat. Kung gigising man na siya, masaya ako na ako ang una niyang makikita imbes na si Mandy. Baka lalo lang siyang hindi gumaling kapag si Mandy ang nandito.
May lumapit na nurse kay Tita Jamie. Korean din ang gamit na language eh kaya di ko naintindihan.
"Halika na iha, nalipat na sa kwarto si James."
Hinila ako ni Tita Jamie. Sinundan namin ang nurse. Tumigil kami dito sa room 69. Sana maging ayos na ang lahat at gumaling na si James, para maasikaso na ang pag-papakasal namin. Yes! I'm planning to tell to Tita Jamie na i-arranged marriage kami ni James, I bet papayag naman siya.
Pagpasok namin dito sa kwarto, natutok agad ang pansin ko kay James. Medyo maaliwalas na siya unlike nung sa Pilipinas na ang daming nakakabit sa kanya. Dito kasi, iba ang technology. May mas high-tec.
"Iho, baby James, gumising ka na. Miss ka na ni Mama.." Sabi ni Tita.
Well, mas nakakatulong yung pagka-usap sa mga taong naka-comatose para mas mapabilis ang paggising nila.
Umiiyak na naman si Tita Jamie. She's really hurt. Sino ba namang ina ang hindi masasaktan kapag ganito ang kalagayan ng anak nila.
"Oh my God!"
Nagulat ako sa biglang pagsigaw ni Tita Jamie. "Bakit Tita?"
"Naramdaman ko! Gumalaw ang kamay ni James! Gumalaw!"
Oh my. Sana nga ay magising na si James. Sana maayos na siya.
O_____O
Unti-unting nagmulat ang mata ni James. Shocks!
"Ang anak ko!" Sigaw ni Tita Jamie nang tuluyan nang magmulat ng mata si James.
May pinindot siyang red button sa may dingding. Pantawag yata yun ng nurse.
And there, biglang may dumating na doctor at nurse. Lumayo muna ako sa ndali sa kanila. Inaasikaso nila si James. Di ko rin naman na sila maintindihan eh.
Ang mahalaga, nagising na si James. Mamumuhay na kaming masaya.
--
XKing POV
"Sigurado ka ba brad? Seryoso ka?" Tanong ni Shawn.
Tumango ako. Sinabi ko sa kanila yung tungkol sa'min ni Mandy. I'm serious about her. I like her and I don't know why, but I want to see her always.
"I'm fvcking serious."
"Pero XKing diba iniiwasan mong ma-inlove? Hindi makakabuti sayo 'yun. Sinabi mo na yan sa'min dati." Singit ni Ace.
Yeah, I'm avoiding to feel inlove dahil sinabi ko na sa kanila, it can makes me weak. Ayokong maging mahina nang dahil sa love pero ayaw makisama ng sarili ko, I want Mandy, and I really like her beside me. "Basta gusto ko si Mandy."
"Ikaw bahala XKing. Buhay mo naman 'yan. Pero, sana hinay-hinay lang. Love makes people weak. Yan ang tinuro mo sa'min. At ikaw, bilang isang undefeated gangster sa underground world, hindi ka pwedeng maging weak kaya as long as you can, hindi ka dapat ma-inlove. Baka maging way pa yan ng pagkatanggal ng trono mo."
Ako ang pinakakinatatakutan sa underground world. Dahil kapag nambugbog ako, nagiging demonyo ako, walang puso..hayop pa sa hayop. At wala pang nakakatalo saken sa mga underground battle.
That's why I'm always telling them not to feel love. Pero sa ngayon, hindi ko alam kung magagawa ko pang sundin ang bagay na pinagbabawal ko sa kanila noon. Hindi sa bawal talaga. Warning lang. Since si Ace, inlove yan ngayon. Ayos lang yun. Si Shawn, di naman talaga yan inlove kay Yumiko Hayashi, nagkagusto lang siya pero hanggang don nalang yun.
But me? I like Mandy. And I don't know kung aabot na talaga sa love 'to. I just can't understand why, why I can't get enough with her. Kakaibang babae siya, and she's turning me on kahit wala siyang ginagawang nakakatuwa.
Unti-unti na yatang nabubura sa isip ko ang itinatak ko noon. That I shouldn't be inlove.
Why? Because..
Love can make us stronger but most of the time, it can make us weak.
*
A/N : Ending na sunod dito. Joke lang. Haha. Sorry sa matagal na update. Sadyang nakakaranas ako ng writer's block.
Hashtag natin? Official na 'to. Every update, ito na -- #DBM
Arasso? :)
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top