Chapter 35 ∞ Confession

James POV

Ang bilis naman ng araw. Pero ayos lang, at least okay kami ni Mandy. Lage nga kaming magkasama every lunch pati uwian.

Nakaka-adik talaga ang demonyitang yun. Ilang beses ko din syang nahuhuling may inaapi at dinidikitan ng pink card kuno nya. Talaga naman oh. Pero hindi ko na sya pinapakialamanan kase ayokong pag-awayan namin yun.

Hindi ko sya kailangang baguhin dahil sa gusto ko lang. Let her be. Tanggap ko sya kung ano sya.

Kanina narecieve ko ang text ni XKing. At damn! Mamayang gabi na nga pala yung car racing namin. Hindi ako pwedeng magpatalo. Natural yun dahil alam kong bubugbugin nila ako.

Gangster sila. Wala silang awa.

Krrrrinnnggg..

Inabot ko ang phone ko ng hindi tinitingnan. Ganda kase ng view dito sa garden sa mansyon. Lalo na't iniisip ko paano makukuha ang susi ng garage na nakaparada ang sports car ni Lance. Hahaha. Lagot ako don. Pero iingatan ko naman ang kotse nya.

"Hello?" Sagot ko sa phone call.

[Busy?]

Whoah! Nabuhay bigla ang dugo ko. "Mandy ko!" Sigaw ko.

[Psh. Anong KO? Kapal nito. Busy ka nga?]

Tch. Hindi nya pwedeng malaman ang about sa race. Alam kong magagalit sya lalo't si XKing pa ang kalaban ko.

"Medyo. Pinagbantay ako ni Bro sa alaga nilang aso eh. Nandito ako sa mansyon." Pagsisinungaling ko. Potek. Kelan pa nahilig sa aso si Bro?

[May aso bang alaga sina Lance?]

Hindi talaga kami pwedeng magkita ngayon kase sigurado aabutin kami ng gabi. Eh may race ako mamaya. Di talaga pwede. "Ah! Oo. Kasinglaki ng tiger. Hahaha. Basta Mandy, masama mangagat 'to. Nangangain ng tao."

[Ginagago mo ba ako lalaki?]

Napangiwi ako. Harsh din ng demonyitang 'to eh. "Hindi. Basta bukas nalang. Susunduin kita sa mansyon nyo at dadalhin kita sa langit, pasasa---"

[Damn you!]

Hahahaha. Malamang inis na inis nya ngayon. "Di na 'to mabiro. Ingat ka ha? Tama na ang pagpi-print ng pink card! Hindi ka nakakatulong sa ekonomiya ng Pilipinas. Nagsasayang ka ng ink!" Paalala ko.

[It's mine so don't mind it. Psh. And as if naman uunlad ang Pilipinas kapag hindi ko ginamit ang ink ko? Psh. Magdinner ka na ha?]

Hahahahaha. "Yan naman talaga eh. Sweet talaga ng Mandy ko. Inaalala talaga ako."

[Wag ka ngang sobrang assuming. Pag nagkasakit ka, siguradong ako mag-aalaga sayo. Maaabala moko kaya kumain ka ng maayos!]

=_=

Kahit kelan talaga. "Sus. Andyan naman si Ynna." Biro ko.

[Edi magsama kayong dalawa! Bwisit!]

Hahaha. Sounds jealousy. Hoho. "Nagbibiro lang ako. Alam mo namang ikaw lang ang babaeng gusto ko. Oh! Wag masyado kiligin baka mayanig ang mundo. Magka-earhquake pa. Hahaha."

[Psh. Ewan sayo! Sige na. Bukas nalang.]

"Yeah sure. I love you Mandy ko." Sweet na sabi ko.

Saglit na natahimik sa kabilang linya.

"Uy Mandy? Still there?"

[Uh, ano--yeah. Sige na.]

*toot toot*

Asus nahiya pa. Haha. Si mandy kahit demonyita yan, marunong yan kiligin. Hahaha. May hampas pang kasama yan panigurado.

Napatingin ako sa guess watch ko na sobrang mahal na gawa sa ginto. Hahahaha. Hindi sa nagmamayabang ha!

Tangna alas singko na. Hahanapin ko pa ang susi ng sports car ni brad. Nasa kwarto nya lang naman yun eh.

Aha! Alam ko na. May makakatulong saken. Huehue.

Tumayo na ako at pumasok ng mansyon. Tumaas ako at kinatok si Fancy sa kwarto nya.

"Yes Patrick? You're making hanap ba si  spongebob? Please. Don't make him hanap to me. I dont---"

"Potek! Anong pakialam ko kay spongebob. Tch. Tulungan moko!" Sabi ko. Napakapilosopo talaga eh.

"Oh. My oh-so-gwapong kapatid. How may I help you?"

"Alam mo ba kung saan nakatago ang mga susi ng sasakyan ni bro?" Tanong ko. Kelangan ko talagang magamit yung sports car nya.

Tae. Kaya ko namang bumili non kaso di naman ako mahilig sa ganong klaseng kotse.

Napangiti si bubwit. Yung ngiting kaloko-loko. "I make turo sayo but in one condition!"

As always. Yan pa bang si bubwit? Tch. "Oh anong kapalit?"

"You'll gave your credit card to me ng buong day."

=_=

Shop-aholic bratinella conyo girl. Tch. Abellano ba talaga ang babaeng 'to? Napailing nalang tuloy ako. "Oo na."

Panigurado butas credit card ko dyan. Hanep pa naman yan magshopping. Puro branded na mamahalin. Hindi pa kase yan binibigyan ng credit card dahil bata pa. Cash lang binibigay ni Papa dyan. Kaya kami ni Lance hina-hunting nyan pag gusto magshopping ng unlimited eh.

"Yeeee! Thank Patrick. Ok let's go sa kwarto nila."

Sumunod naman ako sa kanya papasok sa kwarto nina Lance at Yumi. Bukas naman lagi kwarto nina Bro kase secured naman 'to. May CCTV sa labas ng kwarto. Kami kapatid naman nya kaya okay lang. Haha. Saka ipapaalam ko din naman kay bro kapag tapos na ang car racing. Alam ko kasing 50-50 ang chance na pahiramin nya ko.

Napansin ko na pumunta si Fancy sa walk-in closet ni bro. At doon sa may pinakababa may drawer ng mga shoes.

O.O

At alam nga ng bubwit na'to! Hanep. Nakatago pala ang susi sa isang sapatos na nakatago sa mga drawers.

"Hoy bubwit paano mo yan nalaman?"

"Kay Yumi. Hahaha. When we had a kwentuhan. I asked kasi if Reid's gonna make bulok his cars sa secret garage. Then I asked na din saan nakatago ang keys. She said naman but she told me na secret lang yun. So keep quiet Patrick!"

Aha. Talaga ngang magkasundo si Yumi at Fancy. Hahahaha. "Oo na. Ako bahala. Papaalam ko naman kay bro eh."

"Whatever. Now, make bigay to me your credit card."

=_=

Dinukot ko sa wallet ko ang isang platinum credit card ko at binigay sa kanya. "Wag mong paabutin ng one million ha? Malilintikan ka saken."

"So OA naman Patrick! Maybe nine hundred thousand will do. Not million naman."

=_=

Ganon na din yun eh. Lokong bata talaga. "Sige na. Tara na lumabas."

Lumabas na kami ng kwarto saka si Fancy ay bumalik na sa kwarto nya samantalang ako, eto ngiting ngiti dahil hindi nako gaanong nahirapan na maghanap ng susi. Laki talaga ng pakinabang ni bubwit.

Bumaba ako sa secret garage na ang daan ay sa may garden.

Aw fvck! Hanep talaga. Ganda ng sports car ni Bro. Mukhang brand new. Kulay black na may stripes na white. Mamahalin shit!

May magagamit na din ako mamaya. Kelangan ko mag-warm-up!

--

Mandy POV

Waaaa! Kanina pako kinikilig. Kainis kasi di bagay saken. Demonyita kaya ako pero kasi naman eh..

Si James nagsabi ng I love you. Kahit via call lang, ang lakas ng impact. Yaaa!

Hay. Sayang nga lang kase busy sya. Ewan ko ba pero parang gusto ko syang makita. Nami-miss ko sya.

OMG. Magkasama lang kami kanina pero miss ko na agad sya. In love talaga ako sa lalaking walang ABS na yun.

Krrrrinnnggg..

O.O

Baka si James ulit. Tapos magsasabi ulit sya ng I love you tapos..tapos..waaa! Tatawagin nya ulit ako ng "Mandy KO" Shocks!

=_=

Nawala ang ngiti sa labi ko nang number lang ang rumehistro sa screen ng phone ko. Sino naman tong hampaspanget na'to? Psh.

"Hello?" Pagalit pa yung sagot ko. Panira kase eh. Kinikilig ako eh, nawala tuloy.

[Mandy.]

O.O

Yung boses na yan. Alam ko. "Oy kingkong bakit?" Si XKing. Papalit-palit yata sya ng number? Sya na mayaman sa simcard.

[Can we meet?]

Konti nalang iisipin kong may gusto saken 'tong gangster na'to eh. Lakas talaga ng karisma ko. "At bakit? Magtatapat ka ng feelings mo ganon? Hay nako XMan. Wag ka ng umasa. Wala---"

[Assuming.]

Natigil ako sa sinabi nya. "So ano nga?" Medyo napahiya ako don ha.

[I have something to tell you.]

"Pwede namang ngayon na."

[I'm here outside your house.]

O.O

Nandito? As in? Sa labas? "Paano mo nalaman ang bahay ko ha?"

[Connection.]

Aish. Ang tipid nito magsalita. Siguro iniisip nito, may bayad ang bawat salitang binibigkas nya. Psh. "Fine, fine. Wait me there." Sabi ko.

Tutal andyan naman pala sya sa labas, edi go. Kausapin ko na.

Lumabas ako ng kwarto ko at bumaba. Habang naglalakad ako palabas ng gate, natanaw ko agad ang kotseng nakaparada sa labas.

And there. Si Kingkong na nakasandal sa kotse nya. "Anong sasabihin mo?" Bungad ko.

Walang emosyon ang mukha nya. Well, lagi naman. Nagjojoke nga yan pero seryoso pa din.

"Mandy."

"Oh ano nga?"

"I like you."

O.O

Dug, dug..
Dug, dug..

Asdfghjkl. "Akala ko ba di ka magko-confess?!" Bulyaw ko. Ay letseng lalaki. Sabi nya kanina assuming daw ako tapos magtatapat ngayon?! Sarap sapakin nito.

"I like you. Your attitude. Palaban, mataray and more negative attitudes."

=_=

Ah. Negative attitudes ko pala ang nagustuhan nya. Bipolar yata ang lalaking to. "Para saan naman ang pagsasabi mo nyan?"

"Nothing. Don't make it big deal. Sinabi ko lang dahil hindi ako ang klase ng tao na kailangang itago ang nararamdaman. One more thing, I just want to ask you if---"

"Na manliligaw ka?! Ganon? Ay nako Kingkong, alam mo hindi bagay sayo na manliligaw ka saka di kita type."

"Assuming. Tch."

=_=

"Eh ano ba?" Pinag-iinit ang ulo ko nito. Aynakow! Talak ako ng talak dito tapos sasabihan akong assuming.

"I want to ask you if you love James Abellano."

O.O

Oh bakit? Tsismoso. Kalalaking tao. "Wala kana don. We're not close, were not friends so hindi ko kelangang sabihin sayo."

"Just answer me."

Kinabahan ako bigla. Waaa! Gangster nga pala sya. At nagka-engkwentro sila ni James. Nung sa party nya tapos yung sa condo mismo ni XKing. Hala?

Baka..

Isip, isip. So I therefore conclude na..

O_____O

Gusto daw nya ako. Tapos tinatanong nya kung mahal ko si James.

OMG. Baka pag sinabi kong mahal ko si James, magagalit sya at baka may gawin syang masama kay James. Ayaw nya ng karibal, sa madaling salita.

No. Hindi pwede. Hinding-hindi ako papayag na saktan nya si James. I made up my mind.

"Hindi ko siya mahal." Sagot ko. Para hindi nya gawan ng masama.

"Are you sure?"

Tumango ako. Deep inside kinakabahan ako. Awra palang ni XKing, nakakatakot na. Yung malalamig na tingin nya at seryosong mukha. Alam kong kayang kaya nyang patumbahin si James. "Yes. I'm sure."

Pinilit kong pakalmahin ang sarili ko dahil ayokong mahalata nya na nagsisinungaling ako. Syempre I do love James pero hindi ko siya ipapahamak dahil lang gusto ako ni XKing.

"I see. Aalis nako."

"Hep! So yun lang ang pakay mo?"

He stared at my eyes. Tila may kakaibang balak siya? Ewan di ko ma-gets.

"Yes."

"O-okay. Take care." Sabi ko nalang.

Hindi na sya sumagot. Suplado talaga. Saka napansin ko nga di na sya masyadong pakalat-kalat sa SWU.

Nakaalis na ang kotse nya pero natulala pa ako saglit dito sa daan.

Kinabahan talaga ako don. He asked me if I love James, may kinalaman ba don ang kaligtasan ni James? May kinalaman ba yun sa pagkagusto nya saken? Ahhh! Mababaliw ako. Basta ang mahalaga, sinabi kong HINDI para safe.

Mabuti pa matulog nako ng maaga. Beauty rest. Pakikiligin pa ako bukas ni James, for sure.

*
A/N : The climax is coming..hoho! Hashtag #DBMConfession

200 comments and votes for next UD.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: #teenfiction