Chapter 27 ∞ Effort
XKing POV
Putek. Gusto ko ng ipa-murder ang isip ko. Langya kase. Di ko alam kung bakit pumapasok sa isip ko ang babaeng yun. Sino ba sya? Tch. Hindi siya supermodel para pag-aksayahan ko ng oras.
That Mandy Aguilar, anong virus meron sya? Bat kailangang laging siya ang naiisip ko? At bakit ba napapadalas akong mapadaan sa SWU kahit wala naman akong pakay don? Tapos pag nakita ko na siya, makukuntento nako at aalis na din agad sa SWU. Tch.
"Master, may bumabagabag yata sayo." Tanong ni Kieffer.
Tiningnan ko sya ng masama. "Wala!" Bulyaw ko.
"Yung babae bang isinama mo sa lumang building master? Yung sinabihan tayong nanggagaya ng motto nya?" May pang-aasar sa tono ng pagtatanong ni Shawn. Gago 'to ah.
"Bakit ko sya iisipin? Hindi siya ganon ka-importante para isipin ko." Sagot ko.
"Naku, master eh parang iniisip mo talaga sya eh. Kaya ka ba napapadalas ang pagdaan mo sa SWU? Taga-SWU ba sya?" Tanong naman ni Seth.
=__=
Ikinuyom ko ang kamao ko sa harap nila. Handa na akong manuntok.
"Si XKing di na talaga mabiro. He-he. Wag mong papagurin yang kamao mo." Nakangising sabi ni Shawn.
=_____=
Makakasuntok na talaga ako. Tang*na lang kase. Tch. Badtrip yung babae na yon.
"Master, nakausap ko nga pala ang leader ng kurakot gang. Naghahamon ng underground battle. Lima sa lima.
Kurakot Gang -- ang grupo ng gang na binubuo ng sandamakmak na panget na mga member.
Tch. "Hindi pa nagsisimula ang battle, sira na ang mukha nila."
"Hahahaha. Ang hard mo XKing." Sabi ni Zaine.
"Oh? Buhay ka pa pala." Puna ko. Puro tulog kase inaatupag.
"Hahaha. Yung kurakot gang na yun, hilig maghamon satin. Siguro naba-bakla na satin kaya gusto lage, tayo ang kalaban para makasilay satin. Bwaaahhaha!" Langyang Kieffer.
"Bwahahaha! Oo nga brad. Tapos kunwari susuntukin tayo pero gusto lang mahawakan ang makikinis nating mukha kumpara sa burog-burog nilang mukha. Bwahahah!"
Kita mong mga 'to. Sinabihan akong hard. Eh mas hard pa pinagsasasabi nila kaysa saken eh.
"Tapos yung tipong kunwari igagapos ka sa bisig nila pero gusto lang makayakap. Bwahahaha!" Si Shawn.
Napapailing nalang ako sa mga ka-gang ko. Kahit mga gago ang mga yan at harsh, may sense of humor pa din naman yan. Marunong pa rin kaming tumawa. Pero sa harap lang ng isa't isa. Pag sa ibang tao, hindi.
Bakit? Para matakot pa din sila samen. Bad boy image ang makikita samen ng ibang tao pag nasa labas kami ng hide-out namen at pakalat-kalat.
"Okay. That's a deal." Sabi ko saka isinandal muna ang ulo ko sa sofa at pumikit. "Wag kayong maingay. Tutulog ako. Makarinig lang ako ng isang salita, sasalubong ang kamao ko sa inyo."
Kru, kru.
--
Mandy POV
Dahil sa mahiwagang pink card, lalo akong sumikat dito sa SWU. Sa tuwing dadaan ako, napapaurong na sila. Natatakot na yata sila saken. Hello. Ang cute cute nga ng pink card ko eh.
"Mandy."
O____O
Okay. Ang OA na naman ng puso ko. Kumakabog na naman. Narinig lang ang boses NIYA, para nakong natataranta.
Dahan dahan akong lumingon. "W-why?"
"Let's have our lunch together."
Pagkasabi ni James niyon ay basta na lang nya ako hinila sa braso papunta sa parking lot.
Dito kami tumigil sa tapat ng kotse nya. "Get in."
=__=
Para lang akong na-snatch ni James.
Hindi na ako tumanggi. Sumakay na ako ng kotse niya. Alam kong sisimulan na nito ang sinasabi nitong manliligaw siya. Well let see your effort James Abellano.
Ilang minuto lamang ay itinigil na ni James ang kotse nya dito sa isang korean restaurant. So what's with this restaurant? Di man lang nya tinanong kung mahilig ako sa korean foods. Psh.
"Let's go."
"Kakain tayo dyan?" Tanong ko.
"Hindi Mandy. Baka manonood tayo ng TV dyan. Tch."
=____=
Pilosopo talaga. Dikitan ko kaya 'to ng pink card sa noo? Psh.
"Whatever." Bumaba na ako ng kotse saka sumabay kay James na pumasok sa restaurant.
"This way sir." Sabi nung waiter.
Nagpa-reserve na siguro si James dito. Dito kami inihatid sa may dulong parte ng retaurant. Pang-apatang mesa.
"Have a seat."
Umupo naman ako. Ganon din si James. I heaved a sigh. "Hindi mo man lang ako tinanong kung kumakain ba ako ng korean foods." Sabi ko.
"Kahit hindi ka kumakain ng korean foods, kailangan mo pa ring kumain. Gusto kong masanay ka din sa mga korean traditions since korean ako. Para pag kinasal tayo at nagpasya akong dalhin ka sa korea, hindi ka na mahirapang mag-adjust."
=_=
Like seriously?! Pag-aasawa agad ang naiisip nya? Oh com'on. Di ko pa nga sya napapatawad.
"Baka nakakalimutan mo, hindi pa kita napapatawad. Hindi pa naibabalik ang dati. Hin---"
"What's your order? Maraming masasarap dito..ano kaya? Mahilig kaba sa maanghang o sweets?"
=___=
Binalewala nya ang sinasabi ko. Prente pa syang nakaupo habang nagtitingin sa menu.
"Anything." Sagot ko nalang. Ano namang alam ko sa korean foods?"
"Even if it's my..heart?"
O___O
"Pagkain ba ang puso mo?!" Pagsusungit ko. Ayan na naman kase ang pag-banat nyan eh.
"Hindi. Pero pwede mo akong kainin."
=________=
"Tumigil ka nga James. Pwede? Kung anu-ano sinasabi mo. Gutom lang yan."
Di ko na kase ma-gets pinagsasasabi nya. Wala ngang connect eh.
"Tch. Sungit talaga ng soon to be wife ko. Mamaya papasayahin kita, okay? Ano bang gusto mo? Mag-sexy dance ako sa harap mo? O kumanta?"
=______=
Hindi ko na mabilang kung naka-ilang poker face nako dahil sa pinagsasasabi ni James. Baliw talaga.
"Tse!" Pagsusungit ko pa rin.
Kahit pa ang dami niyang sinasabing walang sense o kahit pa nagpapakabait siya, hindi pa din ganon kadali na maibalik ang lahat sa dati.
Maghirap ka muna James Abellano.
--
Ynna POV
Nakakainis yung demonyitang iyon. Akala mo kung sinong maganda.
Psh. Kung akala niya, kayang-kaya niya ako, nagkakamali siya. Ako pa? Hindi ako papayag na maliitin at apihin nya lang.
Mag-ingat na sya dahil magsisimula na akong gawing miserable ang buhay niya.
Gagawin ko ito para maka-ganti. At? Para wala na akong ka-agaw pa kay James Abellano. He's mine, only mine.
-
James POV
Natatawa ako na hindi ko maintindihan. Pinapanood ko si Mandy na kumain. Halos hindi niya alam kung paano kakainin yung mga korean dishes na in-order ko.
"Waaaa! Anghang!" Sigaw nya na ikinagulat ko.
Pinapaypay nito ang bibig nya saka uminom ng tubig. "Anghang pa din! Waaaaa!"
Naman. Ang kinain pala nya ay talagang puno ng chili sauce. Tch. No choice. Tumayo ako at tumungo sa kanya upang halikan sya sa labi.
Oo, para mawala yung lasa ng anghang sa bibig nya. I'm kissing her torridly. Ramdam kong ikinagulat nya ang ginawa ko pero hindi naman sya pumalag. Hinayaan nya lang ako kaya pinagpatuloy ko ang halik. Mas pinalalim ko pa iyon.
Wala akong pakialam kung nakatuon na sa amin ang tingin ng mga taong narito sa restaurant. This is my girl, I will kiss her wherever I am.
"B-bakit..bakit.." Nauutal si Mandy na nakatingin saken pagkatapos ko syang halikan.
"Nabawasan na ba ang anghang sa labi mo?" Bagkus ay tanong ko.
Tumango sya ng slow motion. Nanlalaki pa rin ang mata nya. "P-Para saan yun?"
"Para kahit papaano mabawasan ko ang anghang na natikman mo." Sabi ko.
Pero kahit yun ang main reason ng paghalik ko sayo, may bahagi pa rin sa puso ko na sinasabing hinalikan ko sya dahil gusto ko at dahil mahal ko sya.
"T-thanks pero dapat 'di mo na ginawa yun." Hindi pa rin yata sya makabawi sa ginawa ko.
"Gusto ko yung ginawa ko. Isa pa, ang tagal na rin nang huli kitang halikan. Nakaka-miss rin. Ganon pa rin, masarap pa din."
Hahahaha. Pulang-pula ang mukha ni Mandy dahil sa sinabi ko.
"Kainis ka!"
=_=
"Aray!" Hinampas ba naman ako ng bag nya.
"Arrrrghhh!"
Highblood talaga. Gayunpaman, mahal ko ang demonyitang yan kahit highblood lage.
*
A/N: XBang o Kurakot Gang? Hahahaha. Lol. #DBM
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top