Chapter 18 ∞ Prove

James POV

"Marry Ynna."

O_O

ANO!? "Mama naman! Bata pa'ko."

"Sinabi ko bang ngayon ka na magpakasal? I just want to arranged a marriage between the two of you."

Fvck. Wala naman akong gusto kay Ynna. "Pero 'Ma. Ayoko sa lahat ina-arranged marriage ako. Alam nyo 'yan."

"Ikaw talaga. Gusto mo naman si Ynna diba?" Tanong ni Mama.

Umiling ako. "Hindi 'Ma. Kaibigan lang turing ko sa kanya. Minsan, naaawa lang ako sa kanya kase wala siyang masyadong kaibigan."

"Hindi yan awa, pagmamahal 'yan iho."

"Hindi nga 'Ma. Basta hindi pwedeng magkaroon ng arranged marriage sa pagitan namin. Alam niyo namang si Mandy ang mahal ko. Ayun, kami ang i-arranged nyo."

"Hindi! I better choose Ynna over that Mandy. Hindi ko gusto ang ugali ng malditang babae na yun."

Tch. "Ma! Hindi lang siya basta babae! Si Mandy yun. Wag nga kayong ganyan."

"Basta, basta. Si Ynna ang nararapat para sa'yo. Kaya dapat ligawan mo na siya."

Ligawan? Eh diko nga yun gusto. Si Mama talaga may saltik. "Wala akong balak na ligawan siya. Okay? Si Mandy ang gusto at mahal ko."

"Mahal, mahal. Eh wala na nga kayong communication. Hindi ko na rin nakikita yun. Mabuti pa si Ynna palaging nan'dyan."

Hay. Ba't ba gustung-gusto ni Mama si Ynna? "Ah basta 'Ma. Wag na wag kang magbabalak ng arranged marriage. Magagalit talaga ako sa inyo." Sabi ko saka tumalikod na.

Parang gusto ko na tuloy puntahan si Mandy. Mas naintindihan ko bakit siya nagkaganon. Tch. Dahil kay Mama.

Dinukot ko ang phone ko at nagdial. Nagri-ring naman pero ba't tagal sagutin? Tch.

"Hello?"

O______O

"Sino ka?"

"Wala kang pakialam kung sino man ako. Dahil in the first place, hindi ko 'to phone. Tch."

*toot toot*

Tae. Sino yung lalaking sumagot sa phone ni Mandy? May iba na agad sya? Tang*na lang ha! Suntukan nalang! Akin si Mandy! Aish!

Tumakbo ako pababa ng parking lot. Sumakay agad ako sa kotse ko at mabilis na pinatakbo. Pupunta ako sa mansyon nina Mandy. Damn it. Sino ba talaga yung lalaking sumagot?

Maya-maya, nakarating rin ako. Pinarada ko ang kotse ko sa gilid saka bumaba.

Paglapit ko sa gate, nag-door bell ako.

"Yes po Sir?"

"Si Mandy?" Tanong ko.

"Ah, sandali lang po. Tatawagin ko." Sabi ng katulong saka tumalikod na.

Sh*t. Kelangan kong malaman kung sinong lalaki yun. Wag na wag ko talaga malalaman na may bago na siyang lalaki. Tang*na ha! Tch.





--

Mandy POV

Halos kararating ko lang dito sa mansyon. Dumiretso agad ako sa kwarto ko. Hanggang ngayon, naiinis pa rin ako sa all-black na lalaking yun! Aish!

*tok tok*

Lumapit ako sa pinto para pagbuksan kung sino man yun. "Yes?"

"Ma'am, may naghahanap po sa inyo sa baba."

"Sino?"

"Hindi po sinabi. Basta gwapong lalaki po."

=_=

Kinikilig pa nyan yung katulong. Lande! Sabunutan ko 'tong babae na'to eh. Psh. "Ok." Sabi ko saka lumabas ng kwarto ko.

Pagbaba ko, nakita ko ang lalaking sinabi ng katulong na gwapo daw. Psh.

Bakit siya nandito? "What brought you here?" Mataray na tanong ko.

"Tumawag ako sayo pero lalaki ang sumagot. Sino yun? May iba ka na ba? May kinakasama ka na ba? Ikinasal ka na ba sa ibang lalaki? Tang*na naman Mandy! Hindi mo man lang pinaalam sa'kin tapos ano? Masasaktan ako kasi malalaman ko na buntis ka na? Sh--"

"SHUT UP YOU BASTARD!" sigaw ko. Grabe. Ang dami niyang sinabi. Ako may asawa? Mabubuntis? Psh.

O_O

Teka, naiwan ko yata ang phone ko sa unit ng naka-all-black na lalaki na hindi ko pa rin alam ang pangalan. "Nawala ang phone ko. Nag-bar ako kagabi at hindi ko na alam kung saan na napunta." sabi ko. Alangan namang sabihin ko na naiwan ko sa unit ng lalaking nag-uwi sakin kagabi galing bar? Edi nag-hysterical na naman yang si James. Lawak pa naman ng isip nyan.

"Tch. Buti naman naiwan o naiwala mo alng. Akala ko may iba ka na agad na lalaki." sabi nya.

Psh. Ewan sayo James. Ikaw lng naman ang may iba dyan. "Psh."

"Ah. Can we talk in private?" Tanong nya.

Talk in private? Saan naman kaya? Ano yun? Aalis ulit? Kauuwi ko nga lang eh. "Why?"

"Wag mo ng itanong. Basta gusto kitang makausap." Sabi ko.

Sumimangot ako. "Then fine. Tara sa loob." Dito nalang kami mag-usap sa mansyon. Wala nako sa mood lumabas ng bahay. Hindi pa nga ako nakakaligo dahil dun ako nakatulog sa unit ng all-black na lalaking nakilala ko.

"I want in private." He said.

"On my room." Sabi ko. Hindi pa ba private sa kwarto ko? Psh.

"Fine. Sa kwarto mo." Sabi niya.

"Okay." Sumunod na siya sakin papasok sa loob ng mansyon. Tahimik lang kaming naglakad. Then diretso lang sa kwarto ko sa taas.

Nang makapasok kami sa kwarto, sinara ko ang pinto at ini-lock yun.

Napansin ko si James na tinitingnan ang paligid ng kwarto ko. "I'll take a bath first. Wait me here. Magpapahatid nalang ako sa katulog ng pagkain."

"Okay." Sagot niya.

Hmp. Kumuha ako ng damit sa closet ko. Syempre, sa banyo na'ko magbibihis. Di naman pwede dito sa loob dahil nandito si James.

Ewan ko pero bakit pakiramdam ko na-miss ko ang lalaking yan? Pero hindi. He already said that we need to forget each other. Saka mas mahalaga naman sa kanya si Ynna eh. Lage nalang yun ang pinakikinggan niya sa halip na ako.

Aish. Makaligo na nga.





--



Natapos nakong maligo. Nakabihis na rin ako. Paglabas ko ng banyo naabutan ko si James na..



O_O



Natutulog? He's laying on the couch at natutulog nga. Matagal ba'kong maligo? One hour lang naman ah? Psh. Dumiretso muna ako sa intercom para magpahatid ng meryenda.

Then lumapit ako sa couch kung saan nakahiga si James. "James.." Tinapik-tapik ko siya sa braso niya.

Hindi siya gumigising. "James.." Ulit ko.

O_O

Waaaa! Bigla niya akong hinigit kaya napayakap ako sa kanya. "J-James!"

O_O

I'm now on his top. Nakakahiya! Ano ba yan! "James!" Sigaw ko pero nakapikit pa din siya.

Ang awkward. Ang halay naman na nakadapa ako sa ibabaw niya. Di ako masyadong makakilos. Ang higpit ng yakap nya sakin. Sa may waist ko pa siya nakahawak. Waaaaa!

Biglang gumalaw ng kaunti si James at..

O_____O

Pfffft. He's kissing me right now. "Hmmmm!" Pilit akong kumakawala pero wala akong magawa. He's kissing me torridly. Diko alam pero napapatugon na'ko.

Bakit ganito si James? Ganito ba talaga siya 'pag tulog? Omg. Lumalambot na naman ang puso ko. Natikman ko lang ang halik niya, nagkakaganito na'ko.

Diba nasa original Mandy na ako? Nasaan na ang katarayan ko? Dapat nasampal ko na siya eh diba? Pero anong ginagawa ko? Tumutugon ako sa kanya! Sh*t.

Wala na. Nadala nako. I'm responsing on his kisses torridly. Parang may mahika ang halik niya. I'm turning into a normal girl who loved to be kissed. I'm not in my devil side.

After almost one minute of kissing, he stopped. "You still love me."

O_O

Biglang nagsalita si James. "W-What did you say?" Nauutal kong tanong.

"I said you still love me. The way you response on my kiss, I can feel your love for me." He said.

O_O

Napabalikwas ako at napatayo. "You're the one who kissed me!" Sabi ko.

Waaa ramdam na ramdam ko yung pamumula ng mukha ko. Nakakahiya. Ba't kasi tinugon ko pa ang halik niya! Aish!

"Tell me, do you still love me?" Tanong nya.

"W-Why are you asking me?"

Tumayo na rin siya at hinarap ako. "Because I still love you."

Sh*t. Bakit kailangan niya itong sabihin ngayon? "No you didn't. Saka bakit mo pa ino-open-up 'yan? I want to forget you so please don't bother me anymore." Sabi ko. Nakakainis lang eh. Paiba-iba siya ng mood.

"Do you already forget me?" Tanong nya.

Nakalimutan ko na nga ba siya? Hindi eh kaya nakakainis. Nagsisimula palang akong kumalimot tapos bigla siyang e-entra. "I wish I could forget you as easily as I forget the sh*t I learn from school. Pero hindi eh. Eto nga oh, I'm starting to forget you pero anong ginagawa mo? Nandito ka na naman! Paasahin mo na naman ako? Sasabihin mo na naman na mahal mo ako pero di mo naman kayang patunayan yun! Anong klaseng pagmamahal ba meron ka James? Baka hindi 'yan love!" Sigaw ko. My tears starting to fall.

Everytime na naaalala ko yung paninigaw niya sakin at pambibintang dahil sa Ynna na yun, nasasaktan ako eh. Pakiramdam ko billion times ang pagiging kontrabida ko. Masama ugali ko pero once na magmahal ako, nagbabago naman ako eh. Pero anong ginawa ni James? Sinayang niya lang! Binalewala niya lang ang pagbabago ko dahil lang sa Mama niya at sa Ynna na yun!

“I love you Mandy. And I'm sure of my feelings for you.”

I stared at him. “If you really love me, prove it.” hamon ko. Ayokong ganito na naman, maniniwala na naman ako, magpapadala na naman ako sa kanya tapos ano? Masasaktan ulit ako?

He looked at my eyes sincerely. Malambot ang ekspresiyon ng mukha niya. “You want me to prove that I really love you?” He bite his lower lip and looked directly into my eyes. “Marry me.”

O_O

MARRY?

MARRY HIM? OH MY GOD.



**

A/N: Reactions? Tweet using hashtag #DBM para makita ko tweet nyo. Follow me on twitter @pinkyjhewelii 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: #teenfiction