Chapter 12 ∞ Fine!
Mandy POV
"Luke palermo at your service, Mandy Aguilar."
O_O
L-Luke Palermo? As in one of the Tigers!?
"What the hell are you talking about!?" Singhal ko. Medyo kinabahan na'ko don kasi nga muntik na'kong mabangga tapos itong Palermo na'to bigla akong yayayaing mkipag-date?
"Hahahaha. I'm just kidding. Wag ka ngang feeling Mandy. Madami akong chicks na pwedeng i-date. Mas magaganda at mas sexy pa sa'yo."
=_=
"Whatever! Aish. Umalis ka na nga dyan! Nakaharang ka sa daan!" Sigaw ko saka nag-martsa pabalik ng kotse ko. Badtrip na nga ako dumagdag pa ang Palermo na yan.
"I love you Mandy! Woot woot!"
=_=
Madala ka sana ng hangin Palermong pinaglihi sa walis tingting. Psh.
Muli kong pinaandar ang makina ng kotse ko nang makasakay ako.
*beep beep*
Aba't! Si Palermo di pa din inaalis kotse nya. Nakaharang sa dadaanan ko. Ang masama pa nito, nakadungaw siya sa bintana ng kotse nya. Kumakaway-kaway at nagpa-flying kiss. What's with him?
*beep beep*
Nilakasan ko na ang busina ng kotse ko. And at last, iniurong din niya ang kotse niya. Agad kong pinaharurot ang kotse ko. Bwisit na lalaking yun! Aish!
Maya-maya nakarating din ako sa mansyon. Yung phone ko ngayon ko palang iche-check. Hinayaan ko lang kasi sa bag ko mula ng umalis ako.
85 new messages
127 missed calls
O_____O
Pag-check ko puro si james ang missed calls. Psh. Bakit ‘di nalang siya mag-enjoy aksama ang Ynna na sipsip na ‘yon?
Hays. Binuksan ko yung isang message.
From: James
Where are you? Answer my calls, please.
-end-
Psh. Bakit pa nya ako hianhanap? Tutal andun naman yung Ynna na yun na gustung-gusto ng Mama niya. Nakakainis!
Hinagis ko yung bag ko sa kama saka nahiga rin. Ang sakit sa ulo! Bakti ba kasi ako in-love kay James? At bakit ba yung Ynna na yun epal talaga? Sarap sabunutan!
Humanda ka sakin bukas sa school Abellano! Hmp! Di kita papansinin.
--
At SWU..
Hindi ako gan’on ka-aga pumasok ngayon. Badvibes ako. Kagabi, natulog na’ko nang hindi man lang nire-reply-an si James. Bahala siyang mag-isip.
Naglalakad na’ko dito sa loob ng SWu nang..
*boogsh*
“Oops, sorry.” Tumingin ako sa nabangga ko. Isang girl na..? Mukha siyang mataray pero infairness, marunong mag-sorry. Tinulungan ko siyang pulutin yung nahulog niyang books.
“It’s okay.” sabi ko saka naglakad na ulit.
“Wait!” sigaw nung girl kaya lumingon agad ako. “Why?”
“Ilang beses na kitang nakakasalubong dito sa SWU na laging mag-isa, napapansin din kita na pumupunta sa may room namin na parang may hinahanap at sinisilip. Feeling ko wala kang friends dito, transferee ka ba?”
Tsismosa ‘to. Pumupunta sa room nila? Teka, so classmate ‘to ni Kyle? Si Kyle lang naman ang pinupuntahan ko dati eh. “Yeah. I’m transferee.” Sagot ko.
“Don’t hesitate to call me. Here’s my calling card. I can be your friend since napansin ko sa’yo na parang magka-ugali tayo. Bye. Gotta go.” Sabi nung babae saka tumakbo na.
What the..
Napatingin ako sa iniwan niyang card.
Angel Sabina
+639876543210
“Angel Sabina?” bulong ko sa sarili ko saka napailing. I put the card on my pouch and started to walk again.
“ILANG BESES AKONG TUMAWAG AT NAG-TEXT SA’YO KAGABI PERO WALA KANG SAGOT! ANO BA MANDY? PINAG-ALALA MO AKO KAGABI!”
=_=
Si James sinisigawan ako. Bigla nalang sumulpot sa tabi ko at sinabayan akong maglakad. Maka-sigaw pa, walang pakialam sa mga estudyanteng nadadaanan namin. Di ako sumagot. Patuloy lang ako sa paglalakad.
“MANDY!”
I stopped. “What?” Nakataas-kilay kong tanong.
“Tch. What’s your problem? Are you mad at me? I swear, wala talaga akong alam sa kagabi. Di ko alam na pupunta si Ynna.” Sabi nya. Nakatayo lang kami dito sa bandang gitna ng hallway.
“You don’t need to explain. Okay? Tapos na yun. Wala lang ako sa mood makipag-usap sa’yo so if you’ll excuse, malapit na ang oras ng klase k—“
O_O
“AAAHHHH!”
“Look oh! Nagkiss sila!”
“Waaaa! Kakakilig naman sila!”
He’s kissing me in front of all students here? “AHHHHHH!” Naitulak ko siya. “James! Why did you need to kissed me?”
“To shut you up. Fvck Mandy, ‘wag ngang ganyan ang treatment mo sa’kin.” Mukha ng frustrated si James but I don’t care.
“I have to go on my class.” Matigas na sabi ko. Nagsimula na akong maglakad ulit pero sinusundan niya ako hanggang sa narito na ako sa hagdan paakyat sa floor kung saan naroon ang room ko ay sinusundan pa rin niya ako.
Nang marating ko ang pinakatuktok ng hagdan, may nakasalubong akong hindi ko gugustuhing makasalubong. Ang pambansang epal – Ynna.
“Hi James. Super nag-enjoy ako kagabI!” Ngiting-ngiting sabi ni Ynna. Nang-inggit pa. nananadya ba ang babaeng higad na’to?
Magsasalita pa lamang si James nang unahan ko na siya, “Hoy ikaw babae ‘wag ka ngang humarang sa dinadaanan ko.” Sabi ko saka tinabig siya at nilampasan.
“AAAHHHH..”
*boogsh*
O___O
“FVCK MANDY! ALAM KONG BADTRIP KA PERO WALA KA PA RING KARAPATANG SAKTAN SI YNNA! FVCK! GANYAN NA BA KASAMA ANG UGALI MO!?” sigaw ni James sa’kin saka mabilis na nilapitan si Ynna na nahulog sa ilang baitang ng hagdan.
Sh*t. Diko naman intensyon na itulak siya o ano. Tinabig ko lang siya kasi nakaharang siya. B-Bakit parang ang sakit sa’kin na sigawn ni James ng dahil kay Ynna?
“Okay ka lang? Let’s go to hospital.” Sabi ni James saka binuhat si ynna. Hindi man lang siya lumingon sakin bagkus ay umalis na agad.
Syet. Ang sakit nun ah. Napagbintangan na nga ako, nasabihan pang masama ang ugali. Demonyita ako oo, pero hindi sa lahat ng oras ay masama ang giangawa ko.
Sige James, kampihan mo yang Ynna na ‘yan. Ikaw pa nagalit ngayon sa’kin? Fine! Magsama kayo ni Ynna sa hell. Psh.
**
A/N: Mandy o Ynna?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top