Chapter 4

Thunder POV

He's really here. James Patrick Abellano. That guy. Mandy can't remember anything about him. Even a single thing. May selective amnesia si Mandy at si James ang hindi niya matandaan. Taon na ang lumipas pero hindi pa rin niya ito naaalala dahil ayaw naming ipaalala sa kaniya ang taong wala dito. Nasa malayo si James at pinutol ang communication dito sa Pilipinas. Naisip namin na kailangan niya talaga ng time and space kaya hindi na namin siya kinausap para umuwi dito―para matulungan si Mandy. Hinayaan namin siya, she's back to normal. According to her family, iyon na iyon naman si Mandy. Ang tanging naiiba lang sa kaniya ay hindi niya matandaan si James. At 'yon ang lagi niyang sinasabing napapanahinipan niya.

Pinag-stay ako ni Mr. Aguilar sa mansion nila para ma-monitor si Mandy―ang kalagayan niya. Maayos naman ang lagay niya maliban sa madalas siyang nananaginip at lagi niyang tinatanong kung sino ang lalaking laging nasa panaginip niya. Wala akong maisagot hindi dahil hindi ko alam kung hindi dahil ayoko. Gusto kong alamin niya iyon sa sarili niya. Gusto kong makaharap niya muna si James at ito na ang pagkakataon na magkakaharap na sila. Malaki ang maitutulong ni James para matandaan siya ni Mandy para tuluyan na itong gumaling.

Kanina ay tinawagan ako ni Lance Abellano. He asked me if I'm not busy dahil gusto niya akong makausap kasama si James tungkol sa kalagayan ni Mandy. Pinaunlakan ko naman iyon. Unang una karapatan ng James na 'yon na malaman ang lahat dahil sabi ng pamilya ni Mandy, ito ang boyfriend niya. Pangalawa, karapatan din ni Mandy na makilala si James―na iyon ang lalaking laging nasa panaginip niya. But fuck, something here in my heart is reacting. Kapag napadalaa ang ang pagkikita at pag-uusap nina Mandy and James, malaki ang possibility na bumalik na ang ala-ala niya ng buo. At kapag nangyari iyon, gagaling na siya. At kapag gumaling na siya, wala nang silbi pa para manatili ako sa Aguilar Mansion. At tutol ang puso ko na mangyari iyon. Damn it! Anong gagawin ko?

Nawala ako sa pag-iisip nang mapatingin ako sa rear view mirror at napansin ang itim na kotse na nakasunod sa 'kin. I know her car. She's following me. Hindi pwede. Hindi pa sila pwedeng magharap ulit. Alam kong karapatan niya ito pero hindi siya maaaring biglain. It might trigger her at baka makasama sa kalagayan niya. She need to take it slow. Pero makulit talaga si Mandy at sinundan pa ako. I heaved a sigh and turned to left. Ili-ligaw ko muna siya. Kailangan ko munang makausap si James nang wala siya kaya kailangan ko 'tong gawin.

Magkikita kami sa isang restaurant malapit sa SWU. Pero dahil nakasunod si Mandy, kailangan ko muna talagang umiba ng daan. Pupunta muna ako sa ibang lugar at bibilisan ang sasakyan ko hanggang hindi ko na siya makita sa likod ko. This is for her sake.

-

Mandy POV

Nakakahilo 'tong si Thunder. Hindi na malaman kung saan pupunta. Naliligaw ba ang lalaking iyon? Naiinip na ako at hindi na ako mapakali. Magkikita at mag-uusap sila ni James. Kailangan kong marinig lahat lahat.

Kanina pa ako nakasunod kay Thunder pero... shit! Nawala! Nasaan na 'yong sasakyan ni Thunder? Nasa unahan ko lang iyon ah! Hindi 'to pwede! Kailangan ko siyang masundan.

Dumiretso pa ako nang mapansin ko ang sasakyang katulad ng kay Thunder na naka-park sa starbucks coffee kaya mabilis kong itinabi at itinigil ang kotse ko. Bumaba ako. Baka narito sila.

Natataranta ako. Narito nga kaya sila? Kay Thunder kayang sasakyan 'yong nakaparada na iyon? Mabilis akong naglakad.

"Ouch!" Napasigaw ako nang may makabangga sa akin and worst, natapunan pa ako ng hawak niyang frappe. Letse!

"I'm sorr―Mandy?"

Kumunot ang noo ko. Si Ynna. This bitch. She's still existing? Seriously? "What? Tinapunan mo ng frappe mo ang damit ko. Look. It's a mess! How dare you!" Sigaw ko. Akma ko siyang susugurin nang marinig ko ang isang boses.

"Ynna, kanina ka pa? Sorry medyo na-late."

Slow motion akong lumingon at nakita ko si James. Anong... bakit... bakit kilala niya si Ynna?  At mag-ano sila? So magkasama sila? Hinihintay ni Ynna si James dito? Anong meron sa kanila?

Napatingin sa gawi ko si James. "Mandy?" Para natutulala na naman siya na parang hindi makapaniwalang makita ako.

Nataranta na naman ako. Nagmamataray na nga ako kay Ynna tapos heto at parang nabahag ang buntot ko dahil sa lalaking 'to na hindi ko matandaan kung ano ang naging role sa buhay ko. Dahil sa pagkataranta ay mabilis akong bumalik sa sasakyan ko.

"Mandy!"

Hindi ko na pinansin ang sigaw na iyon ni James. Hanggang makasakay ako sa kotse ko. Huminga ako ng malalim. Bakit ba tuwing nakakaharap ko ang James na iyon, nag-iiba 'yong pakiramdam ko? Sino ba talaga siya sa buhay ko? Bakit kasi hindi pa nila sabihin sa 'kin?

Sa kabilang banda ay hindi mawaglit sa isip ko kung bakit kasama siya ng bitch na Ynna na iyon. Boyfriend kaya siya ni Ynna? Para tuloy akong nawalan ng gana. Kung mag-boyfriend girlfriend sila, bakit kailangan ko pang alamin pala kung ano ko siya? Parang may nangngingitngit dito sa bandang puso ko. What's with that bitch? Bakit naman nagustuhan siya ni James? At si James, bakit iba ang paraan nang pagtingin niya sa 'kin. The way he looked at me, there is something. Hay! Gulong-gulo na ako. Sumasakit ang ulo ko sa mga tanong na nagpa-pop out sa isip ko.

-

James POV

"Si Mandy..." hindi makapaniwalang sambit ni Ynna. Kahit naman sino magugulat na makita siya gayong ang alam namin ay wala na siya.

Tumango-tango ako. "Yes, si Mandy." I confirmed. "She's alive but she can't remember me. How tragic it was."

"Hindi ka niya natatandaan. Pero ako, ako James kilala niya. Aawayin pa nga niya ako tulad ng ginagawa niya dati sa 'kin. Kung hindi ka pa dumating baka nasabunutan na niya ako. Wala pa din siyang pinagbago. Mandy is still the Mandy we know."

I sighed. "Yeah right. Hindi ko kailanman naisip na may posibilidad pala na buhay siya. But yeah, I won't lie. Hiniling ko iyon sa Taas. And now, she can't remember me. Kaya nga gustung-gusto ko ng malaman ang totoong kalagayan niya at kung anong mga dapat kong gawin para maalala na niya ako. Damn, I miss her. She's near yet so far. I want to hug her and kiss her but I can't! Fuck!"

Tinapik ako ni Ynna sa balikat. "Nakakagulat but I am genuinely happy for you, James. She can't remember you but we all know that heart can't forget. Everything will be alright. Alam mo, tara na. Baka naghihintay na 'yong psychologist na kakausapin natin. Is it about Mandy? I thought you'll seek help to professionals. So, your car or mine?"

"My car. Let's go."

Naglakad na kami papunta sa sasakyan. Dinaanan ko lang si Ynna dito because she called me earlier to have coffee with her but I told her that I am meeting someone. She asked if she can come, and why not.

Sa isang restaurant kami magkikita malapit sa SWU. Papunta na din doon si Lance kaya binilisan ko na ang pagda-drive.

Maya maya ay nakarating rin kami. Bumaba kami ni Ynna sa sasakyan at pumasok sa restaurant. Agad naming nakita sina Lance at Yumiko. May kaharap silang lalaki and I guess, that's the psychologist. Lumapit kami ni Ynna sa kanila at umupo sa table.

"Bro, Yumi." bati ko saka tumingin sa psychologist. Hindi ko akalaing sa itsura niya ay parang magkasingtanda lang kami. Bata pa pala siya.

"Thunder, si James. James, si Thunder." Pakilala ni Lance  sa aming dalawa.

We shake hands at saka umupo ulit. "She's Ynna, my friend. She also knows Mandy."

They just nodded at each other.

"So... let's start? Thunder?" Sabi ni Lance.

Tumikhim siya. "Alright. Mandy is suffering from selective amnesia. Ibig sabihin, may piling tao na hindi niya maalala at mayroon namang naaalala niya. Bakit umabot ng ganito katagal? Dahil hindi ko siya pino-force na alalahanin ang lahat. Gusto kong maalala niya iyon by her own. Tulad sa case mo, you're her boyfriend yet she can't remember anything about you. Pero lagi ka niyang napapanaginipan. I know ikaw ang lagi niyang sinasabing lalaki na nasa panaginip niya na hindi niya makita ang mukha. Naguguluhan siya and at the same time ay naku-curious. Nag-aalala ako kapag pinipilit niyang alalahanin iyon dahil sumasakit ang ulo niya at makakasama iyon sa kaniya. At ngayong nagkita kayo in unexpected moment, hindi niya napaghandaan. Kahit ikaw hindi mo napaghandaan. Nagulat siya. Lalo siyang na-curious. She kept on asking me who you are. Bakit ang laki ng epekto mo sa kaniya. I can't answer her because I want you to make a move, James. I will be frank to you. Kung gusto mo talagang maalala ka niya ng kusa, gawin mo ang mga bagay na maaaring makapagpaalala sa kaniya sa 'yo. Try to convince her na sumama sa'yo. Dalhin mo siya sa mga lugar kung saan sa tingin mo ay makakatulong para maalala ka niya. Kung kailangan mong ligawan, ligawan mo. Para lang matandaan niya na ikaw ang lalaking mahal niya―ang boyfriend niya. We can't just tell her that you are her boyfriend and unfortunately she can't remember you. No, it might trigger her. Mabibigla siya at kapag nalaman niyang boyfriend ka niya, pipilitin niya lang ang sarili niya na alalahanin ka at makakasama iyon sa kaniya. Take it slow. Effort at time lang kailangan mo. Now, magagawa mo ba iyon? Tutulungan mo ba si Mandy na makaalala?"

"I'll do everything for her. She's my life. I can't let her live like this. Tutulungan ko siyang makaalala. Tutulungan ko siyang gumaling and don't worry, I'll take it slow. Hindi ako magpapakilalang boyfriend niya. Hahayaan kong kusa niyang maalala na boyfriend niya ako. Na ako ang lalaking pakakasalan siya."

May kakaiba sa mukha ni Thunder. At hindi ko matumbok kung ano iyon. "Okay. Mabuti ng nagkakaliwanagan. So... that was it, wala akong sasabihin na kahit ano kay Mandy about you. Mapapadali naman ang pakikisalamuha mo sa kaniya dahil nasa isang school lang kayo. Goodluck. And please, patience. May pagka-demonyita kasi s―"

"I know. Demonyita siya. I know her. I know every detail about her so don't worry, man. I can manage." I said. Tingin ba niya hindi ko pa alam na demonyita si Mandy? Kilalang-kilala ko na siya.

Bakit ba biglang parang nag-iiba ang pakiramdam ko sa Thunder na ito. Is he up to something I don't know? 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top