Chapter 4
Thunder POV
He's really here. James Patrick Abellano. That guy. Mandy can't remember anything about him. Even a single thing. May selective amnesia si Mandy at si James ang hindi niya matandaan. Taon na ang lumipas pero hindi pa rin niya ito naaalala dahil ayaw naming ipaalala sa kaniya ang taong wala dito. Nasa malayo si James at pinutol ang communication dito sa Pilipinas. Naisip namin na kelangan niya talaga ng time ang space kaya 'di na namin siya kinausap para umuwi dito, para matulungan si Mandy. Hinayaan namin siya, she's back to normal. According to her family, iyon na iyon naman si Mandy. Ang tanging naiiba lang sa kaniya ay hindi niya matandaan si James. At 'yun, ang lagi niyang sinasabing napapanahinipan niya.
Pinag-stay ako ni Mr. Aguilar sa mansyon nila para ma-monitor si Mandy--ang kalagayan niya. Maayos naman ang lagay niya maliban sa madalas siyang nananaginip at lagi niyang tinatanong kung sino ang lalaking laging nasa panaginip niya. Wala akong maisagot hindi dahil hindi ko alam kundi dahil ayoko. Gusto kong alamin niya iyon sa sarili niya. Gusto kong makaharap niya muna si James at eto nga, ito na ang pagkakataon na magkakaharap na sila. Malaki ang maitutulong ni James para matandaan siya ni Mandy. Para tuluyan na itong gumaling.
Kanina ay tinawagan ako ni Lance Abellano. And he asked me if I'm not busy dahil gusto niya aking makausap kasama si James tungkol sa kalagayan ni Mandy. Pinaunlakan ko naman iyon. Unang una karapatan ng James na 'yun na malaman ang lahat dahil sabi ng pamilya ni Mandy, ito ang boyfriend niya. Pangalawa, karapatan din ni Mandy na makilala si James--na iyon ang lalaking laging nasa panaginip niya. But fvck, something here in my heart is reacting. Kapag napadalaa ang ang pagkikita at pag-uusal nina Mandy and James, malaki ang possibility na bumalik na ang ala ala niya ng buo. At 'pag nangyari iyon, gagaling na siya. At kapag gumaling na siya, wala ng silbi pa para manatili ako sa Aguilar Mansion. At tutol ang pudo ko na mangyari iyon. Damn it! Anong gagawin ko?
Nawala ako sa pag-iisip nang mapatingin ako sa rearview mirror at napansin ang itim na kotse na nakasunod sa'ken. Tch. I know her car. She's following me. Hindi pwede. Hindi pa sila pwedeng magharap ulit. Alam kong karapatan niya ito pero hindi siya maaaring biglain. She need to take it slow. Pero makulit talaga si Mandy at sinundan pa ako. I heaved a sign and turn to left. Ililigaw ko muna siya. Kailangan ko munang makausap si James nang wala siya kaya kailangan ko 'tong gawin.
Magkikita kase kami sa isang restaurant malapit sa SWU. Pero dahil nakasunod si Mandy, kelangan ko muna talagang umiba ng daan. Pupunta muna ako sa ibang lugar at bibilisan ang sasakyan ko hanggang 'di ko na siya makita sa likod ko. Mahirap na.
-
Mandy POV
Nakakahilo 'tong si Thunder. Hindi na malaman kung saan pupunta eh. Naliligaw ba ang lalaking iyon? Psh. Naiinip na ako at hindi na ako mapakali. Magkikita at mag-uusap sila ni James. Kelangan kong marinig lahat lahat.
Kanina pa ako nakasunod kay Thunder pero...shit! Nawala! Nasaan na 'yung sasakyan ni Thunder? Nasa unahan ko lang iyon ah! Hindi 'to pwede! Kailangan ko siyang masundan.
Dumiretso pa ako nang mapansin ko ang sasakyang katulad ng kay Thunder na naka-park sa starbucks coffee kaya mabilis kong itinabi at itinigil ang kotse ko. Bumaba ako. Baka na'ndito sila.
Natataranta ako. Nandito nga kaya sila? Kay Thunder kayang sasakyan 'yung nakaparada na iyon? Mabilis akong naglakad.
"Ouch!" Napasigaw ako nang may makabangga sa'ken and worst, natapunan pa ako ng hawak niyang frappe. Letse!
"I'm sorr--Mandy?"
Kumunot ang noo ko. Si Ynna. This bitch. She's still existing? Seriously? "What? Tinapunan mo ng frappe mo ang damit ko. Look. It's a mess! How dare you!" Sigaw ko. Akma ko siyang susugurin nang marinig ko ang isang boses.
"Ynna, kanina ka pa? Sorry medyo na-late."
Slow motion akong lumingon at nakita ko si James. Anong..bakit..bakit kilala niya si Ynna? At mag-ano sila? So magkasama sila? Hinihintay ni Ynna si James dito? Anong meron sa kanila?
Napatingin sa gawi ko si James. "Mandy?" Para natutulala na naman siya na parang 'di makapaniwalang makita ako.
Nataranta na naman ako. Nagmamataray na nga ako kay Ynna tapos eto parang nabahag ang buntot ko dahil sa lalaking 'to na hindi ko matandaan kung ano ang naging role sa buhay ko. Dahil sa pagkataranta ay mabilis akong bumalik sa sasakyan ko.
"Mandy!"
Hindi ko na pinansin ang sigaw na iyon ni James. Hanggang makasakay ako sa kotse ko. Huminga ako ng malalim. Bakit ba tuwing nakakaharap ko ang James na iyon, nag-iiba 'yung pakiramdam ko? Ang lakas ng dating eh. Sino ba talaga siya sa buhay ko? Bakit kase hindi pa nila sabihin sa'ken?
Pero hindi mawaglit sa isip ko kung bakit kasama siya ng bitch na Ynna na iyon. Boyfriend kaya siya ni Ynna? Para tuloy akong nawalan ng gana. Kung mag-boyfriend/girlfriend sila, bakit kailangan ko pang alamin pala kung ano ko siya? Parang may nangngingitngit dito sa bandang puso ko. What's with that bitch? Bakit naman nagustuhan siya ni James? At si James, bakit iba ang way na pagtingin niya sa'ken. The way he looked at me, may something eh. Hay! Gulong-gulo na ako. Sumasakit ang ulo ko sa mga tanong na nagpa-pop out sa isip ko.
-
James POV
"Si Mandy.." hindi makapaniwalang sambit ni Ynna. Kahit naman sino magugulat na makita siya gayong ang alam namin ay wala na siya.
Tumango-tango ako. "Yes, si Mandy.." I said. "She's alive but she can't remember me. How tragic it was."
"Hindi ka niya natatandaan. Pero ako, ako James kilala niya. Aawayin pa nga niya ako tulad ng ginagawa niya dati sa'ken. Kung hindi ka pa dumating baka nasabunutan na niya ako. Wala pa din siyang pinagbago. Mandy is still the Mandy we know."
I sighed. "Yeah right. Kaya nga gustung-gusto ko ng malaman ang totoong kalagayan niya at kung anong mga dapat kong gawin para maalala na niya ako. Damn, I miss her. She's near yet so far. I want to hug her and kiss her but I can't! Fvck!"
Tinapik ako ni Ynna sa balikat. "Everything will be alright. Alam mo, tara na. Baka naghihintay na 'yung psychologist na kakausapin natin. So, your car or mine?"
"My car. Let's go."
Naglakad na kami papunta sa sasakyan ko na naka-park dito. Dinaanan ko lang si Ynna dito. Nang tawagan ko siya about Mandy at about sa pakikipag-usap ko sa psychologist na nag-aalaga kay Mandy ay sinabi niyang sasama siya. Hindi naman ako tumanggi.
Sa isang restaurant kami magkikita malapit sa SWU. Papunta na din doon si Lance kaya binilisan ko na ang pagda-drive.
Maya maya ay nakarating rin kami. Bumaba kami ni Ynna sa sasakyan at pumadok sa restaurant. Agad naming nakita sina Lance at Yumiko. May kaharap silang lalaki and I guess, that's the psychologist. Lumapit kami ni Ynna sa kanila at naupo sa table.
"Bro, Yumi.." bati ko saka tumingin sa psychologist. Hindi ko akalaing sa itsura niya ay parang magkasingtanda lang kami. Bata pa pala siya.
"Thunder, si James. James, si Thunder." Pakilala ni Lance sa'men.
We shaked hands at saka umupo ulit.
"So..let's start? Thunder?" Ani Lance.
Tumikhim siya. "Alright. Mandy is suffering from selective amnesia. Ibig sabihin, may piling tao na hindi niya maalala at meron namang naaalala niya. Bakit umabot ng ganito katagal? Dahil hindi ko siya pino-force na alalahanin ang lahat. Gusto kong maalala niya iyon by her own. Tulad sa case mo, he's her boyfriend yet she can't remember anything about you. Pero lagi ka niyang napapanaginipan. I know ikaw ang lagi niyang sinasabing lalaki na nasa panaginip niya na hindi niya makita ang mukha. Naguhuluhan siya and at the same time ay naku-curious. Nag-aalala ako minsan kapag pinipilit niyang alalahanin iyon dahil sumasakit ang ulo niya at makakasama sa kaniya. At ngayong nagkita kayo in unexpected moment. Hindi niya napaghandaan. Kahit ikaw hindi mo nalaghandaan. Nagulat siya. Lalo siyang na-curious. She keep on asking me who are you. Bakit ang laki ng epekto mo sa kaniya. I can't answer her because I want you to make a move, James. Kung gusto mo talagang maalala ka niya ng kusa, gawin mo ang mga bagay na maaaring makapagpaalala sa kaniya sa'yo. Try to convince her na sumama sa'yo. Dalhin mo siya sa mga lugar kung saan sa tingin mo ay makakatulong para maalala ka niya. Kung kailangan mong ligawan, ligawan mo. Para lang matandaan niya na ikaw ang lalaking mahal niya, ang boyfriend niya. Ayoko kasing biglain siya. Ayokong sabihin na, okay, Mandy, si James ay boyfriend mo. No. That's not a good idea. Mabibigla siya at kapag nalaman niyang boyfriend ka niya, pipilitin niya ang sarili niya na alalahanin ka at makakasama iyon sa kaniya. Take it slow. Effort at time lang kailangan mo. Now, magagawa mo ba iyon? Tutulungan mo ba si Mandy na makaalala?"
"I'll do everything for her. She's my life. I can't let her live like this. Tutulungan ko siyang makaalala. Tutulungan ko siyang gumaling and don't worry, I'll take it slow. Hindi ako magpapakilalang boyfriend niya. Hahayaan kong kusa niyang maalala na boyfriend niya ako. Na ako ang lalaking pakakasalan siya."
May kakaiba sa mukha ni Thunder. At hindi ko matumbok kung ano iyon. "Okay. Mabuti ng nagkakaliwanagan. So..wala akong sasabihin na kahit ano kay Mandy about you. Mapapadali naman ang pakikisalamuha mo sa kaniya dahil nasa isang school lang kayo. Goodluck. And patience. May pagka-demonyita kase s--"
"I know. Demonyita siya. I know her. I know every deta about her so don't worry, man. I can manage." I said. Tingin ba niya hindi ko pa alam na demonyita si Mandy? Kilalang-kilala ko na siya.
Bakit ba biglang parang nag-iiba ang pakiramdam ko sa Thunder na 'to. Is he up to something I dont know? Parang makapagsalita eh, akala mo mas kilala niya si Mandy sa'ken. Tch.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top