Chapter 3

Mandy POV

Nakarating ako sa mansion ng gulung-gulo ang isip ko. Sino ang lalaking ‘yun? Sino siya sa buhay ko? Bakit kilala niya ako? At bakit parang hindi siya makapaniwala na makita ako kanina? He even said that I’m alive. So akala niya patay na ako? Sino ba kasi siya?

James Patrick Abellano..

“Hey. Bakit napa-aga ka ng uwi?” sinalubong ako ni Thunder. Yun na nga eh. Napa-uwi ako ng wala sa oras dahil sa weird na transferee na iyon. Pati worksheet ko, naiwan ko na sa table ko. Di ko pa tuloy  napasa.

Ibinaba ko ang bag ko sa couch dito sa salas saka naupo. “M-May weird kasing lalaki..” panimula ko.

Napa-upo siya sa tabi ko. “What? Anong ginawa niya sa’yo? May sinabi ba siyang kakaiba? Tell me what exactly happened?” 

Nagtaka naman ako sa klase ng pagtatanong ni Thunder. He looked tense. Pati sa boses niya ay para  bang may alam siya or aware siya na ganito, ganyan. “Tinawag niya lang ang full name ko.”

“Wala ng iba?”

“Nagulat siya na makita ako at sinabi pa niyang buhay pala ako. Do you have idea kung sino ang lalaking iyon?”

Napansin ko ang pagkislot ni Thunder. “Nabanggit ba niya ang  pangalan niya?”

“He introduced his self sa room kasi transferee siya. James Patrick  Abellano. Do you know him?”

Nanlaki ang mata niya. “Fvck. So he’s here.”

Kumunot ang nook o. “What do you mean, Thunder?” naguguluhang tanong ko.

Hinawakan niya ang kamay ko. “Nothing. How do you feel? Are you  okay? May masakit ba sa’yo? Wala ka bang kahit anong naaalala about sa lalaking iyon?”

Umiling ako habang napapa-isip kung bakit ganito mag-react si Thunder. “I’m okay. Natakot lang siguro at nagulat kasi kilala niya ako pero hindi ko siya kilala. Tapos..”

“Tapos?”

“May something dito oh.” Tinuro ko ang bandang puso ko, “Nag-react eh. And i cant understand why. Can you explain it to me? What does it mean?”

He cleared his throat and looked at my eyes. “You should rest. Then later paggising mo, kakausain kita about dito. Bawal kang ma-stress and bawal kang mag-overthink.”

“Pero gusto ko ng malaman, Thunder.”

“Not now. I’ll tell you everything. Basta magpahinga ka muna.”

I sighed. Kailangan kong sundin si Thunder. Mas alam niya kung kelan dapat ako nagpapahinga kasi siya ang psychologist na nag-mo-monitor sa kalagayan ko. “Fine. But promise me, you would tell me everything.”

Tumango siya. “I will.”

Tumayo na ako saka umakyat sa taas.Pumasok agadako sa kwarto ko at nahiga. Huminga ako ng malalim. Pumikit ako and there..it’s HIM again. Lagi siyang nasa panaginip ko. LAgi siayng pumapasok sa isip ko pero Malabo ang mukha niya. Minsan, naka-side-view at minsan nakatalikod kaya hanggang ngayon wala akong idea kung  sino ang lalaking iyon.

Nagmulat ako ng mata saka pumikit ulit. This time, yung mukha naman ng weird transferee ang rumehistro sa isip ko. Damn! What happened to me? Bakit parang ang lakas lakas ng epekto ng lalaking iyon?

Agad akong nagmulat  ng mata at napahawak sa ulo ko. Medyo nananakit na sa sobrnag  pag-iisip. Sabi ni Thunder, ‘wag ko daw ipilit na alalahanin ang lahat. Hayaan ko lang daw. Go with the flow.

Inabot ko ang iPad ko na nakapatong sa side table. I  opened my new facebook account and browse the newsfeed. Marmai na din akong friends. Puro taga SWU.

Habang nagba-browse ay may status na umagaw sa atensyon ko.

Fancy Jewel Abellano Welcome back Patrick!

1,435 likes  ● 657 comments ● share

Napalunok ako. Napatitig ako sa name niya—specifically, sa surname. Abellano..Abellano..wait! James Patrick Abellano. Kapatid ba siya ni Fancy? Kung kapatid siya ni Fancy, ibig sabihin ba nun...siya...siya ang lalaking nasa panaginip ko lagi na sinabi nilang wala dito sa Pilipinas? Kababalik niya lang? Yes, he’s here. So it means..

Kailangan ko siyang makaharap at makausap? Para malaman ko na kung sino at ano siya sa buhay ko. Para maintindihan ko na kung bakit lagi siayng sumusulpot a panaginip ko.

Shit. Bigla akong kinabahan! Hindi ko akalaing unexpected pa na magkakatagpo ang landas namin. Magka-klase pa kami at magkatabi sa upuan. Is it destiny? Oh God, why am I thinking like this? Iba talaga ang epekto niya sa’ken.

-

James POV

Fvck. I cant move. Icant believe this. She’s real. She’s alive. She’s Mandy. She’s my Mandy. Damn! Paano nangyari ‘to? At bakit parang hindi niya ako kilala? What happened to her? Naguguluhan ako. Yung sugat sa puso ko muling bumukas and damn, it hurts! 

Natatakot ako na hindi totoo ang lahat. Natatakot ako na umasa ako na buhay siya pero hindi. Pero totoo eh. Kitang-kita ng dalawang mata ko. She’s alive and swear! I’m nt dreaming. Pilit kong pinapakalma ang sarili ko. Sa halip na habulin siya ay natulala ako. Hindi ko alam kung paano mag-re-react. Binanggit palang kanina na sa tabi ni Miss Aguilar ako umupo, kinilabutan na ako.Because it reminds me of Mandy but then nung nagpunta na ako dito sa upuan sa tabi niya, hindi lang nangilabot kundi nagwala ang buong pagkatao ko. Dahil nakita ko siya. Humihinga, gumagalaw at nagsasalita. Fvck. I want to know the whole story. Paanong buhay siya? Paanong ‘dii niya  ako kilala? Shit. Ang dami kong tanong pero hindi ko alam kung anong uunahin ko. Daig ko pa angmay hangover. Natutulala ako. 

I heaved a sigh. Nang maramdaman ko ng may lakas na ako ng loobna mag-react ay tumayo ako at mabilis na lumabas ng room. Dinukot ang phone ko sa bulsa ng pantalon saka idinayal ang number ni Lance.

[Why?] 

Mabuti nalang at nasagot niya ang tawag ko. Naglalakad ako pababa ng building. Damn! Susundan ko si Mandy. Pupuntahan ko siya, gusto ko siyang makausap ng masinsinan. Gusto kong alamin lahat.

“S-Si Mandy. She’s alive.” Sabi ko. Annginginig pa ako. Ibang iba ang epekto sa’ken ng nalaman ko ngayon—nakita.

I heard him sighed. [Yes. She’s alive, James.]

Kumunot ang nook o. What did he say? Ibig sabihin alam nila? Pero hindi nila sinabi sa’ken? Bakit? “Alam nyo pero hindi nyo sinabi sa’ken?”

[James. She’s suffering from selectve amnesia at isa ka sa hindi niya matandaan. Hindi ka niya kilala. Hindi siya pwedeng biglain. Hindi mo siya pwedeng basta pilitin at ipakilala ang sarili mo. Makakasama sa kanya. You need to take it slow. Step by step. Hindi namin sinabi sa’yo dahil alam naming magugulat ka at bakabasta mo nalang sugurin si Mandy.Hindi pwede.]

Selective amnesia? Sa dami ng makakalimutan niya, ako pa? BAKIT? Fvck. Naramdaman ko nalang ang pagtulo ng luha ko. I don’t know if it’s tears of joy or what. She’s really alive but it hurts knowing that she can’t remember me.

“Okay. But I want to talk to her.”

[No, James. May nag-aalaga sa kanya. Psychologist niya. At siya ang una mong dapat na kausapin. Go home. I’ ll tell you everything. Tatawagan ko na rin si Thunder—yung Psychologist niya para makausap mo.]

Huminga ako ng malalim. Imba. Shit! “Okay. Okay.”

Pinutol ko na ang tawag saka napatingin sa paligid ko. Damn! Kelan pa ‘to? Kugn alam ko lang na buhay siya, e’di sana hindi ako umalis. Kung hindi ko pinutol ang communication ko sa lahat ng narito sa Pilipinas, e’di sana naibalita agad nila sa akin na buhay si Mandy. E’di hindi niya katawan ang nakita sa tabing dagat? Pero ‘yung tsinelas niya nandon sa buhanginan, at walang ibang nakita ang mga rescue. Paano nangyari ‘yun? Saan siya napunta nung panahong iyon? Ang dming gumugulo sa isip ko. Mababaliw ako kung hindi ko malalaman ang lahat, ang buong pngyayari.

And damn! Mababaliw lalo ako kapag pinatagal ko pa ang hindi pagka-usap kay Mandy. I miss her. I’m longing for her and all I want to do now is to tell her that I love her. Walang nagbago, hindi nabawasan, hindi ko siya pinagpalit. I’ve been faithful to her. Hindi ako nagloko kahit ang alam ko noon ay wala na siya.

Pero bago iyon, kailangan niya muna akong makilala. Gagawin ko ang lahat para maibalik ang parte ng ala-ala niya kasama ako para malaman niya kung sino ako sa buhay niya. I’m her future husband at hanggang ngayon, effective pa rin ang pangako ko sa kanya na siya lang ang babaeng iha-harap ko sa altar. Ang babaeng gusto kong makasama na bumuo ng pamilya. Walang nagbago. Masakit man sa’ken na hindi niya ako maalala, Masaya pa rin akong malaman na buhay siya.

My Mandy. She’s really really alive and now, I feel so complete again. My world started to move again and last, my heart started to beat again.

-

Mandy POV

Nagising ako dahil may tumatapik sa braso ko. At nang magm ulat ako ng mga mata ko ay bumungad sa’ken ang mukha ni Thunder.

“W-Why?” inaantok ap ako. Hinihikab pa nga.

“Aalis muna ako. May kakausapin akong importanteng tao. Kaya dito kalang. Hintayin mo ako para mapag-usapan natin ang tungkol kay James Abellano.” He said. Napansin ko ngang nakabihis pang-alis  siya.

Bigla lang akong napabangon nang ma-realize na may James Abellano nga pala akong iniisip. “James Abellano..”

“Dont make any move. Hintayin mo ako, okay?” paalala ulit niya.

Pero gusto kong makharap ulit ;yung James na iyon. Hindi ko na siya tatakbuhan tulad ng ginawa ko sa SWU kanina. “Pero..”

“Walang pero pero. Hindi makakabuti sa’yo ang padalus-dalos. Take it easy. Okay? Just wait for me.”

Tumango ako kahit tutol ang sarili ko. Saan kaya siya pupunta? Baka pupuntahan niya si James Abellano? 

“Alis na ako. Bye.” Lumabas na siya sa kwarto ko.

Biglang may nag-popped-out sa isip ko. Sundan ko kaya si Thunder?  Malaki ang possibility na ‘dun siya makikipagkita kay James Abellano. Gusto kong malaman ang pag-uusapan nila. Gusto ko ulit makita si James. Biglaan lang kasi kanina sa school aksi bigla akong umalis. Siya nga kaya ang nasa panaginip ko? Kung sa percent, 99% sure eh, according to my conclusion. Nabanggit sa’ken ni Fancy na kapatid niya ‘yun. At dahil pareho sila ng surname, ibig sabihin malaki din ang possibility na magkapatid sila. Kaya..siya ‘yun. Yes, siya nga. Ngayon ang tanong pa rin na gumugulo sa isi ko, sino siya sa buhay ko? Ano ko siya?

Malalaman ko rin. Ngayon pa na nandito na siya at nagkaharap na kami. Hindi ko palalampasin ang bagay na’to. Aalamin ko lahat. 

Sorry Thunder, pero hindi mo ako mapipigilan. Susundan kita because of my curiousity.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top