CHAPTER 54: COMPANION

Chapter 54: Companion

Pinanuod ko si Victoria habang palakad-lakad sa loob ng kanyang bahay. She's practicing some articles from the books that we reviewed. Kapag hindi niya maalala ay nagdadabog siya at kapagkuway bumabalik na naman sa simula. Whatever their upcoming task, it must be something big and important for her to strain herself. Sa katunayan ay kagabi pa siya subsob sa pagbabasa. She let her long curly hair hang loose which reminds me of Merida of Brave. Every time she got frustrated, she would pull her hair.

"Pwede ba, relax ka lang? Nahihilo na ako sa'yo!" reklamo ko sa kanya. Tumigil siya sa ginagawa at inihagis ang hawak na mga papel sa kama. She also dived in the bed and punched a pillow few times.

"Arrrrrghhhh! Ayoko na!"

"Then good. There'll be one less thief in the world."

Inangat niya ang ulo mula sa kama at tiningnan ako nang masama. Don't tell me it's because I called her "thief" again.

"What?" I mouthed.

"Hindi iyan ang ibig kong sabihin."

I frowned. "Uh, sayang. Akala ko pa naman ayaw mo nang magnakaw. And why are you giving up? I'm sure you've posed many times before, hindi ito ang unang pagkakataon."

"Pero ito ang unang pagkakataon na magpapanggap ako bilang abogada."

"Edi wag ka na lang magpanggap, as simple as that," suhestiyon ko. I know that she will not follow it, she's so close minded when it comes to things like quitting burglary.

"Salamat sa suhestiyon mo," sarkastikong wika niya. Then she stood from the bed at hinarap ako. "Anong ginagawa mo?"

"Nagbabasa."

"Samahan mo ako."

"Magnakaw? No thanks."

"Isang banggit ko pa diyan palalayasin kita dito sa bahay ko," banta niya. I closed the book that I was reading at tiningnan siya. She really looked pissed.

"Why do you hate it?"

"Dahil nakakairitang pakinggan."

"It's the truth."

Patuloy lang siya pambabato ng masasamang tingin sa akin. "Hindi porke't totoo ay maganda nang pakinggan. Sige nga magugustuhan mo ba kapag tinawag kitang detective?"

Hindi ko maiwasang mapakunot-noo. "What? Hind-"

"Detective! Detective! Detective! Detective! Detective! Detective! Detective! Detective! Detective! Detective! Detective! Detective! Detective! Detective! Detective! Detective! Detective!Detective! Detective!" She started saying it in an annoying manner.

"Fine! Stop it! Hindi na kita tatawaging magnanakaw," I said in defeat at umalis sa kama.

"Mabuti naman kung ganun. Sasama ka ba o hindi?"

"Where to?" She smiled widely at agad na tinungo ang banyo.

***

Natagpuan ko ang sarili kong naglilibot sa loob ng mall kasama si Victoria. Nasa loob kami ng isang boutique sa loob ng mall habang namimili ng corporate outfit si Victoria.

"Bagay ba sa akin?" tanong niya nang itinapat sa katawan ang isang kulay abong pencil skirt. Terno iyon ng isang corporate jacket na kulay abo rin.

Honestly speaking, wala akong alam sa fashion. Whenever I need a dress, Andi and Therese would pick it up for me. Tumango ako bilang sagot sa tanong ni Victoria sa akin.

"Yeah."

"Eh, ito?" She raised another pair of corporate suit na kulay itim.


"Yeah."

"Puro ka yeah."

Napansin niya marahil ang aking pagkabagot. Huminga ako nang malalim at tinapat siya. "Lahat naman ng damit ay babagay sa'yo eh. You don't need my fashion opinion at isa pa, I am not the best person to be consulted when it comes to fashion."

"Sabihin mo na lang na tinatamad ka," she said and sat on the couch across me. "Paano ako magmumukhang abogada nito kung hindi ko alam ang tamang outfit?" Huminga siya nang malalim at tila ba pinapakonsensya talaga ako.

"I'm telling the truth. At isa pa, do I look like someone you can consult for fashion?" I motioned my hands on my body. I was wearing simple jeans and shirt, not designer clothes.

"Hindi naman kailangang ganyan eh. Kailangang sabihin mo sa akin kung tama ba ang pipiliin kong damit. Siguro naman ay nakakita ka na ng abogado diba?"

"For the second time, you are using me as an accessory to the crime. Sabihin mo nga sa akin kung ano ba talaga ang plano ninyo?" Nagtagpo ang mga mata namin habang hinihintay ko ang sagot niya.

"Kapag sinabi ko sa'yo, hindi ka na accessory kundi bahagi ka na." She let out a lopsided smile and I gave up. Mas mabuti nang wala akong alam.

"Fine. I think the gray one suit you", wika ko sa kanya. She picked up the gray one at tiningnan ako.

"Kumusta naman kagabi?"

I raised my brow as I looked at her. She must be referring to what happened last night. Hindi namin iyon napag-usapan dahil nauna akong umuwi sa kanya. Matapos niyang mawala sa club kagabi ay hinanap ko at nang hindi ko siya makita ay nauna na akong umuwi.

"Don't ask like you didn't ditch me", irap ko sa kanya. After the case solved by Gray and company (I don't want to say Detective Triumvirate Plus One) ay hindi ko pa rin siya mahagilap. I ended up heading towards her home alone. "Saan ka ba galing?"

Iniwasan niya ang tanong ko. "At least naging okay na kayo ng mga kaibigan mo."

"You're there?"

"May sinabi ba ako?"

Naiinis ako. Nagmukha akong tanga kagabi sa kahahanap sa kanya samantalang siya...! She must be somewhere watching me gone crazy looking for her! Sa inis ko ay tumayo ako at lumapit sa kinauupuan niya upang kunin ang bag ko na nasa tabi niya lang. "I'm leaving!"

Natatarantang sinundan niya ako. "Sandali-"

"Wag mo akong sundan kong ayaw mong sumigaw ako dito ng magnanakaw. How do you like that?"

"Pero Amber-"

"I'm warning you."

She looked so worried and was about to say something ngunit nilagpasan ko na siya. Sinadya kong banggain siya sa balikat upang ipakita sa kanya na naiinis talaga ako. Isa sa ayaw ko ay ang pinagmumukha akong tanga. And I was even stuck inside the CR! To think that I was silently praying that someone may come and take me out o kaya naman ay magkaroon ako ng mga super powers para lamang makaalis doon. At hindi man lamang siya gumawa ng hakbang upang tulungan ako!

I furiously walked towards the mall's entrance. Hindi ko ininda ang mga nagdaraan na muntikan ko nang makabundol. Like I said, I'm pissed and I don't want to deal with other things that might add to that feeling. Tila may narinig akong tumawag sa pangalan ko at hindi iyon boses ni Victoria ngunit hindi ko iyon pinansin hanggang sa makarating ako sa exit. Tuloy-tuloy lang ang paglalakad ko nang hinarang ako ng guard.

"Excuse me Ma'am, maari ba naming i-check ang bag mo?" wika ng guard sa akin. I'm too pissed to argue so I handed him my shoulder bag na ngayon ko lamang napansin na tila lumobo. May laman ba ang bag ko?

And the guard just answered that question nang binuksan niya ang bag ko at tumambad doon ang kulay abong damit na sinusukat ni Victoria kanina. What the hell?!

"Ay, shoplifter!" I heard someone passing by said. Nanlaki ang mga mata ko habang nakatingin sa damit na may tag pa.

"Ma'am maari po ba kayong sumama sa akin?" tanong ng guard. Before I can answer ay hinawakan na niya ang braso ko at kinaladkad ako.

"Wait! I can explain-"

"Doon ka na lang sa loob magpaliwanag dahil nakaharang tayo." Hinawakan ako ng guard at agad akong napapiksi. "Akala mo siguro hindi ka mahuhili ha!"

"Don't touch me! Hindi ako magnanakaw!" I can't help but act bratty. Maraming tao doon and most of them stopped to see what's happening. Damn, paano ba ako napasok sa sitwasyon na ito?

Victoria! Tama! Shouldn't trust a thief as shopping companion next time! But is this the reason why she tried to stop me kanina? But Argh! People are looking at me judgmentally now at may ideya na ako kung ano ang tumatakbo sa utak nila ngayon.

"Hindi ako shoplifter kung iyan ang iniisip mo!"

"Ma'am, nahuli na nga po kayo diba? Kaya doon na lang po tayo sa loob." Hinawakan niya ako sa braso at sa pangalawang pagkakataon ay napapiksi ako at inalis ang kamay niya sa braso ko.

"I told you don't touch me! Hindi ako tatakas dahil hindi ako magnanakaw!" My voice raised and I felt the gazes of people around. Ano na naman bang kamalasan ang dumating sa buhay ko?!

"Grabe kahit huling-huli na, dumi-deny pa rin!" someone from the passersby said.

"Oo nga! Iba na talaga ang mga magnanakaw ngayon, hindi na halata sa hitsura nila!"

Napatingin ako sa dalawang matatabil ang dila at tiningnan sila nang masama. If looks could kill, malamang ay wala na silang malay ngayon.

"Ma'am sumama na lang po kayo nang maayos sa akin," the guard said and I felt my blood boiled.

"Guard, anong nangyayari dito?" wika ng isang babae. Nakasuot ito nang uniporme at kay nameplate sa dibdib nito na nagsasaad na manager ito. She looked at me scornfully at dumagdag lamang iyon sa inis ko.

"Ma'am, ito po kasing batang to. Nahuli namin na may mga unpaid item sa bag niya."

"I told you I didn't steal it! Kaya kong bayaran iyon! There's just some misunderstanding here!" This felt like a deja vu- only that this time, I wasn't accused of murder but shoplifting. But it was of the same scenario, I was telling the truth yet no one believe me. Gusto kong maiyak but if there's a lesson I learned from my previous experience, it is crying does no good in situations like this. Magmumukha lamang akong loser kung sakaling umiyak ako, right here right now.

Tumingin ang manager sa bag ko na hawak-hawak ng guard. "Diyan ba sa bag na 'yan natagpuan ang mga items?"

"Yes Ma'am."

Bumaling ng tingin sa akin ang manager. "Sa'yo ba ang bag na 'yan?"

"Yes but that doesn't mean-" Pinutol na niya ang sasabihin ko bago ko pa man matapos ang pangungusap ko.

"Miss, walang magnanakaw na umaamin na nagnanakaw sila. Kung ayaw mong pagsuotin ka namin ng placard na nagsasabing isa kang shoplifter at palibutin sa loob ng mall, sumama ka na lamang ng maayos sa amin," she said in a tone enough for me to wake my demons.

Bago ko pa man siya masinghalan ay isang boses ang nagsalita. It was the same word that I heard calling my name a while ago.

"What's going on here?"

It was a voice enough for everyone to stop and look at his direction. His dominating presence caused the sudden silence as everyone waited for him to stop walking in front of us. His dark piercing eyes was absorbing the soul of everyone around us. Kahit ang mga kasama nito ay ganoon din ang epekto ng kanilang presensya sa lahat ng nandito.

"Uulitin ko ang tanong ko. What's going on here?" His voice roared inside the mall.

It was Ryu, with Mnemosyne and Red.

"Naririnig mo ba ako?" untag ni Ryu sa tila na starstruck na manager. Or maybe starstruck wasn't the right term. She's immobilized by the authority in Ryu's voice. Ilang segundo pa ang nakalipas bago nito nabawi ang sarili.

"Sir, this girl is a shoplifter kaya kailangan namin siyang kausapin sa loob ng opisina ko," sagot ng manager at mas humigpit pa ang pagkakahawak niya sa braso ko. I tried to free my arm from her grip but I was unsuccessful.

"Kausapin? Then why are you dragging her? I bet there will be visible marks on her arm right now," wika ni Red. Bumaba naman ang tingin ni Ryu sa braso ko. Saka lamang ako binitawan ng manager at gaya ng sinabi ni Red, there were marks on my arm from their tight grip.

Sumingit ang guard sa usapan. "Kaanu-ano niyo ba ang batang ito? Huwag na ho tayong gumawa ng eksena dito, mas mabuti pa na sumama ka na lang sa amin."

"I will but there's no need to drag me! Tao ako, hindi ako rolling bag," inis na wika ko sa guard. He first humiliated me by dragging! Pwede naman niya akong kausapin ng maayos eh!

"Oo nga Sir, kaya mas mabuting huwag na lamang kayong makialam," wika ng manager at muli akong hinawakan sa braso at hinila. Nakaisang hakbang pa lamang kami ay muling dumagundong ang nakakatakot na boses ni Ryu.

"Bitawan mo siya." His voice was calm, yet the calmer the voice of a Vander, the scarier it is.

Inis na binitawan ako ng manager. "Sino ka ba?"

Ryu let out a very dangerous smirk. "Asking my name is the same with wishing for your death. Sigurado ka bang gusto mo talagang malaman ang pangalan ko?"

Bahagyang nawalan ng kulay ang mukha ng manager. "G-ginagawa lamang namin ang trabaho namin!"

"Trabaho niyo bang mang-akusa?," Mnemosyne or Stef said.

"Look, nakita namin ang item na ito sa bag niya-"

"But that doesn't give you the right to drag people," wika ni Ryu at inilibot ang paningin sa kumpol ng taong nakapalibot sa amin. "Paano na lamang ang reputasyon ng isang tao? Look, everyone might really think that she's a thief."

"She really is. Natagpuan namin ito sa loob ng bag niya nang papalabas siya ng mall!" giit ng manager.

"Then I will put that thing in your damn bag and now you're a thief, how about that?," wika ko sa manager. Damn, we're creating a scene here. Sana pala ay nagpapigil na lamang ako kay Victoria kanina.

Hindi ko iniisip na sinadya iyon ni Victoria. She put the clothes in my bag at alam kong siya ang gagawa ng paraan upang malabas iyon ng mall nang hindi siya nahuhuli. But then because I was pissed off- uh. Now this happened.

"Bakit ba kasi ayaw mo na lamang aminin na magnanakaw ka Miss?" sigaw ng manager sa mukha ko. Magnanakaw. Now I know how Victoria feels every time I called her such, only that there's a difference. She's really a thief and I am not. Naramdaman ko ang pagkuyom ng kamao ko. I closed my eyes to control my anger ngunit tila may sariling pag-iisip ang kamao ko. Tumaas iyon at bago pa man iyon dumapo sa mukha ng manager ay naramdaman ko ang mainit na palad ni Ryu na nakahawak sa kamay ko. Ibinaba niya iyon at hinila ako patungo sa likuran niya.

Bahagya siyang lumapit sa manager. "I can buy you," he paused and looked at the guard. "Or even you and this mall. So don't mess with me. If you think she's at fault or whoever it is, kausapin niyo sila nang maayos- hindi basta-basta na lamang hinihila at inaakusahan. Why don't we check the footage at nang magkaalaman?"

Ryu has this scary aura na tila nagpatuyo sa lalamunan ng manager at ng guard. "If we can prove that she didn't steal it, I will make sure you will suffer at-"

It took her a while to finally found her tongue. "P-pag-usapan na lamang natin ito nang maayos sa loob", nauutal na wika niya at iginiya kami sa loob.

Nang makarating kami doon ay tila tuta ang manager. Red insisted on watching the footage at gaya nang inaasahan, nothing there tells that I put those things in my bag. Hindi rin nakuha sa footage si Victoria- maybe she knew where the CCTVs are installed inside. Habang naging mediator si Red sa mainit ang ulo na si Ryu at ng manager ay sinulyapan ko si Stef na matamang nakatitig sa akin.

"What?", untag ko sa kanya. "Huwag mong sabihin sa akin na iniisip mo talagang ninakaw ko iyon?"

Her face was emotionless- just like Red's or the other reapers that I met before. Maybe that's something reapers like them must possess. An emotionless face. And I hate it. I hate that I have no idea what are the things that are running in her mind.

"Do you really want to know what I am thinking?" seryosong wika niya.

Now I somehow regretted why I asked dahil ngayon ay parang ayokong marinig ang isasagot niya. Dahan-dahan akong tumango bilang sagot sa tanong niya.

"I'm thinking that you really are a thief. Not of items from a boutique but of something more valuable than that. Very valuable." I saw a hint of sadness in her eyes nang sinabi iyon at kapagkuway sinulyapan sina Red at Ryu. But I think she's looking at Ryu.

"Ano ba ang-"

"Alam ko na ang isasagot mo Amber. You will say that it's not called stealing since he's not mine in the first place." Tumawa siya nang mapakla. "But still you're a thief. Marami kang ninanakaw nang hindi mo nalalaman."

"Hindi kita maintindihan Stef..." What is she? Another Victoria?

Hindi na siya sumagot pa dahil lumapit na sa amin sina Ryu at Red. Mukhang tapos na silang makipag-usap. The manager and the guard apologized to me at tinanggap ko naman iyon. Nang lumabas kami ay hinawakan ako ni Ryu sa braso at hinarap si Red.

"Take Mnemosyne with you, mauna na kayo at susunod ako. I just need to talk to her."

Nang niyaya na ni Red si Stef na umalis ay napatingin ang huli sa akin. She smiled sweetly but there's something in her eyes. "Mauna na kami," masigla niyang wika. She leaned to kiss my cheeks at bahagyang bumulong sa akin. "See? For now it's time. You have stolen his time that he's supposed to be with us.".

Before I can react ay umalis na siya kasama si Red. Nang makalayo sila ay tinapunan ko ng masamang tingin si Ryu.

"What?," iritableng wika niya. I rolled my eyes in respond to him at mas lalo lamang nagpainit iyon sa ulo niya. "Is that how you will say thank you?"

"Who said I will thank you?"

"I just saved your ass-" Hindi ko na siya pinatapos.

"Saved me? By what? By saying I can buy you, even you or this mall?" I tried my best to imitate his voice a while ago but I failed. For the second time ay pinaikot ko ang mata sa kanya. "Even if you didn't come, I can clear my name since I didn't do anything."

Kinagat niya ang kanyang labi na tila ba nagpipigil ng kanyang galit. "Yeah but you're about to hit her and that's the part where I saved you."

Fine, tama siya. If he didn't hold my hand (Uh, yuck.) I must have punched that annoying manager at malamang doon ako masasabit. But my ego is telling me not to thank him- let me remind him na hindi maganda ang huling pagkikita namin. Just like the others, he didn't trust me!

"Ikamamatay mo ba kapag hindi ako magthank you?"

"Of course not."

"Ganoon ba? Sayang naman," I replied trying to sound frustrated. I saw him grimaced like he didn't like what I said.

"You just disappeared that night," wika niya. Bahagyang naging malumanay ang boses niya. "Mom was worried. I was worried."

I was waiting for him to say something like JOKE! for saying he's worried about me ngunit ilang segundo na ang lumipas ay hindi pa rin niya iyon sinasabi.

"You doubted me. Hindi niyo ako pinagkatiwalaan," irap ko sa kanya.

"I trust you, what I don't trust is the drug."

I don't want to hear more of it. Kapag may narinig pa ako, I might hold on to their words again and end up being hurt. Fine, I will forgive them but it's not like we're back to our previous relationship. I trust them, alright, but there's a limitation to that dahil baka sa huli ay ako na naman ang masasaktan.

"Look Ryu, I appreciate the concern though I honestly think that it isn't you-"

"Anong ibig mong sabihin?"

"You, being concern? Impossible," nakangiwing wika ko sa kanya. I saw a smirk slowly emerged from his lips.

"You misunderstood me witch, I'm only concern that others may lay their hands on you when you're supposed to be killed on my own terms." Nagsukatan kami ng tingin at mukhang walang may magpatalo sa aming dalawa and just like all other staring contest I am in, I am always defeated, thanks to my ringing phone.

Agad kong kinuha ang cellphone ko mula sa bulsa. It was Attorney Rose calling.

"Yes, Attorney?" tanong ko nang sinagot ang tawag.

"Amber, I think I found the bank which keeps safe deposit boxes with keys similar to the one you're holding."

"Talaga po? Saan? Can you come with me? Let's go there together," wika ko at bahagyang sinulyapan si Ryu na nakatunghay sa akin.

"The problem is that none of your father's assumed name is registered to that bank. I checked all his financials under the name Rovan Allejo III, Bernard Sison or his other names ngunit wala."

Hindi ko maiwasang panghinaan ng loob. Ilang pangalan ba ang ginamit ni Daddy?

"Can't we just asked to open the number 97 safe deposit box? Nasa atin naman ang susi so we can just ask for it."

"It's not like that Amber. There are specific bank rules and regulations and you cannot just ask for it. Anyways, I will text you the name of the bank, I have to go now."

Agad kong pinatay ang tawag matapos magpasalamat kay Attorney Rose.

"Tungkol saan iyon?" tanong ni Ryu sa akin.

"None of your business. Mabuti pa, umalis ka na at puntahan mo na yung mga kasama mo kanina. Kahit labag sa loob ko, pasasalamatan pa rin kita. Thanks," wika ko sa kanya at tuluyan siyang nilagpasan. Sinadya kong lakihan ang hakbang upang agad akong makalayo doon. Mabuti na rin at hindi na niya ako sinundan.

Agad akong lumabas ng mall at naghintay ng taxi. That was a very humiliating situation! Malamang ay iniisip pa rin ng ilan na magnanakaw nga ako! Uh, bahala sila kung ano ang isipin nila! Ang importante ay makalayo ako sa lugar na ito!

Isang taxi ang huminto sa harap ko at nang bumaba ang salamin ay nakita ko si Victoria. She looked at me apologetically at binuksan ang pinto.

"Pasok ka na."

Napahalukipkip ako at tumingin sa malayo. I know she stashed the clothes in my bag with no intention of incriminating me but the fact that it was MY bag...! Hindi ko maiwasang hindi mainis.

"Amber."

Tila wala akong narinig.

"Detective!"

Napatingin ako sa kanya na nakataas ang isang kilay. She grinned at me at kapagkuway hinila ako papasok ng taxi. Nang isara niya ang pinto ay agad ko siyang siniko sa mukha. Yep, sa MUKHA.

"Aray!" Napahawak siya sa nasaktang ilong.

"Don't ask why!"

"Pasalamat ka may kasalanan ako sa'yo!" She moved on the other side of the car, baka sa takot na segundahan ko ang ginawa ko.

"Nababaliw ka na ba? Sinasabi ko na nga ba na isasama mo akong magnakaw eh! Now look what happened!"

"Kinuha mo ang bag!"

"It was my bag!"

"Wala akong dalang bag!"

"Edi sana nag-isip ka ng ibang paraan!"

"Panandalian lang naman iyon eh! Hindi naman tayo lalabas ng mall na nasa bag mo ang damit!"

"Ewan ko sayo! Wala ka bang pambili nun? Grabe ka, pati ba naman damit nanakawin mo?"

"Mas exciting yun kaysa sa pumila sa cashier upang bilhin ang damit!"

"Exciting my foot!"

Nagsigawan kami sa loob ng taxi at sumingit sa sigawan namin ang driver.

"Excuse me po Ma'am-"

"Wag kang makialam dito manong!" wika ko sa driver. Yup, I am furious. Because of what she did, nagkaeksena ako sa mall kanina.

"Tatanong ko lang po-"

"Sinabi ngang wag kang makialam eh!" wika naman ni Victoria at bumaling sa akin. "Hindi ko nga kasi 'yon sinasadya eh!"

"My God, if you can't pay it, pwede namang humiram ka muna ng pera sa akin eh- o kahit humingi na lang tutal nakikitira naman ako sa bahay mo, inisip mo na lang sana na kabayaran iyon! At kung tinatamad kang pumila, you can ask me!"

"Akala mo naman hindi ka reklamador at tamad!" She replied. "Simpleng tingin lang naman kung bagay ba sa akin, di mo nga magawa, pumila pa kaya?!"

"Mga Ma'am-"

"What?"

"Ano?"

Magkasabay na sininghalan namin ni Victoria ang driver. Mula sa salamin ay napansin kong bahagya siyang napangiwi. "S-saan po kayo?"

Pareho kaming napahiya ni Victoria. Nagtalo na kami at lahat, dinamay pa namin ang driver. Agad akong humingi ng paumanhin dito.

"Pasensya na po," nakayukong wika ko at sinabi sa driver na tumigil sa pinakamalapit na couture.

#

-ShinichiLaaaabs

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top