Chapter 25
TRIGGER WARNING!
Walking to my department's building means passing by the Psychology's department. I thought, ignoring and avoiding Grace would be very simple since I'll be very busy, now that I am in my fourth year in Engineering, but no.
"Hi, Connor!" Grace greeted as I walked passed their building.
Tumango ako bilang tugon. "Hi."
"May klase ka na?" tanong niya habang sinasabayan ako sa paglakad. Tumango ako bilang tugon. "Okay."
Hindi ko na ulit siya nilingon pa nang huminto na siya sa paglalakad. Grace usually does that all the time since we were in high school. She's a very cheerful woman even before with all the elegance she carries. Alam ko namang tapos na kaming dalawa, matagal na. Siya na nga ang nagputol no'n sa amin, eh. Pero hindi na rin ako kumportable.
At isa pa, nangako ako kay Savannah na iiwasan ko na si Grace kahit na hindi naman madalas siya lumalapit sa akin. Kapag lang nadadaan ako, babatiin niya ako, tulad kanina.
Nang makaupo ako pagkapasok sa loob ng room ay nakahinga ako nang maluwag.
"Ano bang nangyayari sa 'yo?" natatawang tanong sa akin ni Liam.
Umiling ako at muling nagbuntonghininga, bago idinukmo ang ulo ko sa table.
"Para kang hinahabol palagi, pansin ko lang," rinig kong sabi niya pa.
"Wala ka nang pakialam do'n," sagot ko habang nakadukmo.
Narinig ko siyang tumikhim. "Kakilala mo ba 'yung freshmen na maganda sa Psychology department?"
Napaangat ako ng ulo sa sinabi niyang 'yon. Nakita ko siyang nakapangalumbaba habang nakangisi sa akin, halatang interesado sa itinanong niya sa akin.
"Hindi."
"Wala pa nga akong sinasabi, eh." Tumawa siya. "Nakita ko minsan kinausap ka no'n, ah? 'Yung palaging naka-long sleeve na sexy!"
I scoffed. Idudukmo na sanang muli ang ulo nang magsalita siya.
"Sige na, may girlfriend ka naman na. Papakilala lang, eh. Gusto ko lang ligawan."
"Ayoko," matigas na sabi ko.
Ngumisi siya. "Sige na," pamimilit niya pa. "Ang hirap kasing lapitan, parang masiyadong mataas."
Nag-iwas ako ng tingin kasabay ng pagkuyom ng mga kamao ko, dahil ganito rin naman noong high school pa lang kami. Hirap din silang lapitan si Grace dahil nai-intimidate sila.
"Ayaw ko nga, bakit ba ang kulit mo?!" bulyaw ko.
Nakita ko kung paano magbago ang itsura niya, halatang hindi inaasahan ang biglaan kong pagsigaw. Nakita ko rin ang iba naming mga kaklase na tumigil sa mga ginagawa at sa kwentuhan dahil sa biglaan kong pagsigaw.
"Ano bang problema mo?" iritang tanong ni Liam.
Napabuntonghininga na lang ako. "Huwag ka na kasing makulit."
"May problema ka sa akin, eh," dagdag niya pa, pinipigilan akong dumukmo sa lamesa.
Nang mapuno ako at sobrang mainis na sa kan'ya, tumayo ako at saka siya sinuntok sa kaliwang panga, dahilan para mapatili ang ibang babae na kaklase namin.
"What the fuck, pare?!" bulyaw ni Liam, akmang gaganti, pero pinigilan ng malapit naming kaklase. "Tang ina, may girlfriend ka na tapos gan'yan pa reaks'yon mo sa ibang babae!"
"Lopez! Dela Cruz!"
Napalingon kaming dalawa sa boses ng lalaking propesor namin na ngayon ay nakatayo na sa pintuan. Napapikit na lang ako at napabuntonghininga bago kami parehong lumapit sa kan'ya.
"Ang tatanda n'yo na, nag-aaway pa kayo!" sigaw niya sa amin bago naunang lumabas na ng building habang nakasunod kaming dalawa ni Liam.
Tahimik lang kaming dalawa ni Liam na nakasunod sa professor namin papunta sa opisina niya para kuhanin ang suspension notice naming dalawa. Bigla akong nahiya sa sarili ko.
Napadaan kami sa harap ng Psychology department at nakita ko si Grace na seryosong nakatingin sa amin, nagtataka. Maging ang ibang estudyante sa department nila, nakatingin na rin sa amin.
Nag-iwas na lang ako ng tingin bago tuluyan nang lampasan 'yon at pumasok sa opisina ng prof namin.
"One day suspension, dela Cruz," sabi ng Professor habang may isinusulat sa papel, nakaupo sa upuan niya. "Three days, Lopez."
Nang maibigay na sa amin ang mga papel, nagbuga siya ng malalim na buntonghininga bago sumandal sa upuan niya.
"Ano bang pinag-awayan n'yong dalawa? Lopez, bakit ba sinuntok mo si dela Cruz? Matatanda na kayo, hindi n'yo ba madadaan sa usapan 'yan?!"
Nagbuntonghininga ako bago yumuko. "I'm sorry, Sir."
"Huwag ka sa aking mag-sorry."
Tumingin ako kay Liam na ngayon ay seryoso nang nakatingin sa akin. Hindi mukhang galit pero halatang malalim ang iniisip.
"Sorry, pare."
Nagbuntonghininga siya bago tumango sa akin. "Okay lang. May problema ka ba?"
Na-guilty ako bigla sa itinanong niyang 'yon dahil sa kabila ng ginawa ko sa kan'ya, inisip niya pa rin ang kalagayan ko.
"Pasensiya na . . ." dagdag ko bago muling nagbuntonghininga.
Nang makalabas ng opisina, nakita ko si Savannah na nasa labas, nag-aalala.
"Anong nangyari?" tanong niya sa akin. "May nagbalita sa akin."
Nagbuntonghininga ako bago hinila siya at niyakap. "I'm sorry."
Bahagya niyang tinapik ang likod ko. "It's okay, but are you alright?"
I nodded. "Suspended for three days."
She sighed. "Are you stressed? Magpahinga ka na muna sa condo n'yo."
Tumango ako bago kumalas ng yakap sa kan'ya. Humalik ako sa ulo niya bago nagpaalam na sa kan'ya dahil naghihintay sa akin si Liam. Naglakad na ulit kami pabalik ng department namin.
"Ano bang nangyari? Nakakagulat ka, pare."
Umiling ako. "Wala naman. Pasensiya na talaga."
"Ayos lang." Tumawa siya. "Ang lakas mo sumuntok, ah? Part k aba ng frat?"
I laughed. "No."
Muli naming nadaanan ang Psychology department at nakitang wala nang mga estudyante ro'n. Siguro, nagsimula na ang klase.
"Kilala mo ba kasi 'yon?" I nodded at his question. "Close kayo?"
I smirked. "Noon."
"Eh ngayon? Ano mo ba?"
I sighed before answering him. "Ex."
"Ohh, mahal mo pa ba? Mukhang mahal mo naman 'yong girlfriend mo na 'yon kanina, ah? Bakit gumano'n ka dahil lang sa ex mo?"
Nagkibit-balikat na lang ako bago kami pumasok sa room namin para kuhanin ang mga gamit namin. "Ewan ko rin."
Tumawa na lang siya at umiling bago kami umalis ng room dala ang mga gamit namin.
"Salamat pare sa suspension! Tinatamad ako mag-aral ngayon, eh."
Pinagtawanan ko na lang siya habang naglalakad kami papunta sa parking lot para umalis ng university. Nanigarilyo na muna kami sa smoking area sa labas bago kami umalis at pumunta sa kani-kan'ya naming pupuntahan.
Nang makauwi ako, naabutan ko pa si Jin doon na nirorolyo ang mga ginawang plates.
"Tang ina, kapapasok mo lang, ah?" He laughed.
"Suspended," sagot ko bago ibinagsak ang katawan sa long couch malapit sa kan'ya.
Napakunot ang noo niya. "Bakit? Anong katarantaduhan na naman ginawa mo?"
I shrugged. "Nanuntok," napailing na lang ako bago natawa. "Hindi ko na alam kung anong nangyayari sa akin."
Ibinaba niya ang canister niyang kasasarado niya lang bago tumingin sa akin nang seryoso.
"Bakit ba? Ano na namang nangyari?"
"Ewan ko." I sighed. "Kinukulit kasi ako ng kaklase ko tungkol kay Grace. Gusto niyang ipakilala ko siya."
He crossed his arms. "Oh, eh 'di ipakilala mo. Bakit sinuntok mo?"
Again, I sighed. "'Yun na nga. Hindi ko nga alam kung bakit ginawa ko 'yon. Nakulitan?"
He scoffed. "Nakukulitan ka rin naman dati pero hindi ka nanununtok nang gan'yan, Connor."
Napalunok ako dahil doon. Hindi ko na alam kung ano ba talaga.
"Mahal mo pa naman si Savannah, 'di ba?"
I scoffed at what he said. "Tangina, oo naman. Mahal na mahal. Bakit mo naman naitanong 'yan?"
He shrugged. "You're troubled with the thoughts of Grace. Baka kailangan n'yong mag-usap."
Umiling ako. "Nangako ako kay Sav na hindi na ako lalapit kay Grace."
He chuckled, disappointed. "Isang beses lang naman. Mag-usap kayo. Nang matahimik ka at nang masagot na lahat ng tanong d'yan sa isip mo. Hindi 'yung gan'yang iba 'yung sinasabi mong mahal mo pero iba naman gumugulo sa isip mo." He sighed. "Hindi na ako magtataka kung iwanan ka ulit, pare. Hindi gusto ng mga babae ang gan'yan, kaya ayusin mo na, hanggang maaga pa."
Nang matapos niyang sabihin 'yon, kinuha na niya ang mga gamit niya at nagpaalam nang papasok. Bumangon na rin ako at dumiretso sa k'warto ko para magpahinga. Sa dami ng iniisip ko, pakiramdam ko, pagod na pagod na nga ako.
Naghubad na ako ng mga damit ko at natulog .
***
"Connor."
Iminulat ko ang mga mata ko. Nakita ko si Savannah na nakaupo sa gilid ng higaan. Bumangon ako at ngumiti sa kan'ya.
"Wala ka nang klase?" tanong ko habang hinahawakan ang kamay niya.
Umiling siya. "Hapon na, Connor."
Tiningnan ko ang oras sa side table ko at nakitang 5:43 PM na pala. Sobrang haba naman masiyado ng tulog ko.
Ngumiti ako sa kan'ya bago ko pinatakan ng halik ang labi niya.
"I heard what happened." Napalunok ako sa sinabi niyang 'yon. "Kung bakit ka suspended."
I nodded as I sighed. "I'm sorry. I'm just really worried about her. You know that Grace is not fine before, right?"
She smiled timidly. "Don't you think that she's alright now? What if lang . . ." She shrugged.
Hindi ako nakasagot, dahil tama naman siya. Kahit naman ako, hindi ko alam kung bakit ako nagkakaganito ngayon.
"Hindi ako sigurado. I'm sorry."
I heard her sigh before standing up. "It's alright, though. It's normal to be worried with a friend, right?" She smiled before walking towards the table. "Dinala ko na nga pala 'yung painting na ginagawa ko noon. Natapos ko na siya at naipa-frame ko na rin."
Umalis ako sa higaan at nagpunta sa kan'ya. Tiningnan ko ang framed painting. It was us, sharing our first kiss together under the first rainfall of August. She painted it so well, I can almost see ourselves like it's real—like it wasn't just a painting.
"Where should I hang this?" she asked.
Kinuha ko 'yon sa kan'ya at dinala sa harap ng higaan ko. Isinabit ko ro'n ang malaking frame na 'yon. Bumagay ang painting sa p'westo nito dahil sa minimalist style ng k'warto ko.
"Ang ganda."
I looked at her. She's happily looking at her painting inside my room.
"Thank you, Savvy . . ."
She looked at me with a smile on her lips. I held her chin up and claimed her lips again. I felt her hands wrapped around my nape as she kissed me back.
I spent my suspended days self-studying about the lessons I've missed. Mabuti na lang at mababait ang mga kaklase ko kaya tinutulungan nila ako sa mga naging lesson at sinasabihan sa mga plates na dapat gawin.
Fourth year is really hell. I can't imagine myself striving on my fifth year, fuck. Pakiramdam ko, babagsak na ako ngayon.
It's been a week since I was suspended. Mabuti na lang at nahabol ko ang mga dapat na habulin. Naging mabait din sa akin ang ibang professor dahil ngayon lang naman ako pumalpak. Kahit kailan, hindi pa ako bumagsak. Habang ang ibang professor naman, pinahirapan pa ako bago hayaang makahabol.
Habang naglalakad pabalik sa department dahil tapos na akong mag-lunch, nakita ko si Grace na nakatayo ro'n, malapit sa pathway, nakatingin sa akin nang seryoso.
Nag-iwas ako ng tingin bago itinuloy ang paglalakad. Lalampasan ko na sana siya nang humarang siya sa daraanan ko. Napabuntonghininga ako bago siya tiningnan. Seryoso pa rin ang tingin niya at sa mga tingin niyang 'yon, para akong ibinalik sa araw na pinutol niya na ang relas'yon naming dalawa.
"Are you angry with me?" she asked.
Umiling ako bilang tugon. Lalampasan ko na sana siya ulit nang hinarang niya na naman ako.
I sighed in frustration. "Grace, please . . ."
Napakunot ang noo niya sa sinabi ko. "What the fuck did I do?"
I shook my head slightly. "Can you just move away? I need to go."
She scoffed. "Did I do something wrong to you? I just wanted to have friends here and you're the only one I know I can count on."
Napatigil ako nang makita ang pangingilid ng mga luha niya.
"I just want to feel that I exist in this damn university and you're the only one who can see me."
Mabilis na tumulo ang mga luha niya, pero pinunasan niya rin kaagad gamit ang kamay niya, dahilan para makita ko ang mga peklat niya.
"I didn't ask for anything. I just want to feel my presence here. I didn't know that it was a bad thing now. Of all people, Connor, why does it have to be you to make me feel like this?"
She sobbed before turning her back on me and started walking away. I felt something very sharp pierced right through my chest. With my chest catching its breath, I called her.
"Grace Amélie . . ."
She halted. I stepped towards her to come near her but eventually stopped midway.
"I just want to know . . . why did you leave without a word? Why can't I find you anywhere?"
She faced me and I saw her bloodshot eyes from crying as well as her stuffed nose. She answered me with her broken voice.
"I left you because I was going crazy! I thought you knew that already because you saw me, Connor!"
She cried and cried until she can no longer talk properly with all the sobs coming out of her mouth.
"I was afraid that I'll hurt you! I was fucking afraid I'll see myself stabbing the only man I've ever loved because a demonic voice told me to! I left because I loved you more than I ever loved myself!"
And with that . . . her sobs continuously went out of her mouth until she passed out. I hurriedly walked towards her. I carried her on the way to the clinic.
As I do that, I saw more scars in her arm and neck that made my sweats colder because of the fear I had in the past that keeps on haunting me.
___
"It can be very scary when you are unable to move. You may feel anxious and afraid. Some people also hallucinate during an episode. They may see, hear or feel things that are not there. They may even think that another person is in the room with them. These hallucinations may also appear without the sleep paralysis. Sleep paralysis tends to first appear in the teen years. It then occurs most often when you are in your 20s and 30s. It may continue into your later years. It is not a serious medical risk." — sleepeducation.org
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top