Chapter 04
Kung hindi siguro tumatatak sa isip ko ang bawat salita ng boses niyang ang sarap sa pandinig, baka isipin kong busted na kaagad ako kay Savannah matapos niyang sabihing hindi siya kumportable sa akin.
Pero kung hindi siya kumportableng totoo, bakit sinabi niya 'yon nang may magandang ngiti sa mga labi niya, hindi ba?
Nakalabas na ako ng sasakyan niya at papasok na ako sa lobby nang mapagtanto ko ang lahat ng 'yon. Mula sa lobby, bumalik ako sa kung nasaan si Savannah. Hinabol ko ang sasakyan niyang papalayo na sa building ng condo. Kinatok ko ang bintana ng driver's seat, dahilan para tumigil siya sa pagmamaneho at ibinaba ang bintana.
"May naiwan ka ba?" tanong niya sa akin.
Humihingal akong ngumiti bago nagsalita. "Hindi rin ako kumportableng kasama ka."
Tumawa siya bago iniabot ang cellphone sa akin. "P'wede ba tayong magpalitan ng number? Para maging kumportable na tayo sa isa't-isa."
Tumawa ako, kasabay ng mabilis na pagtibok ng puso ko ngayong kausap ko siya habang nasa loob siya ng sasakyan niya. Kinuha ko sa bulsa ang cellphone ko at iniabot sa kan'ya bago kinuha sa kamay niya ang cellphone niya.
T-in-ype ko ang number ko at nakita kong ganoon din siya. Nang matapos i-save sa pangalan ko, iniabot ko na pabalik ang cellphone sa kan'ya. Nakita kong inuulit-ulit niya pa ang pagbigkas sa number niya na parang sinisiguradong hindi siya mali, bago ibinalik sa akin ang cellphone nang may ngiti sa labi.
"Uhm, text ka kung . . . nakauwi ka na," kinakabahang sabi ko. "Sa susunod, ako naman ang magdi-drive."
Tumawa siya. Pakiramdam ko, sasabog na naman ako sa kaba . . . sa kakaibang mga pakiramdam na nararamdaman ko ngayon.
"May next time pa . . ." tumango-tango siya nang nakangiti matapos 'yon sabihin.
Bahagya akong ngumiti at tumango. "Maraming . . . maraming . . . next time."
Ngumiti siya at kumaway bago itinaas na ang bintana. Kumaway ako sa kan'ya hanggang sa tuluyan na siyang nag-drive paalis.
Nang tuluyan na siyang nakaalis, bumalik na ako sa loob ng building at sumakay ng elevator papunta sa floor ng unit namin. Nang makarating, pumasok na ako sa loob ng unit. Naabutan ko si Jin na natutulog sa couch, mukhang lasing na lasing. Si Aldrin at Terrence, hindi ko alam.
Bahala sila.
Pumasok ako sa k'warto at kinuha ang towel para maligo sa common bathroom sa ibaba. Mabilis lang din 'yon dahil iniisip ko na baka mag-text si Savannah kapag nakauwi na siya. Pakiramdam ko, makakauwi kaagad siya dahil hindi naman traffic kapag ganitong oras.
Nang matapos, nadaanan ko si Jin na nakadapa na ngayon sa sahig pero tulog pa rin. Hindi ko na siya pinansin pa at bumalik na lang sa k'warto. Hindi ko ugaling matulog nang may damit, maliban sa boxers, kaya naman dumiretso na ako ng higa pagkakuha ng cellphone sa side table.
Ilang minuto kong tinitigan ang cellphone ko, baka sakaling umilaw at mag-text siya. Pero ilang minuto na, wala pa kaya ibinaba ko na ang kamay ko. Nang ipikit ko ang mga mata ko, mukha niya kaagad ang nakita ko.
Nasampal ko ang noo ko sa kawirduhan ko ngayon, dahil, para saan ba ang lahat ng nararamdaman ko ngayon? Alam kong hindi malabong gusto ko siya, pero hindi naman ako ganitong magkagusto sa mga nakaraang babae sa buhay ko.
Mabilis akong napabalikwas nang maramdaman ang pag-vibrate ng cellphone sa kamay ko. Nakita ko ang text niya ro'n.
Savvy:
I'm home. Thank you so much for tonight. I really enjoyed it with you. :)
Savvy ang pangalang ini-save niya. Siguro, 'yonang nakagawiang nickname niya, pero mas gusto ko ang pangalan niya kaya namanpinalitan ko 'yon bago ko siya ni-reply-an.
Me:
Good. Matutulog ka na?
Savannah:
Hindi pa. :) Ikaw?
Dalawa ang naisip kong sabihin kaya pinaghiwalayko 'yon ng send. Ayaw kong isipin niya na hanggang dito sa text ay matipid akosa pagsasalita, katulad kanina. Napahawak ako sa labi ko bago nagtipa ng reply.
Me:
Hindi pa rin. :)
Me:
Puwede akong tumawag?
Ilang minuto pa akong naghintay sa reply niya.Halos dumugo na ang labi ko sa pagkaskas ng kuko ko rito sa paghihintay sakan'ya. Magre-reply na sana ako na okay lang kung hindi, pero nag-reply siya.
Savannah:
Okay lang! Sige.
Napangiti ako bago ko tinawagan ang number niya. Kumabog pa ang dibdib ko habang hinihintay na sagutin niya ang tawag ko. Makalipas ng tatlong ring, sinagot na niya ito.
"Hi."
Napalunok ako sa lalong kaba na naramdaman nang marinig ko ang kakaibang boses niya sa kabilang linya. Siya pa rin 'to pero may kakaibang pakiramdam na ibinibigay sa akin na para siyang bagong gising.
"Hello . . . uhh, may kasama ka ba d'yan?"
Tumawa siya, dahilan para mapangiti ako lalo. "Wala. Ako lang mag-isa nakatira dito."
Ipinikit ko ang mga mata ko habang nakikipag-usap sa kan'ya. "Talaga? Hindi ka naiinip?"
"Hmmm. Hindi naman. Sanay akong mag-isa sa bahay."
"Paano kung magkasakit ka?"
Tumawa siya. "Kaya ko namang alagaan ang sarili ko."
"Pero hindi lahat, kaya mong gawin kapag may sakit ka."
She chuckled making me smile more. Hindi na maalis ang ngiti sa mga labi ko.
"Connor, huwag kang mag-alala sa akin. Kaya ko. Kinaya ko na nga, eh. Ngayon pa ba may mag-aalala sa akin?"
She laughed after, making me close my eyes and feel the happiness inside as I listen to her laughter. "Hindi naman dahil sinabi mo kaya mo, hindi na kailangang mag-alala ng tao sa 'yo."
Hindi siya sumagot kaagad. Idinilat ko nang bahagya ang mga mata ko bago dinugtungan ang sinabi.
"Hindi ba dapat na mas lalong mag-alala ang isang tao sa hindi humihingi ng tulong . . ." muli akong napalunok. Hindi ko na alam kung bakit sinasabi ko sa kan'ya ang mga ito. "Kasi baka masiyado siyang masanay na mag-isa lang siya sa mundo. Naniniwala kasi ako na ang taong nagsasabing kaya niya ang lahat, nanghihingi rin ng tulong."
Matagal ulit siyang nanahimik sa kabilang linya. Tiningnan ko tuloy ang screen para malaman kung nandoon pa siya at nakikinig sa mga sinasabi ko. Akala ko, pinatay na niya ang tawag.
Magsasalita na sana ako nang magsalita siya.
"Connor . . ."
Hindi makalma ang pagtibok ng puso ko sa bawat pagtawag niya ng pangalan ko. Kung nagwawala ito sa tuwing tumatawa at ngumingiti siya, mas nagwawala ito sa bawat banggit niya ng pangalan ko.
"Hmm . . ."
Nagbuntonghininga siya.
"Hindi bawal sa akin ang sigarilyo."
Napalunok ako, at hinanap kung ano ang ibig sabihin ng sinabi niyang 'yon. Hindi ko naintindihan kung anong sinasabi niya. Hindi ko nakuha kaagad ang kung anong gusto niyang sabihin. Gusto kong magtanong, pero naunahan na naman niya ako.
She chuckled. "Matulog na tayo. Good night, Connor."
Naputol na ang linya pero pinanatili ko ang cellphone sa tainga ko, hanggang sa ilang sandali pa, ipinikit ko na ang mga mata ko at napangiti nang mag-isa.
Hindi bawal sa kan'ya ang sigarilyo.
Hindi lang ako ang nakakuha ng atens'yon sa aming dalawa.
Sa mundong ito, alam ko, pareho naming gustong mas makilala ang isa't isa.
***
Nang pumasok ulit kami sa university, siya kaagad ang una kong hinanap. Wala naman kaming pinag-usapan na magkikita, at malayo naman ang department ng Multimedia Arts sa amin.
Hindi ko rin alam talaga kung bakit.
"Ayaw ko rito kumain ng tanghalian. Sa labas tayo, nagsasawa na ako sa mga ulam dito," reklamo ni Terrence.
Hindi ko pinansin ang reklamo niya habangnaglalakad kami. Sa halip, nag-text ako kay Savannah na mabilis niya rinni-reply-an.
Me:
Nasaan ka?
Savannah:
Papasok pa lang. Bakit?
Me:
May kasabay ka bang mag-lunch?
"Putang ina, may bago na nga!" malakas na sabi ni Aldrin bago humalakhak, dahilan para hawakan ni Terrence ang cellphone ko. "Tang ina, success yata ang gagong Jin!"
Nagtatawanan silang dalawa. Napapailing na lang ako.
"Savannah Banana . . ." paulit-ulit na sabi ni Terrence sa tono na parang kumakanta.
Hinampas ko ang tiyan niya ng likod ng palad ko bago nauna nang naglakad sa kanila. Nag-vibrate ang cellphone ko at nakita kong nag-reply na siya.
Savannah:
Meron, eh.
Napaawang ang bibig ko nang bahagya sa dismaya. Nagtitipa na ako ng bagong reply para sa kan'ya nang mag-text ulit siya.
Savannah:
Pero puwede naman akong hindi sumabay...
Napangiti ako at mabilis na nag-reply kasabay ng pagpasok sa room namin at pag-upo sa likuran.
Me:
Sabay na tayong mag-lunch. Ako naman ang magdi-drive ngayon. :)
Savannah:
Sasakyan mo?
Me:
Sasakyan ko. :)
Savannah:
Okay. :)
Nag-text pa kami ng tungkol sa iba pang bagayhanggang sa nagpaalam na siya dahil magsisimula na ang klase nila. Magsisimulana rin ang klase namin pero hindi ko na 'yon inisip dahil mas gusto ko siyangkausap kaysa ang makinig sa discussion ng prof namin.
Savannah:
Mamaya na lang! Makinig ka sa prof mo, ah? :)
Bahagya akong tumawa bago nag-type ng reply sa kan'ya.
Me:
Makikinig na ako ngayon. :D
Tumawa pa siya sa reply niya bago nagpaalam nang tuluyan. Napangiti na lang ako habang tinititigan ang screen kung saan makikita ang conversation namin.
"Grabe ka pala ma-in love."
Napalingon ako sa nagsalita sa harap at nakita ko ang kaklase kong si Charles na nakangisi sa akin. Umamba pa siyang hahawakan ang baba ko katulad ng lagi niyang ginagawa, na para ba akong aso na inaamo, pero hindi niya naituloy nang mabilis kong hinawi 'yon at ibinulsa ang cellphone.
"Tang ina, suplado amputa, mabasted ka sana!"
Hindi ko na siya pinansin pa at idinukmo na lang ang ulo ko sa lamesa ko.
____
Thinking that Déjà Vu moments are memories of our dreams presents a problem. Both dreams and Déjà Vu experiences happen in non-normal states of consciousness. Most altered states are a fertile ground for confabulations ("embroidered" or false memories). It's easier to create a false memory during a moment of Déjà Vu, than it would be normally. In fact, during moments of Déjà Vu, the mind has unusually direct access to long-term memories, and the brain processes that allow us to create and retrieve them, but it's also more likely to create a false memory. As it happens, people who have déjà vu often are also prone to false memories. — god-helmet.com
Malapit nang maging regular ang update nito, yey! Malapit nang magtuluy-tuloy ang journey natin sa Phenomena Series. I'm looking forward to ending the whole series before 2020 ends. 😆 Sana makaya.
I hope you'll support me in here! Next update will be posted after I finished posting the past few chapters of Unchosen.
Thank you soooo much. 💟
-mari 🌻
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top