Chapter 38
Please follow @beeyotchupdated on twitter for real time tweet if any story got updated. Thank you.
#DTG38 Chapter 38
Ilang beses kong sinabi na ayokong maka-tanggap ng dalaw mula kahit kanino maliban sa abogado ko, pero natagpuan ko pa rin ang sarili ko na kaharap si Vito.
"Why?" tanong niya malipas ang ilang segundo ng katahimikan na namagitan sa gitna naming dalawa.
"Kasi ito 'yung tama."
"He tried to rape you—"
"Matagal na dapat akong sumuko," pagputol ko sa sasabihin niya. "Hindi ka na dapat nakulong. Hindi na dapat kayo nadamay. Dapat matagal ko na 'tong ginawa."
Hindi na dapat ako natakot.
Hindi ko na dapat sila hinayaan pang umabot sa ganoon.
Kung hindi sila umabot sa ganoon, mapupunta ba ako sa lugar na 'to? O magiging kagaya lang nila ako na magtatago sa pera na mayroon sila?
"Assia—" sabi niya at mabilis na napa-hinto. "I wasn't going to get convicted..."
Tumingin ako sa mga mata niya. "Alam mo ba iyong plano nila Niko?" tanong ko sa kanya. Bahagyang kumunot ang noo niya. "Alam mo ba na plano nilang magbayad ng tao para sumalo sa nangyari?"
Gusto kong makita iyong reaksyon sa mukha niya.
Kung alam niya ba.
Kung pumayag din ba siya sa ganoon.
Kasi kung pumayag siya... baka hindi niya talaga ako kilala.
"What are you talking about?" tanong niya pagka-lipas ng ilang sandali.
"Hindi mo alam iyong nangyari?"
Mabilis siyang umiling. "No!" agad na sagot niya. "Why in hell would I agree to that!"
Hindi ako nakapagsalita.
Umigting ang panga niya.
"God, Assia! Spending weeks in jail made me realize what a hellhole that place is! Do you seriously think that I'd willingly send an innocent person to that place?"
"Nagawa mo para sa 'kin."
Umawang ang labi niya.
Naghintay ako ng sagot.
"Kung hindi mo kayang gawin sa iba... sa tingin mo kaya ko 'yung gawin sa 'yo, Vito?" mahinang tanong ko sa kanya.
"You didn't ask for me to do it," mahinang sagot niya.
Pilit akong ngumiti. "Salamat... pero kailangan kong harapin 'to, Vito. Siguro nga may pagkaka-taon para maka-takas ako... pero mas mahirap kalaban iyong konsensya... Hindi ko alam kung paano ako magpapa-tuloy sa buhay ko kung alam ko na mayroon akong kasalanan na tinakasan..."
"Assia..." hirap na sabi niya. "He tried to rape you. That was on him."
Tumango ako. "Pinrotektahan ko iyong sarili ko, alam ko... Pero gusto ko na lang magtiwala sa batas, Vito."
Malungkot akong ngumiti nang makita ko iyong pagka-bigo sa mukha niya. Bakit ba sila nag-aral ng batas kung wala silang tiwala roon? Kasi ako kaya ko iniwan ang buhay ko sa Isabela at nag-aral sa Maynila ay dahil naniniwala ako sa batas ko maipagtatanggol iyong lupain sa Isabela... Kasi iyon rin ang ginagamit nila sa amin... Na dahil wala kaming alam, inaakala nila na mapapa-ikot nila kami... Kaya nga ako nag-aral para malaman ko lahat... para hindi na nila magamit pa sa amin iyon...
Kaya kung hindi sila naniniwala roon... bakit pa sila pumasok sa mundong ito?
"Pinrotektahan ko lang naman iyong sarili ko. Makikita nila iyon."
"Do you seriously believe that?" mabilis niyang tanong.
"Hindi ko alam. Pero gusto kong maniwala."
"Do you think that everyone in jail is guilty?"
"Hindi. Hindi ako tanga, Vito. Pero mas hindi kaya ng konsensya ko na magtago sa likod niyo nila Niko."
"You didn't ask for us to do that—"
"Iyon na nga. Hindi ko hiningi pero ginawa niyo. Kaya mas nahihirapan ako!" hindi ko mapigilan na itaas ang boses ko dahil gusto ko lang naman na maintindihan niya ako. Na hindi ko lang 'to ginagawa para sa sarili ko... na para rin sa kanila 'to... Dahil ayoko na maging kagaya sila ni Atty. Villamontes na kinamumuhian nila...
Kasi nakikita ko na...
Doon na sila papunta...
Kaya kailangang tapusin habang maaga pa.
"What if you get convicted?"
Nagbaba ako ng tingin.
"What then, Assia? You'll spend years in jail paying for a crime that he started."
Marahan akong tumango. Pilit na tinanggap iyong posibilidad na baka nga dito na ako tumanda... na baka hindi ko na nga maabutan si Tatay...
"You'll never practice law," pagpapa-tuloy niya.
Muli akong nag-angat ng tingin. "Hindi ako nag-aral para sa titulo, Vito. Hindi ako malulungkot para sa sarili ko... malulungkot ako para sa mga tao na pinangakuan ko na tutulungan ko... kasi para sa kanila naman talaga kung bakit ako lumuwas sa Maynila at nagpaka-hirap na mag-aral..."
Mabilis na nanlabo ang mga mata ko.
Mabilis kong naalala sila tatay... iyong mga kapitbahay namin... iyong mga pangako ko sa kanila na sa oras na maging abogado ako ay lalabanan namin iyong mga pilit na nang-aangkin ng lupa...
"Assia—"
Mabilis kong pinahiran iyong luha ko. "Kung gusto niyo akong tulungan, gawin niyo sa tamang paraan... pakiusap..." sabi ko bago mabilis na tumayo at nakiusap sa nagbabantay na ibalik na ako sa selda.
* * *
"Kamusta sila Vito?" hindi ko napigilang itanong kay Tali nang puntahan niya ako para sa huling pagkikita namin bago magsimula iyong arraignment at pre-trial.
"I think they're fine already," sagot niya.
"Already?" tanong ko.
Tumango siya. "I didn't tell you because you told me na 'wag kang sabihan ng nangyayari sa kanila..." sabi niya. "But Niko and Vito fought after Vito was released."
Saglit akong napa-pikit. Kaya pala may sugat sa kamao ni Vito nang dalawin niya ako...
"But they're good already," muling sabi niya. "Let's focus on the case, Assia."
Tumango ako. "Alam ko na iyong sasabihin ko..."
"I know. Madali lang tandaan because that's what really happened," sabi niya. "Mas mahirap kapag hindi totoo kasi kailangan mong tandaan. It's easier to recall from memory than from a make-believe."
"Basta hindi sila madadamay..."
"They still haven't filed an amended complaint impleading anyone else," sagot niya. "I think wala silang sapat na ebidensya kaya wala pa silang kina-kaso kila Vito..."
Hindi ako nakapagsalita.
Iyong huling sinabi sa akin ni Prosecutor Zaldivar...
Alam ko na isa iyong pangako.
"Everything's already prepared," sabi ni Tali. "I'm sure you'll be cross-examined. You just have to answer them truthfully. You have to remember that none of this is your fault, okay? They'll try to tell you that it's your fault—but always remind yourself that there's only one person to blame for all of this and that's Villamontes."
Tumango ako.
"Fight," sabi niya. "Fight for your freedom—don't let him drag you to hell with him, okay?"
Humugot ako ng buntong-hininga bago muling tumango.
Sinabi ni Tali na kahit mahirap ay pilitin kong magpahinga. Magiging mahirap daw ang mangyayari bukas. Alam ko na gagawin lahat ni Prosecutor Zaldivar para makulong ako... Hindi siya maniniwala na kaya iyong gawin ng kaibigan niya...
Siguro ay dahil hindi sa kanya nangyari...
Pero porke ba hindi sa kanya nangyari ay hindi na pwedeng mangyari sa iba?
"I'm sorry... Gusto talaga nilang pumunta," sabi ni Tali nang mapa-hinto ako at makita ko si Vito na naka-tayo sa labas ng kwarto kung saan gaganapin iyong arraignment at pre-trial. Wala akong nagawa kung hindi magpa-tuloy sa paglalakad habang naka-posas ang mga kamay ko.
Nang magtagpo ang landas namin ni Vito ay wala akong narinig na salita mula sa kanya... tanging iyong tingin niya lang sa akin na sinasabi na magiging maayos din ang lahat.
Sana nga.
Siguro.
Hindi ko na alam.
Pagpasok na pagpasok namin ay ramdam ko na agad iyong bigat. Ramdam ko iyong tingin nilang lahat sa akin. Agad kong ibinaba iyong tingin ko.
"Chin up," bulong sa akin ni Tali. "You did nothing wrong—act like it."
Pilit akong sumunod sa bawat salitang binubulong sa akin ni Tali. Tahimik akong nakinig nang basahin iyong kaso laban sa akin.
"How do you plead?"
Huminga ako nang malalim. "Not guilty, Your Honor," sagot ko nang tanungin ako kung sadya ba ang pagpatay na ginawa ko kay Atty. Villamontes. Dahil hindi naman totoo... hindi ko sinadya na patayin siya... Pero alam ko na magiging mahirap ang laban na 'to... Paulit-ulit na sinasabi sa amin nung nag-aaral pa lang kami na isa sa mga pinaka-mahirap na patunayan ay ang self-defense...
Pero nandito na kami.
Kailangan ko lang magtiwala.
"State your name for record."
Agad na tumingin sa akin si Nikki... iyong dating ka-trabaho ko sa opisina.
"Nikki Valencia..." sagot niya.
"Your relation to the victim," tanong sa kanya.
"Naging assistant po ako ni Atty. Villamontes ng isang taon bago ako ilipat sa iba dahil sa schedule," sagot niya.
"You worked at the same time nang nagtrabaho roon si Ms. dela Serna?"
"Opo," sagot niya nang muling tumingin sa akin.
"Gaano katagal?"
"Mahigit isang taon din po."
"Sa mahigit na isang taon na iyon, ni minsan ba ay nakita mong magpakita ng motibo—"
"Objection, Your Honor. Prejudicial."
"Overruled," sagot ng judge.
Saglit na tumingin sa akin si Prosecutor. Gusto kong mag-iwas ng tingin, pero pinilit ko na tumingin sa kanya... dahil baka sakaling malaman niya na wala akong tinatago...
"Back to my question," muli niyang tanong. "Sa buong pananatili roon ni Ms. dela Serna, nakita mo bang magpakita ng motibo ang biktima?"
"Hindi po..."
"Ni minsan ba ay nagsabi sa 'yo si Ms. dela Serna na may ginawa sa kanya ang biktima na hindi niya gusto o labag sa kalooban niya?"
"Wala po..."
"I have no more questions, Your Honor," sabi niya bago bumalik sa kinauupuan niya.
Tumingin si Tali sa notebook niya bago tumayo. Naka-sunod ang tingin ko sa bawat galaw niya. Tinignan ko kung ano ang naka-sulat sa notebook niya pero puro lang iyon drawing...
"You're still studying, right, Ms. Valencia?"
"Opo."
"6th year mo ngayon?"
"Opo."
"Ilan ang anak mo?"
"Tatlo po," sagot niya.
"So... you're studying, working, at nag-aalaga ng bata, tama ba ako?"
"Opo."
"Are you friends with Ms. dela Serna?"
"Magkaibigan po..."
"Do you know her birthday?"
"Objection," pagtawag ni Prosecutor Zaldivar. "Relevance."
"I just want to establish if the witness is really friends with my client, Your Honor," sagot ni Tali.
"Overruled. Proceed."
Muling ibinalik ni Tali ang tingin niya sa kliyente. "Do you know her birthday?"
"Hindi po..."
"Do you know where she used to live?"
"Hindi po..."
"Do you even know who her friends are in school?"
Muling umiling si Nikki. "Hindi po..."
"I have no more questions, Your Honor," sabi ni Tali bago bumalik sa tabi ko. Naka-tingin ako sa kanya. "Discredit," sagot niya. "We'll have to discredit all of their witness."
Nagpa-tuloy iyong cross-examination. Ang daming tinawag. Ang daming tao na nagsabi na mabait si Atty. Villamontes at na ni minsan ay hindi siya gumawa ng bagay na ibinibintang ko sa kanya...
"Please tell me something good," sabi ni Tali nang pumasok sina Niko sa kwarto. Nagbigay ng isang oras na recess si Judge Paras. Kakatapos lang ng huling witness ng prosecution. Sa tuwing may tatawagin silang pangalan ay parang lalabas ang puso ko palabas ng dibdib ko.
Tumingin ako kila Niko. Tumingin lang siya sa akin. Ni minsan ay hindi niya pa ako binisita simula nang sumuko ako... Alam ko na masama ang loob niya sa akin... pero mas kakayanin ko iyon kaysa ituloy nila iyong plano nila...
"Well, they want to, but they can't. They were all made to sign an NDA," sagot ni Niko.
Saglit na ipinikit ni Tali ang mga mata niya. "Why am I not surprised?" tanong niya habang hinihilot iyong sentido niya.
"Sino?" mahina kong tanong.
"The other girls," sabi ni Tali. "You said before na hindi lang ikaw—they tracked down all the other girls, hoping that they could testify but apparently, that's to no avail."
Nanaig ang katahimikan.
Naka-upo si Tali habang paulit-ulit na nagsusulat ng kung anu-ano sa notebook niya... pero kahit na ganoon ay ramdam ko iyong bigat.
"Mayroon pang ibang nakaka-alam..." sabi ko at sabay-sabay silang tumingin sa akin. "Si Trini. Nandun siya. Alam niya lahat."
***
This story is chapters ahead on Patreon x
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top