CHAPTER ONE
CHAPTER ONE
KRISTINE'S POV
"Pamangks! Kumusta ang ball ball niyo?" agad na bungad sa akin ni Tita Winette pagkapasok ko sa bahay.
Nakangiti siya sa akin habang nakatayo sa harap ng sofa. Halata sa mukha niya ang excitement na makinig sa kwento ko at ang pagkamangha sa itsura ko.
"Napaka-yayamanin nga naman ng kaibigan mo, ano? Ngayon lang ako nakakita ng ganito kagandang bestida sa personal, pamangks!" papuri niya sa damit habang nagsisimula na siyang maglakad papaikot sa akin.
Mahina naman akong natawa sa ikinikilos niya. "'Ta naman eh."
Natigil siya sa harap ko saka ako tinitigan. "Pinapatawa lang kita dahil halatang hindi naging masaya ang araw mo." Malungkot siyang ngumiti. Paniguradong tinutukoy niya ang namumula kong mukha at namamaga kong mga mata.
"Magiging maayos din ako, 'Ta. Ako pa ba?" Hindi ko na sigurado kung ang pinapaniwala ko eh si Tita ba o ang sarili ko.
Hindi nawala ang ngiti sa labi niya saka niya marahang hinawakan ang pisngi ko. "Basta kapag gusto mo ng kausap, nandito si Tita, ha? Nangako ako sa mga magulang mong aalagaan kita. At gagawin ko iyon sa abot ng aking makakaya."
Ako naman ang napangiti bago siya niyakap. "Thank you, Tita. The best ka talaga."
"Ako pa ba? Sobrang swerte mo ngang tiyahin mo 'ko eh." Mahina rin siyang tumawa habang niyayakap ako pabalik. She softly tapped my back before we let each other go. "Oh siya, mukhang pagod na pagod ka. Ipahinga mo na ito." She pointed at my chest. "Mukhang kakailanganin niya ng matindihang pahinga."
Gusto ko sana siyang tanungin kung paano niya nalaman na konektado sa puso ko ang problema ko't dahilan ng pag-iyak ko pero base pa lang sa mga tingin niya ay agad ko nang nakuha ang sagot. Napagdaanan na niya ang sitwasyon ko ngayon.
Ngumiti lang ako sa kanya't nagpasalamat saka tuluyang pumasok na sa kwarto ko. Hindi pa ako diretsong nagpalit ng damit o naligo. Ang una kong ginawa ay ang tumayo sa harap ng aking salamin.
Ang ganda ko pa rin at dahil iyon kay Ayel, pero kapag tinanggal ko na ang suot kong damit, sapatos, at makeup ay babalik na ako sa dati kong buhay.
Mas okay naman siguro iyon kaysa sa itsura ko ngayon na magpapaalala kung anong nangyari sa akin... sa puso ko.
Pagkatapos ng ilang segundong pakikipagtitigan sa salamin ay napagdesisyunan ko nang maglinis ng katawan at magpalit ng pambahay. Halos isang buong oras din ang aking inilaan para lang masiguro kong walang bahid ng naganap ngayon ang makikita ko sa sarili ko pagtingin ko muli sa salamin.
Malungkot akong napangiti nang ibagsak ko ang aking katawan sa kama. Kakaiba ang nangyari ngayong araw. Looking at the positive side of this day, I looked different... good different, then I saw the god of love and real magic that almost no other human being had the privilege to meet and see.
Though on the negative side—I actually don't wanna go back to the negative happenings. Napatango na lang ako.
Addition na lang siguro sa positive na nahanap ni Jairo ang totoong magpapasaya sa kanya at mamahalin niya.
Naramdaman ko ang pagsikip ng dibdib ko. I quickly placed my hand on top of it. "Hey, kakayanin natin 'to. Ang mahalaga ay masaya siya, diba?" Ramdam ko ang lalong pagsikip nito at ang pagtutubig ng aking mga mata. "Ano ka ba, Kristine? Ang importante lang naman sa atin ay ang makita siyang kasama ang taong mamahalin siya, diba? Kahit 'yun na lang, diba?" Hindi ko na napigilan ang luha ko.
Habang tumatagal ay palakas nang palakas ang paghikbi ko. Akala ko ay naubos ko na kanina ang iyak ko pero hindi pa rin pala.
"Ang sakit. Ang sakit sakit." Hindi ko napigilan ang paghigpit sa hawak ko sa damit ko.
Agad akong kumuha ng unan para takpan ang mukha ko. Panigurado ay maririnig ni Tita ang pag-iyak ko at ayokong pag-alalahanin siya sa nangyayari sa akin. Tuloy pa rin ang aking paghikbi at pagsakit ng dibdib.
Gusto kong sumaya siya, pero hindi ba pwedeng sa akin? Hindi ba pwedeng ako ang maging dahilan? Hindi ba pwedeng ako na lang?
Gusto kong sawayin ang sarili ko. Gusto kong pigilin ang pag-iyak ko, ang pagsakit ng puso ko, pero alam kong mas mahihirapan lang ako.
Iiiyak ko lahat ng kayang iiyak. Kung pwedeng isigaw lahat ng pwedeng isigaw eh ginawa ko na para lang mabawasan ang bigat ng dibdib ko—Natigil ako sa pag-iisip nang marinig ko ang pagkatok sa pinto ng kwarto ko.
"Tine, pamangks, may kaibigan ka rito. Yung gwapo," rinig kong sabi ni Tita.
Agad ko namang inayos ang sarili ko. Hindi ko pa lubos na maisip kung sino ang bisita na sinasabi ni Tita pero isang tao lang ang hinihiling kong naghihintay sa akin sa labas. Kaya naman mas binilisan ko ang pagtuyo ng luha ko't pag-aayos ng nagulo kong damit saka lumabas ng kwarto. But then again, I really should stop hoping it's him.
"I'm sorry," agad niyang sabi nang makita ako.
Huminga naman ako nang malalim bago pinilit na ngumiti. "Ba't ka naman nagso-sorry?" Naglakad ako papalapit sa kanya. "Ano pa lang ginagawa mo rito, Mr. Trying?"
He let out a small smile before suddenly flinching my forehead. "Don't use that fake smile on me, Ms. Matapang. It's pretty obvious that I wasn't the one you're expecting to see." I was about to reason out when he shushed me. "'Wag mo nang dagdagan pa. Magsisinungaling ka pa eh." Napaiwas na lang ako ng tingin sa kanya. "Anyways, I was gonna ask you out kaya lang mukhang mas gugustuhin mong magkulong dito."
Malungkot naman akong napangiti. "Well, no point lying." Tumingin na ako sa kanya. "But I think it's my turn of saying sorry."
"Tine, just one try."
I stared into his eyes. "I won't be able to only see you, Bryle. He'll stay here." I pointed at my chest. "Sa ayaw o sa gusto ko, mananatili siya eh, and that would be unfair with you. You don't deserve that kind of treatment, Bryle."
"I'll be fine, Tine. As long as it's you, I'll always be okay with it. Mas hindi ko kayang makita kang ganyan. That's what you don't deserve. You should be loved, cared about, not treated like how he treated you." He seemed pissed but he tried his best to hide it and stay calm while lecturing me.
I shook my head, standing my ground. "Hindi kita gusto sa ganoong paraan, Bryle. You're a great friend to me, and there's only one guy who'll have that kind of affection of mine. So I'm sorry. I'm sorry if I can't reciprocate your feelings. I'd rather turn you down right now than have you hoping on a fake chance. That's not what you deserve."
Tinitigan niya lang naman ako saka unti-unting nawala ang emosyon sa mukha niya. He took a deep breath before looking away from me. "I get it. I'm... I'm sorry for giving this kind of stress to you." He turned his head to me. "I... I get it. I won't bother you anymore." He showed me a fake smile. "Worth the try, though." Napakamot siya sa batok niya na para bang hindi na niya makapa pa ang sasabihin. "I'll... I'll see you in school then."
I wanted to comfort him since he did that to me in school but I knew I would have given him false hope. Hinayaan ko na lang siya na lumabas ng bahay namin saka ako muling bumalik sa kwarto ko.
Andami namang nangyari ngayong araw na 'to, at lahat na lang pagpabigat ng loob. Napabuntong hininga ako. Ano na lang kaya ang mangyayari sa akin pagbalik ng klase? Muli akong napabuntong hininga bago hinayaan ang sarili kong magpatangay sa antok.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top