CHAPTER NINETEEN
CHAPTER NINETEEN
KRISTINE'S POV
"You looked so at home, ha?" pang-aasar na naman ni Xei sa akin nang nasa loob na kami ng kwarto. Natapos na rin ang cookie time namin with Tita Jen at as expected, walang dull moment. Lahat kami ay masaya.
Hyaciel nodded in agreement. "Oo nga. 'Yung totoo, Tine? Niligawan mo ba buong pamilya ni Jai?"
I tilted my head to the side as my eyebrow raised. "Saan mo naman nakuha 'yang idea na 'yan?"
Pare-pareho silang natawa. "Eh kasi naman. Look at you and Tita Jen, you look like mother-in-law and daughter-in-law, do you get what I'm saying?" pagpapaliwanag ni Xei.
Agad namang um-agree ang dalawa lalo na si Ayel. "See? That's what I kept telling her. It's pretty obvious that Aunt Jen likes you for Jairo. Yours and his moves are what we are only waiting for."
Tumango ulit si Hyaciel. "Kung ako sayo, try mo na talagang i-consider na bumalik kay Jai."
Sinamaan ko siya ng tingin. "Bumalik ka riyan. Eh ni hindi nga naging kami eh. Hihirit ka pa ng come back dyaan eh." Natawa na naman sila. "Teka nga. Ba't ba puro ako ang topic? Iba naman, aba!" reklamo ko sa kanila.
Hyaciel was the first one to talk. "Ano pa bang pwedeng i-topic? Wala naman akong love life eh. Dapat itong dalawa," aniya sabay turo sa dalawa.
I squinted my eyes on her. "Wala nga ba?" pang-aasar ko. "Eh bakit kinikilig ako sa inyo ni Sean?"
Hyaciel grimaced. "Aba malay ko sayo! Ikaw ang may problema niyan tapos idadamay mo 'ko." Natawa naman ako. "Saka anong meron sa amin ni Sean? Best friend ko 'yun eh. Ipinagtutulakan ko nga sa gusto niya eh. Napaka-torpe kasi."
"Wait... pinagtutulakan? You were pushing him towards Miss April yesterday at the ball," react ni Xei na ire-react ko rin sana. Buti na lang naitanong niya.
"Miss April? Why call her Miss? Is she a professor?" Tumango naman kaming tatlo sa tanong ni Ayel. "You mean to say..." Her lips formed an o. "Does Sean like a professor?"
"Sikretong malupit. Bahala na kayo manghula. Hindi ko naman 'yun istorya para ikwento ko eh." Umagree naman kaming lahat sa sinabi ni Hya.
Xei smiled. "Well, my turn then." Napatingin naman kaming lahat sa kanya saka nag-abang ng kwento. "Nathan and I had the sweetest dates," panimula ni Xei.
Natawa naman ako nang mapansin kong pareho lang kami ng reaksyon ni Hyaciel. Parehong wala sanang balak na makinig. Single here.
Nagpatuloy lang sa kwento si Xei na sinasagot at sinasabayan naman ni Ayel. Parehong nage-exchange ng ideas sa dates. May basic knowledge naman na ako kaya wala na sana akong planong makinig pa.
After ng kwentuhan at braid ng buhok ay nagsimula na kaming mag-nail polish. This time ay likes at dislikes na namin ang topic. Marami rin akong natutunang bagong bagay mula sa kanilang tatlo kaya mas lalo akong nag-enjoy.
Once finished, we all decided to start our movie marathon until we all fell asleep. Mga two AM na nang mapansin kong ako na lang ang tanging gising sa aming apat. Naiihi na ako at balak ko sanang gisingin si Ayel dahil wala pa lang CR sa kwarto, kaya lang ay hinayaan ko na lang siyang matulog nang mahimbing.
Sakto namang paglabas ko ng kwarto ay naglalakad sa hall si Jairo. Ilang beses pa akong napakurap bago ko napagtantong totoo ngang siya ang nakatayo roon.
"Uh..." May tiningnan si Jairo sa dingding bago muling tumingin sa akin. "You all are still awake at this hour?"
Wala sana akong balak na kausapin pa rin siya kaya lang ay no choice na ako dahil magtatanong pa ako kung nasaan ang CR dito. Umiling ako. "Ako na lang ang gising. Tinulugan na nila ako."
Mukha namang natigilan si Jairo. Tatanungin ko sana siya kung ayos lang siya nang muli siyang nagsalita. "Y-You're finally talking to me."
I flatly looked at him before taking a deep breath and calming myself. Ewan ko sayo, Jairo. "Nasaan ang CR niyo rito? Wala kasi sa loob eh."
Ilang beses pang napakurap ulit si Jai at bago ko siya mabatukan ay nagsalita na ulit siya. "Sa baba. Wala rito sa second floor eh."
Hindi ko naman mapigilang mag-react. "Bakit wala?" Sabay kaming bumababa. "I mean there's obviously a room there without a comfort room."
He shrugged. "Guest room lang kasi 'yan at sobrang minsan lang kung magamit. The rest of the rooms have their own comfort rooms." Napatango na lang ako sa paliwanag niya.
Nang tuluyan nang makababa ay itinuro sa akin ni Jairo kung nasaan ang CR na agad ko namang napuntahan. I'm still a bit confused as to why I talked to him but oh well... it's just a simple conversation, Tine. Wala namang kaharutan at karupukan.
Nang makaraos ay babalik na sana ako sa kwarto namin nang magsalita si Jairo na napatalon ako sa gulat. "Oh. I'm sorry." Sinamaan ko naman siya ng tingin na ikinangiti niya lang. "Anyways, want a glass of water?"
Agad naman akong nakaramdam ng uhaw kaya kahit ayoko sanang magtagal pang kasama at kausap siya ay napilitan ako. Can I even blame my thirstiness?
Kumuha naman si Jai ng isang baso saka pitcher ng tubig mula sa ref. "Here you go. Ubusin mo yung buong pitsel ha?" Sinamaan ko na naman siya ng tingin, and like a while ago. He just responded with a smile. "Joke lang. Sige na. Inom na. Nang makatulog ka na."
I quickly drank a glass of water. Nakakailang kasi yung titig niya to the point na hindi ko na napigilang hindi mag-react. "Tigilan mo nga yung katititig," I said as I glare at him.
Jairo just chuckled. "Why? Am I making you feel uncomfortable?"
"Ikaw kaya ang titigan ko nang ganoon."
His smile widened. "I wouldn't mind it though. I'll even gladly accept your stares."
My eyes squinted, clearly getting pissed. "Aywan ko sayong porkchop ka."
Natawa na naman siya. Mukha ba akong clown? Kanina pa akong pinagtatawanan ng mga tao ah. "I missed that porkchop."
Napailing na lang ako. "Nasisiraan ka na ata ng utak."
"Isn't that better? You'll be my doctor then. In the end, I'll still be with you," pang-haharot niya.
"Hoy, lalakeng ipinaglihi sa kaharutan, tigil-tigilan mo 'ko ha?" napipikon kong sabi. Hinding-hindi ako makukuha sa ganyan. Hindi ako marupok!
Nanatili lang naman siyang nakangiti na para bang nag-eenjoy siya sa nangyayari. "Eh paano ba 'yan? Wala naman akong planong tigilan ka. You are well aware that I'm doing my best to be on your good side again, right?"
"Umasa ka lang. Tapos ako naman ang babasag sayo." Hindi ko namalayang malalim pala ang isinagot ko. Hayst! Porkchop ka kasi eh!
Nakita ko naman ang pagbabago ng ekspresyon sa mukha niya. "Kristine..."
Huminga na lang ako nang malalim saka napailing. Pumunta ako sa sink saka hinugasan ang ginamit kong baso. Ibinalik ko naman sa ref ang pitsel. Saka humarap kay Jairo. "Thanks for the direction and water. Have a nice sleep."
After that, I went upstairs and settled on my sleeping bag. Hindi naman mawala ang mukha ni Jairo sa isip ko hanggang sa nakatulog na ako.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top