CHAPTER FOUR
CHAPTER FOUR
KRISTINE'S POV
Sa araw-araw na lang na ginawa ni Lord, lagi kong nakikitang magkasama si Jairo at Blaire. Laging sweet at laging nakangiti. Everyone was happy for them. Kahit ako, gusto kong maging masaya para sa kanila. I don't want to be bitter. I want Jairo to be happy.
"Okay ka lang ba, Tine?" Xei asked.
I let out a small smile trying to convince them and even myself that I really am okay. "Oo naman, kayo? Kumusta na nga pala kayo ni Nathan?"
Xei stared at me for a minute, maybe trying to study me, before she smiled. "Ayos lang kami. As usual, he wanted to go somewhere and have a date." She suddenly held both of my hands. "But if you need a friend, kahit kelan pa 'yan, kahit anong oras, always remember to text me, okay? O kahit man lang si twin. We're here for you, Tine."
Napangiti naman ako sa sinabi niya. "Thank you, Xei. But I really am okay. Kaya naman 'wag niyo na akong problemahin, kaya ko ang sarili ko. Saka ilang buwan niyo na akong sinasabihan niya. As you can see, I'm doing fine." Okay, that's a lie.
She gently squeezed my hand before letting them go. "Anyways, punta kami sa canteen para doon mag-lunch, sama ka?"
Umiling naman ako. "I'm fine."
She sighed before she smiled. "Right. Library again." She picked up her shoulder bag before she stood up. "Hindi na kita pipilitin pa, but if you need anything..." Inangat niya ang kamay niyang may hawak ng phone.
Nakuha ko naman ang ibig sabihin nun kaya ngumiti lang ako bago tuluyang nagpaalam. Nang makalabas si Xei sa classroom ay ako naman ang tumayo, at nagsimulang maglakad papunta sa library.
I picked a random psychology book for the second-year students, sat on a random chair, and began reading a random page. Ito lang talaga ang gagawin ko para magpalipas ng oras. Kesa naman magmukmok ako sa bahay kasi ilang buwan na ang nakakalipas pero hindi pa rin ako nakaka-move on sa kanya. Oo na. Tanggap ko nang hindi pa rin ako nakakapag-move on. Hayst naman eh!
Bryle went abroad kaya nabawasan din ang mga nakakausap ko simula nang maging second-year kami. Sinabihan niya lang ako nung araw na sinundo ako ni Ayel. Sumabay pala ang loko kay Ayel nang malamang pupuntahan ako. Two days after that ay lumipad na siya papuntang Canada. Hindi niya rin alam kung kailan ang balik niya kaya naman nagsabihan na lang kaming mag-uusap kami through Messenger.
Then there's Mari. I thought she and I will be friends too pero simula nang bumalik ang malay niya ay para bang hindi niya natatandaan ang mga nangyari nung araw na 'yun. Katulad lang nila Chad at ng iba pa ay wala ring alam si Mari. At hanggang ngayon ay hindi ko pa rin iyon naitatanong kay Cyril. Ang alam ko lang ay magic 'yun for sure.
Ang iba namang Black Dragons ay kinakausap ako kapag natye-tyempuhan na wala si Jairo. Isa na sa nangunguna sa pakikipag-usap sa akin ay si Cyril. Ngayon ko lang napansing ilang beses na rin kaming nag-uusap ni Cyril pero ni isang beses ay hindi ko na-brought up ang kahit alin na tungkol sa magic na iyon.
I was trying to make myself busy when I suddenly heard a book placed on the table—specifically, my table. Inangat ko naman ang tingin ko at dahan-dahang nanlaki ang mga mata nang makita si Jairo sa harap ko.
"Would you mind if I sit here? Puno na kasi ang iba pang lamesa," he said in an emotionless tone.
Napatingin naman ako sa paligid at napansing hindi naman puno yung mga pwesto. "May mga multo ka bang nakikita?" 'di ko maiwasang itanong. I saw his eyebrows furrowed kaya naman napailing na lang ako. "Never mind what I just asked. S-Sure." Iminuwestra ko ang upuan sa harap ko, signaling him to sit down.
Bahagya naman siyang tumango saka tuluyang naupo sa harap ko. Sinubukan ko ulit na mag-focus sa binabasa ko pero hindi ko maiwasang ma-distract sa taong nasa harap ko.
Ano ba namang kalokohan 'to‽
Pinilit kong mag-breathe in, breathe out habang nakaharang sa mukha ko ang hawak kong libro. Kalma, Tine. Kahit porkchop 'yang nasa harap mo at porkchop din ang tadhana at porkchop lahat-lahat, kailangang hindi mahalatang affected ka, okay? Tumango naman ako saka pinilit na mag-focus sa binabasa ko.
Nakakailang beses na ako sa pagbabasa sa iisang page pero walang pumapasok sa utak ko. Laging naka-focus ito sa taong tahimik na nasa harapan ko. Bumuga ako ng hangin saka ibinaba ang libro ko at pasimpleng sinilip siya. Bigla namang nag-malfunction ang utak ko nang makita ko siyang nakatingin sa akin. "B-Bakit ka nakatingin?" hindi ko napigilang itanong.
He raised an eyebrow before getting back to reading. Ako naman ang napataas ng kilay. Ay amporkchop ng taong 'to ah! Tarayan ba naman ako‽
Naiinis akong bumalik sa pagbabasa. This time ay nakapag-focus na ako. Finally, after reading the three topics under that chapter, I closed the book and was about to stand when I heard him speak.
"Finally having lunch?"
Naguguluhan naman akong tumingin sa kanya. His eyes were still glued to the book. I was about to believe that I probably heard him wrong when he looked up and stared at me.
"Ngayon ka pa lang kakain ng tanghalian?"
Mas lalo akong naguluhan sa tinanong niya—most likely, sa inaasal niya. I-Is he really talking to me?
Pinag-iisipan ko kung sasagot ako sa kanya o hindi nang makita ko si Blaire na papalapit sa table namin habang masama ang tingin sa akin. I have then decided to leave the table without uttering a single word. Ibinalik ko lang ang libro sa shelf saka lumabas ng library.
Alam ko namang maliit lang ang mundo at nasa iisang university lang kaming tatlo, pero bakit naman halos lagi-lagi na lang kung magtagpo ang mga landas namin?
At ano 'yun? Bakit bigla-bigla na lang akong kinakausap ni Jairo?
Oo nga, hindi pa ako nakaka-move on. Oo nga at gusto ko siyang maging masaya kasama ang babaeng mahal niya, pero hindi ibig sabihin nun ay ayaw ko nang maging masaya at makapag-move on nang maayos.
Sana naman ay hinahayaan na lang niya akong kalimutan ang nararamdaman ko sa kanya pagkatapos ng ginawa niya sa akin.
Kasi... bali-baliktarin man ang mundo... masakit ang ginawa niya.
Sana sinabi na lang niya sa aking hindi na niya ako gustong makasama.
Sana sinabi niya nang maayos sa akin na gusto niyang makipagbalikan kay Blaire.
Sana ganoon hindi yung para bang sinampal niya sa akin kung gaano ako kamukhang laruan na pagkatapos niyang paglaruan at bigyan ng interes ay basta-basta niya lang itatapon.
Dahil kahit gusto ko siyang maging masaya ay gusto ko rin siyang saktan.
Pero 'yung pagmamahal ko sa kanya ang pumipigil sa akin. Na sana... sana ay nirerespeto niya man lang kung hindi niya kayang ibalik sa akin.
Hindi yung ganito... na paulit-ulit niya akong sinasaktan.
'Wag ganito, Jairo.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top