Chapter 9
The moment my feet stepped on the cement of the ground floor, I slightly took a sigh.
"Ngayon, saan ko hahanapin si Kim?" tanong ko sa sarili ko bago nagpalinga-linga ng tingin.
"Where are you going, Nicole?"
I immediately turned my head towards the voice I heard, there I saw Sir Henry looking at me.
Marahan akong lumapit sa kanya at bahagyang yumuko.
"Hindi ko po alam," sagot ko na ikinakunot ng noo niya. "I'm looking for someone kasi, sir e. Si Kim, yung friend ko pong maingay sa klase," dagdag ko.
Nagbabakasakali na nakita niya o may ideya pa siyang lugar na pwedeng pagtaguan.
Bahagya siyang nag-isip at sa totoo lang ay medyo naging hopeful ako na sana nakita niya.
Nang magliwanag ang mukha nito ay napangiti rin ako—mukhang nakita niya si Kim.
"Si Ms. Santos ba tinutukoy mo?" tanong niya na mabilis kong ikinatango. "Nakita ko siya doon sa garden sa may likod ng clinic," dagdag niya.
Agad naman nagliwanag ang mukha ko bago marahan na tumango. Mabilis akong nagpaalam sa kanya at nagpasalamat na rin para mapuntahan si Kim.
Habang naglalakad ako papunta sa daang tinuro ni Sir Henry kanina.
Bahagya akong napahinto nang makita ko si Kim doon na tahimik na naka-upo. I can feel how sad she is.
I just took a deep breath, bago ko kinuha ang gitara. I slowly walked towards her while slowly strumming our friendshipsong through my guitar.
I wrote this song just for us when we were in high school.
She immediately turned her head to where I'm standing the moment she realized that I was there.
Tears slowly formed to her eyes before continuously running to her cheeks. I stopped and slowly walked to her.
She gave me a tight and painful hug when I'm finally in front of her.
"Sh*t! Nicole, ang sakit," she whispered while crying. "I gave him all my time. All of me! I almost gave him myself!" she added.
"Muntikan pa tayong masira dahil sa gago na yon!"
Pagkatapos niyang sabihin yon, agad siyang umalis sa pagkakayap sa akin. I just stare at her crying face.
"May pagkakataon pa na siya lang ang pinapakinggan ko, pinaniniwalaan ko kesa sa inyong mga matatagal ko ng kaibigan pero iniwan ako ng gago!"
Looking at her crying, it makes me want to cry too. Hindi ko pa man nararamdaman ang sakit na nararamdaman niya ngayon pero base sa pag-iyak niya, alam kong masakit.
Kahit lagi kaming nagsasagutan, nag-aasaran, at laging iniinis ang isa't-isa— hindi mawawala sakin na matalik ko siyang kaibigan. Mahal ko sila na parang totoong mga kapatid ko at kapag nasasaktan sila, nasasaktan riin ako.
Lalo na si Kim, siya ang unang kaibigan ko nang lumipat ako dito sa Manila. We become so inseparable. That was us before we met Danica who got bullied by her classmate.
Even though she's not our classmate, we defend her like she's really part of our friendship.
After that kaming tatlo na ang hindi mapaghiwalay. Pinilit namin na maging magkaklase kami para naman hindi na kami mahirapan na hanapin si Danica.
They know behind my stories, they know that I'm not from here. They know na ampon ako ni mama. I cried to them when I told them my stories.
We know each other's secrets and habits. Alam namin kung nagsisinungaling ang isa sa amin.
"Sige, umiyak ka lang pero hindi mo kailangang sarilinin, nandito naman kami—pwede kang magkwento at magsabi," marahan na saad ko sa kanya habang patuloy na hinihimas ang likod niya.
"Sorry kasi hindi ako nakinig sa inyo.. Sorry kasi mas pinakinggan ko siya noong sinabi n'yong niloloko na nya ko," umiiyak pa rin siya habang sinasabi ang mga salitang iyon.
Bigla naman akong kumalas sa pagkakayakap sa kanya.
"At least may natutunan ka 'di ba?" nakangiti kong saad sabay punas sa luha ko.
"Ang sakit kasi, Nics! Biruin mo pinagpalit ako sa mas maganda ako! Ang pangit naman ng babae na pinalit sakin! Kamukha ni Theresa malunggay doon sa palengke satin," nagmamaktol niyang saad habang pinupunasan ang luha.
Hindi ko alam kung bitter ba siya o sadyang ganon talaga ang itsura nung sinasabi niyang babae pero kung ano pa man ang nararamdaman niya parang gusto ko siyang batukan sa pagiging mapanglait niya.
"Ayon naman pala e! Tama na ang kakaiyak mo diyan, isipin mo na lang na deserve nila ang isa't-isa dahil isang manloloko at isang hindi kagandahan," usal ko na ikinatingin nito sa akin bago parang nag-isip. "At'ska, it's his loss not yours!" pahabol ko.
"Alam mo, may point ka doon! Bagay silang dalawa," pagsang-ayon niya sa akin.
Tumango lang naman ako bago tumayo at magpagpag ng uniform ko. "So, tara na! Kain na tayo. Nagugutom na ako," yaya ko sa kanya na ikinatingin nito sa akin sabay hawak sa dibdib niya.
"Wow! Sana manang damayan mo ako sa pag-iyak ko?" tanong nito na nakahawak pa rin sa dibdib niya. "Pero alam mo, masakit talaga ang ginawa nung gago na yon sakin. Halos ibigay ko na lahat sa kanya pero pinagpalit pa rin ako,"
Agad naman akong napatingin sa kanya nang seryoso kaya agad kong nakita na seryoso ang mukha niya.
"Kim, did you two do that thing?" seryoso kong tanong na mabilis nitong ikinatingin sa akin bago tumawa.
"Kaya nga ako iniwan kasi hindi ko binigay," sagot niya na nakapagpahinga sakin nang maluwag. "The night I found out that he's cheating on me was the night I almost lost my dignity," pahabol niya.
Muling may tumulong luha sa mata niya na kaya naman marahan ko ulit na hinimas ang likod niya.
I'm glad that she protected herself on that jerk kaya naman wala siyang talo ngayong nagbreak sila.
"Malilimutan mo rin ang hangal na iyon. Tama na yan, ang magaganda dapat hindi umiiyak sa katulad niyang tarantado," saad na ikinatawa niya naman. "Tara na, kain na tayo! Nagugutom na talaga ako, Kimberlly," angil ko sa kanya.
"Tama! Tama! Tara na! Baka isumpa m pa ako dahil sa gutom mo e, nagdadrama ako tapos gagamitan ako ng ganyang mga salita," sagot naman nya sakin.
I she still in pain but I don't want her to starve herself dahil lang sa bwisit na lalaki na iyon. Humanda siya sakin, wag ko lang siyang makita dahil hindi lang katawan niya ang may bangas, baka pati tinatago niya sa katawan niya, manakit.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top