Chapter 6
+++++++++++
Sa loob ng isang taon puro aral ang ginawa namin nila Krystal, Kim at Danica. Minsan sabay sabay kaming umuuwi pag swak sa oras, pati sa lunch ganun na lang din. minsan kasi iba ang oras ni Dani dahil nga iba ung course nya. Minsan naman sinusundo kami ni Kuya Daniel pag tapos ng work nya sa company nila.
"Second year na tayo, tapos 18 ka na! pwede ka ng sumama sa bar! whoo! Hahahahaha!" sabi ni Kim dahil matagal na nilang inantay na mag18 ako.
Well matagal na naman akong 18, February pa. Anong month na ngayon, August. Di lang talaga nila ako mayaya sa mga gala nila.
"Baka mayaya natin yan ih! lagi naman ang sagot satin nyan walang kasama si Tita ja." Sabi ni Tal, and yes! kasa kasama na namin talaga sya.
Natawa naman ako sa kanila. "May point si Tal. kahit anong yaya mo sakin Kimberly hinding hindi ako sasama dahil ayoko ng alak at ayoko din ng maingay." sabi ko naman sa kanya.
"Sige na naman.. kahit ngayong gabi lang! please..." paawang sabi ni Kim
"No." at alam nyang ayun na ang end ng conversation namin. dahil hindi na nya ako mapipilit.
Nung gabi nga na un ay nagbar ang tatlo samantalang ako ay nasa bahay at gumagawa ng kanta. Kasi balak kong sumali sa Band sa School. sayang naman kung hindi ako makakasali at sabi nga ni Kim, minsan masarap mag enjoy pero di ko gusto ung ginagawa nilang enjoyment.
Kinabukasan nakita ko na lang si Kimberly na punong puno ng red marks sa leeg. Di na to bago kasi simula ng mag18 sya at si Danica nagbabar na to at minsan nga may nakikita akong mga ganto sa kanila. pero hindi ibig sabihin na okay lang sakin.
"Ano na namang ginawa mo?" inis na sabi ko sa kanya ng tabihan nya ko. Bigla naman nyang tinago ung leeg nya. "Wag mo na itago. nakita ko na!" dagdag ko pa.
"sorry na. make out lang naman! wala namang nangyaring you know?!" sabi naman ni kim na pilit pa ding tinatago ung leeg nya. May jowa to si Kim ih.
"Aba! dapat lang! kasi hindi ko alam ang gagawin ko sayo pag ginawa mo un!" inis pa ding sabi ko sa kanya. "Si krystal pala? wala pa din sya ih." tanong ko sa kanya dahil ang krystal wala pa talaga.
"Baka may hang over kaya malelate un." sabi naman ni Kim na inaayos ang scarf nya na nilagay sa leeg.
"Don't tell me, may nakamake out chuchu din un kagabi?" mataray na tanong ko.
"Hehehehe" at dahil sa sagot nya na un.. alam ko na ung sagot. Buntong hininga na lang ang sagot ko sa kanya.
ilang minuto pa dumating na ang prof namin pero wala pa ding krystal na nagpapakita. Ilang minuto pa ang lumipas at ang babaeng inaantay ko ay nasa harap na at pinapagalitan ng prof namin.
"Anong nangyari sayo bat late ka?" agad na tanong ko sa kanya ng makaupo sya sa tabi ko.
"Hang over lang Nics. sorry." Sabi nya at tumingin kay kim na bahagya pang natawa.
"wag mo kong tawanan. pareho lang tayong may ganto, magaling ka lang magtago." sabi ni kim bumubulong dahil yayariin kami ng prof namin.
"ikaw kasi nagpapapak ka sa leeg." bulong naman na sabi ulit ni Tal.
----------------
"Ikaw din? merong ganyan? Anong sabi ni kuya dan dyan? pati na din ni Tita at Tito?" singhal na sabi ko kay Danica dahil meron din syang red marks. Kaya ayokong sumama sa kanila eh!
"Hehehe. di nila nakita. kasi tulog na sila tas si kuya naman...." ngiwing sabi nya at on cue naman! dahil nagring ang phone ko at si Kuya Daniel ang tumatawag.
Niel Calling~~~
"Hm? bakit?" Tanong ko sa kanya ng masagot ko ung tawag nya.
[are you with Cass?] tanong nya sa kabilang linya. Cass? patay mukhang galit to.
agad naman akong napatingin kay Dani at nakapikit sya. alam siguro nya kung bakit tumawag to
"Ahm.. Nope.. iba ung sched namin ngayon ih. Try to call her kaya."
[i did that pero di nya sinasagot ih.] sabi naman nya na halatang naiinis pa dahil sa ginawa ng kapatid nya.
iniilingan ko naman si Dani dahil sa ginagawa nya sa kuya nya.
[if you see her, please tell her that i'm going to fetch her after her class and also pakisagot kamo ng tawag ko habang hindi pa ko inis na inis sa ginawa nya kagabi.]
dugtong nya sa sinabi at sinenyasan ko naman si Dani ng 'hala' habang nagsasalita si Niel.
"Sure. pagnakita ko sya. Sabihin ko lahat ng sinabi mo. so kumalma ka na dyan kuya and also your driving baka maaksidente ka nyan. bawal yan diba?" saway ko sa kanya para mabago ang usapan namin.
tinawanan naman ako ni kim dahil alam nila ang ginagawa ko. nililihis ko ang galit ni Niel para di na maalala ung inis nya kay Danica.
[concern? Hahaha. Yeah! i know that, just want to call you para itanong si Danica. ajsdkfkfbshd]
di ko gaano narinig ung dulo kaya naman hinayaan ko na lang.
"osya sige na. sabihin ko na lang sa kanya pag nagkita kami. Bye! careful sa pagdadrive kuya." paalam ko sa kanya, nagpaalam na lang din sya sakin at ibinaba na.
"Anong sabi ni kuya?" tanong ni Dani ng mababa na ung tawag.
"susunduin ka daw nya at sagutin mo daw ung tawag nya habang hindi pa sya inis na inis sayo." sagot ko at alam kong kinakabahan na sya.
"ih... papagalitan ako nun.. alam mo naman kung paano magalit un.." pabulong na sabi nya.
"that's exactly the point! alam mo kung paano magalit un kaya sagutin mo ang phone mo." sabi ko naman sa kanya.
Mabait si Kuya Daniel pero pag nagalit un sobra! iiyak at iiyak ka. Hindi dahil sa pananakit kundi sa hindi nya pagpansin sayo. as in! ignore! hindi ka nya papansinin kahit maghubad ka pa sa harap nya. di pa naman nangyayari sakin un pero kay Danica at Kim. nagawa na nya. dahil din sa pagbabar nila.
Natapos ang lunch at bumalik na kami sa room ganun lang din ulit discuss lang ng discuss.. at paalala sa mga Org na pwede namin salihan.. Prof pa din namin si Sir Henry. nung tinanung ko sya about dun sa kanta. Ngiti lang ung sinagot nya, so i guess hindi nagustuhan nung kaibigan nya ung kanta.
Maaga nagdismiss ung last prof namin dahil may nagsabi na mga blockmates ko na may audition daw sila sa org na gusto nilang salihan. okay lang naman daw since malayo pa ang midterm exams namin.
"Anong org sasalihan nyo?" sabi ni Gab ng makasabay namin sila.
"Ako, baka sa cheerdance na lang. magkasama kami ni Clare, diba?" sagot naman ni Kim
"Yep! if i'm not mistaken, irine already join in theater. akala ko nga hindi pwede dun paghindi ka nasa arts course ih." sabi ni clare na nagtataka naman.
"Baka magaling talagang umarte si irine kaya nakuha sya. malay natin! ako kasi Arts and Designs ang sasalihan ko since may alam naman ako." sabi naman ni Tal
"Ikaw ba Nics?" tanong ni Gab dahil nakikinig lang ako sa kanila.
"Ahm.. Music Org. mag aaudition ako dun sa isa sa mga band na kasali na pero naghahanap pa sila ng member." sagot ko sa kanila dahil nakatingin na sila sakin
"ow! pwede ka nga dun! kasi magaling ka. kayang kaya mo un." sabi ni clare na naamaze pa.
"sana.." sagot ko ulit sa kanya at ngumiti.
----------
Dumaan ang mga Buwan at nakapasok nga ako sa Adhika Band. may kanya kanya na rin kaming mga ginagawa dahil nga iba iba ang org namin. Kasama din ako sa Scholars Org o Kinaaadman Council (Knowledge/ wisdom)
Organization sya na tanging mga scholars lang din ang nandun. Katulong kami ng Student Council ng school sa mga events and others activities ng school. Secretary ako dun at Rhythm guitarist/Sub vocal naman ako sa band.
Minsan lang din naman kasi ang MB at Quizmart magpatawag ng meeting kaya hindi ako gaano busy dun.
"Hay! sobrang busy nyo naman!" sabi ni Krystal ng minsang magsabay sabay kaming kumain ng lunch.
"Hoy! eto lang. hindi ako busy nuh." sabi naman ni kim habang tinuturo pa ko.
"Sorry. naging busy lang pero hindi na ngayong week kasi tapos na ung election at ung ibang gagawin sa band." sagot ko naman sa kanila at sumubo na sa pagkain ko. "Pero.. di ko pala sure.. hahahahaha"
"really? so sasama ka saming lumabas ngayon?" ngiting tanong naman ni Danica.
"ahm. No!" mabilis na sagot ko sa kanya. Balak na naman kasi nilang magBar kahit na may pasok bukas.
"Ano ba yan?! seryoso ka?" sabi ni kim na nanlalaki ang mata. natawa naman ako pero tinanguan ko lang sya.
"Yep. ayoko talaga. kayo na lang at walang kasama si mama sa bahay." sagot ko naman sa kanila.
natapos ang lunch na pinipilit pa din nila ako pero sa huli nagkaroon na lang kami ng deal na pagtumawag sila at nagpasundo, susunduin ko sila at ako ang magdadrive ng kotse ni Danica. so i agree kesa naman kung san pa sila mapunta o baka maaksidente.
And yes! marunong akong magdrive tinuruan ako ni Kuya Daniel kasi kailangan ko ng Driver's license so hinyaan ko ng turuan nya ko. madali lang naman daw akong matuto kaya nakakuha ako agad. unlike kay Kim at Tal na hanggang ngayon wala pa din.
"Basta ung deal natin ah... susunduin mo kami.." paalala nia Danica bago ako lumabas sa kotse nya
"Yup! basta tumawag kayo sakin." sagot ko naman at bumaba na ng kotse.
pumasok na ako ng bahay at sana pala sumama na lang ako kila Danica. dahil andito sila tita jazz ngayon nakasama nya si Tito ben ung asawa nya.
"Oh! ate andito na pala ung ampon mo ih" sabi nya habang kumakain ng meryenda.
"Hello po." bati mo at magbebless pa sana kaso iniwas nya agad ang kamay nya kaya kay tito ben na lang ako nagbless.
"Bakit ka magmamano sakin? kaano ano kita?" sabi nya na parang diring diri sakin.
"Jazzmine!" sita ni mama sa kanya at lumapit na sakin.
Humalik na lang ako sa pisngi ni mama at sinabing aakyat na. nakarinig pa ko ng voilent reactions kay tita jazz pero si mama na ang bahala dun.
Alam ko naman un na hindi ako tunay na anak ni mama janice at papa mondy. Nakuha nila ko nung nagpunta sila ng Pangasinan at saktong nasunog an compound na tinutuluyan namin ng pamilya ko. At tumulong dun si papa mondy, nakita nya ko na nakabalot ng basang kumot. un kasi ang nilagay sakin ng real mom ko. at sinabing tumakbo na ako at susundan nya daw ang tatay ko sa taas. sa kabutihang palad nakasalubong ako nila mama ja at papa mondy.
kinuha ako ni mama ja at si papa mondy naman ay sinabi lumabas na kami at susundan nya daw ang nanay at tatay mo. ginawa naman un ni mama ja at sa kasamang palad. My real parents and papa mondy didn't make it... naiiyak na naman ako .. hindi sila nakalabas dahil na tupok na ng apoy ang bahay namin. Iyak ng iyak si mama ja nun at niyakap nya lang ako at sinabing
"ikaw ata ang iniwan ng asawa ko para makasama ko habang buhay."
inantay naman ni mama ja na may kumuha o magclaim sakin na kamag anak ko pero ayaw ata nila sakin dahil ni isa sa kanila ay hindi ako pinuntahan o kinumusta man lang. kaya naman naagdesisyunan ni Mama Ja na sya ang kukupkop sakin. Inilegal nya ang adaption sa DSWD at kinuha lahat ng important documents ko sa school para makapag aral ako dito sa maynila. Hanga ako sa kanya kasi ginagawa nya un habang nakaburol si papa mondy. napakasakit ng pinag dadaanan nya pero inaasikaso nya pa din ako kaya laking pasalamat ko sa ginawa nya at kinupkop nya ko.
kahit na ayaw at ako ang sinisisi ng mga kamag anak nya at kamag anak ni papa mondy sa nangyari sa kanya. di nagpatinag si mama ja at tinuloy pa din ang pag aapon sakin dinala nya ko sa apartment nila ni papa mondy at dun itinuring na parang sariling anak. pinag aral nya ko at dun ko nakilala sila Kim at Danica. Grade 4 ako ng mapunta ako sa kanya. kaya alam ko lahat ng nangyayari dahil may isip na ko nun. At gagawin ko ang lahat para makabawi kay mama dahil sa ginawa nya para sakin..
"Anak? Nicole?" nawala ako sa pag alaala ng mga nangyari nuon ng marinig ko ang boses ni mama.
"po? bakit ma?" sagot ko at agad pinunasan ang luha ko. pag naalala ko talaga un naiiyak ako ng sobra pero nagpapasalamat na din.
"Kain na tayo. wala na din ang tito at tita mo. lika na." sabi ni mama ng buksan na nya ang pinto. "sige po. susunod ako ma. hilamos lang ako." sagot ko naman at ngumiti sa kanya.
nung unang mga buwan ko dito nakikita ko si mama na umiiyak dahil nga nawala na si papa mondy pero pagkaharap nya ko lagi syang nakangiti at sinasabing magiging ayos din ang lahat kaya wag kong sisisihin ang sarili ko sa nangyari kay papa. una di ko magawamg gawin un dahil ako naman talaga ang dahilan kung sinama ko na lang si papa sa paglabas ng bahay at hindi umiyak at sinabing nasa taas ang nanay at tatay ko edi sana kasama namin syang nakaligtas at hindi sya namatay sa sunog.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top