Chapter 3

+++++++

Natapos ang lunch at bumalik na kami ng room, kilala na namin ung iba naming blockmates, ung iba mayayaman din ung iba naman scholars din..

"Uy! Nicole! pwede bang magtanong?" si Gab yan scholar din sya

"Sure basta kaya kong sagutin" nakangiti kong sabi sa kanya ng makaupo na ko sa pwesto namin

"Marunong kang maggitara?" tanong nya habang kumakamot sa batok nya nahihiya ata

"Hm.. Bakit? para sa-"

"Ou Gab! marunong yan! di mo maitatanong nasa banda yan nung highschool kami! Hehehe" di ko na natapos ung sasabihin ko dahil sa babaeng sumungit at ngiting ngit pa ang loka!

Hindi ko naman itatangi na marunong ako gusto ko lang malaman kung para saan. paepal to! Hahahaha.

"Ikaw na si Nicole nyayon?" Taas kilay kong tanong sa kanya na ikinatawa lang nya. "Pasensya na ah.. ou marunong ako pero para saan ba?"

"Para bukas dun sa introduce yourself.." napa 'Aaaahh' naman ang bibig ko dahil dun.. ou nga pala may ganung eme pala kami bukas. kailangan ko ding maghanda

"ahm.. kung pwede sana ikaw na lang ung maggitara tas kakanta ako, kung okay lang naman pero kung hindi.. okay lang din." naka ngiting sabi nya.

"Hm.. okay la-" "okay lang yan sa kanya! anong kanta ba?" singit na naman ni Kimberly sa usapan namin ni Gab.

"Sige! ikaw na makipag usap! manager kita ih!" sarkastiko kong sabi sa kanya "Epal! nag uusap kami ih.. ikaw ba mag gigitara?" natawa naman sya

"inuunahan lang kita kasi alam kong namang un ung sasabihin mo. HAHAHAHAHA" pang aasar nya sakin, loka loka talaga!

"Wow! salamat ah! So ayun na nga.. okay lang naman pero anong kanta ba?" binalik ko na kay Gab ung atensyon ko.

"I'm yours sana ung kay Jason Mraz. Alam mo un?" sabi nya ng may ngti sa labi

"Ah! ou naman sige. aralin mo tas praktisin natin bukas.." pagpayag ko sa request at ngumiti

"Ayun! salamat! sige bukas na lang. gagalingan kong kumanta nakakahiya naman pag panget. Hahahaha" sabi nya at tumalikod na samin.

"Ikaw anong gagawin mo para makapagpapansin kay Sir Henry?" tanong ni Krystal kay Kim,

natawa naman ako kasi ung tanong nya gusto ko din itanong pero mas harsh sakin.. Hahahaha!

"Grabe tih ah!! makapagpapansin talaga?! HAHAHAHA. pero syempre baka sumayaw na lang ako. ung daring. HAHAHAHAHAHA!" sagot nya at sobrang lakas ng tawa ng damuhong babaeng to.

Napailing na lang ako at hindi na sumagot dahil may prof ng dumating.

Natapos ang klase naming ngayon araw ng may dalawang babaeng lumapit sakin..

"Ahm.. excuse me, ikaw si Nicole diba?" tanong nung babaeng mahaba ang buhok, medyo chubby cheeks, red lips at mukha syang japanese na chinese..

Tanging tango lang ang nasagot ko sa kanila.

"Nabanggit kasi ni Gab na tutugtugan mo daw sya ng gitara, pweding kami din? and oh by the way I'm Irine and this is Clare." pagpapakilala nya sa kanilang dalawa,

nahihiya man pero ngumiti pa din sya sakin. at on cue naman na pagsabi nya ng Gab nakita ko si Gab na tumatakbo papalapit samin.

"Hala! Nicole sorry nabanggit ko sa kanila nung nagkwentuhan kami.. sorry talaga." hinihingal pero nagkapagsalita pa din sya

"Okay lang. hindi ko namang sinabing itago mo. Hehehe. gulat lang ako." sagot ko sa kanya at bumaling na sa dalawang babaeng kausap ko kanina "Uhm.. sige. okay lang naman, ano bang kanta nyo? para maaral ko." sagot ko sa kanila na ikinangiti nilang dalawa ng todo.

"This is me ng camp rock ung akin" sabi ni Irine
"Perfect two naman ung akin pero hanggang chorus lang." sabi ni Clare na may paalala pa.

"Uhm.." tango ko sa kanila "Okay. aralin ko tas dito na lang tayo sa room magpraktis pag katapos namin ni Gab." sabi ko habang tinutuloy ang pagliligpit ng gamit.

"Okay! will treat you a lunch tomorrow para naman makabawi kami." ngiting sabi ni Clare sakin.

"Ay! hindi na. Hindi naman ako nagpapabayad o nagpapatreat. It's really fine with me, beside it's my passion and pleasure to accompany you both. So no need." nakangiting sabi ko sa kanila na may hiya.

Pero totoo un.. ayokong nililibre o binibigyan ako ng kung ano pag tinutugtugan ko sila kasi it's really my passion to play and it's my pleasure to ask by someone to accompany them. So bakit pa ko kukuha ng ganun.. Hindi sa arte pero un talaga ung ako. Ska na siguro pag talagang tumutugtog at ginagawa ko un para sa pera. Hahahaha

"Really? pero nakakahiya naman.." Sabi ni Irine na nakatingin sakin

"Hala! hindi ay-"

"Sige gurl! sakin mo na lang bigay tutal bff naman kami nito kaya okay lang sa kanya kung samin mo ibibigay." Buong akala ko ih si Kim ang sumagot nun pero laking gulat ko ng si Krystal ang nakita kong nagsasalita.

"Ou nga beh! samin mo na lang bigay, para di syang. Basta ah! ung hindi masyadong fatty kasi sayang ang figure namin." at si Kimberly un.

"Oh! Sure! Sa inyo na lang kami babawi! Sige, tomorrow na lang. Thank you ulit Nicole. Bye!" sabi ni Clare at nagwave bago tumalikod.

"Ang kapal din!!!" un agad ung sinabi ko sa dalawa ng umalis na sa harap ko si Clare, Gab at Irine.

"Kasi naman ayaw mong tanggapin sayang un ah! libreng lunch un! Hindi masama ang libre nuh?!" sabi ni Kimberly with proud tone pa talaga ang babae!

"At ikaw?" turo kay Krystal na patay malisya pa ang loka!

"Ay! ti! sinasabi ko sayo sayang un... kaya kami na lang ang tatanggap! diba Kim?! Hahahaha" nag apir pa ang dalawa habang tumatawa.

"At nagrequest pa kayo na wag fatty kasi ang figure? meron ka nun?" sabi ko habang naglalakad na palabas ng room namin.

"Hoy bruha ka! meron ako nun.. ang yabang nito porket ang ganda ng katawan!" natawa na lang ako sa sinabi nya..

maganda din naman ang katawan nya ih, inaasar ko lang sya. nagtawanan na lang kami habang naglalakad pababa ng building namin.

"Ikaw Tally? anong ipapakita mo bukas sa Subject ni Sir Henry?" tanong ni Kim habang naglalakad kami papunta parking

"Hm.. baka ipakita ko na lang ung mga Callig ko sa bahay. or baka mag calligraphy ako on the spot. Isipin ko na lang mamaya sa bahay. Ikaw ba Nicole?" Sabi ni Krystal habang nakahawak pa sa baba nya.

"Uhm.. kailangan ko pa ba? ih.. ipapakita ko na ung akin dun pa lang sa pagtugtog sa mga blockmates natin. Hahahaha" natawa na lang ako habang iniisip na

'ou nga nuh? bakit pa ko mag iisip ng talent, ipapakita ko naman un pagtinugtugan ko sila'

"syempre hindi pwede un! dapat may sarili kang kanta! apaka daya naman kung hindi nila maririnig ung boses mo." Sabi ni sino pa ba edi si Lovely Kimberly.

"Sige! mag iisip ako pag uwi ng bahay. Asan na ba si Danica? sabi nya andito na sya." Sabay linga linga at hinanap ang maganda naming kaibigan dahil sabay sabay na daw kami uuwi.

Bigla namang may bumusina na sasakyan sa malapit samin at pagtingin namin. Nakita ko agad si Danica at Kuya Daniel. Owww .. nakauwi na pala sya. Galing yan ng Canada ih!

"OmG! Ang hot talaga ni Kuya Daniel.. lalo na pag nagdadrive." Sabi ni Kim at naglakad na papunta dun,

sumunod nalang kami ni Krystal. Sinabi din kasi ni Danica na isama namin si Krystal para makasabay namin pauwi.

"Kuya yan ni Danica? ang gwapo! halatang mayaman!" bulong sakin ni Tal

"Oo kuya nya yan. Matanda ng 6 years sa inyo at 7 years sakin. Kasing idaran lang din ni Sir Henry." sabi ko sa kanya. Tango lang ang naging sagot nito sakin.

Pagdating namin sa sasakyan pumasok na agad si Kim sa backseat katabi ni Danica, ako naman nag isip pa kung si Tal ang nasa shotgun seat baka mailang sya kasi first time nyang kasama kami..

"Pasok ka na Tal sa backseat. Dito na lang ako sa harap." sabi ko at ngumiti naman sya ng pinagbuksan ko sya ng pinto at ako sumakay ma sa harap.

"Akala ko sa likod ka pa uupo ih. Seatbelt please.." sabi ni Kuya Daniel ng makapasok ako.

"San ko naman iuupo ung sarili ko dun? ih.. kay Kim palang masikip na. Hahahaha" sagot ko sa kanya habang kinakabit ung seatbelt.

"Apaka talaga! Sexy kong toh! kasya pa tatlo talaga Nicole!" Opx! triggered na naman po sya.. hahahahahahaha

Nag umpisa na nga kami bumyahe na puro tawanan lang. Pinakilala din naman namin si Tal kay Kuya Daniel.

"What do you want to eat?" tanong ni Kuya Daniel ng idaan nya sa Drive thru at syempre libre nya! nagtatrabaho na to sa company nila nuh!

"Just burger, fries and coke zero if available pero kung hindi wag na ung drinks." - Danica

"Libre mo naman diba kuya dan? burger, large fries at Sprite ung drinks paadd ng ketchup." - Kim

"How about the 2 of you?" Tanong ni Kuya Daniel habang papalapit na sa Speaker kung san oorder.

"Hm.. Fries na lang po sakin kuya." sabi ni Tal na mukhang nahihiya pa.

"You sure un lang iyo Tal? naku! dapat gumaya ka kay Kim.. ma-"

"Makapal mukha! Hahahahaha" putol ko sa sasabihin nya.

"Uy! hindi un ang sasabihin ko. madaming order.. un dapat. loko to!" sabi nya at ginulo pa ang buhok ko. di naman ako nakapalag dahil tawa ako ng tawa.

"Bibingo ka na talaga sakin Denzie Nicole! Danica oh!!" sabi ni Kim na at tinuro pa ko kay Danica

"What? Nicole is right makapal naman talaga mukha mo. Hahahaha" at mas lalo lang naming ikinatawa lahat

"Apaka sama nyong dalawa!" magmamaktol nya para di na humaba ang asaran sumingit na si Kuya Daniel.

"Tahimik na baka marinig kayo sa speaker at maguluhan ang crew. Hahaha" sabi nya nang makalapit kami sa oorderan.

Sinabi na nya ang mga order namin at dinagdagan nya ang kay Tal. Nung natapos ng makumpirma ung order namin umabante na kami

"Teka! wala pa ko!" sabi ko

"Ayan! wag ka na daw kumain ng aasar ka naman daw lagi!" sabat naman ni Kim at dumila pa!

"Burger, fries at sundae salted caramel sayo diba? naorder ko na" sabi ni Kuya Daniel.

Di naman na ko nagulat na alam nya un kasi un ang lagi kong inoorder pag nagyayaya syang kumain. Hehehe. peyborit sorry! Hahaha. Kaya tumango na lang ako at ngumiti sa kanya

"Bat kay Nicole kabisado na tas ung amin hindi! unfair ng life! whoo!" Sabi parinig ni Kim kay kuya daniel.

"Bakit? gold ka ba?" pambabara ni danica sa kanya. itong babaeng to ang yaman yaman pero ung mga salita pangkalye!

"Sabi ko nga hindi ako gold katulad ni nicole ih. soorry ito lang!" sabi ni Kim na ikinatawa na lang namin.

"Here!" isa isang inaabot ni kuya daniel ung mga pagkain nila sa likod at nahuli ung aming dalawa.

"Wow! may sundae din ako! Thank you very much!" manghang sabi ni kim ng inabot sa kanya ni kuya daniel ung sundae.

"Ingay mo kasi kanina ih. ayan di mo tuloy narinig na mag order ako ng sundae." sagot ni kuya daniel natatawa tawa pa. ngumuso lang si Kim at hindi na nagsalita.

Bumyahe at kumain na din kami. Tahimik lang ako dahil ninanamnam ko ang sundae at fries ko.. the best combi talaga tong dalawa na to...

"penge!" nawala ang moment ko ngarinig ko ang boses ni kuya daniel.

"hm? eto?" sagot ko naman sa kanya na tinaas pa ang sundae ko na may mga fries.

"yep! please... aaaahh" sabay nganga. natawa naman ako at inabot ang bibig nya at sinubuan ng fries un habang nakafocus sya sa daan.

"Ano ba yan! respeto naman sa mga single dito!" parinig ni Kim habang nakatingin sa labas pero alam kong kami ung pinaparinggan nya

"gaga! single din kami wag kang pauso!" sagot ko sa kanya ng makaayos ako ng upo.

una naming hinatid si Tal, sunod si Kim tas ako na.

"Salamat sa pagkain at paghatid Kuya dan." habang tinatanggal ang seatbelt

"Sure! wala un." sagot nya sakin

"Bye Danica, Bye Kuya Dan. Ingat kayong dalawa. Thank you ulit!" sabi ko bago lumabas ng sasakyan.

Nangmakalabas na ko agad naman binaba ni kuya dan ung bintana sa harap tapos sumilip

"Thank you din Nics sana sa susunod wala ng kuya tawag mo sakin." sabi nya at ngumiti pagkatapos nun umalis na sila.

Di naman ako ganun ka inosente at katanga para hindi malaman ung ibig sabihin nun pero hahayaan ko na lang dahil hindi un ang focus ko ngayon.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top