Kapitulo Uno


Anniversary

Halina Rio Oracion

Napakagwapo ni Lemuel. Hindi ko nga mapigilang ngumiti habang titig na titig ako sa tv. I am watching him again for the nth time today. Off ko rin sa work, I stayed home even though I need to run errand, I opted to stay home so I can watch Lemuel's different videos. Politician si Lemuel, Mayor siya – he's actually the youngest mayor in this town's history, hindi lang iyon, siya na rin ang sa tingin ko ay pinakamatino sa lahat. In the short span of time that he is in power, ang daming nabago sa lugar na pinamumunuan niya, he straighten up the wrong doings of the past administration and made sure that all the employees will benefit from the decisions he made, hindi lang ang mga empleyado, kundi pati na rin ang mga taong nasasakupan niya.

Lemuel Angelo Arandia is a kind man, so kind that I couldn't help myself but fall in love with him kahit na ang lahat ng ito ay nasa kontrata lamang. I sighed. He smiled on the screen, tapos ay tumawa siya dahil siguro na-amuse siya sa sinabi ng reporter. He looked so sharp and so smart. Sa totoo lang ang sarap – sarap kayakap ni Lemuel, ang bango – bango kasi niya palagi.

"Why are you watching that?" Nagulat ako at napatuwid ng upo nang marinig ko ang boses ni Lemuel. I was so emerged on watching that I didn't even hear him come in. I bit my lower klip, inabot naman niya ang remote ng tv at pinatay agad iyon. I cleared my throat. Para bang naghihintay siya ng isasagot ko kaya ngumiti ako sa kanya.

"Ah, wala naman, ina-update ko lang iyong sarili ko sa klase ng works and advocacies mo ngayon. Baka kasi tanungin ako sa interview." I gave him another smile. Tumango lang naman si Lemuel, and then he sighed. He, then ruffled my hair. Jusko, iyong tibok ng puso ko ganoon na lang, tuwing mapapalapit siya sa akin ay lumalakas talaga ang tibok ng puso. Kulang na lang mangisay ako kasi ang lapit – lapit niya sa akin.

"Our Lia is such a good wife. Thank you, Lia. I'll make sure to read about your new projects too." Wika niya sa akin. I only nodded. "Did you eat?" He asked me. Full of concern naman ang boses niya. "I can order something for you."

Nagluto ako kanina ng calderetang baboy, it's his favorite, inaasahan ko nga na sabay kaming kakain, but I guess at this point, kumain na siya. Hindi naman kasi niya ako tatanungin kung kumain na ako at magvo-volunteer siyang ibili ako ng something kung may balak siyang sabayan ako.

We've been in this lie for four years now, saulo ko na ang routine ni Lemuel. I should've known na kung hindi siya nakauwi nang maaga kanina, nakakain na siya sa labas kasama ang mga staff niya.

"Thanks, Lemuel, but I'm fine." He only nodded.

"Okay. I'll take a rest now. Maaga pa ako bukas. May meeting ang lahat ng Mayors ng Metro. See you, Lia." Agad niya akong tinalikuran. In fairness naman, mukhang pagod talaga siya. Napabuntong – hininga na lang ako. Mukhang kakain na naman akong mag – isa, at ayokong – ayokong kumakain nang mag-isa. Hindi ko naman pwedeng asahan si Lemuel na sabayan akong kumain sa lahat ng oras, hindi naman niya tungkulin iyon. Mas dapat niyang unahin ang sarili niya at ang trabaho niya.

I went back to watching his speeches and other tv appearances. Sa lahat ng iyon ay sobrang gwapo ni Lemuel. Hindi lang naman kagwapuhan niya ang tinitingnan ko rito, totoong in-update ko ang sarili ko sa mga bagay na ginagawa niya, Mas mabuti nang safe at alam ko kasya matanong ako ng mga reporters tapos wala naman akong maisagot sa kanila.

Tulad ni Lemuel ay isa rin akong public figure. Artista ako. Hindi naman sa nagbubuhat ako ng sarili kong bangko, pero kilala ako sa industriya, ngunit hindi ko rin naman maitatangging lalo akong nakilala dahil kay Lemuel Arandia.

It was an accidental discovery in my part. Tandang – tanda ko pa iyong pagkakataong nag-guest siya sa noontime show kung saan isa akong guest judge. He's already a konsehal that time at kaya lamang siya naroon ay dahil nagcelebrate ng birthday ang lead singer ng bandang Synethesia – si Diego Arandia, who happens to be his cousin. Isa si Lemuel sa nagpunta sa studio para surpresahin si Diego.

Apparently, iyong isa sa host ay kakilala niya and they were teasing the then, councilor Lemuel Arandia, he was laughing along with them pero halatang hiyang – hiya siya. Suddenly, the tumuon sa akin ang camera. Hindi ko naman itatangging noong moment na iyon, mesmerized na mesmerized ako kay Lemuel. I had this bewildered expression on my face, nakangiti ako, habang nakatulala sa kanya. They started teasing us, si Diego ang nanguna. Nakikitawa ako, siyempre, National TV iyon, isa pa, bakit tatanggi ako? Ang gwapo – gwapo ni Lemuel.

Akala ko doon na matatapos iyon. Wala namang nangyari nang araw na iyon, we didn't even talk, we didn't exchange numbers, but for the following days in that noontime show, I was being teased, lagi nilang ipinakikita ang reaction ko kay Lemuel noon, hanggang sa isang Sabado, bumalik si Lemuel and he hosted a segment with me.

Hindi ako makagalaw nang maayos noon. I was smitten by his charms.

I guess, that is when it all started. Kapansin- pansin ang pagtaas ng rating ng show nang dahil sa segment na iyon. People started to know me as the girl who has a crush on that cutie konsi. Hindi ko naman tinatanggi. Palagi siyang itinatanong sa akon sa mga interviews. Tatawa lang naman ako at sasabihing friends kami dahil iyon naman ang totoo.

We started talking, we exchanged numbers. For a year, friends lang talaga kaming dalawa, hanggang sa nabalitaan kong tatakbo siyang Mayor ng lugar nila. I congratulated him. A few days later, I received a call from a certain Atlanta Arandia – noong una ay hindi ko siya kilala. I asked my manager about her and she told me that Atlanta Arandia is one of the most renowned managers in the industry, siya ang band manager ng Synesthesia – and the fact that she wants to meet with me is beyond my understanding but I met with her...

Who would've thought that one meeting will change my whole career – let alone my whole life? Kahit kailan ay hindi ko naisip na dahil lang sa isang meeting na iyon ay mababago ang lahat, na ang meeting na iyon pala ang hukay na ako na mismo ang humkay para sa sarili ko.

In that meeting, I was surprised to see him – Lemuel. I could vividly remember what he was wearing that day. He wore a dark blue button-down shirt, a pair of denim pants that hugged his juicy thighs just right – jusko, noong moment na iyon, gusto kong sabihin na, Lemule, tapakan moa ko kasi sobrang gwapo niya talaga.

"Nagtataka ka siguro kung bakit ka nandito ngayon, Halina..." Malumanay naman ang boses ni Miss Atlanta, she was smiling, pero ramdam ko rin na medyo kabado siya.

"Please, just call me Lia." Tumawa pa ako, nakakaramdam na rin naman ako ng kaba. Atlanta nodded. Tumingin siya kay Lemuel tapos ay sa akin. Lalo akong kinabahan nang ilagay niya ang kanyang mga kamay sa mesa at tingnan ako nang mariin.

"Hindi na ako magpapaligoy – ligoy pa. Lemuel here is running for mayor next elections."

"Nabalitaan ko nga." I even smiled. I texted him.

"Thanks for the message." Sabi niya sa akin, napatango naman ako. Atlanta cleared her throat.

"I am his manager. Ipinagkatiwala siya sa akin ng Papa niya – si Tito Lemuel, and I want to make sure that he will have a big chance of winning next year."

"Oh? Uhm, do you want me as his endorser, Miss Atlanta?" Nagtataka ako, for someone like me na hindi naman kasikatan at iilan lang naman ang followers sa social media, bakit ako ang kinuha niya? She looked at Lemuel again. Napansin kong may folder sa mesa, hindi ko iyon nakita kanina. I am sure na kontrata ang laman noon.

"Yes we need you, Lia, but not as his endorser, we need you as his girlfriend and later on his wife."

"WHAT?!" High pitched na tanong ko. Nanlalaki pa ang mga mata ko.

And of course, kahit na gulat na gulat ako noong mga panahong iyon ay pumirma pa rin ako sa kontrata. Binili ni Atlanta ang kontrata ko sa current management ko at lumipat ako sa kanya. She made sure that I will have projects and I will be a household name, ang kapalit lang noon ay ang pagpayag ko sa plano nila ni Lemuel.

We started fake dating, sneaking around, letting people catch us, letting them take our pictures, and then they will upload it on social media to create a buzz. Nag-eenjoy naman kasi talaga ako noon. Maliban sa laging trending ang pangalan ko sa social media, dumami ang followers ko at nagkaroon na rin ako ng mga endorsements.

Lemuel takes me to all his charity functions. Maraming nagtatanong sa amin kung ano raw ang estado ng relationship naming dalawa, but we just tell everyone that we're friends, nothing special, just friends...

"Okay, we need to stop the just friends thing. Tonight you two will have your first kiss." Matapang na wika ni Atlanta. Hindi na ako nagulat nang sabihin niya iyon. Kumbaga, nasa first chapters na kami ng kuwentong ginagawa ni Atlanta, kailangan na naming simulant ang papunta sa climax.

"Will that be okay with you?" Lemuel asked me. Lahat naman ng ginagawa namin ay tinatanong niya muna sa akin kung okay raw ba. Mahalaga sa kanya ang consent and I adore him for that. I only nodded.

"Trabaho lang ito." I giggled kahit na deep inside ay kabang – kaba na ako. Hindi naman si Lemuel ang first kiss ko pero parang magiging ganoon ang pakiramdam ko.

"Tonight, there will be a mini concert kasama ng Synesthesia at sa number nila, after two songs, the camera will focus on the two of you, you will kiss each other and tomorrow, sure iyon front page kayo sa lahat ng newspaper, hindi lang iyon, trending na naman kayo sa twitter sa fb, sa Ig kahit siguro sa shopee! This is brilliant!"

And we did kiss that night. Lahat ng sinabi ni Atlanta ay nagkatotoo. Ang gabing iyon ang simula ng lahat ng pagbabago sa buhay ko, ang gabing iyon ang simula ng pagkahulog ko kay Lemuel Arandia...

xxxx

Lemuel Angelo Arandia II's

IT is an early Monday morning and I needed to get up and go to work because we have the weekly Flag Ceremony. I went downstairs, already dressed and ready to go to work. Sinalubong ako agad ng secretary ko, hawak na niya ang schedules ko for this day. Hindi na yata ako nawalan ng gagawin mula nang manalo ako sa pagka-mayor ng bayang ito, but I am not complaining. I love what I do, I love serving people and I love the responses I get whenever I make my constituents happy. More work, more blessings, iyon ang mantra ko.

"Good morning, Mayor, may meeting po tayo sa –" I stopped my secretary as she was about to go down the details because I heard Lia singing in the kitchen. It's only six – thirty in the morning but she's awake already. Halos mag-uumaga na siyang umuwi kanina, ang sab isa akin ni Atlanta ay last shooting day na raw ng movie na pagbibidahan niya. I was expecting her to sleep all morning and rest but here she is, making breakfast...

"Good morning, Lemuel!" At napakataas ng energy niya. I couldn't help but smile. Suot pa ni Lia ang satin terno purple pajamas niya habang naglalagay ng coffee cups sa mesa. Wala kaming kasama sa bahay, hind isa ayoko, pero mabuti na ring nag-iingat kaming dalawa. Iilan lang sa mga kakilala at malalapit sa amin ang nakaaalam ng tunay na estado ng relasyon naming dalawa. Palagi kaming maingat sa lahat ng bagay and if having a maid will put us on spotlight, we'd rather not.

"Nagmamadali ba kayo? Kumain muna kayo, I cooked." There's that beautiful smile again. Paano ko ba sasabihin kay Lia na hindi na ako makakakain kasi male-late kami sa flag ceremony? I didn't want her efforts to go to waste. I looked at Kim – my secretary – isa si Kim sa mga nakakaalam ng totoo sa aming dalawa. Kim shrugged, para bang ipinauubaya na nya sa akin ang sasabihin kay Lia.

"Ay... male-late na kayo?" Wala pa nga akong sinasabi ay nagsalita na siya. She even bit her lower lip. "It's okay. Monday nga pala ngayon, nakalimutan ko." She smiled at me again. I felt guilty. Hindi naman dapat ganito. I should really eat the food she cooked, puyat siya pero naisipan niya pa akong ipaghanda ng almusal. I looked at Kim again.

"We can spare some minutes to eat, right Kim?" Tumawa si Kim.

"Of course, Mayor. Pwede kang ma-late. Kumain muna tayo." When I looked at Lia again, nakangiti na naman siya. Tinanguan niya ako at pinalapit sa kanya, pinaupo niya ako sa kabisera, tapos ay naupos siya sa kanan ko, si Kim naman ay nakiupo na rin sa amin.

Lia cooked a simple Filipino breakfast, sinangag, tuyo, itlog, hotdogs, some toasted bread and there's a cup of coffee. I took the coffee, inamoy ko iyon, napakabango talaga. I took a sip, napansin kong nakatingin si Lia sa akin na tila ba inaabangan niya ang sasabihin ko. She's always like that, she looks at me like I am the only one that she sees. Hindi ko alam kung anong gagawin ko kapag ganoon ang tingin niya sa akin, she makes me feel things that I cannot even understand.

"Coffee is great." Wika ko. Parang nakahinga siya nang maluwag. "Saan galing ito?"

"Ay! Naku, iyan iyong bunga ng coffee tree na tinanim ko." Nagulat ako sa sinagot ni Lia.

"We have a coffee tree in the backyard?" Tumaas ang kilay ko. Lia shook her head.

"Hindi no, natatandaan mo ba iyong reality show that I filmed six months ago? The coffee farmers sent me the coffee bean from the tree that I planted with them." Ahh, she had filmed a reality show. Napatango na lang ako, but Lia, being the smart woman that she is, realized immediately that I don't have any idea about that show.

"Siyempre busy ka, hindi mo mapapanood iyon. Anywa, eat. Ikaw rin Kim, kain nang kain. How's your baby and your girlfriend?"

"Both are fine, Miss Lia. Nakakapanibago lang kasi iyong baby sobrang kulit, like tulog siya all morning pero sa gabi gising na gising siya, iyak pa nang iyak."

"Aww, I could just imagine." Lia smiled again, pero iyong ngiti na hindi na tulad kanina. I guess, I have disappointed her again by not having and ideas about her work, samantalang siya laging updated sa mga balita sa akin at sa lahat ng pinagagawa ko.

Lia is a great wife – well contract wife. Alam niya ang lahat ng bagay tungkol sa akin at ni minsan, hindi siya namali ng sagot sa mga interview sa kanya. At times, I really think that Lia is a great actress. She's so believable, dumarating pa sa puntong pakiramdam ko mahal na talaga niya ako at lahat ng ginagawa niya para sa akin ay totoo.

Minsan gusto ko na siyang tanungin, pero napaka – out of line naman noon.

Nang matapos kumain ay nagpaalam na kaming aalis na. Napansin kong iwas na si Lia sa mga tingin ko. She's more focused on Kim, she keeps asking about her baby boy.

"When you have time Kim, can I visit you baby? I really want to see him! Bibilan ko siya ng maraming damit!"

"Naku, Miss Lia h'wag na, mabilis lumaki ang mga baby."

"Aww! So just diaper and gatas then?" Sumabay na siyang maglakad papunta sa front door. Ihahatid niya pala talaga ako sa labas – o baka masyado lang siyang focused sa pakikipag – usap sa secretary ko.

"Nakakahiya naman po, pero nagpdala naman po si Mayor noon para sa baby ko noong kalalabas namin ng ospital." Kim laughed.

"Nooo! Iba ang bigay ni Mayor sa bigay ko. Please, tanggapin mo na." Hinawakan niya si Kim sa braso. I looked at her hand on hers, and then I sighed. Lia is touchy – with other people, touchy rin naman siya sa akin kapag may press na kasama – a part of the deal.

"Hindi ko na po tatanggihan."

"Yey! Thanks Kim! Magshopping ako mamaya!"

"Wala ka bang schedule?" Hindi ko natiis na itanong sa kanya. That was when she looked at me and even before she said something, I realized that I asked the wrong question. Atlanta sends me Lia's schedule every week, hindi ko lang binabasa.

"Off ko kasi katatapos ng movie ko." Mahinang wika niya. I only nodded.

"Rest, alright? Bumawi ka ng tulog." Bilin ko sa kanya. I opened the gate and a swarm of reporters were standing outside our home. Gulat na gulat si Kim. Wala pa naman akong kasamang bodyguard.

Lia whimpered. Agad siyang nagtago sa likod ko.

"My god! Nakapantulog pa ako!"

"Mayor Arandia, Miss Lia, anong ganap ngayong anniversary ninyo?"

"Miss Lia, saan kayo magce-celebrate ni Mayor?"

My eyes widened.

Oh, is that today? It's our anniversary. I looked at Lia, she looked so cute, nakasilip ang kalahati ng mukha niya sa bandang likod ko habang nakahawak siya sa braso ko.

"Lemuel, please make them leave..." Mahinang wika niya. It's obvious that she's not comfortable. Agad kong inalalayan si Lia para makapasok siya sa loob. I made sure that the blinds and all the windows are closed, saka ko siya binalikan sa living room.

"Are you okay?"

"Yes, nabigla lang ako. Napicture nila akong nakapantulog lang. Nakakahiya."

"No. You look pretty. As always." I ruffled her hair. "Make sure you lock the door, okay? I'll give a statement before I leave. I'll tell them that you're tired and that you're not in the mood. Hindi naman siguro masama iyon."

"O-okay..." This time. Lia is holding the hem of her shirt. Oh she looked so squeezable at that moment. I want to pinch her cheeks. But instead of doing that, I kissed the top of her head.

"Happy anniversary, Lia." Mahinang wika ko. She looked up at me with her doe eyes and a parted lips which made her so kissable in my eyes.

"Happy anniversary, Lemuel."

I kissed her forehead and left. I needed to leave. I had no idea what I would do to her – with her looking at me like that – if I didn't leave at that moment. 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top