Kapitulo Tres

Nananapak

Lia's

HINDI ko alam kung ilang minuto pa akong nakatulala sa silid ko habang pina-process ko pa rin ang katotohanan na inaya akong mag-dinner ni Lemuel ngayong anniversary namin. Natuwa talaga ako, pero kasabay noon ay napatanong ako sa sarili ko kung galing ba ang imbitasyon sa kanya o galing sa kontrata? Kung galing sa kontrata, hindi ako dapat maging ganito kasaya. It's all for publicity. Why would I be happy? Gusto kong gawin niya ang mga bagay na ito dahil gusto niya akong makasama, dahil gusto niya akong maging masaya, pero abnormal talaga itong puso ko dahil kahit ilang beses kong sinabi sa sarili ko na h'wag akong maging masaya ay hindi naman maitangging masaya nga ako.

"Hmm! Kailangan kong kalmahin ang sarili ko like, omg, hindi naman ito date. It's just for publicity." Tumayo na ako para maligo at maghanda para sa "date" na ito. I wore a simple cocktail dress. It's green – his favorite color. I put a light make up on, iyong buhok ko, hinayaan ko na lang na nakalugay. I checked myself in the mirror at noong katanggap – tanggap na para sa akin ang hitsura ko ay nagpasya na akong bumaba para hintayin siya.

But he's already there. He was wearing a green button – down shirt, a pair of denim pants – napapikit pa ako nang makita ko ang juicy thights niya – ilang beses ko na bang na-imagine ang sarili kong nakaupo roon habang nakikipaghalikan sa kanya – I shook my head. Basta, ang gwapo ni Lemuel. Dito pa lang parang ang bango – bango na niya.

"Ready?" He asked me. Jusko. Paano ako bababa ng hagdanan? Nanginginig ang tuhod ko. Nakakaloka. Bakit ba kasi grand staircase ang hagdan dito sa pamamahay ng lalaking ito? Ilang beses akong napalunok dahil kahit nasa tuktok pa ako ng hagdanan ay ramdam na ramdam ko naman ang intensidad ng tingin niya sa akin.

Hindi pa siya in love sa akin niyan ha – paano kapag in love na in love na si Lemuel sa akin. Jusko, Halina, manahimik ka. Kumalma ka, self! Hinding – hindi ma-i-in love sa'yo si Lemuel. He's just professional.

Dahan – dahan akong bumaba ng hagdanan. When I reached the last step, napansin kong nakaumang ang kanang kamay niya sa akin – as if telling me to hold onto him. Wait. I had to look around. Why? Why is he being like this? May camera ba?

"What's wrong?" He suddenly asked me. Nakakunot na ang noo niya at tulad ko ay napapatingin na rin siya sa kaliwa at kanan. I had to clear my throat to forget about the things I have in my head. Hindi magandang kung ano – ano ang iniisip ko. This is supposed to be our night. I should focus on him and not anything else. I shook my head.

"Wala... ahahaha, I was just wondering where I put my phone but then I remembered having to put it here in my capucine. Itinaas ko pa ang bag ko. Tumawa naman si Lemuel.

"You're so cute. Anyway, let's go. Baka ma-late tayo sa reservations natin." Wika niya sa akin. Oh! Nagpa-reserve siya sa isang restaurant? Napakagat – labi ako. Hindi pa rin yata niya alam hanggang ngayon na ayokong kumakain sa mga 5-star restaurants na iyon. It's not that I don't like the food, I just don't like to act formal when eating. Para sa akin kasi ang pagkain ay isang luxury, at dapat lang na you are yourself when you're eating and eating in a five-star restaurant with so much utensils and such isn't being myself. But if that is what he wants, then I'll go along with it.

We left the house. Thankfully, walang reporter na nag-aabang sa amin sa labas ng bahay. Kasama namin ang driver ni Lemuel. Wala kaming kasamang bodyguards. He never wanted one, anyway. Noong minsang tinanong ko siya, sinabi niya sa aking hindi naman raw niya kailangan. He's always surrounded by people, kaya siguro hindi siya natatakot na wala siyang bodyguards kasi nga hindi naman siya halos mag – isa.

Pasimpleng tiningnan ko siya habang nasa sasakyan. He was busy looking at his phone. Madilim sa loob ng kotse, at tanging liwanag lang mula sa phone at sa streetlights na nadaraanan namin ang nagsisilbing paraan para makita ko nang bahagya ang kanyang mukha. I smiled to myself when I saw that little frown on his face. Ang cute – cute ni Lemuel kapag nakakunot ang noo niya, tapos nakalabi siya na parang batang kinuhanan ng candy.

Lemuel always manages to make my heart flutter. Kahit iyong mga simpleng ginagawa niya lang para sa akin ay ganoon na lang ang epekto sa akin. Minsan, iniisip ko, aware ba siya na ganoon ang dala niya sa puso ko? Sinasadya niya ba para makita niya ang nararamdaman ko? Maybe he notices when I blush and when I am flustered. Ano naman kayang iniisip niya kapag ganoon ako? Does he find it weird? Maybe he does, sa aming dalawa, ako lang naman ay nag-involve ng feelings dito.

"What's wrong?" Ibinaba niya ang phone para tingnan ako. Nanlalaki naman ang mga mata ko.

"Ha?"

"Nakailangan buntong – hininga ka na. Is there something wrong? Ayaw mo ba ng dinner? You know that if you don't like things, you can tell me, right?" He sounded so assuring. Tumango naman ako. Pasimple kong hinaplos ang braso niya – kailan ko kaya mahahawakan ng mas matagal iyon? Iyong tipong pwede kong haplos – haplusin, panggigilan tapos bigla akong magsasabi ng choke me daddy.

Ano ba naman itong pinag – iisip ko? I shook my head and smile at him to assure him that I feel fine.

"I like dinner. I like eating. I'm excited. It's just that..."

"That?" He was expecting an answer.

"I didn't get you anything for this day." Mahinang wika ko pero sapat naman iyon para marinig niya. Tumawa na lang si Lemuel. Hinawakan niya ang kamay ko.

"It's okay, Lia. I didn't get you anything too." I was right, the flowers are from Lana. Good thing that he's not trying to claim that it's from him kahit hindi naman. Kahit paano gumaan ang loob ko. "That's why I wanted to have dinner. Kahit ito man lang maibigay ko sa'yo."

That was when my eyes almost fell out of socket.

Ibig sabihin, this dinner isn't Atlanta's idea. It came from him. Siya ang nagkusa. Oh my! My heart is so happy right now! I could die happy now! Pero h'wag muna! Hindi ko pa pala na-e-enjoy ang dinner na ito.

We finally arrived in Shangri-la The Fort. Habang pababa nga kami ay hawak – hawak niya ang kamay ko – kahit na ang totoo ay baka nag-iingat lang siya dahil baka may makakita sa aming dalawa, but I don't care if he is only holding my hand because of the press and for publicity. I am so happy to care about anything. I looked at Lemuel and all I can think about that moment is how much I want to just launch myself on him and kiss him like there's no tomorrow... but that's just a nice thought. Okay naman na akong magkahawak kamay kaming dalawa.

xxxx

THE first thing I did after opening my eyes that morning is to check my phone. I need to be reminded of my schedule today. Kahapon lang ako off dahil katatapos ng movie shoot ko, and it accidentally landed on our supposed to be anniversary. Thinking of that word made me smile. Yes, anniversary namin kahapon ni Lemuel and we had dinner in this fancy five – star restaurant and I enjoyed myself so much.

He was so attentive to me last night, he made sure that I ate what I want. Na-realize ko nga na hindi naman masama ang five – star restaurant lalo na kung nandoon si Lemuel na sinisigurong lahat ng bagay ay ayon sa gusto ko. Tuwang – tuwa talaga ako kagabi lalo nang malaman kong walang kinalaman si Atlanta dito. He did that because he wants to and I can't help but love him more.

As I was checking my phone, nalaman ko ring nagkalat na naman pala ang pictures naming dalawa. It's just one pictures but there's a lot of article written about it. Ang larawang kumakalat sa social media ngayon ay iyong naglalakad na kaming dalawa ni Lemuel pabalik ng sasakyan, medyo natapilok ako kaya agad niya akong inalalayan. It was so natural for him to wrap his arm around my waist and to pull me closer. Nahigit ko pa nga ang hininga ko kasi sobrang close namin feeling ko ako si Sarah Geronimo at mapapasabi ako ng gaano ka-close sir?

Nang umuwi kami sa bahay ay hindi pa kami agad natulog, we had coffee in our balcony and we talked about work related things. Kinamusta niya rin ang mga magulang ko, I did the same. Nabanggit niyang nasa Amerika ngayon ang kapatid niyang si Kuya Luis kasama ang asawa nito, si Luigi naman daw ay nagpapaka-ulol – his words not mine – sa Ilocos kung nasaan rin ang mga magulang nila. I know Lemuel loves his brothers so much, kapag nandito ang mga kapatid niya ay punong abala siya sa pag – aasikaso – lalo na kay Luigi na may malalim na agam – agam.

We finished talking at three in the morning, I fell asleep immediately after taking a quick shower and here I am, alas – sais nang umaga at gising na gising na ang diwa ko. I need to leave at nine am kasi may schedule ako ngayon ng shoot sa isang commercial. I need to get ready kasi sure akong seven – thirty nandito na ang manager at PA ko.

I need to get up and have a cup of coffee. Isisingit ko na rin ang pagluluto ng almusal ni Lemuel. I yawned and put my phone back to my bedside table. I climbed down the bed, put my fluffy bunny slippers and went inside my bathroom. Nag-toothbrush muna ako, siyempre, baka makasalubong ko si Lemuel tapos baka maamoy niya ang hininga ko, diba, nakakaloka, baka sabihin kay ganda kong babae pero amoy pusali ang bunganga.

Nakakaloka again.

Naglagay rin ako ng fluffy bunny headband kasi kailangan ko nang maghilamos. Mamaya na ako maglalagay ng skin care pagkatapos maligo. I need coffee and I need to prepare for his breakfast.

I went down to the kitchen, the first thing I did was to make my coffee, after that, naghanap na ako ng ingredients para sa almusal ni Lemuel. Alam ko namang malabo nang magsabay kami dahil parehas kaming maaga ngayon kaya ipa-pack ko na lang ang breakfast niya. I know Kim takes care of his lunch so I don't need to worry about that.

As I was toasting his bread and waiting for my coffee, I suddenly heard voices – one of the two voices belongs to Lemuel. Hindi ako pwedeng magkamali, kahit na halos pabulong lang ang boses na iyon ay alam kong siya iyon. Pero sinong kausap niya? All I heard were giggles. Napakunot ang noo ko. Siyempre, ang instinct ko ay ang tingnan kung sino bang kausap niya kaya naglakad ako papunta sa living area – which I later on wished that I didn't do.

Naroon si Lemuel, kasama niya si Libby and they were kissing. Libby was even wearing one of Lemuel's shirt.

Gusto kong maiyak.

Mabilis akong bumalik sa kusina. I took my coffee and I still made him breakfast, pagkatapos kong maiayos iyon sa food container ay umakyat na ako sa silid ko. They were still in the living room, kissing, whispering sweet words to each other – na parang nakalimutan n ani Lemuel na nandito pa pala ako o baka akala niya wala na ako kasi nga naman usually ganoon ang schedule ko. I locked the door of my room and I stood there for a while thinking of what I saw.

Tuwing maiisip ko na there's even five per cent possibility of Lemuel and I being together, sinasampal ako ng katotohanan na hindi pala talaga kami pwede kasi may Libby siya on the side, hindi lang Libby, may Asther rin siya, Rosie at kung sino pang babae. In fairness naman to Lemuel, he is discreet. Hindi siya nababalitaang may kasamang ibang babae sa ibang lugar, it's because he takes them home here.

Hindi ko nga lang alam kung anong sinasabi niya sa kanila, and I shouldn't care. I shouldn't be feeling this way. Wala akong karapatan kasi wala naman kaming relasyong dalawa. All that is binding us is that stupid contract. Wala kaming relasyon, kahit kailan ay hindi gumawa si Lemuel ng mga bagay na magbibigay sa akin ng false hope. Malinaw sa aming dalawang trabaho lang ito at hinding – hindi lalagpas doon.

Kaya lahat ng luhang iniluluha at sakit na nararamdaman ko tuwing kasama – kasama niya ang ibang mga babaeng iyon ay invalid.

Yes, all those are invalid and yet here I am crying like a woman who found out that her husband is cheating on him and it fucking hurts like fucking hell.

xxxx

"DID you have a good time last night? You seemed so tired, Lia." Wika noong make – up artist sa akin. Hindi naman ako sumagot, ngiti lang ako nang ngiti kanina pa. Wala akong ganang makipag – usap sa kahit na kanino. Hindi ko naman kasi makalimutan kung anong nakita ko kanina sa living area. Nasasaktan ako. Kahit anong sabi ko sa sarili ko na wala naman akong karapatan ay hindi ko mapigilan ang magdalamhati.

Hindi ba siya nagagandahan sa akin? I tried so hard being a good wife kahit ang lahat ng ito ay palabas lang. I want him to see me in a new light. I want him to even consider me to be his lover, pero bakit hindi niya ako nakikita nang lagpas pa roon? Anong mayroon ang mga babaeng iyon nang wala ako?

Libby has huge bonkers, ganoon rin si Asther... napatitig ako sa bandang dede ko, dahil normal size lang ang boobs ko kaya hindi ako magustuhan ni Lemuel? Why do I even bother? Ibang klaseng ka-sexy-han ang dala ng mga playmates niya. I sighed.

"Hindi naman. I just woke up early, Umaga na rin kasi ako natulog." Muli kong nginitian si Riva. She continues doing my make up.

"Alam mo girl, pwede naman sabihin kay Mayor na h'wag kang puyatin kapag may schedule ka. Like, is the sex that good?" Tanong ni Riva na may halong amusement ang boses. Hindi na ako nagulat sa klase ng tanong niya kaya napailing na lang ako.

"Done na sa make up and hair mo. Wow mukha ka na namang Dyosa, Lia!"

I looked myself in the mirror. Nakalugay at kulot ang dulo ng buhok ko – iyong beach wave style tapos iyong make up ko fresh lang, meron pero parang wala. I really like this look.

I am shooting for a flavored water drink. Summer ang theme ng commercial kaya naka-two-piece ako. I've been doing this for a long time, sanay na ako sa kalakaran ng shoot. Nang sabihin ni Riva na maayos na ako ay ako na mismo ang lumabas mula sa dressing room para makapag – start na kami.

The director smiled at me, naroon din ang manager ko for that day. They were all cheering for me. I got the scene in two takes pero dahil kailangan pang i-shoot sa iba't ibang anggulo ay halos kalahating araw akong nakatayo sa ilalim ng mainit na spotlight reciting the same lines repeatedly.

Finally, natapos na rin ako. Balika ko sa dressing room para magbihis kasi may susunod na schedule pa ako for the afternoon. It's just an online interview at gaganapin iyon sa main office ni Atlanta. Baka makita ko rin sina Pascal doon. I haven't seen them in a long time.

Habang naghihintay ay naupo ako sa chair at nag-check lang ng mga messages. I was worried because I suddenly got a message from my sister – Sagana. Okay lang sana kung sa kanya lang galing pero nag-message na rin si Mama at Papa. They were asking if I am okay, kung nakausap ko na raw ba si Lemuel.

"Anong nangyayari?" Kumunot na ang noo ko nang makita kong may message rin ang bunso naming si Hiraya pati na rin si Mithi. "Anong problema ng pamilya ko?"

"Lia, napanood mo na ba ito?" Si Riva ang lumapit sa akin. She offered me her phone and, in her screen, I saw Lemuel. He was standing just outside the city hall. Mukhang na-ambush na naman siya ng mga reporters. Noong una ang tanong sa kanya ay tungkol sa politics, ano raw ba ang masasabi niya sa current situation ng mga tricycle drivers sa lugar namin. Ang alam ko kasi may ibinababa na namang bagong batas but Lemuel being the people's person that he is, hindi niya hahayaang makaapekto ang batas na iyon sa hanapbuhay ng mga driver.

He answered that sounding democratic. But I'm, sure na hindi doon nagtatapos ang video na iyon dahil hindi naman siguro mag-me-message ang pamilya ko sa akin asking fi I have talked tio Lemuel if this stops here and I was right.

The next reporter asked him something – something that I wished he didn't bother answering. Dapat nga hindi na niya pinansin. But he did.

"May bed scene si Lia sa new movie niya kasama si Randall Reyes, pinayagan mo iyon, Mayor? Hindi bai yon makakasama sa reputasyon mo bilang mayor ng siyudad na ito? May mga pictures rin siya kasama ang ibang mga models wearing provocative clothes, halos wala nan ga, okay lang sa'yo iyon?" Lemuel was smiling, pero halatang wala nang saya sa ngiting iyon. Lalo pa yatang nag-init ang ulo niya nang kalabitin siya ng isa sa mga reporters at may ipinakitang kung ano sa phone nito.

I could just imagine what that was.

To my surprise, Lemuel punched the reporter that asked him that question, sinabayan niya iyon ng pagwo-walk out.

"Oh my god. Oh my god!" Napatayo ako. I immediately called him pero hindi sinasagot ni Lemuel ang tawag ko. Tinawagan ko si Atlanta.

"Lanta, did you see?!" I asked her. Ang lakas – lakas ng tibok ng puso ko. "I can't go to the interview now. Kailangan kong makausap si Lemuel." Kinuha ko ang bag ko. Sinabayan naman ako ng manager ko sa paglalakad habang kausap ko sa phone si Atlanta.

"Sure, sure, ako nang bahala sa schedule mo. Kausapin mo iyang asawa mo okay?! People are saying things about him in social media! Ayusin niya kamo iyang ugali niya!" Stress na stress na si Atlanta. Lalo naman ako.

We got to the car. Alam na agad ng driver kung saan niya ako dadalhin. My manager's phone kept on ringing, alam ko nang dahil iyon kay Lemuel.

Ako naman sa backseat ay hindi mapakali. I was biting my lower lip. I know I shouldn't but I started to read the comments on that video.

Haternimayor: Mainitin naman talaga ang ulo niyang Mayor ninyo! Lumabas na ang tunay niyang kulay! #cancelmayorarandia

Lovelovelovely: Aware naman siguro siya sa trabaho ni Miss Lia. Why is he acting like that?

Crushkosiyuta: Sa ibang tao nagagawa niya, sa asawa niya kaya? Baka battered wife pala si Lia Oracion. Poor Lia. She should've not married a man like that.

Lemliaforever:@Haternimayor Binatos iyong asawa niya sa tingin mo anong dapat ginawa ni Mayor? Nag-thank you siya!

Haternimayor: @Lemlia the point is hindi dapat sinaktan ni Mayor ang reporter! Kung may problema siya sa trabaho ng asawa niya, sila ang mag-usap. #raffytulfoinaction

User4354078: Totoo kaya ito o baka naman another publicity stunt? Mayor is a good politician but sometimes I cannot help but think that he and Lia are just using the public para lalo silang mapag-usapan.

Gustong – gusto kong mag-comment doon at sabihin na tumahimik na sila dahil wala naman silang alam. Hindi pwedeng ganito ang pinagsasabi nila dahil wala namang masamang ginwa si Lemuel – well nanapak siya – pero ang sabihin na ito ang tunay na kulay ni Lemuel ay mali.

We arrived at our home. Halos madapa ako sa kakatakbo para makapasok sa bahay. Si Kim ang nasalubong ko.

"Where is he?"

She seemed so worried. "Nasa office niya. Please Lia, mag-usap kayo. Galit na galit si Lemuel." Tango lang ang isinagot ko sa kanya. Agad akong nagtungo sa private office niya sa itaas – sa tabi ng silid niya. I knocked three times and when I got in, I found him holding a bunch of papers and he is looking tensed.

And then, his eyes met mine, nagtiim ang mga bagang niya. Right now, I already have an idea what the hell he is looking at.

"Lemuel..." 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top