Kapitulo Quince
We have each other
Lia's
LEMUEL is nervous. I can really tell that. Kanina bago kami umalis ng bahay ng mga magulang ko ay hindi na siya mapakali. Mula pa nga yata kagabi ay hindi na siya mapakali. Hindi ko alam kung paano ko siya iko-comfort samantalang kinakabahan rin naman ako. Iniisip ko ang mga bagay na tamang sabihin sa kanya but it doesn't seem effective because he is thinking of the worst things. Iyon rin naman ang iniisip ko. His mother – si Mama Daisy, used to like me a lot. Naaalala kong tuwang – tuwa siya nang dalhin ako ni Lemuel sa Ilocos noon at ipinakilala sa kanila bilang girlfriend nito. She loves the fact that I am in the same field as her. Noong una ay nag-aalala siya dahil baka hindi raw kami magkaintindihan ni Lemuel pero sa huli ay naniwala siyang malalagpasan naming dalawa ang problemang maaari naming kaharapin.
It's saddening to think that there is a big possibility that she hates me now. Napakabait ni Mama Daisy. Ramdam na ramdam ko ang pagtanggap niya sa akin noon. Ako kasi ang manugang na malapit sa kanila. Kasal na si Kuya Luis pero sa ibang bansa naman sila nag-stay ng asawa niya kaya kami lang ni Lemuel ang palagi nilang nakakasama. Si Luigi naman ay parang wala nang balak mag – asawa.
Hinawakan ko ang kamay ni Lemuel. Nanlalamig ang mga iyon. I smiled at him. I kissed his knuckles and asked him if he is ready.
"I don't know what you mean with ready." Napapailing na wika niya. He sighed again. "Ngayon ko nararamdaman lahat ng kagaguhan ko. Hindi ako dapat naging ambisyoso. I wanted a sure win that's why I dragged you here, now I can see the disadvantage of what I did. Hindi ko naisip na maapektuhan ka at ang pamilya ko. Now that I want to be with you..." I could feel his sincerity. Mahal ko siya at alam kong iyon rin naman ang nararamdaman niya. I kissed his cheeks.
"Let's go, Lemuel. If they hate us, it is fine. We have each other." Muli kong hinawakan ang kamay ni Lemuel. This time, he's the one who kissed my knuckles.
"I love you, Halina."
xxxx
Lemuel's
"If we have each other, its fine..."
Sana nga ay ganoon kadali ang lahat. Pero mas alam ko ang timbang ng sitwasyon naming dalawa ngayon. Lia doesn't know many things and I let that. I want her to think that everything is fine, that we are going to be fine, that everything will be back to normal. Hindi niya alam kung gaano kagalit sa akin ang Papa ngayon, kung ilang beses kong narinig na disappointed siya sa akin. Hindi niya alam ang away na namagitan sa amin ni Luis at ni Diego. Naiintindihan ko kung bakit galit sa akin si Diego, wala nga naman akong ginawa kundi ang biguan ng stress si Atlanta gayong kapapanganak pa lamang nito.
Luis is angry because he thinks that I do not respect the fact that I am married, kahit ipinaliwanag ko sa kanyang maayos ang lahat sa pagitan namin ni Lia ay yila ba hindi niya ako naiintindihan. Inaalala niya si Lia at ang mga babaeng nakasama ko habang kasal ako kay Lia kahit na kontrata lang naman ang lahat nang iyon. I wanted to tell him that Lia said that everything between us is fine – pero totoo nga ba iyon? Now that I am keeping things from Lia, I couldn't help but think that maybe she is hiding something from me too. Maybe it's not okay for her. Maybe she's just trying to make it look like that para hindi ako mag – isip gaano. Knowing her, she would do everything to make sure that I am not feeling any discomfort.
Panaka – naka ko siyang tinitingnan habang nagmamaneho ako. She finally fell asleep. Nag-aalala akong baka tulad ko ay kinaisip – isip niya rin ang nalalapit na pagharap namin sa pamilya ko. She must have been scared. I know how much she adores my mom, and maybe she's worried now that my mom might be thinking something else about her.
I could remember what happened after that interview. Nagulat na lang akong naroon na si Atlanta, umiiyak siya.
"Akala ko ba we're on this together, Lemuel?"
It was the first thing she told me right after the crew left my home. Halata kay Lanta na nagpipigil lang siya ng galit.
"Hindi ko maintindihan, Lanta. Why are you involving yourself here? Tapos na ang kontrata, sinunog mo na, hindi ba? I told you that I am going to do this—"
"You told me sa text, hindi moa ko hinintay! I have a plan, Lemuel! A plan that can save us all, pero anong ginawa mo? Isinugo mo ang sarili mo? Why? Why are you doing this to yourself? Siguro oo, maniniwala silang lahat sa'yo, na ikaw lang ang may gusto nito, to hell with the people who would think less of Lia, pero naisip mo ba ang pamilya mo?"
Noon ako natigilan. What does she mean?
"Tinatanong mo sa akin kung bakit ako nakikialam rito? It's because I want to protect you and Lia from your family. You said you want to be with her? Do you think it would be easy if your parents hate the fact that the two of you got together because of a fucking contract and your candidacy? Naisip mo ba na maaaring isipin ng pamilya mo na ginamit ka lang ni Lia para magkaroon ng pangalan sa showbiz? Naisip mo ba iyon, Lemuel? Sa tingin mo kapag napanood nila ang interview, they wouldn't see through all your lies? They would know! Hindi mo kasi ako hinintay! Hindi ko alam kung bakit ka nagmamadali! If you two have sticked to the plan of her leaving after a week, sana naayos ko ito!"
Nakatitig lang ako kay Atlanta. Hindi ako makahanap ng tamang salitang masasabi ko sa kanya.
"Her leaving is just temporary. Aayusin ko lang naman ang gusot. Pero..." Napailing siya. "Ang problema sa inyo ni Lia, para kayong nabubuhay sa fairytale, you think you can just annul the marriage and start dating again. Nakalimutan mo ba Lemuel na may kontrata kayo ni Lia sa ilang brands? If you two are going to annul the marriage, magkakaroon ng breach of contract, pwede kayong maidemanda. Hindi natatapos at magsisimula sa pagtatapos ng kasal na ito ang buhay ninyo. Sana naisip ninyo ni Lia ang mga responsibilidad ninyo sa kontratang ito. Oo, sunog na ang kontrata natin, pero paano ang kontrata ninyo sa iba? Ang iniisip ninyo lang kasi, tapusin ito para makapagsimula kayo. I get that you want a clean slate, pero sana tapusin ninyo muna lahat ng responsibilidad ninyo."
Atlanta's tears fell. It was then that I was hit by the realization na oo nga pala, hindi lang kaming dalawa ni Lia ang involved sa kalokohang ito, there are other people with us, si Lanta, ang mga kontrata sa mga brands and endorsements, ang pamilya ko at ang mga katrabaho ko sa city hall na nakakaalam ng totoo. Lahat kami damay dito. If I weren't as impulsive as I am now, kung nag – isip nga naman ako, sana... sana...
My train of thought was interrupted when Diego punched me. Kawawa naman ang mukha ko dahil nasapak nan ga ako ng tatay ni Lia, nasapak pa rin ako ni Diego.
"Kung alam ko lang nag anito ang gagawin mo sa asawa ko, sana noon pa lang hindi ko na hinayaan ito! You keep on stressing her! Kapapanganak lang ng asawa ko! Nag-iisip ka ba talaga!"
"Diego!" Luis came from the front door. "Umuwi ka muna, please. Ako nang bahala sa kanya."
And that was the star of my hell. Magdamag akong sinesermunan ng kapatid ko. Nakikita ko naman lahat ng puntos niya, naiintindihan ko siya. At oo, hindi man ako gago sa aspetong sinasaktan ko ng pisikal si Lia, pero gago ako dahil napaka-insensitibo ko sa mga tao sa paligid ko. I don't deserve any of them. I am not man enough for this.
But when I saw Lia sleeping that afternoon on her bed, looking like an angel sent down to ease my pain, naisip kong hindi ko kayang pati siya ay mawala. Naisip kong handa akong gawin ang lahat para maiayos ang mayroon kami. Kung kailangan harapin at saluhin ko ang lahat ng galit ng mga magulang at kapatid ko ay gagawin ko because Lia deserves all the love.
"Lia, love, we're here." Dahan - dahan kong hinaplos ang pisngi niya para magising na siya. It's five in the afternoon, malayo – layo rin ang pinagmaneho ko bago kami nakarating ng Bulacan. Hindi ko alam kung anong daratnan ko sa oras na bumaba kami ni Lia, kung palalayasin baa ko ng pamilya ko, kung tatanggapin nila kami o kung nasa pinto pa lang ay sesermunan na kami. One thing is sure, hindi kami pauuwiin rito kung walang pasabog si Emmanuel Luis Arandia.
Lia's lips were a bit parted, and I wanted to kiss her so badly pero pinigilan ko muna ang sarili ko, instead, I kissed her forehead.
"Are you ready to go inside, Love?" I asked her in a low voice. Lia nodded. I kissed her cheek this time. "Then, let's go." Nauna akong bumaba kaysa sa kanya ng sasakyan. Balak ko sanang pagbuksan siya ng pinto pero nakababa na rin siya kaua kinuha ko na lang ang mga gamit naming dalawa. Magkahawak kamay naming tinahak ang front door ng masyon ng Hacienda Asuncion. Ramdam ko ang panlalamig ng mga kamay ko. Si Lia ay lalong humigpit ang hawak sa akin. She gave me a smile that signifies assurance, pero kahit yata ilang ngiti pa ang ibigay niya sa akin ay hindi pa rin ako kakalma – not until I have talked to my parents and my brothers.
Sinalubong kami ng mga maids, we were directed to the dining area kung nasaan si Uncle Paeng, ang kanyang asawa at ang mga magulang ko. This time, si Lia naman ang parang hindi mapakali. I know she's worried about my mother, I know how much she loves her, and I will do everything to restore that relationship.
"Nandito na pala si Lemuel at si Lia." It was Tita Nadia who acknowledged us. Agad akong lumapit para magmano sa kanila. Sumunod si Lia sa akin. Natatakot akong baka hindi ibigay ni Mama at Papa ang kamay nila para sa aming dalawa, pero hindi naman nangyari iyon.
"Hello, Mama." Lia greeted my mom. She just nodded at her. Kapansin – pansin na hindi niya tinitingnan si Lia. Si Papa naman ay seryosong nakatitig sa akin.
"Kumain na ba kayo? Maya – maya ay hapunan na." Wika ni Tita Nadia. "Ipaaakyat ko sa mga kasambahay ang mga gamit ninyo. Magpahinga muna kayong dalawa. Galing kayo ng Nueva Ecija, hindi ba? Napakalayo ng ibinyahe ninyo."
"Well, Nadia, I hate to say this, pero hindi magpapahinga si Lemuel kasama ni Lia sa guest room ngayong gabi." Wika ni Papa. Lia seemed surprised, pero ako, inaasahan ko nang may twist ang pagpapapunta niya sa amin rito.
"Manuel?" Nagtatakang tanong ni Tita Nadia.
"If they are staying here, Lemuel will be sleeping in the quarters kasama ang ibang tauhan ni ng Hacienda. Hindi lang iyon, tutulong ka sa lahat ng gawain sa hacienda. Napag-usapan na namin ito ni Daisy. My son should learn a thing or two. Walang mayor – mayor dito – o that's right, dahil sa pinasok mong issue, your party is asking for your resignation."
"What?" Lia looked at me. "Lemuel?"
"Ah, so hindi pala sinabi ng anak ko, Lia? Yes, pinagre-resign siya ng partido dahil sa interview na ginawa niya noong nakaraang araw. Now he's in too much embarrassment and he is jobless."
"Lemuel..."
"Lia, dahil hindi kita anak, hindi kita pwedeng disiplinahin, you're a guest after all, sa guestroom ka, but don't expect us to treat you like before." Walang abog na wika naman ni Mama. Both my parents walked away after saying what they had too. It was then that I faced Lia and her questions.
"Lemuel..." I tried to smile.
"We will get through this, diba? We have each other, Lia. We're gonna be okay."
I hope we will be.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top