Kapitulo Once
Final decision
Lia's
Lemuel is busy. Mula kagabi ay kausap niya si Kim at ang buong team nila. Palagay ko ay ginagawa niya ng paraan ang issue na dala ni Rosie. It's so messy. Si Atlanta ay galit na galit kay Lemuel. Sinisisi niya si Lemuel sa gulong dala nito sa talaga namang magulong sitwasyon namin ngayon. It's just been five days pero parang isang taong issue na ang ibinagsak sa amin. Napakaraming ibinabatong issue sa aming dalawa. May issue na pinalalabas na kabit ko si Gino, may nagsasabi na ako ang unang nanloko sa aming dalawa, na pinakasalan ko lang si Lemuel dahil sa pera at kung ano – ano pa.
May nagsasabi rin na kasal kami for convenience. Natatawa nga ako, totoo naman kasi ang bagay na iyon. We both married each other because of fucking convenience. Dahil sa kasal na iyon ay gumanda ang karera naming pareho. Kung na in love naman kami sa isa't isa, bonus iyon. I am really happy that it turned out to be this good, that we love each other. Hindi ko nga alam kung panaginip na lang ba ito. Natatakot ako dahil baka mamaya, magising ako at bumalik kami sa dati, iyong dati na takot akong hawakan siya dahil baka mawala siya, iyong takot akong mapalapit sa kanya dahil ayokong masaktan nang sobra dahil sa kaalamang mawawala rin naman ang lahat ng ito, I', scared, but those kisses that we shared last night makes it real.
"Are you done?" I noticed him entering the guest room. Doon kami matutulog ngayong gabi. He doesn't want us to sleep on his room, tapos feeling ko ayaw niya rin sa silid ko kasi magulo. Hindi ko pa naaayos iyon mula kagabi dahil nga nandito siya tapos may mga bisita kami. I needed to deal with Atlanta the whole day. I was trying to appease her, sinabi ko na lang na makikipagkita kaming dalawa bukas. I sighed again.
Lemuel climbed the bed. He sat beside me, ako naman ay agad na sumandal sa bandang dibdib niya. He smells so good. Damp pa nga ang buhok niya. He's wearing sweatpants and gray plain shirt. Ang gwapo – gwapo ni Lemuel. Ang sarap magpayakap sa kanya.
"I'm sorry." He said to me. Napatitig naman ako sa kanya. Hinawakan niya ang kamay ko pagkatapos ay hinalikan niya ang mga daliri ko, tapos ay hinagkan niya ang noo ko. "I'm so sorry..."
"B-bakit?" My heart clenched. Bakit ganoon? H'wag niyang sabihing babawiin niya ang napag – usapan namin kagabi? Na biglang ayaw niya na palang ituloy ito. Na biglang uuwi na lang siya sa kanila at kakalimutan na lang niya ang nangyaring usapan ay hayagan ng nararamdaman. Nalulungkot ako. I am willing to make things work. I am willing to try it with him and take the risk just for this to get real. Why is he apologizing now? I wanted to cry. I am waiting for his answer. Bahagya pa akong nagulat nang maramdaman ko ang hinalalaki niya sa gitna ng noo ko. He was trying to straighten the frown on my forehead.
"Stop pouting."
"What are you apologizing for muna?" Nanginginig ang boses ko.
"If you pout like that, I can't help myself. I want to kiss you."
"So, then, kiss me." Para akong batang nagmamaktol. He chuckled, but he didn't kiss me. Hinawakan niya ang kamay ko tapos ay tiningnan ako nang mata sa mata.
"I'm sorry for Rosie, Libby and the others..." My mouth formed an O. Hindi ko inasahan iyon. Napalunok ako habang titig na titig sa kanya. I was thinking of the worse, of him declining our love, just walking away. "I... I didn't know you see them. I thought I was being discreet. I didn't want to hurt you. I was only thinking of myself, that I wanted to forget you, my feelings for you and the only thing I could think of is date other people." Kitang – kita ko sa mga mata niya ang pagsisisi. Lalo akong napalabi.
It actually doesn't bother me. Sa duration ng pagsasama namin, wala naman siyang ipinakitang masama – well except sa ilang days ago. Oo, nasaktan ako, pero sino ba ang sisisihin ko? Wala naman kundi ang sarili. It was my choice to let myself fall for him. Hindi naman niya ako pinaasa. Ako iyong nadala at nadarang sa palabas naming dalawa. I want him to understand that now that we are committed to each other, ito ang first day naming dalawa, na wala lahat sa akin ng masasakit na alaala kasi willing naman ako na mapalitan iyon ng mga masasaya at bagong alaalang kasama siya.
I cupped his face. "You listen to me. This is our clean slate, okay? Ito ang simula ng lahat sa ating dalawa. I don't care about the others, all I care about is you and me. I am willing to take this risk, I am giving you my all and all I want from you is to love me with all your heart, your faithfulness, your loyalty and your understanding – 'cause you know, I have my days." I tried to sound light and fun, para maintindihan niyang okay lang talaga sa akin ang lahat. Ang mahalaga ay ang simula namin at ito nga iyon.
"But I hurt you."
"You did." Tumango ako.
"I made you cry."
"Not all the time..." Mahinahong wika ko. "I try to not cry most of the times, kasi sabi ko sa sarili ko, mahal ang luha ko, hindi mo ako mahal, kaya bakit kita iiyakan? But at times, hindi ko napipigilan eh. Naiiyak ako, lalo na kapag nakikita ko how tender you are with Libby, sa kanilang tatlo sa kanya ka pinakamahinahon. And I envy her..."
"I'm so sorry..." He said to me. Yumuko siya at ibinaon ang mukha niya sa leeg ko. I caressed his back.
"It's okay... sa kanilang lahat kay Libby ako pinaka nagseselos noon, but please promise me, that's the last time with her."
"It will be..." Medyo muffled pa nga ang boses niya pero malinaw ko namang narinig iyon. We stayed quiet for a while, with his face buried on my neck. I like the silence, I could feel the contentment. But I need to know something.
"Lemuel..."
"Hmmm?"
"What are you gonna do with Rosie?" Noon siya tumingin sa akin.
"We're preparing a case for her. She signed a NDA and broke it. I will sue her. All the pictures, madaling sabihing that it's edited." Then he sighed again. "I didn't know she was taking pictures... I'm so sorry."
"Shhh, it's not okay." Siyempre nasaktan ako. "But we learn from our mistakes diba? I just wished that this thing will be fixed asap. Gusto ko nang tahimik na buhay, saka gusto kong kiligin na lang sa'yo." Biglang napatawa si Lemuel.
"Bakit ba? Kinikilig naman talaga ako sa'yo. Every time we go out, and we act as lovers in public, kilig na kilig ako. I always look forward to our public appearances kasi pwede kitang landiin sa time na iyon. Pero pagbalik sa bahay parang walang nangyayari." Sabi ko pa sa kanya habang nakanguso. Tumawa na naman si Lemuel. I like seeing him laugh. I could see those laugh lines clearly now, it looks so good at him. Ang gwapo – gwapo ni Lemuel.
"Pwede mo naman akong landiin ngayon." His voice became a bit lower. Nanlaki ang mga mata ko. Nagsalita lang naman siya pero bakit ganoon, may something na sumikdo sa akin. Kinurot ko siya sa tagiliran.
"Papalandi ka ba?"
"You can try..." Palapit nang palapit ang mukha niya sa akin, I waited in anticipation until his lips met mine. We engaged into a slow, sweet but sensual kiss – no tongue at all – just moulding of two lips that missed each other.
"I love you, Lia." Wika niya matapos ang halik na iyon. Pinaglapit niya ang mga noo naming dalawa at saka siya huminga nang napakalalim.
"I love you too. Tomorrow is a new day, Mayor, we'll get this through..."
xxxx
BUT maybe I spoke too soon. The moment we stepped in Atlanta's office, muntik na akong mahimatay sa klase ng titig na salubong niya sa aming dalawa ni Lemuel. Kung nakakamatay ang titig kanina pa ako nakabulagta rito.
She was civil enough to offer us some coffee and biscuits. She even asked us to sit on those two chairs facing her desk. But that was ten minutes ago. Titig na titig siya sa aming dalawa habang tila nag-iisip. Pareho kaming nagulat ni Lemuel nang biglang hampasin ni Atlanta ang desk niya. Napakagat labia ko, si Lemuel naman ay humawak sa kamay ko.
"You announced your annulment in social media without even informing me." Sa una ay mababa ang boses ni Atlanta, pero pataas nang pataas iyon. "Nag-iisip ba kayong dalawa? Mutual decision?! Mutual decision?! Nagdesisyon kayong dalawa nang hindi ako inaalala! Baka nakalimutan ninyong dalawa na sa kasal na ito, sa relasyong ito, tatlo tayong involved! How could you come up with that decision without even talking to me first!"
"Nag-usap na tayo, Lanta." Wika naman ni Lemuel. "I told you I wanted an annulment."
"Pero wala pa sa usap na iyon si Lia. Nasa gitna pa lang tayo ng pag – uusap, pero kayong dalawa tinapos ninyo na! Alam ninyo ba kung gaano karami ang tawag nang tawag sa akin mula kagabi? I had to turn my phone off! Ano lang ba iyong inform ninyo ako!"
"That's why we're here." Mahinang wika ko. Tiningnan ako ni Atlanta.
"Sana kasi kagabi ninyo ako kinausap, para alam ko. So, mag-a-annul kayong dalawa, what's the plan after that?" Nangigigil pa rin na tanong niya. I looked at Atlanta again, and the back to Lemuel and then to Atlanta again.
"Well, we talked about out feelings yesterday..." Panimula ko. Hinawakan ni Lemual ang kamay ko habang si Atlanta ay titig na titig sa aming dalawa.
"We are in love with each other." Lemuel declared.
"And we want that annulment because we want a clean slate." Pagpapatuloy ko.
"You think it's that easy?" Tanong ni Lanta sa amin. Napakunot naman ang noo ko. "Wow! You two are in love with each other, great! Happy ending para sa inyong dalawa. Pero naisip ninyo ba ang impact ng annulment ninyo para sa ating lahat? It's not that easy. Hindi pwede."
"Atlanta, you said that we can end this whenever we want!"
"But not in the middle of this fucking mess!"
"Atlant---"
"NO! Kung kinausap ninyo ako bago kayo naglabas ng statement, mapag-uusapan natin ito nang maayos, pero mas nauna kayong magdesisyon, pero hindi ibig sabihin noon ito na iyon. I am the third person in this relationship, and the decision lies to me."
"Lanta makinig k—" Tumayo na si Lemuel. Nalilito na ako sa kanilang dalawa.
"Ikaw ang makinig sa akin. I will give you two a week, after that week, lilipad si Lia papunta ng Singapore. May project siya doon, she will stay there for a month, then she'll fly to South Korea for another job, and you will stay here, fulfill your Mayoral duties."
"Atlanta!"
"My decision is final!"
xxxx
GALIT si Lemuel. It doesn't need a genius to figure that out. Mula nang makauwi kami sa bahay ay hindi siya nagkikibo. Hindi naman siguro siya galit sa akin, pero gusto ko siyang paliwanagan talaga.
Atlanta made him leave the room. Nagsisigawan na kasi silang dalawa. Hindi payag si Lemuel na umalis ako at magkahiwalay kami – lalo na ngayon, we just got together and we should be enjoying ourselves. Kumbaga nasa honeymoon stage palang dapat kami, pero here we are, para kaming ten years nang kasal at on the rocks na ang relasyon sa dami ng pagsubok na kinahaharap naming dalawa. I bit my lower lip.
Nang mag-usap kami ni Atlanta ay bahagya kong naintindihan ang mga bagay na pinupunto niya. Oo, nasaktan namin siya dahil hindi namin siya sinabihan sa nabuo naming desisyon kagabi, oo, kasama talaga siya sa relasyong ito, dapat inisip namin siya. I feel sorry for Atlanta. Sa laki ng gulo na dinala namin sa kanya, we should've thought about her last night. Sigurado naman akong hindi lang ako ang naaapektuhan ng mga isyung ito, marahil ay maapektuhan rin ang mga kasama kong artista sa agency ni Atlanta.
I just want this to be done and over with, pero dahil nga pinili namin ni Lemuel ang buhay na ito, hindi pwedeng basta na lang kami gumawa ng mga desisyon sa pagitan naming dalawa lang. Napakalaki ng gulong ito. Napakaraming kabit – kabit na kontrata ang madadamay sa kontrata namin. Sa lahat ng ito, iniisip lang din ni Atlanta ang karerang pinaghirapan naming lahat.
Hindi lang basta kasal ang kinatatayuan naming dalawa ni Lemuel – this is business, and, in a business, there are investors. Ngayon ko lubos na naiintindihan ang sitwasyong ito, isang bagay na ayaw intindihin ni Lemuel.
"Lemuel..." Natagpuan ko siyang nakatayo sa may bintana sa loob ng private office niya, He was holding a glass of whiskey. Nakatayo siya sa may glass window, napakalayo ng tinatanaw niya pero alam kong naririnig niya ako. Nilakasan ko lang ang loob ko para lapitan siya at yakapin mula sa likuran. I kissed his nape and wrapped my hands around his waist and held him tighter.
"It shouldn't be like this. Nangako siya noon that if we want to end this, we could! Bakit iba na ang sinasabi niya ngayon!"
"True, sinabi niya iyon, pero, Lemuel, Atlanta didn't see this coming. I'm sure, hindi niya naisip na mag-e-end tayo ng ganito kagulo. I'm sure, she didn't mean it in a bad way. Kapag nawala ang galit mo, you'll understand her. Lemuel... please, calm down..."
Naramdaman kong hinawakan niya ang kamay ko, hindi naman nagtagal ay humarap siya sa akin para yakapin ako. Ilang beses siyang nagbuntong – hininga, hanggang sa mapansin kong umaalog ang mga balikat niya.
Lemuel is crying and it's breaking my heart.
"Lemuel..."
"This shouldn't be like this. Why can't we just start with a clean slate? Mahirap ba iyon?" His muffled cries make my tears fall. Hinaplos – haplos ko ang balikat niya. I am trying my best to calm him down pero tila malabong mangyari iyon sa ngayon.
"We could, but we need time. It's only three months, Lemuel. Sabi naman ni Lanta, pwede tayong magkita, maybe when we're both not busy, I can ask her if I can come home. Ang gusto lang naman ni Atlanta ay ang malaman niya ang bawat galaw natin dalawa. She's trying to fix the mess, Lemuel and by doing what she tells us to do will help her big time. Let's just listen to her..."
"It's so unfair..." Wika pa ni Lemuel.
I think so too, but it is what it is.
"We trust Atlanta, diba?" Malumanay na tanong ko sa kanya. "We've been trusting her for a while now, we know that she's not going to do anything that will make us look bad. Mahal na mahal tayo pareho ni Atlanta. Let's trust her, okay?"
Parang batang tumango si Lemuel sa akin. Nginitian ko naman siya saka hinagkan sa pisngi.
"I love you..." Sabi ko sa kanya. "It will never change. Malayo man tayong dalawa sa isa't isa, it will never change, and we will make this work, okay?"
"Mmmm... okay." Muli niya akong niyakap.
Marami rin akong iniisip ngayon. Marami rin akong hindi alam, pero sa lahat ng iyon, si Lemuel lang ang kaisa – isang sigurado para sa akin. I love him and I will never let him go.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top