Chapter XXXII
FRANZESS
NAKITA ko kung paano nanlaki ang mga mata niya na para bang hindi siya makapaniwala sa narinig niya mula sa akin.
"W–what did you say?" aniya sa akin at hindi ko mapigilan na mapangiti sa pagkautal. Hindi ko inaasahan na ganito ang magiging reaksyon niya sa sinabi ko.
"Delay ako, Red. Magtu-two months na rin," sagot ko sa kaniya at parang lalo yata siyang nataranta sa pagsasalita ko.
Naihawak niya ang kamay niyang dumudugo sa railings ng hagdanan na para bang doon siya humuhugot ng lakas ng loob na manatili pa ring nakatayo pagkatapos kong isiwalat sa kaniya ang bagay na iyon.
"T–tell me you're not kidding, woman!" sigaw niya na ikinabigla ko.
Gusto ko talagang matawa sa reaksyon niya pero pinipilit kong huwag. Gusto ko siyang pag-trip-an pero masyado siyang seryoso at hindi yata makakabuti iyon sa akin.
"Hindi ako nagloloko. Walang dahilan para gawin kong biro ang bagay na ito. Regular akong nagkakaroon kaya nang pumalya ako sa unang buwan, kinutuban na ako. Tumuloy-tuloy pa ng dalawang buwan kaya lalong tumibay ang kutob ko," nakangiti kong wika sa kaniya. Nakita ko kung paano siya namutla at tila hindi malaman ang gagawin.
"Have you gone to the ob-gyne? H–have you tested positive for pregnancy?" utal na tanong na naman niya sa akin.
Hindi ko alam, pero hindi ko nawari kung masaya ba siya o ano. Hindi ko matukoy ang nararamdaman niya sa mga oras na ito. Para siyang natatakot na kinakabahan.
"Hindi pa. Gusto ko kasi na kasama sana kita," sagot ko sa kaniya at sa gulat ko ay bigla na lamang siyang tumakbo paitaas at tumungo sa silid ni Nana Mela at pinagkakatok iyon.
"Nana! Nana! My wife is pregnant! What the actual fuck should I do now!? I . . . I don't know, fuck it! It was the first time I've ever been this clueless," sigaw niya sa pintuan ni Nana Mela at hindi ko maiwasan na mapangiti.
Lihim akong napahawak sa tiyan ko at marahang humaplos doon. Hindi ko alam kung bakit o ano, basta napakasaya ko ngayon kahit pa hindi malinaw sa akin kung gusto ba ni Red ang presensya ng batang ito kung sakali man na totoong nagdadalang-tao ako.
Pupungas-pungas na natanaw kong lumabas ng kuwarto si Nana Mela. Maaga kasi talaga siyang natutulog dahil maaga rin naman siyang nagigising.
Magsasalita na sana si Nana Mela nang hatakin siya patungo sa akin ni Red. Gusto kong matawang muli pero pinigilan ko ang sarili ko. Para siyang bata na may kaaway at humanap ng matandang kakampi, ganoon ang dating sa akin ng iginagawi niya.
"Tell her about your condition. She knows better than you and I do," aniya nang maiharap na niya sa akin si Nana Mela.
Ngumiti ako kay Nana at kinindatan ko ito na mukhang nakuha naman na nito. Noong unang buwan kasi na na-delay ako, nasabi ko na ito kay Nana, kaya may ideya siya sa kalagayan ko.
"Dalawang buwan na pong delay ngayon, Nana," anas ko at ngumiti sa akin si Nana na parang masayang-masaya siya sa ibinalita ko.
"Sinasabi ko na nga ba. Hindi ba't noong unang buwan ay sinabi ko na sa 'yong buntis ka na dahil iba na talaga ang pagiging blooming mo?" anas niya sa akin at tinanguhan ko siya't nginitian.
"What? Are you saying that Nana Mela already knew about your condition since a month ago!?" biglang sabat ni Red at nakita kong naka-arko ang mga kilay niya sa akin.
"Oo, wala kasi akong mapagsabihan—"
"You should've had told me first, Franzess. I am the father! I ought to know your situation first as I was the one who planted that baby to you!" bulalas niya na kapwa namin ikinagulat ni Nana.
This time, hindi ko na napigilan ang pagtawa na sinabayan din ni Nana. Sino naman kasing makakapagpigil na hindi matawa sa sinabi at reaksyon niya? Wala pa ang anak namin pero kulang na lang ay ariin na niya nang buo.
"Kumalma ka nga, anak! Susmaryosep ka! Natural na hindi masasabi agad ng asawa mo sa 'yo dahil baka mamaya hindi naman siya buntis, aba'y syempre madi-disappoint ka at ayaw niyang mangyari iyon—"
"That's not the point, Nana. I don't care if she's not pregnant; I will never be disappointed with her. How could she ever disappoint me if whenever I look at her I always feel the unexplainable contentment? She's all I want, and if she's really pregnant, my child will just be a bonus. My wife is more than enough. With or without the baby, she will never disappoint me. I am clearing my name because I don't want my wife to think of the same thing in the future. I am her companion, her partner, her husband. I ought to know her condition first before anyone else," mahaba niyang putol kay Nana.
Aaminin ko, nalulusaw yata ang puso ko sa mga sinasabi ni Red. Sa bawat salita niya, damang-dama ko ang pagmamahal niya sa akin na halos kaka-amin lamang niya kani-kanina. Hindi ko inaasahan na ganito niya ako kamahal, ganito niya ako pahalagahan, at ganito siya kakuntento sa akin at sa kung ano'ng kaya kong ibigay sa kaniya.
Lumingon siya sa akin at ako naman ang pinagbalingan. "Wait for me here. I'll buy the kit, bukas naman tayo pupunta ng ob," aniya sa akin at walang sabi-sabi na bigla na lamang kaming nilayasan ni Nana Mela.
"Iyong batang iyon talaga, mas dumadaldal kapag kinakabahan at mas nagiging totoo sa sarili kapag nabibigla o naiipit ng sitwasyon," komento ni Nana sa iginawi ni Red. "Pero maganda rin naman ang bagay na iyon. Naipaparamdam niya lalo sa 'yo na totoong mahal ka niya at kung anong halaga mo sa buhay niya," dagdag pa ni Nana Mela saka hinaplos ang pisngi ko.
"Sige na po, Nana. Maaari na po kayong umakyat. Pagpasensiyahan n'yo na po ang pang-aabala ni Red. Na-excite lang po siguro," anas ko. Tumango ito sa akin at ngumiti bago na umakyat sa silid niya.
Umakyat na rin ako sa silid namin ni Red at na pagpasok ko ay naupo ako sa gilid ng kama.
Muli ay napahawak ako sa tiyan ko at ngumiti. "Anak? Totoo kayang nariyan ka na? Alam mo, kung totoo man, sobrang magiging masayang-masaya ang Nanay kasi matagal na kitang hinihintay. Sana, anak, makuha mo ang mata ng Daddy mo. Sana makuha mo 'yong kulay asul niyang mga mata kasi iyon talaga ang pinakanagustuhan ko sa Daddy mo, e. Tapos iyong mga labi niya rin," anas ko at hindi ko talaga maiwasan na isipin ang mukha ni Red na sobrang nakakahalina. "Pero, anak, huwag mo sanang makuha ang pagiging mainitin ng ulo niya. Kapag iyon ang nakuha mo, mahihirapan ang Nanay sa inyo dahil dalawa na kayong lagi kong iisipin na baka mamaya ay mapaaway," dagdag ko pa saka ako humagikhik.
"I am not a war freak, huwag mo 'kong siraan sa anak ko," anang isang tinig at nakita ko si Red na nakatayo at nakasandal sa may pintuan habang may hawak ng plastic ng isang sikat na botika. Pinalipad niya ba ang sasakyan sa sobrang bilis niya?
Naglakad siya patungo sa akin. Bawat hakbang niya ay may kung ano na namanng kabog sa dibdib ko.
Anak, paulit-ulit yata talaga akong mahuhulog sa Daddy mo kahit na ano pang gawin niya. Mamahalin at mamahalin ko siya kahit na ano pang iakto niya at paulit-ulit kong pipiliin siya sa kahit na anong sitwasyon. Nakaka-adik talaga ang Daddy mo kahit na saang anggulo. Ang tindi ng karisma na dala-dala niya na sana ay maipasa niya sa 'yo.
Bigla na lamang siyang lumuhod sa harapan ko at bigla niyang idinampi ang palad niya sa tiyan ko na kasalukuyan ko ring hawak kaya't naglapat ang mga kamay namin.
"Hey, buddy. Do not listen to your mother. Daddy is not a war freak type. I am only jealous and territorial when it comes to your mother. But I do agree with her, do not inherit my traits, just my looks," aniya na may halong yabang pero hindi ko malaman sa akin kung bakit ako napapangiti! Napapangiti talaga ako at hindi ko mawari kung sa kilig ba dahil sa mga sinasabi niya o ano.
Red, lalo mo akong nilulunod sa 'yo!
Tumingala siya at nagtama ang mga mata namin. Hindi ko mabasa ang mga mata niya pero may isang emosyon na basang-basa ngayon sa mga matang iyon . . . pagmamahal.
"Try it, but we'll still see an ob-gyne tomorrow," aniya sa akin at inabot ang plastic na hawak niya.
Bigla akong binundol ng kaba dahil sa test kit. Samot-saring inhibisyon ang nasa utak ko ngayon.
"R–Red, paano kung negative—"
"I don't care, Mrs. Allen. We could make again and again and again. I won't stop until I make you pregnant. Don't worry, my sperms are only for you and yours alone," nakangisi niyang wika bago tumayo mula sa pagkakaluhod at hinalikan ako sa noo. "Go."
Sinunod ko ang gusto niya. Tumungo ako sa banyo at sinundan ang instruction sa test kit.
Nang magawa ko na ay nakapikit ako habang naghihintay sa lilitaw na guhit dito. Kakaba-kaba ako at mas nadagdagan pa iyon sa naging pagkatok ni Red sa pintuan.
"Let me in, baby," aniya sa akin at nang una ay ayaw ko mang buksan at wala akong nagawa dahil may susi siya.
Lumapit siya sa akin, hinapit ako sa baywang at sabay namin tiningnan ang resulta mg test kit.
Negative. Isang linyang pula.
Para akong nadudurog at gusto kong umiyak nang umiyak ngunit bigla na lamang niya akong niyapos nang mahigpit at isinubsob ako sa dibdib niya.
"We'll see an ob tomorrow. Do not let this result get into your brain for a night or I'll make you tired and forget. I ain't kidding, Mrs. Allen."
KAGAT-LABI akong nakatingin sa doktora habang binabasa niya ang mga test result ng mga test na ginawa sa akin kani-kanina.
"All is good and well. As what you've said, you used a pregnancy test kit last night, right?" anito at sunod-sunod akong tumango.
"R–Regular po ang menstruation ko kaya't ang kutob ko talaga ay buntis ako. Hindi pa po tumalon ang menstruation ko at hindi pa ako na-delay nang ganito kahit pa noon. Pero kung may sakit po ako, baka posible," anas ko at naramdaman ko ang marahang pagpisil ni Red sa balikat ko. Naka-akbay kasi siya sa akin.
Nilingon ko siya at tinapunan lamang niya ako ng sobrang seryosong tingin na wari bang gusto niyang iparating sa akin na hindi ito ang oras para sa pagiging negatibo.
"I don't really care if she's not pregnant. What I want to know is her health. I want to know why she's experiencing delayed menstruation. Mas maaga kong malalaman ang lagay ng asawa ko, mas maganda. I don't want her to think and think and think useless things every night. I don't also like her to think that she's not worthy of bearing my child because she's more than worthy than anyone else," deretsong anas ni Red sa ob at maski ang ob ay napapangiti sa mga pinagsasasabi niya.
"How sweet of you, Mr. Allen. Mahal na mahal mo nga siguro ang asawa mo, ano?"
"More than anything, Doktora. More than anything," sagot naman niya rito at namula ako nang tapunan ako ng ob nang isang makahulugang mapanuksong tingin.
"Have you been experiencing some changes in your body? Iyong mga kapansin-pansin talaga? Pati na rin mga cravings, morning sickness, isama mo na rin na parang sumeselan ang pang-amoy mo at may antok kang nararamdaman any time of the day?" sunod-sunod na tanong sa akin ng doktora.
"Normal naman po lahat, maliban lang sa . . ." Saglit akong ginapangan ng hiya dahil sa dapat na sasabihin ko lalo pa't dikit na dikit si Red sa akin na kahit pa bumulong ako ay paniguradong maririnig niya.
"Sa?" tanong ng ob.
". . . gusto ko pong laging nakikita ang asawa ko na walang pang-itaas. Gustong-gusto ko rin po na laging natititigan ang kaasulan ng mga mata niya."
"Are you craving for sex, if you don't mind me asking?" tanong muli ng ob at parang hihimatayin na yata ako sa hiya dahil sa gusto kong isagot.
Nilingon ko sandali si Red at may nakapaskil na ngisi sa mga labi niya at parang gusto ko nang iurong ang nais kong isagot.
"Mrs. Allen?" pukaw ng ob sa akin. "Are you craving for your husband? Are you craving for his touches and kisses?"
Lumunok muna ako nang sunod-sunod bago ako nagsalita. "O–opo. L–lalo na po tuwing madaling araw."
Ngumiti ang ob sa akin saka ako nito kinindatan. "I was just kidding with my questions pero napaka-honest mo naman, Mrs. Allen. By the way, congratulations, Mr. and Mrs. Allen, for your pregnancy. Mrs. Allen is seven weeks pregnant."
Gulantang ako sa narinig ko at huli na nang ma-realize ko na bigla akong binuhat ni Red na tila bagong kasal at niyakap nang mahigpit.
"I knew it! I fucking knew it! I am a real shooter!" dinig kong sigaw niya na ikinatawa rin ng doktor.
"Don't trust kits too much. They are not accurate. Madalas silang pumapalya lalo na kung isa lang naman ang ginamit ninyo. Minsan nga nagpo-false positive pa iyan kapag may dugo or protein sa ihi. Dito sa ultrasound result ninyo, seven weeks na ang baby. Again, congratulations."
Para akong nakalutang sa alapaap at hindi ko malaman ang gagawin ko.
Bahagya akong inilayo ni Red sa katawan niya at tinitigan sa mga mata ko. "Wife, Baby, Franzess, Mrs. Allen, thank you for bearing my child. I love you. I love you so much. I love the both of you so damn much."
--
M A Y O R A
I C E _ F R E E Z E
VOTE | COMMENT
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top