CHAPTER 7
CHAPTER 7
Hexa's POV
"Hindi pa tayo sigurado kung siya nga. Saka bakit naman niya papatayin yung sarili niyang ama?" tanong ko.
"Baka hindi niya napigilan ang sarili niya na atakihin ang sarili niyang ama," paliwanag ni Apple.
"Paano mo nasabi na siya nga may gawa? Kung titignan hindi sila bampira."
"Baka may nakilala siyang bampira at ginawa siyang bampira. Dahil hindi pa sanay ang katawan niya sa pagiging bampira, hindi pa niya kayang pigilin ang sarili niya na uminom ng dugo."
Hindi pa rin ako kumbinsado sa sinasabi niya. Hindi pa niya sinasagot kung paano niya nasabi.
"I can read everything. Tuwing may nahahawakan ako biglang may nakikita akong memory ng iba," paliwanag niya bigla na ikinagulat ko. Katulad ko may kakayahan din siya mabasa ang mga nahahawakan niya. Pero bakit? Bakit may ganun din siya kakayahan?
"Mas mabuti pa siguro kung sa ibang lugar na tayo mag-uusap. Papunta na ang mga kasamahan namin para mag-imbistiga. Salamat Apple dahil sayo may idea na kami. Biglang kabayaran may alam ako na masarap kainan. Narinig ko na mahilig ka sa apple kaya sigurado magugustuhan mo doon. May tinda sila na iba't- ibang klaseng pagkain na gawa sa apple," singit bigla ni Tita Bliss.
"Talaga? Gusto ko punta doon. Neil, punta tayo doon," excited na sabi ni Apple. Sa isang iglap nagbago ang seryoso niyang expression. Ang hirap niya basahin. Kahit na nahawakan ko na siya hindi ko pa rin mabasa ang nasa isip niya. Katulad ni Daddy kahit ano basa ko isip niya wala pa rin ako makita.
"Sa sasakyan na kayo sumakay. Susunod na lang sila Primo sa atin," nakangiting sabi ni Tita Bliss at bago pa kami makaangal naisakay na nila sila Apple.
"Tara na Hexa," tawag sa akin ni Ate Quinn.
"Hey! Paano kung si Mommy talaga si Apple?" tanong bigla ni Kuya Quade sa amin.
"May kutob na ako na siya si Mommy pero hindi pa rin ako sigurado. Kung siya nga si Mommy, bakit hindi siya bumalik sa atin?" tugon ni Kuya Primo.
"Ano ba pinagsasabi niyo? Patay na si Mommy. Paano siya mabubuhay ulit kung sinunog na ang katawan niya?" inis na sabi ni Seven.
"Oo nga naman. Malabong siya si Mommy," pagsang-ayon naman ni Twain pero alam ko na may parte sa isip nila na umaasang siya si Mommy.
"Kung may ice ability din siya katulad ni Daddy doon lang ako maniniwalang siya si Mommy," sambit ko.
*****
Apple's POV
"Ang sarap!" sambit ko nang matikman ko ang apple ice cream.
"Mabuti nagustuhan mo," nakangiting sabi ni Ms. Bliss.
"Salamat, dinala ko ko dito. Simula ngayon paborito ko na kainan ito," pagpapasalamat ko. Gusto ko rin matikman yung ibang nasa menu pero nahihiya ako mag-order ng marami dahil libre.
"Narinig ko na nandito daw kayo kaya agad ako lumabas. Bakit pati ang mga batang ito nandito? May pasok kayo diba? Wala lang ang Daddy niyo hindi na kayo pumasok," napatingin ako sa isang lalaki habang sinesermunan nito sila Primo.
"Wag mo naman sermunan ang mga bata. Nakakahiya sa mga kumakain saka sa kaklase nila," awat sa kanya ni Mr. Trevor. Doon lang kami napansin ng lalaki. Nanlaki ang mata nito nang makita ako.
"May kasama pala kayo. Ngayon ko lang napansin," aniya habang nakatingin sa akin. May binulong sa kanya si Mr. Trevor at tumango naman ito bilang tugon.
"Ako nga pala si Xavier. Daddy ni Cali. Kaibigan din ba kayo ng anak ko?" pakilala nito sa amin.
"Daddy? Ang bata mo pa para maging Daddy niya," komento ko. Mas mukha siyang kapatid ni Cali.
"May dahilan kung bakit hindi ako tumatanda. Hindi ko pwedeng sabihin dito. Pero sa susunod na magkita tayo, sasabihin ko sayo," tugon nito.
"Okay po," pagsang-ayon ko. Ningitian niya ako saka hinawakan sa ulo bago magpaalam na babalik na siya sa opisina niya. Hindi ko maialis ang tingin ko sa kanya at kahit na wala na siya nakatingin pa rin ako sa dinaanan niya.
Hindi ko alam kung bakit. Pakiramdam ko pamilyar sa ang lugar na ito at ang Daddy ni Cali.
"Apple! Yung ice cream mo," tawag sa akin bigla ni Neil. Doon lang ako natauhan. Agad ko kinain ang ice cream ko bago pa ito matunaw.
"Ayos ka lang? Natahimik ka bigla," tanong ni Primo sa akin.
"Ayos lang ako. May iniisip lang ako. CR lang ako saglit," paalam ko sa kanila saka tumayo. Pagpasok ko ng CR biglang tumulo ang luha ko.
Bakit nalunglungkot ako? Bakit ganito pakiramdam ko? Bakit?
"Bakit ka umiiyak? Ayos ka lang ba talaga?" tanong ni Quinn nang makita ako.
"Hindi ko alam kung bakit. Bigla na lang tumulo ang luha ko," tugon ko sabay punas ng luha ko at ngiti ng pilit.
"Kung may problema ka sabihin mo lang sa akin. Handa ako makinig."
"Salamat pero ayos lang ako."
"Pagkatapos niyo kumain. Pwede ba kayo sumama sa amin? May ipapagawa ako sa inyo," rinig kong tanong ni Mr. Trevor pagbalik namin.
"Ano po ipapagawa niyo? Tungkol ba yan sa nangyari kanina?" tanong ni Primo.
"Oo. Pumunta kayo mamaya kila Rain. Tulungan niyo sila mag-imbestiga tungkol sa nangyari kanina. Marami silang trabaho ngayon kaya kailangan nila ng assistant."
"Ayun! Matagal na namin hinihintay ang araw na ito," masayang sabi ni Quade.
"Paano sila Apple? Ayos lang ba na isama natin sila?" tanong ni Hexa.
"Gusto ko din tumulong," sambit ko sabay tingin kay Neil.
"Bahala ka," aniya sabay iwas ng tingin.
Pagkatapos namin kumain nagtunggo kami sa tinatawag nilang Rain.
"Pasok kayo," sabi agad ng isang lalaki na nagbukas ng gate para sa amin.
Pagpasok namin sa loob kapansin-pansin na abala ang mga doon sa harap ng laptop. May nagkalat na mga papel. May isang malaking white board kung saan may nakadikit na mga larawan.
"Waaahhhh! Aray!" sambit ng isang babae nang madapa ito. Nagsilaparan tuloy ang bibit nitong mga papel.
"Ilang ulit ko ba sasabihin sayo na mag-iingat ka. Lagi ka na lang nadadapa," sermon sa kanya ng lalaking nagbukas ng pinto sabay pulot ng nakalat na papel.
"Sorry," paumanhin nito.
"Ayos ka lang ba?" tanong ko sa kanya habang tinutulungan siya makatayo.
"Ayos lang a--" natigilan ito bigla nang makita ako.
"Sakura, nasaan na yung pinapakuha ko sayong files?" tanong ng isa pang lalaki na kamukha nung nagbukas ng pinto.
"Nandito. Nasaan na ba yun?" tugon nito habang tinitignan ang mga nagkalat na papel. Tinulungan ko na lang siya magpulot ng mga nagkalat na files.
"Ito ba hinahanap mo?" tanong ko sa kanya sabay pakita ng files na nakafolder. May nalalagay na Files 107 sa may folder.
"Ayan nga. Salamat Ate," nakangiting sabi niya sabay kuha ng folder at abot sa lalaki.
"Mukha ba ako matanda?" tanong ko kay Neil pagkatapos ako tawaging ate.
"Hindi," tugon niya.
"Ano nangyari? Bakit nagkalat ang mga papeles?" tanong ng isang babae.
"Nadapa nanaman si Sakura. Mag-almusal ka na, marami pa tayong trabaho," tugon sa kanya ng lalaking nagbukas ng pinto. Hindi ko pa rin alam ang pangalan niya hanggang ngayon.
"Okay," tugon nito sabay lakad patungo sa kusina.
"Pasensya na medyo magulo yung opisna. Maupo muna kayo," sabi ng lalaking nagbukas ng pinto.
"Ikaw ba si Rain?" tanong ko.
"Hindi. Ako si Thunder. Siya si Rain," turo niya sa kamukha niya.
"Ahh! Ako nga pala si Apple. Nice to meet you Sir," pakilala ko.
"Thunder na lang. Weird kung tatawagin mo kong Sir," tugon nito.
"Okay?" nagtatakang tanong ko.
"Ano gagawin namin?" tanong ni Primo.
"Marami pa kami kailangan tapusing report. Kung pwede sana maghanap kayo ng impormasyon tungkol kay Cathleen Alonzo. Anak siya ng natagpuan niyong patay," tugon nito.
"Yun lang ba?" tanong ni Primo.
"Ayun lang muna. Mag-iingat kayo. Tingin namin konektado ito sa isang case na iniimbistiga namin. May bampira na ginagawang bampira ang mga nabibiktima niya. Kung tama ang hinala namin na isa si Cathleen sa nabiktima niya, mas mabuting maging ingat. Wala pa kaming idea kung sino siya."
Tinanguan namin siya bilang tugon.
"Maghati tayo sa dalawang grupo. Yung isa maghahanap ng impormasyon sa labas habang yung isa naman magreresearch sa social media," suhestiyon ni Primo. Hinawakan ako ni Neil.
"Kami na bahalang magresearch," sabi ni Neil.
"Sige. Kami naman nina Hexa, Quiin, Quade at Twain ang lalabas. Trace at Seven, tulungan niyo sila magresearch."
"Gusto ko din labas," reklamo ko.
"Hindi. Dito ka lang. Kapag may masamang mangyari sayo madadagdagan problema ni Mama," kontra ni Neil.
"Mag-iingat naman ako."
"Wag na matigas ang ulo. Dito ka lang kasama ko."
Sinimangutan ko siya saka umupo na lang.
"Alis na kami," paalam ni Primo.
"Gamitin niyo muna itong laptop ko," sabi ni Sakura sa amin sabay abot ng isang laptop.
"Salamat," pagpapasalamat ni Neil.
"Apple, hayaan mo na si Neil diyan. Magaling siya manghack kaya sisiw lang sa kanya yan," sabi ni Trace sa akin.
"Ano na lang gagawin natin?" bored na tanong ko. Kung wala din pala kami gagawin, bakit pa kami naiwan dito?
"Siya ba yung babae kanina?" tanong ni Neil sa amin sabay pakita ng picture ng babae.
"Oo," tugon ko.
"Uniform yan ng Devin University diba? Nursing student pala siya," komento ni Trace.
Tinignan pa nila ang ibang picture. Puro selfie iyon ni Cathleen at ng mga kaklase niya.
"Teka! Ibalik mo," utos ko kay Neil nang may mapansin ako. Binalik niya yung naunang picture.
"Kanina ko pa napapansin itong lalaking nakahood. Nakuhaan din siya sa ibang picture," turo ko sa lalaking nasa picture. Nakasandal ito sa sasakyan na nasa likod nila Cathleen. Tinignan naman nila yung mga naunang picture.
"Oo nga no? Kay Cathleen lang ako nakatutok kaya hindi ko siya napansin," komento ni Trace.
"May kutob ako na may kinalaman siya sa pagiging bampira ni Cathleen," sabi ko sa kanila.
"Ano sa tingin mo tito Thunder?" tanong ni Seven.
"Kunin niyo lahat ng picture na kasama siya. Titignan namin mamaya," tugon ni Thunder.
Habang kinukuha ni Neil yung mga picture, bigla ako kinabahan. Hindi maganda ang kutob ko doon sa lalaki. Bawat kita ko sa kanya kinikilabutan ako.
Itutuloy...
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top