CHAPTER 6

CHAPTER 6

Apple's POV

"Neil, ayos ka lang?" tanong ko. Simula nung bumalik siya mula cr naging kakaiba na ang kinikilos niya. Bigla na lang siya natutulala at ang nakakapagtaka doon naging close sila bigla nila Primo.

"Neil!" tawag ko ulit sa kanya pero tulala pa rin ito.

"NEILLLL!" sigaw ko sa kanya na ikinagulat niya. Tinignan niya ako ng masama.

"Ano problema mo? Bakit ka naninigaw?" inis na sabi niya.

"Ako dapat magtanong niyan. Ano problema mo? Kanina ka pa tulala diyan," tugon ko.

"Ah! Wala!" aniya sabay balik sa paggawa ng assignment pero bigla ito natigilan.

"Paano mo nakayanan na kausapin si Sir Kenji kahit na may dugo kang nakikita?" tanong niya bigla.

"Hindi ko din alam. Kadalasan naghahanap ako ng dugo kapag nanghihina ako. Wag mo sabihin na natukso kang inumin yung dugo niya kanina?" tugon ko.

Napaiwas ito bigla nang tingin dahil sa sinabi ko.

"Madalas ako mawalan ng kontrol kapag nakakakita o nakakaamoy akong dugo. Noong nagpunta ka sa school na puro dugo, ayun ang unang beses na hindi ako nakaramdam ng bloodlust," pagkukwento niya.

"Kaya pala nagpaalam ka bigla kanina. Ayan ba yung kanina mo pa iniisip?" tanong ko.

Tumango siya pero hindi pa rin niya ako nililingon. Tumayo ako para yakapin siya upang gumaan ang pakiramdam niya.

"Ayos lang yun. Bampira ka kaya normal lang na matukso ka sa dugo. Sa susunod pag-aaralin natin kung paano ba makontrol ang sarili kapag nakakita o nakaamoy ng dugo. Para sa susunod hindi ka na magkaroon ng bloodlust," bulong ko sa kanya. Pagtingin ko sa mukha niya namumula ito.

"Namumula ka. Ayos ka lang ba?" nag-aalalang tanong ko. Bigla niya inalis ang kamay ko na nakayakap sa kanya saka tumayo.

"A-ayos lang ako. Matutulog na ko," aniya sabay kuha ng higaan niya upang maglatag sa sahig.

"Pero hindi ko pa tapos assignment mo? Saka maaga pa," tanong ko. Madalas kasi nag-aaral pa siya ng ganitong oras. Hindi ito nagsalita kaya hinayaan ko na lang siya.  Pinatay ko ang ilaw at humiga na din.

"Goodnight Neil," sambit ko bago matulog.

Kinabukasan, matamlay si Neil. Kahit na maaga ito natulog mukha itong hindi nakatulog. Iniisip pa rin niya siguro yung kahapon.

"Neil, dito yung sakayan."

Hinila ko siya dahil papunta siya sa ibang direksyon. Nag-aalala na talaga ako sa kinikilos niya. Sana ayos lang siya. Hindi ito umimik hanggang makarating sa school.

"Sandali!" pigil ko sa kanya bago ito pumasok sa gate. Hindi ko kayang makita siyang wala sa sarili.

"Bakit? Mahuhuli tayo kapag hindi tayo pumasok agad," aniya pero hinila ko lang siya paalis.

"Hoy! Saan mo ko dadalhin? May pasok pa tayo," sabi niya sa akin.

"Pwede ba kahit isang araw lang kalimutan mo muna yung pag-aaral? Saka tingin ko matutulala ka lang din mamaya dahil sa iniisip mo. Hindi mo nga nagawa assignment mo kahapon. Kahit isang araw lang magsaya ka naman," sermon ko sa kanya. Napabuntong hininga na lang ito.

"Apple!" napalingon ako sa tumawag sa akin.

"Quade, good morning," bati ko sa kanya. Nakasakay ito sa isang van.

"Sabi na nga ba kayo yan. Saan kayo pupunta? Hindi diyan ang daan papuntang school. Wag mo sabihin na hindi kayo papasok?" tanong nito.

"Ganun na nga," tugon ko habang nakangiti.

"Eh? Hindi ko alam na marunong ka pala mag-skip ng klase, Neil. Pwede ba kami sumama? May alam kami pwedeng puntahan," nakangiting sabi ni Quade.

"Baka pagalitan kayo kapag hindi kayo pumasok."

"Wag ka mag-aalala madalas namin ito gawin. Sakay na."

Binuksan niya ang pinto para makapasok kami.

"Okay lang ba?" tanong ko kay Neil.

"Ayos lang yan. Diba Neil?" nakangiting sabi ni Quade. Lalong namutla si Neil.

"Y-yeah," utal na sabi niya saka naunang pumasok sa akin.

"Una, magpalit muna tayo ng damit para hindi halatang nagskip tayo," sabi ni Quade.

"Eh? Paano yan? Wala kami dalang extrang damit," sabi ko.

"Meron kami. Pahihiramin na lang namin kayo," nakangiting sabi ni Hexa.

"Lagi kaming may dalang extrang damit para kapag naisipan namin mag-skip madali na lang kami makakapagpalit," paliwanag ni Trace.

Huminto kami sa lugar kung saan wala masyadong tao.

"Tawagin niyo na lang kami kapag tapos na kayo magpalit," sabi ni Primo bago sila magsilabasan. Naiwan kaming mga babae sa loob.

"Seven, kunin mo na." utos ni Quinn.

Binuksan ni Seven ang upuan. Sa ilalim kasi nun may lalagyan kung saan nakatago ang bag na naglalaman ng damit nila.

"Ito kasya siguro sayo ito," inabutan ako ni Quinn ng isang floral dress. Pansin ko karamihan ng dala nila dress.

"Mas madali suotin ang dress kaysa pants," sabi bigla ni Hexa sa akin. Nag-umpisa na sila magpalit ng dress kaya nagpalit na din ako at tama sila. Mas madali nga itong suotin.

"Tapos na kami. Kayo naman," sabi ni Hexa saka kami lumabas.

"Bakit?" tanong ko nang mapansin kong nakatitig sa akin si Neil.

"Wala," aniya saka pumasok sa loob.

"Baka nagandahan siya sayo," biro ni Quinn.

"AAAAAHHHHHH!" sigaw ng isang babae na nagmula sa bahay malapit sa kinatatayuan namin. Napatakbo kami patunggo doon upang lapitan ang babae.

"Miss, ayos ka lang? Ano nangyari?" tanong ni Hexa.

Nanginginig itong tumuro sa may bahay na pinanggalingan niya.

"S-si D-addy..." utal na sabi nito. Hindi ko na hinintay matapos  ang sasabihin niya. Pumasok ako sa loob ng bahay.

Agad ako napatakip ng ilong  nang makaamoy ako ng dugo. Pagtingin ko sa gilid isang lalaki ang may kutsilyo sa dibdib nakayupo ito sa upuan habang ang ulo nakayuko.

Biglang bumalik sa aking alaala ang nangyari sa isla kung saan paulit-ulit ako sinaksak.

"T-tama na," sambit ko sabay hawak sa ulo ko. Nag-umpisang manginig ang katawan ko. Sa sobrang panginginig napaupo na lamang ako sa sahig.

"Apple," tawag sa akin ni Hexa sabay hawak sa balikat ko. Doon lamang ako natauhan.

"Ayos ka lang?" tanong niya sa akin. Tinanguan ko siya bilang tugon. Tumayo na ako at dahil nanghihina pa ang tuhod ko humawak ako sa may pintuan.

Natigilan ako nang may makita akong imahe ng isang babaeng sumbrero na nakasumbrero. Nagmamadali itong lumabas sa bahay bago dumating ang babaeng nakausap namin kanina. Maaring siya ang sumaksak sa lalaki.

"Ate Hexa, tumawag na ako ng pulis," sabi ni Seven.

"Ano nangyari dito? Bakit may narinig kaming sigaw kanina?" tanong ni Primo.

"May pinatay sa loob," tugon ni Hexa.

"Talaga? Patingin," excited na sabi ni Quade  pero bago ito makapasok sa loob, pinigilan siya ni Primo.

"Alam ko na pareho natin gusto i-solve ang kasong ito. Pero kapag ginawa natin yun malalaman ni Daddy na hindi tayo pumasok," sabi ni Primo.

"Tumawag na ako ng pulis. Parating na siguro sila," sambit ni Seven.

"Eh? Hahahayaan lang ba natin ang pagkakataong ito? Saka  kahit hindi tayo tumulong sa kaso, malalaman pa rin ni Daddy yung totoo," kontra ni Quade.

"Alam ko. Ganito na lang kapag hindi sila Tito Trevor ang dumating dito, palalampasin natin ito. Mahirap din makisali kung ibang pulis ang dumating," suhestiyon ni Primo.

"Okay. Mahirap nga naman kung hindi natin kilala yung pulis. Sigurado mamaliitin lang nila tayo kahit na mas magaling tayo sa kanila," sabi ni Quade.

Napatingin ako kay Neil. Nakatayo lang ito sa labas. Halatang ayaw niya lumapit sa bahay, dahil siguro sa amoy ng dugo.

"Ayos ka lang?" tanong ko sa kanya.

"Hanggang hindi ko nakita yung nasa loob. Ayos lang ako," kalmadong sabi niya.

Tumambay muna kami sa labas upang hintaying dumating ang mga pulis. Habang nasa labas kami may naramdaman ako nakatingin sa amin pero wala ako ibang  nakitang ibang tao.

"Ano ginagawa niyo dito? Nasa school kayo dapat ah," sabay kami napalingon sa nagsalita. Nakasuot ito ng pulis uniform.

"Tito Trevor," sambit ni Trace.

"Hindi nanaman kayo pumasok. Lagot kayo kay Zander," sabi naman ng isang babae na nakapangpulis din. Napatingin ito bigla sa akin.

"Ikaw si Apple tama?" tanong niya sa akin.

"Paano mo nalaman pangalan ko?" tanong ko.

"Nakwento ka sa amin ni Kenji," nakangiting sabi nito.

"Alam niyo tungkol kay Apple? Ibig-sabihin alam din ni Daddy?" tanong ni Hexa.

"Lahat kami, alam ang tungkol sa kanya.  Salamat sa inyo, nakita ko siya sa personal. Dahil doon pagbibigyan ko kay na tumulong sa amin. Gusto niyo yun, tama?" masayang sabi nito.

"Talaga? Hulog ka ng langit Apple. Dahil sayo hindi na namin sila kailangan kumbinsihin," sambit ni Quade. Halatang masaya ito sa nangyari.

"Matagal ko na ito gusto tanungin sa inyo. Ano ba meron kay Apple? Yung pagkakaibigan niyo sa sakanya  bigla nakakapagtaka," tanong ni Neil.

"Secret," tugon ni Quade. Akala ko kokontra pa si Neil pero nakipagtitigan lang ito kay Quade at nanahimik.

"Ehem. Balik na tayo sa trabaho. Pwede niyo ba sa amin sabihin kung ano nangyari dito?" tanong ng lalaking pulis. Hinayaan ko na lang sila Hexa makipag-usap. Gusto ko nga sana sabihin sa kanila yung nakita ko pero baka malaman nila ang sikreto ko. Sabi ni Neil sa akin iwasan ko ipakita ang ability ko dahil iyon ang susi para malaman  nila na bampira ako.

"Dito lang kayo. Titignan lang namin ang crime scene," paalam ni Primo sa amin.

"Sasama kami," sabi bigla ni Neil.

"Sandali. Sigurado ka? Madugo sa loob," pigil ko sa kanya. Baka mawalan siya ng kontrol kapag nakita niya.

"Pagkakataon ko na ito para pag-aralan kontrolin ang sarili ko," bulong niya sa akin. Hind na ako umangal. Pumasok kami sa loob kasama sila Primo.

"Gawa ito ng bampira," sambit ng babaeng pulis.

"Bliss! May ibang tao," sambit ng lalaking pulis.

"Sorry. Nakalimutan ko na nandito kayo. Wag kayo mag-aalala nagbibiro lang ako," sabi ng babaeng pulis sa amin.

"Hindi niyo kailangan magsinungaling sa amin. Alam naming totoo ang mga bampira," sambit ni Neil. Bumulong si Twain sa babaeng pulis.

"Ah! Kung ganun hindi natin kailangan mag-ingat sa kanila. Ano ability mo?" tanong ng babaeng pulis kay Neil.

"Bago ko sagutin ang tanong niya, sabihin niyo muna sa amin kung ano kayo. Hindi kayo normal na tao, tama? Pati kayo," tanong ni Neil sa kanila.

"Tao ako," sabi ni Trace.

"Hindi ako bampira yun lang masasabi ko," sabi naman ni Primo.

"Wala naman kami balak itago sa iyo ang totoo. Bampira kaming lahat maliban sa kanilang dalawa," sabi naman ni Quade.

"Ayos lang ba na sabihin sa kanila ang totoo?" tanong ng lalaking pulis.

"Eh si Apple, ano?" tanong ni Seven.

"Bampira din ako. Ang totoo niyan may idea ako kung sino suspect," sagot ko. Tingin ko wala naman masamang itago ang ability ko.

"Sino?" tanong nila.

"Yung babae kanina," tugon ko.

"Sigurado ka ba diyan?" tanong ni Hexa.

"Oo."

"Sinong babae? Ayun ba yung sinasabi niyong sumigaw kanina? Nasaan na nga pala siya? Pagdating namin wala kaming ibang nakita bukod sa inyo," singit ng babaeng pulis.

"Nakita ko siya na nagmamadaling umalis kanina," sambit ni Neil.

Itutuloy...

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top