CHAPTER 3

CHAPTER 3

Apple's POV

"Ano ginagawa mo dito? Bakit may dugo ka? Ayos ka lang ba?" tanong ni Neil pagkalabas niya ng classroom nila.

"Ayos lang ako," nakangiting sagot ko.

Nang mapansin niyang pinagtitinginan kami, hinila niya ako palabas at dinala sa walang masyadong tao.

"Bakit ka nandito?" tanong niya ulit.

"Naiwan mo baon mo kanina kaya dinala ko kaso..."

"Kaso?"

"Nabangga ako ng truck kaya natapon. Sorry," mabilis na sabi ko sabay yuko. Hindi siya umimik kaya dahan-dahan ko siya tinignan.

"Wag mo sabihin na pagkabangga mo, tumayo ka na lang basta na parang walang nangyari."

"Paano mo nalaman na ganun nangyari?"

"Apple!" sigaw niya bigla na halatang galit na galit.

"Bakit?" kinakabahang tanong ko sabay lunok.

"Kakasabi ko lang kanina na mag-iingat ka. Paano kung malaman nila na Bampi--"

Tinakpan ko ang bibig niya bago pa niya matapos ang sasabihin niya.

"Wag ka maingay baka may makarinig," bulong ko sa kanya. Tinignan niya ako ng masama sabay alis ng kamay ko.

"Apple seryoso ako."

"Oo na. Pangako hindi na mauulit."

"Umuwi ka na. Tumuloy ka pa dito, hindi ko rin naman makakain yung dala mo."

"Hindi pa ako pwede umuwi. Mag-uusap pa kami ni Sir Kenji mamaya," sabi ko.

"Para saan? Saka bakit kilala mo si Sir Kenji?" nagtatakang tanong niya.

"Nakilala ko siya sa gate kanina. Sabi niya tutulungan niya daw ako makapasok dito. Wag mo sasabihin kahit kanino yan ha? Secret lang," mahinang sabi ko.

"Makapasok? Mag-aaral ka?"

"Oo. Excited na nga ako eh!"

"Nasisiraan ka na ba? Paano ka makakapag-aral? Pangalan mo nga hindi mo alam."

"Basta! Si Sir. Kenji na daw bahala."

Napahilot siya bigla ng ulo.

"Nababaliw ka na ba?! Aist! Samahan mo ko kay Sir Kenji. Kakausapin ko siya," inis na sabi niya sabay hila ulit sa akin.

Bakit ba siya nagagalit? Ayaw niya ba ako mag-aral?

"Mr. Larson, may problema ba?" tanong ni Sir. Kenji habang nagpipindot sa laptop.

"Sir, pasensya na po sa ginawa ni Apple. Medyo wala po siya sa tamang katinuan. Kung ano man po sinabi niya sayo, wag niyo na lang po pansinin. Hindi po siya mag-aaral dito," tugon ni Neil.

"Sayang naman. Naenroll ko na siya, bayad ko na din tuition fee niya sa buong taon." nahihinayang na sabi ni Sir. Kenji.

"Talaga po? Naka-enroll na ako? Pwede na ako mag-aral dito?" gulat na tanong ko. Hindi ko inaasahan na ganun niya kabilis maasikaso lahat. Tinanguan niya ako bilang tugon.

"Neil, pumayag ka na. Gusto ko mag-aral dito kasama mo," pangkukumbinsi ko kay Neil habang ginagalaw ang kamay niya.

"Sir, baka po mahuli tayo kapag nalaman nila na--"

"Sagot ko lahat kung sakaling mangyari yan," putol ni Sir. Kenji kay Neil.

"Bakit niyo po ginagawa ito?"

"Gusto ko lang tulungan si Apple na makapag-aral. May problema ba doon?"

Nagtitigan sila ng matagal na para bang nasa contest sila. Unang umiwas ng tingin si Neil.

"Kayo po bahala. Basta sagot niyo lahat," sambit ni Neil sabay labas. Susundan ko na sana siya, subalit nagsalita bigla si Sir Kenji.

"Halika muna dito Apple," tawag niya sa akin kaya lumapit ako sa kanya. Binigyan niya ako ng maliit na envelope na may lamang pera at business card.

"Para saan po ito?" tanong ko.

"Pambili mo yan ng uniform mo at gamit. Magpasama ka kay Neil mamaya. Kung may kailangan ka pa tawagan mo lang ako."

"Salamat po Sir. Napakabait niyo po. Alis na po ako."

"Wag mo kakalimutang dumaan dito bukas pagkapasok mo," pahabol niya habang palabas ako.

Hindi maalis ang ngiti ko dahil sa sobrang saya ko.

"Neil, nandito ka pa pala. Hinintay mo ko?" tanong ko kay Neil.

"Umuwi ka na sa bahay. Magbihis ka. Mamayang five magkita tayo sa gate. Sasamahan kitang bumili ng gamit mo."

"Payag ka na?"

"May magagawa pa ako? Ayoko naman maging panira ng ngiti mo," aniya sabay lakad.

"Oo nga pala. Mag-iingat ka. Tumingin ka sa dinadaanan mo. Baka mamaya matuluyan ka na dahil sa katangahan mo," paalala niya bago ako tuluyang iwanan.

"Okay. Ingat ka din," tugon ko.

Masaya ako naglakad habang tinitignan yung envelope na binibigay ni Sir Kenji. Sa sobrang saya ko napakanta na lang ako bigla.

"~You are my sunshine, my only sunshine
You make me happy when skies are grey
You never know, dear, how much I love you
Please don't take my sun--" kanta ko.

"Mommy?" natigilan ako nang may magsalita sa tabi ko. Pagtingin ko doon, isang babae ang nakatingin sa akin. Gulat na gulat ang mukha niya na parang nakakita ng multo.

"Apple! Sandali!" habol sa akin ni Neil.

"Bakit? May nakalimutan ka bang sabihin?" tanong ko.

"Ahm... Kung gusto mo dito ka na lang muna. Hintayin mo na lang kami maglabasan. May extra akong damit sa locker. Pwede mo yun gamitin," nahihiyang sabi niya.

"Sige. Hihintayin na lang kita," masayang sabi ko.

********

Seven's POV

Pabalik na ako sa room nang may marinig akong kumakanta. Napatingin ako sa babaeng naglalakad habang nakatingala sa isang envelope.

"~You never know, dear, how much I love you
Please don't take my sun--"

"Mommy?" sambit ko. Kaboses niya kasi si Mommy. Palagi ko pinapakinggan yung mga kantang nirecord niya sa mga teddy bear namin. Bawat teddy bear namin, ibang kanta  ang nakalagay at isa na doon yung You are my sunshine na nakarecord sa teddy bear ko. Tandang-tanda ko ang tinig niya dahil hanggang ngayon pinapakingan ko yun.

Pagktingin niya sa akin nanlaki ang mata ko dahil kamukhang-kamukha niya si Mommy. Yayakapin ko na sana siya nang may tumawag sa kanya.

"Apple! Sandali!" sigaw ni Neil. Doon lang ako natauhan na hindi siya si Mommy.

"Ano ba iniisip mo Seven? Patay na si Mommy. Hindi na siya babalik," malungkot na sabi ko sa sarili ko. Tinuloy ko na lang ang paglalakad pabalik ng room.

"Bakit ang lungkot mo?" pansin ni Kuya Primo sa akin.

"Wala. Naalala ko lang si mommy," tugon saka umupo at yumuko sa desk.

"Gusto ko na umuwi," rinig kong sabi ni Kuya Quade.

"Ganda nung babaeng kasama ni Neil. Sino kaya yun? Girlfriend niya kaya? Sana hindi para maligawan ko," rinig kong sabi ng isa sa mga lalaking kaklase ko.

Nainis ako bigla dahil naalala ko nanaman yung babae kanina na hinabol ni Neil.

"Ano ba yan ang ingay!" inis na sabi ko para manahimik na sila. Gusto ko na nga nakalimutan yung babae kanina tapos siya pa pag-uusapan nila.

Natahimik sila bigla dahil sa sinabi ko.

"Badmood?" tanong ni Quinn.

"Nakita ko si mommy kanina," pagkukwento ko.

"I mean. May nakita akong  kamukha ni mommy kanina," pagtatama ko nang napansin ko ang nagtataka niyang mukha.

"Ah! Akala ko minumulto ka na ni mommy."

Dumating na ang guro namin dahil tapos na break time.

"Sorry Sir. I'm late," sabi ni Neil pagkadating. Tinanguan lang siya ni Sir Kenji saka tinuloy ang pagtuturo.

"Waaahhh!" sigaw bigla ni Kuya Quade. Kinusot nito ang mata niya sabay tingin sa may labas bintana kung saan may puno.

"Mommy... Minumulto na yata ako. Nakikita mo ba nakikita ko?" tanong ni Kuya Quade sa katabi niya na si Kuya Twain.

"Yeah," tugon nito habang titig na titig sa babaeng nasa puno.

"Ano ginagawa mo diyan? Bumababa ka diyan, baka mahulog ka," saway sa kanya ni Neil.

"Wala ako mapuntahan eh," nakasimangot na tugon nito.

"Mr. Larson, papasukin mo na lang siya dito para hindi kayo nakakaabala sa klase," sambit ni Sir Kenji. Hindi man lang ito nagulat na kamukha ni mommy yung babae.

"Narinig mo yun? Pumasok ka na dito sa loob," sabi ni Neil.

"Pakibukas yung bintana," sabi niya kay Kuya Quade.

Pagkabukas ni Quade ng bintana, tumalon ito papasok sa room namin. Tabi lang naman ng bintana yung puno na inakyatan niya.

Nakasuot na ito ng PE t-shirt ng school namin. Kanina kasi nakaschool uniform siya ng ibang school tapos may mga pahid na dugo yung blouse niya.

Pinaupo siya sa may upuan sa tabi ni Kuya Primo. Siya kasi yung nasa dulo dahil mas gusto namin na maupo sa likod.

"Hi!" bati niya kay Kuya.

"Wag ka mag-iingay," sabi ni Neil. Nagthumbs up naman ang babae sabay tingin kay Sir Kenji na tinuloy ang pagtuturo.

"Ano pangalan niya?" tanong ni Ate Hexa kay Neil.

"Apple," matipid na sagot  ni Neil.

Tumingin si Ate Hexa kay Apple. Habang sila kuya naman pasulyap-sulyap.

Si Kuya Quade na laging tulog, hindi nakatulog dahil sa kakatingin kay Apple.

"Para akong nanaginip. Kamukha niya talaga si mommy," sabi ni Ate Hexa sa pamamagitan ng telepathy. Madalas namin ito gawin para makapagkwentuhan  kami kahit nagkaklase. Mukha kaming nakikinig pero ang totoo nag-uusap kami sa isip.

"Gusto ko mapalapit sa kanya.  Kahit hindi siya si mommy... parang kasama ko na din siya," sabi naman ni Ate Quinn.

"Bakit hindi tayo makipagkaibigan sa kanya?" patanong na suhestiyon ni Kuya Primo.

"Seryoso ka? Baka magtaka sila na bigla tayo nakipagkaibigan sa iba," tanong ko. Kami lang kasi walo ang close. Hindi kami nakikipagkaibigan sa iba dahil delikado. Baka malaman pa nila na bampira kami.

"Subukan lang natin," tugon ni Kuya Primo. Nagtinginan kaming pito.

"Paano naman natin siya kakaibiganin? Hindi naman siya dito nag-aaral," tanong ni Kuya Trace.

"Umpisahan natin kay Neil," sagot ni Kuya Primo.

"Goodluck. Isa din yun sa walang hilig makipagkaibigan," sambit ni Kuya Twain.

Lagi kasi mag-isa si Neil. May nga kumakausap sa kanya pero ang tipid niya sumagot o kaya hindi namamansin. Sungit pa minsan.

"Mamaya pagplanuhan natin ang gagawin natin," sabi ni Kuya Primo. Seryoso nga talaga siya sa plano nila. Para saan pa yun? Hindi naman niya maibabalik si mommmy. Ipapaalala lang niya si mommy sa amin. Kainis!

"Bahala kayo. Basta wag niyo ipapaalam kay daddy yung tungkol kay Apple," sabi ko sa kanila.

Itutuloy...

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top