CHAPTER 2
CHAPTER 2
Neil's POV
"Makinig ka mabuti. Ayoko sa lahat yung pinapakialaman ang mga gamit ko. Kailangan mo muna magpaalam sa akin," paalala ko kay Apple. Bakit ba kasi pinatuloy pa siya ni Mama dito? Hirap na nga ako itago ang pagiging bampira ko, magdadala pa siya ng tao dito.
"Okay," tugon nito habang nakatingin sa mga mata ko. Kanina ko pa napapansin yung kulay ng mata niya.
"Ganyan ba talaga kulay ng mata mo?" tanong ko. Tumango siya bilang tugon.
"Uhm.. Neil, Pwede ba ako makahingi ng apple?" tanong niya sabay turo sa apple na nasa study table ko.
"Kumuha ka lang kung gusto mo," sagot ko.
"Salamat," nakangiting sabi niya.
"Wag ka maingay mag-aaral ako," sabi ko sa kanya saka kinuha ang bag ko.
"Yes Sir," aniya sabay saludo. Buti na lang masunurin siya.
Gumawa muna ako ng assignment bago ako nagbasa ng mga libro. Kailangan ko mag advance reading para madali na lang intinhin yung mga teacher namin. Kukuha sana ako ng apple nang mapansin kong ubos na ito. Napatingin ako kay Xia na kakainin sana ang natitirang apple.
"Sabi ko kumuha ka lang. Hindi ko sinabing ubusin mo yung apple," sabi ko sa kanya.
"Pero nagugutom ako. Saka masarap," aniya habang nakasimangot. Kaya pala apple pangalan niya. Mahilig siya sa apple.
"Ang dami mo na kinain kanina. Gutom ka pa rin?" sabi ko.
Bigla siya tumayo at binalik yung apple na kakainin niya sana.
"Sorry," aniya sabay higa. Matutulog na ba siya? Wait! Bakit ko ba siya iniisip? Paki ko ba sa kanya? Mas mabuti nga yun para makapag-aral ako ng tahimik.
Kinabukasan, nagising ako dahil sa sigaw ni Mama.
"Neil! Gumising ka! Nawawala si Apple," sigaw niya.
"Baka nagpahangin lang siya sa labas. Babalik din yun," sagot ko.
"Pero hindi siya pamilyar sa lugar natin. Baka maligaw yun. Saka sino naman magpapahangin ng ganitong kaaga?" nag-aalalang sabi ni Mama. Hindi ko tuloy maiwasang mapabangon. Alam ko na naman yung gusto niya mangyari. Tinignan ko yung oras, alas kwatro pa lang ng madaling araw.
"Hahanapin ko siya," tugon ko saka tumayo. Wala naman siguro masamang magjogging ngayon.
"Mag-iingat ka anak," sigaw ni Mama pagkaalis ko. Inumpisahan ko na magjogging habang hinahanap si Apple. Saan ba kasi nagpunta ang babaeng yun? Pinag-aalala niya si Mama.
"Aaahhhhh! Tulong! Ahhhhh! Bampira!"
"Bampira?" sambit ko sabay takbo upang hanapin yung sumigaw. Napatingin ako sa isang eskinita kung saan may babaeng nakatalikod habang yakap ang isang babae.
"Tulong..." sabi ng babae nang makita ako. Parang pamilyar sa akin yung suot ng nakatalikod na babae.
"Bitawan mo siya," sabi ko sabay hawak sa balikat ng bampira. Tumigil naman ito sa ginagawa niya kung saan kitang-kita ko ang kulay ginto niyang mata. Para itong umiilaw.
"Waaahhh!" sigaw ng babaeng kinagat nito at nagmadaling tumakbo nang bitawan siya ng bampira.
"Apple... bampira ka?" hindi makapaniwalang tanong ko. Bampira siya? Pero bakit iba kulay ng mata niya?
"Dugo... gusto ko pa ng dugo," aniya sabay atake sa akin. Para siyang wala sa sarili.
At dahil sa gulat ko sa nalaman ko, hindi ko na nagawang makaiwas sa yakap niya. Naramdaman ko na lang pagkagat niya sa leeg ko at pagsipsip ng dugo ko.
"Masarap ba ng dugo ko?" tanong ko. Sa ginagawa niya ngayon, nag-uumpisa na din ako magutom.
"Neil? Wahhhh! Sorry," aniya sabay tulak sa akin. Ngayon lang yata niya napagtanto na ako ito. Tatakbo na sana siya pero mabilis kong hinawakan ang kamay niya.
"Sorry. Sorry. Please wag mo sabihin kay Mama Sunny yung nangyari. Ayokong matakot siya. Siya lang nag-iisang tao na tumulong sa akin," iyak niya sabay luhod.
"Umuwi na tayo. Hinahanap ka na ni Mama," sabi ko sa kanya sabay hila. Ngayon naiitindihan ko na kung bakit lagi siyang gutom. Hindi nga naman sapat yung pagkain para sa amin. Kailangan din namin uminom ng dugo.
"Neil! Apple! Salamat nakabalik na kayo. Apple, saan ba nagpunta? Pinag-aalala mo ko," nag-aalalang sabi ni Mama.
"Sorry," paumanhin ni Apple sabay yuko.
"Sa susunod magpaalam ka kung aalis ka. Paano kung may masamang mangyari sayo?" sermon ni Mama.
"Ma, may kailangan ka malaman," singit ko bago pa humaba ang sermon niya.
"Ano yung anak? Wag mo sabihin na gusto mo na si Apple? Kayo na ba?"
"Ma, hindi yun. Bampira si Apple."
"Ano? Bampira siya? Hindi sirena?"
"Sirena?" sabay na tanong namin ni Apple. Saan naman niya nakuha yung idea na sirena si Apple?
"Akala ko sirena siya. Galing kasi siya sa dagat. Kakaiba din kasi yung kulay ng mata niya," paliwanag ni Mama. Ngayon nga din ako nakakita ng bampira na may kulay gintong mata. May ganun pala?
"Umiinom din ba ng dugo ang mga sirena?" tanong ni Apple.
"Who knows? Hindi nga natin alam kung totoo ba sila o hindi," tugon ko.
"Bakit hindi man lang kayo natakot sa akin?"
"Dahil katulad mo din ako," sagot ko sa kanya. Sabay alis ng contact lens para makita niya ang totoong anyo ko.
********
Apple's POV
"Ma, alis na ako," paala ni Neil kay Mama Sunny.
"Mag-iingat ka," tugon ni Mama.
"Saan siya pupunta?" tanong ko kay Mama. Gusto ko pa naman sana siya matanong tungkol sa mga bampira.
"Sa school."
"Bakit siya pumupunta doon?"
"Para mag-aral. Doon pumapasok ang mga gusto matuto."
"Gusto ko din matuto. Paano pumasok doon?"
Baka sa lugar na yun marami ako matuklasan tungkol sa sarili ko. Sino nga ba ako?
"Pwede naman iha. Pero mahihirapan tayo. Wala kang kahit na anong identity. Para makapag-aral doon kailangan mo makumpleto ang mga requirement tulad ng birth certificate," paliwanag niya.
"Ganun po ba? Sayang naman," malungkot na sabi ko.
"Naku! Naiwanan ni Neil baon niya. Paano ba ito?" sabi bigla ni Mama. Napatingin ako sa lunch box na may lamang pagkain. Alam ko na!
"Susubukan ko po siya habulin," sabi ko.
"Sigurado ka iha? Baka nakasakay na yun."
"Hahatid ko na lang po yang sa school niya. Paano po ba pumunta doon?"
"Baka maligaw ka. Ako na lang magdada--"
"Magtitinda pa po kayo ng apple. Ako na lang po. Wala din naman po ako gagawin saka kahit hindi ako pamilyar sa lugar, mabilis kong natatandaan yung mga nadadaanan ko," nakangiting sabi ko para mas makumbinsi ko siya.
"Kung ayan sabi mo. Sige. Lalagay ko lang ito sa paper bag. Bibigyan na din kita ng pamasahe mo," sabi niya na labis kong ikinatuwa.
Binigyan niya ako ng pera at papel kung saan nakasulat yung direction ng pupuntahan ko. Una, sumakay ako ng tricycle papuntang bayan. Tapos sasakay daw ako ng jeep patungo doon sa school. Sabihin ko lang sa driver na sa Moonlight High ako baba.
"Manong, sa Moonlight High po," sabi ko sabay bayad ng 9 pesos. Ginaya ko yung ginagawa ng mga sumasakay na iaabot yung pera sa katabi tapos sila na mag-aabot sa driver.
Biglang huminto ang sasakyan at isang lalaki ang sumakay. Nanlamig ako bigla nang magkasalubong ang mga mata namin. Bakas ang gulat at takot niya nang makita niya ako. Ningisian ko siya dahil nakita ko din siya.
"M-manong, para po. May nakalimutan po ako," sigaw niya at agad na nagmadaling bumaba.
"Manong, dito na po ako," sambit ko sabay baba. Hindi ko siya hahayaan makatakas ulit.
Nilingon ko ang tumatakbong lalaki na halos madapa dahil sa takot na abutin ko. Sariwa pa lahat ng masamang ginawa niya sa akin. Tanda ko pa ang sakit na nararamdaman ko sa bawat saksak niya sa katawan ko. Ibabalik ko sa kanya ang lahat na yun.
Tumakbo ako ng napakabilis upang maabutan ko ba siya.
"Tulong! Tulungan niyo ko! Hinahabol ako ng bampira! Tulong!" sigaw niya. Biglang napatingin sa akin ang mga tao dahilan para matigilan ako. Naalala ko yung sinabi sa akin ni Neil kanina.
"Tandaan mo ito Apple, wala dapat makaalam na bampira ka. Oras na malaman nila na bampira ka, papatayin ka nila," aniya pagkatapos niya sabihin na bampira siya.
Ano gagawin ko? Kailangan ko mahabol ang lalaking yun pero hindi nila pwede malaman ng bampira ako.
"Bahala na! Hindi naman nila ako mapapatay kahit malaman pa nila," sabi ko sa aking sarili sabay takbo.
Biglang tumawid ang lalaki sa kabilang kalsada. Sa kagustuhan kong mahabol siya tumawid din ako at hindi napansin ang paparating na truck. Nabunggo ako nito at bumagsak sa malamig na semento.
"Miss, gumising ka! Tumawag kayo ng ambulansya. Bilisan niyo," rinig kong sigaw ng isang babae.
Pagkadilat ko, napapalibutan ako ng nga nagkukumpulang tao. Bumangon ako at hindi sila pinansin. Hinanap ko yung dala kong paper bag.
"Ayos ka lang ba?" tanong sa akin ng babae.
Nanlaki ang mata ko nang makitang nagkalat ito sa daan.
"Yung pagkain ni Neil. Ano gagawin ko? Paano na yan? Natapon lahat," natarantang sabi ko habang pinupulot yung lalagyan
"Nakita niya yun? Parang walang nangyari sa kanya. Nabangga siya ng truck kanina diba?"
"Oo nga. Nakita ko din yun. May dugo pa siya sa damit. Paano niya nagagawang makagalaw?"
Natigilan ako sa ginagawa ko nang marinig ko ang bulungan nila. Kailangan ko na umalis dito.
"Nandito na din ako sa wakas. Pero paano na yan? Natapon lahat ng pagkain ni Neil. Kailangan ko magsorry," sabi ko sa aking sarili habang nakatayo sa tapat ng gate.
"Miss, ano kailangan niyo?" tanong ng guard.
"Pwede ba ako pumasok? Ibibigay ko lang ito kay Neil," sabi ko sabay pakita ng paper bag. Tignan ako ng guard na may halong pagdududa. Ningitian ko sila.
"Pakisulat pangalan niyo," sabi nito na agad ko sinunod.
"Full name po Ma'am," aniya dahil Apple lang nilagay ko.
"Apple lang talaga pangalan ko," sagot ko.
"Pwede ko ba makita dala mo?"
Tinago sa likod ko yung paper bag.
"Papasukin niyo ba ako o hindi?"
"Ano nangyayari dito?" sabi ng isang tinig.
"Sir, gusto niya daw po pumasok pero kahina-hinala yung kilos niya," tugon ng guard. Tinignan ko yung kausap niya.
"Xia?" aniya nang makita ako.
"Kilala mo po siya?" tanong ng guard. Matagal ako tinitigan ng lalaki bago ito sumagot.
"No. May kamukha lang siya na kilala ko. Papasukin niyo na siya. Ako na bahala sa kanya," tugon nito.
"Pasok ka na Ma'am," sabi ng guard. Pumasok na ako. Baka magbago pa isip nila.
"Salamat Sir," pagpapasalamat ko sa tumulong sa akin.
"Walang anuman. Ano pangalan mo?" tanong nito sa akin.
"Apple po. Kayo po?"
"Tawagin mo na lang akong Sir Kenji. Ano nangyari sayo? Bakit may dugo ka?"
"Nasagasaan po ako ng truck kanina. Pero ayos lang po ako. Salamat ulit. Mauna na po ako," paalam ko.
"Alam mo ba kung saan ka pupunta? Malawak itong school baka maligaw ka. Sino ba pupuntahan mo?" tanong niya.
Naalala ko yung sinasabi ni Mama na. Magtanong na lang daw ako kung saang room ni Neil.
"Sa room po ni Neil Larson. Alam mo po ba kung saan?"
"Sakto. Isa siya sa istudyante ko. Samahan na kita. Sumunod ka sa akin," aniya sabay lakad.
"Sir, gusto ko din mag-aral dito. Paano po ba ako makakapasok dito?" tanong ko. May pakiramdam ako na mapagkakatiwalaan ko siya.
"Magpapasa ka ng requirements para makapag-enroll ka," tugon nito.
"Ano po ba yung requirements?" tanong ko.
"Birth certificate, report card, good moral mula sa dati mong school."
"Eh? Paano po yun? Wala akong ganyan. Ang totoo po niyan hindi ko alam kung ano totoo ko pangalan. Kung saan ako nanggaling. Kung sino magulang ko," malungkot na sabi ko.
"Bakit gusto mo mag-aral?"
"Pakiramdam ko kapag nag-aral ako, may malalaman ako tungkol sa sarili ko."
"Okay ganiti na lang. Ako na bahala mag-ayos ng lahat para makapag-aral ka pero secret lang natin ito. Wala dapat makaalam nito."
"Talaga? Salamat. Pero pwede ko ba sabihin kay Neil saka Mama niya yung tungkol dito? Sa kanila kasi ako nakatira. Ayoko naman maglihim sa kanila."
"Walang problema. Basta wala dapat makaalam bukod sa kanila. Dito na room ni Neil. Magbebreak time na din. Hintayin mo na lang matapos klase nila," aniya saka nagpaalam.
Itutuloy...
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top