CHAPTER 15

CHAPTER 15

Apple's POV

"Tapos na visiting hours," sabi sa akin ni Zander nang makarating kami sa ospital.

"Bakit? Gusto ko sila makita," hindi makapaniwalang sabi ko. Pagkatapos ko magmadali patungo dito hindi rin kami makakapasok.

"Pinatawag ko na lang si Neil para makausap mo siya."

"Umamin ka nga sa akin. Alam mo na tapos na ang visiting hours, tama?"

Tinignan ko siya ng masama. Hindi man lang kasi niya sa akin sinabi na hindi kami pwedeng dumalaw.

"Nawala sa isip ko. Sanay ako sa ospital nila Dad na pinapayagan kami makadalas kahit anong oras," tugon niya.

"Apple!" napalingon ako kay Neil nang marinig ko ang tinig niya.

"Neil!" sigaw ko sabay yakap sa kanya. Hinawakan ko ang pisngi niya at tinignan kung may sugat ba siya.

"Salamat naman. Ayos ka lang," sambit ko pagkatapos ko siya matignan. Hinawakan niya ang kamay ko na nakahawak sa pisngi niya.

"Bakit may singsing ka? Saan yan galing?" tanong niya sa akin habang tinitignan ang kamay ko.

"Hindi ko din alam. Nandyan na yan pagkagising ko," sagot ko sabay hila ng kamay ko pero hinigpitan lang niya ang hawak dito.

"Saan ka natulog? Sino kasama mo?" tanong niya.

"Sa ospital, sa sasakyan saka sa bahay nila," sagot ko sabay tingin kay Zander.

"Saan mo nakuha yung singsing?"

"Sa ospital."

"Ano ginagawa mo sa ospital?"

"Biglang sumakit puso ko kaya dinala agad ako ni Sir. Kenji doon. Nagkataon na nandoon din si Zander kaya nagkita kami doon at sinama nila ako sa bahay nila para may matulugan ako. May tanong ka pa ba?"

"Wala na."

Binitawan na niya ang kamay ko.

"Kakausapin ko ang daddy ni Cali na doon na muna kayo patirahin sa bahay nila," sabi ko sa kanya.

"Salamat. Pero hibdi mo yun kailangan gawin para sa amin. Ako na bahala maghanap ng tutuluyan namin."

"Hindi ako papayag. Hayaan mo  sana na ako naman tumulong sa inyo."

"Si Mama lang ang tumulong sayo. Hindi ako. Ganito na lang. Si Mama na lang hanapan mo ng matitirahan."

"Bakit? Paano ka?"

"Maghahanap ako ng part time job. Mahihirapan lang ako kung sa malayo ako titira."

"Kung gusto mo ng part time job may alam ako. Nagbibigay din sila ng libreng matitirahan kaya sakto lang yun sayo," singit ni Zander sa amin.

"Anong trabaho?" tanong ko.

"Dipende kung saan siya nababagay. Tawagan mo lang lalaking ito kung interesado ka. Sigurado matutulungan ka niya," tugon niya sabay abot ng business card.

"Magandang balita yan. Hindi ka na mahihirapan maghanap ng trabaho," masayang sabi ko.

"Pag-isipan mo mabuti. Marami ng natulungan ang agency na yan. Karamihan sa kanila ulila at walang natutuluyan," sabi pa ni Zander.

"Sige, pag-iisipan ko. Salamat dito. Pasok na ako sa loob. Mag-iingat kayo sa pag-uwi," paalam ni Neil sa amin.

"Bye," paalam ko.

Bumalik na kami sa sasakyan.

"Yung seatbelt mo," sabi sa akin ni Zander bago ito magmaneho.

"Sorry. Nakalimutan ko," sambit ko.  Ilalagay ko na sana ito pero naunahan niya ako na ikabit ito. Habang nilalagay niya ang seatbelt ko napansin ko ang suot niyang singsing.

"Teka!" hawak ko sa kamay niya pagkabitaw niya sa seatbelt. Tinignan ko ang singsing niya at saka ito pinagkumpara sa singsing ko.

"Sayo ba galing ang singsing ko?" tanong ko sa kanya dahil magkaparehas ito ng disenyo.

"Yeah. Wedding ring yan," tugon niya.

"Bakit may wedding ring tayo?" nagtatakang tanong ko.

"Dahil mag-asawa tayo," nakangiting sagot niya.

"Asawa? Kailan tayo kinasal?" naguguluhang tanong ko. Nilapit niya ang mukha niya sa akin habang nakatingin ng seryoso.

"Hindi mo ba talaga naalala?" tanong niya.

"Hin--"

Hinalikan niya ako bigla bago ko pa matapos ang sasabihin ko. Nang magdikit ang ang mga labi namin may mga imahe namin ang biglang pumasok sa isip ko. Hinawakan ko siya sa batok at sinabayan ang paghalik niya habang nakapikit. Unti-unting dumaloy ang mga alaalang kasama siya.

"Siyet! Ano ba ginagawa mo?" galit na sabi niya sa akin pagkatapos akong yakapin bago ako tumalon sa isang building.

"Kung magpapakamatay ka wag dito dahil damay ang school," sermon niya sa akin.

Hindi ko alam kung kailan nangyari yun at kung bakit ako nandoon. Isang panibagong imahe ang agad na pumalit doon.

"What do you mean? Paanong may masamang manyayari sa amin?" tanong sa akin ni Zander sa alaala na yun.

Saglit lang ito nagpakita kaya hindi ko din naintindihan kung bakit niya iyon natanong sa akin. Bago pa ako makapag-isip isa nanaman panibago imahe niya ang pumasok sa isip ko.

"Tama na. Ligtas ka na," sabi sa akin ni Zander habang nakayakap.

Patuloy ang padaloy ng mga alaala ko sa kanya hanggang sa nakita ko ang isang imahe  na nagpaluha sa akin.

"Mahal, ang daya mo. Para saan pa na nabuhay ako kung wala ka na? Pwede bang sumama na lang ako sayo?" sabi ni Zander. Biglang umalon ng malakas kasabay ng kulog pagkatapos niya sabihin yun.

"Oo alam ko. Ayaw mo dahil walang mag-aalaga sa mga bata. Ayaw mo silang lumaki na wala man lang magulang."

Kumalma bigla ang dagat at langit pagkasabi niya yun. Binuksan niya ang isang lalagyan at hinagis ang laman nitong abo sa dagat.

"Mahal, tinupad ko yung gusto mo na gawin ko kahit na gusto ko na lang itago itong abo mo. Mahal, tumupad ako sa usapan kaya dapat tumupad ka rin. Sabi mo tutuparin mo yung isang hiling ko. Mahal, ikaw ang hiling ko. Wala ako ibang hilingin kundi ikaw lang. Ikaw lang nagpapasaya sa akin. Please mahal, bumalik ka na," aniya habang umiiyak.

Napadilat ako at saka ko siya tinulak. Noon tinig lang niya ang naririnig ko sa panaginip ko ngayon malinaw na sa akin ang alaala nun. Sa alaalang yun mag-isa lang isa. Ayun lamang ang naiiba dahil yun lamang ang memory na hindi niya ako kasama. Hindi... Kasama niya ako sa aalalang yun pero abo na lamang ako sa alaala na yun.

Natauhan ako bigla nang maramdaman ko ang kamay ni Zander sa mukha ko. Pinupunasan niya ang mga luhang walang  tigil sa pagtulo. Sa lahat ng aalalang nakita ko yung araw na kinasal lamang namin ang malinaw sa akin. Dahil ayun lamang ang nakita ko ng buo.

"Sorry..." sambit ko habang umiiyak. Lalo ako naiyak nang yakapin niya ako. Naiinis ako sa sarili ko dahil hindi ko pa rin maintindihan ang ibang aalalang nakita ako. Gusto ko maunawaan lahat. Sino ba ako? At Sino ba si Zander? Maliban sa mag-asawa kami base na alaalang nakita ko. Wala na akong ibang alam tungkol sa amin.

Hindi ko na alam kung ano nangyari sunod na nangyari sa sakyan. Basta nagising na lang ako na nasa isang kwarto na ako sa bahay nila Zander. Bumangon na ako at nag-umpisang maglibot.

Tahimik ang buong bahay. Tingin ko tulog pa sila kaya tahimik. Lumabas ako sa pintuan ng likod ng bahay nila. Umupo ako sa dulo ng cliff at pinanood ang dagat.

"Hindi ka ba natatakot umupo diyan?" tanong ni Zander sa akin.

"Hindi," sagot ko. Alam ko na nakatayo siya sa likod ko kahit hindi ko siya lingunin.

"Wag mo pilitin ang sarili mo na makaalala. Darating din ang oras na maalala mo ang lahat."

"Sorry. Ang totoo niyan para lang ako nanonood ng palabas  sa mga alaalang yun. Kahit na nakita ko na ang lahat parang walang pumasok sa isip ko. At sa lahat ng nakita ko kalungkutan lamang ang naramdaman ko dahil sa bad ending."

"Kung wala ka maalala sa nakaraan, bakit hindi tayo gumawa ng panibagong alaala mo. Gawin natin ng happy ending ang bad ending. Mag-umpisa tayo muli. Kahit ikaw si Apple ngayon, ikaw pa rin ang mahal ko. Ikaw lang ang nag-iisang babaeng mamahalin ko. Si Xia ka man o Apple. Ikaw lang," aniya na muling nagpaluha sa akin.

"Wag ka na umiyak. Ayokong nakikita kang ganyan," pinunasan niya agad ang luha ko bago pa ito tuluyan lumuha.

"Salamat," pagpapasalamat ko habang nakangiti.

"Gusto mo kumain?" tanong niya.

"Luto mo? Sabi nila Primo masarap daw luto mo," tugon ko.

"Ano ba gusto mo kainin?"

"Apple pie."

"Tara sa loob," napatingin ako sa kamay niya nang ilahad niya ito sa harapan ko. Ningitian ko siya at saka pinatong ang kamay ko bago tumayo.

"Nagbago isip ko. Turuan mo na lang ako gumawa ng apple pie. Ako maghahanda ng makakain para sa inyo," sambit ko.

Tinuruan niya ako gumawa ng Apple pie. Nagpaturo din ako na magluto ng iba pang pagkain.

"Morning. Ano ginagawa niyo?" tanong ni Seven nang makita niya kami. Nakapantulog pa ito, tanda na kakagising lang niya.

"Nagpaturo ako magluto sa Daddy niyo. Halika dito. Tikman mo ang gawa ko," sabi ko sa kanya.

Sinubuan ko siya ng niluto ko.

"Anong lasa?" tanong ko.

"Pwede na," tugon niya.

"Gisingin mo na sila Primo. May pupuntahan kami ni Apple mamaya. Doon muna kayo sa bahay ng Tito Xavier niyo," utos sa kanya ni Zander.

"Kaano-ano ko si Xavier?" tanong ko kay Zander nang makaalis si Seven.

"Kapatid. Wala ka ba talaga naalala? Kahit ano?"

"Ang totoo niyan. May isang tao ako naalala. Lahat nakalimutan ko maliban sa kanya."

Kumunot ang noo niya.

"Sino?"

"Hindi ko alam pangalan niya. Pero tanda ko ang mukha niya. Hinding-hindi ko makakalimutan ang mukha ng pumatay sa akin."

Itutuloy...

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top