CHAPTER 14
CHAPTER 14
Neil's POV
Habang nakahiga ako may narinig akong bumukas at sumara ng pinto.
"Apple? Ikaw ba yan?" sigaw ko dahil hindi pa rin ako makagalaw hanggang ngayon.
"Aaahhh! Sino kayo? Ano gina--Hmmmp," rinig ko sigaw ni Mama. Kinabahan ako bigla. Hindi si Apple ang pumasok ng bahay. Sinubukan ko gumalaw pero wala pang isang oras kaya hindi pa rin ako makagalaw.
"Ma! Ano nangyari?! Ayos ka lang ba?" sigaw ko na lang. Biglang bumukas ang pinto at pumasok ang isang lalaki habang hawak si Mama.
"Wag ka gagalaw kung ayaw mo mamatay Mama mo," sambit nito habang nakatutok sa tagiliran ni Mama ang kusilyong hawak nito. Kahit gustuhin ko ko man gumalaw, hindi talaga ako makagalaw. Bakit ngayon pa ito nangyari? Tahimik lang kami at walang nagtangkang kumilos.
"Wala na ang mga pulis. Tara na!" sambit ng kasama nito.
"Nandito na rin tayo. Bakit hindi na rin natin sila nakawan bago umalis?" suhestiyon ng lalaking may hawak kay Mama.
"Maliit lang bahay nila. May makukuha ba tayo dito?" tugon ng kasama niya. Muli ito lumabas ng kwarto. May narinig akong ingay mula sa labas.
Napatingin ako sa kamay ko nang mag-umpisa kong maigalaw ang daliri ko. Dahan-dahan ko ginalaw ang kamay ko. Nakakagalaw na ko.
"May nakuha akong pera," sabi ng kasama niya sabay pakita ng perang pinaghirapan ni Mama na ipunin.
"Ibalik niyo sa akib yan! Pinaghirapan ko ipunin ang perang yan para sa anak ko," nagmamakaawang sabi ni Mama.
"Tahimik!" sigaw ng may hawak sakanya sabay baon ng kutsilyo sa tagiliran ni Mama.
"Ma!" agad ako napatayo nang mapaupo si Mama habang hawak-hawak ang tagiliran niya. Nag-init ang ulo ko dahil sa ginawa nila kay Mama. Sa sobrang galit ko hinila ko ang sumaksak kay Mama.
"Saan ka pupunta? Hindi kayo makakalabas ng buhay dito," sambit ko habang hawak ko ang kwelyo niya. Biglang nag-apoy ang damit niya na hawak ko.
"Aaahh! Apoy! Bitawan mo ko masusunog ako. James, tulungan mo ko," sigaw nito. Biglang may sumasak sa likod ko.
"Bitawan mo siya," sambit nito sabay baon lalo ng kutsilyo sa likod ko. Tinulak ko ang kasama niya saka siya hinarap. Tatakbo na sana ito dahil sa takot pero nahawakan ko ang kamay niya.
"Aaaaahhhhh! Ang init!" sigaw nito nang mag-apoy ang kamay niya.
Dahil sa pagtakbo nilang dalawa sa bahay nag-umpisang kumalat ang apoy mula sa nasusunog nilang kamay.
"Tubig! Tubig! Aaaahhh!" sambit ng sumaksak kay Mama. Nag-umpisang magpagulong-gulong sa sahig. Napansin ko na lumabas ng kwarto ang kasama niya kaya hinabol ko ito. Naabutan ko siya hinuhugasan ang kamay niya sa lababo. Hinawakan ko siya sa balikat saka pinatay ang gripo.
"Ano ginagawa mo?" tanong ko sa kanya saka pinaapoy ang balikat napasigaw ito bigla. Sa sobrang galit ko hindi ko na nagawang mapigilan ang sarili ko.
"Neil!" tawag sa akin ni Mama. Doon lang ako natauhan. Hindi ko namalayan na napapalibutan na pala ng apoy ang bahay. Nakahiga na ang nagnanakaw sa sahig habang nasusunog ito.
"Lumabas na tayo dito," sambit ni Mama sabay tulak sa akin. Umubo ito ng sunod-sunod habang hawak pa rin niya ang saksak niya. Inalalayan ko siya palabas ng nasusunog na bahay.
"Tulong! Tulungan niyo ko!" sigaw ko nang mawalan ng malay si Mama. Mabuti na lang may mga pulis noong oras na yun. Dinala nila kami sa ospital upang magamot si Mama. Hindi kasi mabilis gumaling ang sugat niya kumpara sa akin. Mabuti na lang normal na kutsilyo lang ang gamit nila.
"Salamat po. Tawagan niyo lang po ako kung may tanong pa kayo," pagpapasalamat ko sa mga pulis.
Nalaman ko na hinahabol pala ang mga magnanakaw na pumasok sa bahay namin noong oras na yun. Nasabi ko na din sa kanila yung nangyari maliban doon sa pinagmulan ng sunog. Sinabi ko na lang na bigla silang nagliyab sa hindi malamang dahilan.
"Ayos na po ang lagay ng pasyente. Ililipat na po siya ng kwarto," sabi sa akin ng doctor. Tinanguan ko siya bilang tugon. Nakahiga ako ng maluwag dahil ligtas na si Mama.
Sa sobrang pagod ko hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako habang binabantayan si Mama. Nagising na lang ako dahil sa tunog ng cellphone ko. Mabuti na lang pala naibulsa ko ito kanina.
"Hello," sagot ko sa tawag.
"Hello. Si Primo ito, gusto ka daw makausap ni Apple."
"Bakit kasama mo siya?"
"Nandito siya sa bahay. Bibigay ko na sa kanya."
"Nasunog ba ang bahay?" bungad na tanong ni Apple.
"Paano mo nalaman?" tanong ko sa kanya.
"Napanigipan ko. May pumasok na magnanakaw sa bahay para magtago sa mga pulis. Sorry kasalanan ko," paliwanag niya na ikinagulat ko. Tugma kasi lahat ng sinabi niya sa nangyari.
"Wala ka kasalanan. Ako may gawa ng sunog. Dito na muna kami sa ospital magpapalipas ng gabi."
"Ospital?! Nasaktan ba kayo? Ano lagay niyo? Si Mama Sunny kamusta?"
"Ayos na lang kami. Nasaksak si Mama pero nagamot na siya."
"Sorry talaga. Kundi ko pinaralyze ang katawan mo nagawa mo sana pigilan ang mga magnanakaw."
"Sinabi ko na. Wala ka kasalanan. Ginawa mo lang yun para makatakas sa akin. Kung hindi sana ako nagkaroon ng contact kay Chase, hindi iyon mangyayari. Ibaba ko na. Magpahinga ka na di--"
"Teka! Pupuntahan ko kayo. Saang ospital kayo?" putol niya sa akin. Ayoko sana siya papuntahin pero mukhang hindi mawawala ang pag-aalala niya hanggang hindi niya kami nakikita.
******
Zander's POV
"Apple, nandito na ta-- Tulog?" sambit ni Primo.
"Mauna na kayo sa loob," utos ko kila Primo sabay labas ng sasakyan at lipat sa pintuan ng passenger seat upang buksan ito.
Tinanggal ko ang seatbelt ni Apple at saka siya binuhat papasok. Gusto ko sana siya patulugin sa kwarto naming mag-asawa pero alam ko na hindi pa ito ang tamang panahon para doon kaya dinala ko na lang siya sa guest room.
Habang buhat ko siya bigla niya pinulupot ang braso niya sa leeg ko. Sinubukan ko ito alisin nang maibaba ko na siya pero lalo lang ito niya ito pinulupot. Kamuntik na ako matumba sa kanya mabuti na lang napigilan ko agad sa pamamagitan ng braso ko. Muli ko sinubukan alisin ang kamay niya gamit ang isa kong kamay habang isa kong kamay nakapigil sa katawan ko para hindi matumba. Ngunit bago ko pa ito matanggal, tumagilid siya saka pinatong ang paa niya sa akin at yumakap.
"Da--- Oops! Sorry," sabi ni Quade nang makita kami. Mabilis siyang lumabas at sinarado ang pinto.
"Mali ang iniisip mo," bulong ko na lang dahil nakaalis na ang sasabihan ko. Napatitig ako kay Apple habang tulog na tulog pa rin ito hanggang ngayon.
"Hindi na rin masama. Siya naman ang yumakap sa akin," nakangiting sabi ko habang pinapanood siyang natutulog.
Biglang nagsalubong ang kilay niya at nag-umpisang pawisan. Mukhang nanaginip siya ng maganda.
"Neil!" sigaw niya sabay dilat. Nanlaki ang mata niya nang makita niya ako habang ako salubong ang kilay dahil sa pangalang nabanggit niya.
"Sorry," aniya at agad na bumitaw sa akin.
"Ano napanaginipan mo?" tanong ko sa kanya. Bigla ito namutla.
"Kailangan ng tulong ni Neil. Nasusunog ang bahay nila. Iniwan ko siyang hindi makagalaw kanina. Ano gagawin ko?" nag-aalalang sabi niya.
"Tawagan mo siya," sambit ko.
"Hindi ko alam number niya."
"Tatanungin ko sila Primo. Baka alam nila. Tara sa kwarto nila."
Tumayo na ako at hinayaan siyang sumunod sa akin. Kumatok muna ako sa kwarto ni Primo bago ito binuksan. Naabutan ko silang apat na lalaki na nagbubulungan. Biglang napatayo si Quade nang makita kami.
"Bakit wala kayo sa kwarto niyo?" tanong ko kila Quade.
"Gusto namin matulog ng magkakatabi," mabilis na sagot ni Trace pero alam kong nagsisinungaling ito. Alam ko na pinag-uusapan nila yung nakita ni Quade kanina.
"May number ba kayo ni Neil?" tanong ni Apple sa kanila.
"Meron ako. Bakit?" sagot ni Primo.
"Pwede mo ba siya tawagan? Kailangan ko siya makausap," tugon ni Apple.
"Saglit lang," sambit ni Primo. Nagpindot siya cellphone niya at saka ito tinapat sa tenga niya.
"Hello. Si Primo ito, gusto ka daw makausap ni Apple... Nandito siya sa bahay. Bibigay ko na sa kanya," aniya bago iabot ang cellphone kay Apple.
"Nasunog ba ang bahay?" tanong agad ni Apple.
"Napanigipan ko. May pumasok na magnanakaw sa bahay para magtago sa mga pulis. Sorry kasalanan ko," malungkot na sabi ni Apple. Kahit hindi ko naririnig yung sinasabi ng kausap niya may idea na ako sa sinasabi nito.
"Ospital?! Nasaktan ba kayo? Ano lagay niyo? Si Mama Sunny kamusta?" natarantang sabi ni Apple.
"Sorry talaga. Kundi ko pinaralyze ang katawan mo nagawa mo sana pigilan ang mga magnanakaw," maluha-luhang sabi ni Apple.
"Teka! Pupuntahan ko kayo. Saang ospital kayo? Sige. Bye."
"Ano nangyari?" tanong ni Primo pagkatapos makipag-usap ni Apple.
"Nasunugan sila Neil. Nasa ospital sila ngayon. Nasaksak daw ang mama niya," sagot ni Apple.
"Alam ko na sobrang naabala ko na kayo. Pero pwede mo ba ako samahan sa ospital?" tanong niya sa akin sabay hawak sa kamay ko.
"Please Zander," nagmaakaawang sabi niya habang nakatingin sa mga mata ko.
"Okay. Alis lang kami. Walang lalabas ng bahay habang wala kami. Matulog na kayo," bilin ko kila Primo bago hilain palabas si Apple.
"Pasensya na. Masyado ko na kayo naabala. Hindi ka na nakapagpahinga dahil sa akin," paumanhin ni Apple.
"Hindi ito libre. May kapalit itong ginagawa ko. Handa ka ba ibigay yun?" tanong ko.
"Kapalit? Ano naman yun? Wag pera ah. Wala akong maibabayad sayo."
"Ikaw."
"Anong ako?"
"Sa bahay ka na lang tumira. Gusto ka nila Hexa makasama."
"Ah! Okay," sagot niya sabay ngiti.
"Hindi ka man lang tatanggi?" gulat na tanong ko.
"Ang totoo niyan balak ko makiusap kila Cali na sila Neil na lang ang patirahin nila doon. Gusto ko makatulong kahit papaano. Malaki ang utang na loob ko sa kanila."
"Kung ikaw makikiusap sa kanila sigurado papayag sila agad."
"Sana nga. Salamat. Gumaan ang pakiramdam ko pagkatapos kita makausap," aniya habang nakangiti. Ningitian ko na lang din siya kahit na gustong-gusto ko siya yakapin at sabihin sa kanya ang totoo.
Itutuloy...
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top