CHAPTER 13
CHAPTER 13
Apple's POV
Nang lumuwag ang pagkakahawak sa akin ni Neil, tumigil na ako sa paghalik at tinulak siya.
"Isang oras kang hindi makakagalaw," sabi ko sa kanya pagkaparalyze ko ng katawan niya.
Kumuha ako ng damit at muling bumalik sa banyo. Pagkabalik ko sa kwarto kinuha ko ang mga gamit ko at iilang damit na meron ako.
"Saan ka pupunta?" tanong ni Neil.
"Hindi muna ako dito matutulog ngayon gabi. Maghahanap ako ng ibang natutulugan. Hindi natin alam kung kailan ka ulit macocontrol ni Chase," tugon ko sa kanya.
"Sorry."
"Wala ka kasalanan. Tatanggapin ko na lang siguro yung offer nila Cali sa akin kanina. Alis na ako."
Pagkalabas ko ng kwarto dahan-dahan ako naglakad. Mabuti na lang tulog na si Mama Sunny nang lumabas ako. Hindi ko alam kung ano sasabihin ko sa kanya kapag nagtanong siya. Bahala na si Neil magdahilan bukas.
"Saan ako pupunta ngayon?" tanong ko sa aking sarili habang naglalakad sa madilim na kalsada. Napabuntong hininga ako. Wala ako maisip na pupuntahan. Alanganin na nag oras. Masyado malayo ang bahay nila Cali kung doon. Umupo muna ako at tumingin sa buwan. Halos matakpan iti ng ulap. Wala din ako makitang mga bituin dahil sa ulap.
"Sana makaalala na ako. Sana makita ko na ang totoong pamilya ko," hiling ko habang nakatingin sa langit. May pumatak na ulan sa mukha ko. Napatayo ako agad at naghanap ng masisilungan bago ito lumakas. Ngunit hindi ako agad nakakita kaya nabasa na ako.
"Achooo! Bakit ngayon pa umulan? Ang malas ko talaga," inis na sabi ko sabay upo habang yakap ang bag ko. Sinubsob ko ang mukha ko sa tuhod ko dahil hindi ko na alam gagawin ko.
"Haist! Hindi ka pa ba titigil ulan?!" inis na sabi ko sabay tayo. Naiinip na ako sa kakahintay. Nalalamig na din ako.
May naramdaman ako na nakatingin sa akin. Pagtingin ko sa kabilang kalsada, may lalaking nakatayo at seryosong nakatingin sa akin. Nakasilong din ako sa katapat na bahay ng sinisilungan ko.
"Hinding-hindi kita makakalimutan," sambit ko nang may isang imahe akong nakita sa aking isipan. Nakahiga ako sa sahig habang hawak ang duguan kong dibdib. Nakatingin ako sa likod ng isang lalaki at sinabi na hindi ko siya makakalimutan bago pumikit.
Nag-umpisang sumakit ang puso ko. Parang may tumutusok dito. Hindi ako nakahiga. Pakiramdam ko pinipiga din ito.
"Ano nangyayari sa akin? Aaahhh!" sambit ko. Napaluhod ako dahil sa sobrang sakit. Napatingin ako sa lalaki. Bumungad sa akin ang nag-aalalang mukha niya. Tatawid na sana ito subalit may dumaan na sasakyan. May humintong sasakyan sa harap ko.
"Apple, ano ginagawa mo dito? Ayos ka lang?" tanong ni Sir. Kenji pagkababa niya ng sasakyan.
"Hindi ako makahinga. Tulungan niyo ko Sir," sagot ko habang hawak pa rin ang dibdib ko. Kumapit ako sa kanya gamit ang isa kong kamay habang ang isa nasa bandang dibidib ko.
"Tara sa ospital," aniya saka ako tinulungan makatayo para maisakay sa sasakyan.
Mula sa may bintana ng sasakyan sinilip ko ang lalaki kanina pero wala ito. Nag-umpisa na ako pawisan.
"Dr. Knight, emergency. Abangan niyo po kami sa labas," sabi ni Kenji sa kausap niya sa cellphone habang nagmamaneho.
Pakadating namin sa ospital nasa labas na ang doctor at ang mga nurse.
"Ano nangyari?" tanong ng doctor kay Kenji.
"Sumasakit daw puso niya," sagot niya sabay bukas ng pinto.
Pagkababa ko lalong sumakit ang puso ko. Napaluhod ako dahil doon.
"Aaahhhh!" sigaw ko dahil sa sobrang sakit. May narinig akong nabasag na salamin. Nang tignan ko ang kamay ko na nakahawak sa daan nagyeyelo na ito. Nararamdaman kong din malakas na pwersang pumapalibot sa akin.
"Wag kayo lalapit! Aahhhh!" sigaw ko.
"Ano nangyayari sayo?" nag-aalang tanong ni Sir Kenji. Napaatras din ito nang biglang may tumalsik sa kanya na bato.
"H-hindi ko alam. Hindi ko makontrol ang kapangyarihan ko," sagot ko sa kanya habang hinihingal.
"Kumuha kayo ng tranquilizer," utos ng doctor.
"Hindi na kailangan. Meron na ako," sabi ni Zander sa mga nurse na papasok na sana sa loob. Naglakad siya palapit sa akin.
"Wag ka lalapit," sambit ko habang nakatingin sa kanya. Natatakot ako na baka masaktan ko siya. Tuloy pa rin siya sa paglapit. Konti na lang matatamaan na siya ng malakas na pwersang nakapalibot sa akin.
"Please wag!" napapikit ako dahil sa takot. May naramdaman akong yumakap sa akin.
"Ayos na ang lahat. Nandito na ako, Xia..." bulong niya sa akin pagkatapos akong tusukan ng tranquilizer.
*****
Third Person's POV
Binuhat ni Zander si Apple at saka hiniga sa stretcher. Agad siyang pinasok sa loob para masuri.
"Ayos ka lang ba?" tanong ni Kenji kay Zander habang nakatingin sa sugat nito na nakuha kay Apple.
"Gagaling din ito," tugon ni Zander bago sumunod sa doctor.
"Normal naman ang tibok ng puso niya. Nakakapagtaka lang na noong huling tingin ko sa kanya nagyeyelo pa ang puso niya. Ngayon wala na ito. Dahil siguro sa pagkawala ng yelo kaya sumakit ang puso niya," sabi ni Dr. Knight pagkatapos masuri si Apple.
"Babalik na kaya aalala niya pagkagising niya?" tanong ni Kenji.
"Malalaman natin yun pagkagising niya. Unang kita ko pa lang sa kanya, alam ko na siya ang anak ko. Nakakalungkot lang na kahit na nakabalik na siya hindi pa rin natin siya makausap tulad dati," tugon ng doctor.
"Hindi ko maintindihan. Bakit kailangan pa natin magpanggap na hindi natin siya kilala? Pwede naman natin sa kanya sabihin ang totoo," reklamo ni Zander.
"Idea yan ng Dad mo. Mas mabuti pa kung siya ang tanungin mo. Hindi ko rin maintindihan kung ano iniisip niya," tugon ni Dr. Knight.
"Sabi niya sa akin may malalim na dahilan kung bakit nawalan ng alaala si Xia. Kapag daw sinabi natin sa kanya ang tungkol sa atin, baka daw makasama lang iyon. Mas mabuti pa daw na si Xia mismo ang makaalam ng totoo. Kahit sinabi niya yun sa akin hindi ko pa rin maintindihan," sambit ni Kenji.
"Mahirap talaga basahin ang matandang yun. Kahit ako hindi ko siya maintindihan," komento ni Zander.
"Maiwan ko na kayo," paalam ni doctor Knight sa dalawa.
"Alis na din ako. Ikaw na bahala magbantay sa kanya," paalam din ni Kenji sabay abot ng gamit ni Apple.
"Bakit ang bigat ng bag niya? Ano ba laman nito?" pansin ni Zander sa bag ni Apple. Binuksan niya ito at tinignan isa-isa ang laman.
"Damit? Naglayas ba siya?" komento niya. Isinampay niya sa may upuan ang damit upang matuyo ito. Hinayaan niya din sa labas ang mga gamit niya dahil nabasa din ito ng ulan
Tinignan niya muli si Apple. Nang mapansin niya ang kamay nito naisipan niyang kunin ang singsing nito na lagi niyang dala. Sinuot niya ito kay Apple saka hinalikan ang kamay.
"Hihintayin kita Mahal," aniya saka ninakawan ng halik sa labi si Apple.
Nasalubong bigla ang kilay niya nang makita niya bigla ang alala ni Apple bago ito umalis ng bahay nila Neil. Hindi siya makapaniwala na makikita niya ang asawa niya na nakikipaghalikan sa iba. Galit itong lumabas ng kwarto ni Apple.
"Daddy, hindi pa ba tayo uuwi?" tanong ni Quade pagkabalik ng kanyang ama sa kanilang kwarto.
"Mamaya na. May hinihintay pa ako," tugon ni Zander sabay upo.
"Sino?" tanong ni Primo.
"Mommy niyo," wala sa sariling sagot nito.
'Hindi ako makakapayag na bumalik pa siya sa bahay ng lalaking yun,' sa isip ni Zander. Balak niya isama si Apple sa pag-uwi nila.
Nagtinginan ang magkakapatid. Pareho silang nagtataka sa sagot ni Zander.
"Sinong mommy?" tanong ni Seven.
"Sino pa ba? Isa lang naman mommy ni-- Hindi ko pa pala nasasabi inyo. Si Apple ang mommy niyo," tugon ni Zander.
"Siya talaga si mommy?" sabay na sabi nila.
"Oo. Pero nawalan siya ng alalala. Kaya wag niyo sasabihin sa kanya na siya ang mommy niyo."
"Kaya pala kamukha niya si mommy," sambit ni Primo.
"Parehas din sila ng kapangyarihan ni mommy," sabi naman ni Hexa.
"Diba nakatira siya sa bahay ni Neil? Bakit natin siya hihintayin?" tanong ni Twain.
"Nandito siya ngayon sa ospital. Hihintayin natin siya gumising para masama natin siya pag-uwi. Hindi ko makapayag na tumira siya sa bahay ng ibang lalaki," sagot ni Zander.
'Hindi ako talaga makapaniwala na magagawa ni Xia yun,' sa isip ni Zander. Hindi pa rin niya matanggap ang nakita niya.
"Ano nagawa ni Mommy?" tanong ni Quinn pagkatapos mabasa ang isip ng kanilang ama.
"Nagseselos si Daddy kay Neil," natatawang sabi ni Seven.
"Baka may nagawa si Mommy na pinagselosan ni Daddy," sabi naman ni Twain.
"Eh? Ano pinag-uusapan niyo?" nagtatakang tanong ni Trace dahil sa kanilang pito. Siya lamang ang hindi nakababasa ng isip kung nila ito ipaparinig sa kanya.
"Nabasa namin nasa isip ni Daddy," masayang sabi ni Quade. Unang beses iyon na nagawa nila.
"Talaga? Ano na iniisip niya?" tanong naman ni Trace.
"Ehem," pagpaparinig ni Zander. Natahimik ang pito at sabay na napatingin sa kanya.
"Kailangan niyo pa magpraktis. Hindi niyo pa rin nabasa ng buo ang nasa isip ko," sambit nito.
"Opo," sabay na sagot nila Primo.
"Buti na lang hindi ako katulad niyo," sabi naman ni Trace.
"Daddy, nababasa mo po ba isip ni Apple? I mean ni Mommy?" tanong ni Seven. Tumango si Zander bilang tugon.
"Hindi niyo rin mababasa isip niya kung nahihirapan kayong basahin ang nasa isip ko," paliwanag ni Zander.
"Pagpraktisan natin si Mommy," nakangiting sabi ni Quade.
"Balikan ko na lang kayo kapag aalis na tayo. Wag niyo kakalimutan na tawaging Apple ang mommy niyo kapag kaharap niyo siya. Hindi pa niya alam ang totoo," paalala ni Zander bago ito bumalik sa kwarto ni Apple.
"Kamusta pakiramdam mo?" tanong ni Zander nang makita si Apple na nakaupo.
"Ayos naman. Salamat nga pala. Nasaan si Sir Kenji?"
"Umuwi na."
"Ikaw ba naglabas ng gamit ko?"
"Oo. Pinapatuyo ko."
"Salamat."
"Bakit nasa kalsada ka ng ganitong oras?" tanong ni Zander.
"Naghahanap ako ng matutulugan. Biglang umulan kaya sumilong muna ako."
"Pwede ka sa bahay. Pauwi na kami nila Primo. Sumama ka na sa amin."
"Salamat. Kailangan ko talaga ng malilipatan. Kila Cali dapat ako pero nakakahiyang tumawag ng gabi sa kanila. Wag ka mmag-alala. Bukas lilipat ako agad sa kanila. Pasensya na sa abala."
Sa sobrang saya ni Apple hindi na niya napansin na sobrang lapit niya kay Zander habang nakahawak siya sa kamay nito. Napagtanto na lamang niya ito nang mapatitig siya sa mukha ng lalaki.
"Sorry," aniya sabay bitaw habang namumula.
'Ang gwapo pala niya sa malapitan,' sa isip ni Apple.
Palihimim na ngumiti si Zander nang mabasa niya ang nasa isip ni Apple.
Itutuloy...
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top