CHAPTER 1
Hexa's POV
"Hexa, bilisan mo na diyan. Mahuhuli na tayo sa klase," sigaw ni Primo.
"Nandyan na," pabalik na sigaw ko pagkatapos ko maglipstick. Kinuha ko ang bag ko at patakbong bumaba.
"Daddy, alis na kami," sabay na paalam namin kay Dad.
Binaba nito ang diyaryo saka inayos ang suot nitong salamin. Wala naman grado yung salamin niya pero trip niya magsuot nun. Sabi sa amin ni Tito Claude, kaya daw siya nagsasalamin para daw magmukha siyang tatay sa amin. Pero para sa akin wala pa rin naman pinagbago. Mukha lang siyang kapatid namin. Hindi na kasi nagbabago itsura niya simula nung nagong Artificial Vampire siya.
"Siguraduhin niyo lang na sa school ang punta niyo. Baka mamaya tawagan nanaman ako ng teacher niyo," paala niya sa amin. Magcutting kasi kami kahapon at ayun sinumbong kami ng teacher naming panot. Dahil sa kanya nabawasan allowance naming.
"Opo," tugon namin. Sumakay na kami sa sasakyan kung saan si Kuya Primo ang driver. Salitan silang apat na lalaki sa pagmamaneho.
"Papasok nanaman tayo. Nakakatamad," pagpaparinig ni Kuya Quade.
"Sayo pa talaga galing yan no? Natutulog ka lang naman sa klase," sabi sa kanya ni Trace. Lagi kasi yan natutulog kaya laging napapagalitan. Mabuti na lang nakakabasa siya ng isip namin kundi wala siya masasagot sa mga tanong ng teacher namin.
"Ang boring naman kasi. Mas gusto ko magsolve ng mga case tulad ng ginagawa ni Daddy," reklamo niya.
"Tama na yang kakareklamo mo. Papasok tayo. Kahit anong mangyari papasok tayo," tugon ni Kuya Primo.
Pagdating namin sa Moonlight High, pinagtitinginan kami. Napairap na lang ako dahil ayoko sa lahat yung pinagtitinginan ako.
"Sarap hugutin ng mga mata nila," bulong ni Seven.
"Mas masarap inumin yung dugo nila," sabi naman ni Quinn.
"Tigilan niyo yan. Baka may makarinig sa inyo," saway sa kanila ni Kuya Twain. Pagkapasok namin sa classroom, nagkanya-kanyang upo na kami.
"Good Morning Cali," bati ni Kuya Primo sa pinsan namin.
"Good Morning kuya. Hindi kayo cutting ngayon?" tanong niya.
"Hindi muna. Nalaman ni Daddy yung kahapon eh."
"May assignment nga pala tayo. Gumawa na kayo habang maaga pa," aniya sabay abot ng math notebook niya.
"Salamat Cali. Maasahan ka talaga," sabi ko bago kinuha yung notebook.
"Wala pa akong sagot. Kayo na bahala," aniya kaya nagtulong-tulong kaming pito na sagutin yung mga assignment namin. Kasama na yung kay Cali. Siya lang taga kopya ng assignment. Kami naman taga sagot. Masipag lang kasi siya pumasok pero tamad mag-aral.
"Mali ang sagot mo," napaangat ako ng ulo nang may magsalita sa harapan ko.
"Bakit mali?" tanong ko kay Neil.
"PEMDAS," aniya sabay upo sa upuan niya sa tabi ko. Tinignan ko yung sagot at oo nga. Nag-plus muna ako bago ako nagmultiplication. Nakalimutan ko yung PEMDAS.
Tinignan ko si Neil na kasalukuyang nagbabasa ng notes. Sa totoo lang hindi kami close kaya nagulat ako na bigla niya ako kinausap. Inaayos niya ang suot niyang salamin sabay baba ng kanyang notebook at lingon sa akin. Agad ko binalik ang tingin ko sa notebook saka tinama yung gawa ko. Sinulatan ko natin ng sagot yung assignment ni Cali.
"Ito sagot sa number 5," sabi ni Ate Quinn sa akin. Siya kasi sumagot sa number 5. Binigay ko na din sa kanya yung sagot ko. Tapos na din sila Kuya kaya pinasa na nila yung sagot nila sa amin.
Binilisan ko na ang sulat ko dahil alam kong parating na yung guro namin.
"Cali," tawag ko sa pinsan ko sabay abot ng notebook niya. Tapos ko na kasi sulatan. Pagkakuha niya saktong bumukas ang pinto at pumasok guro namin.
Umpisa nanaman ang nakakaantok na klase.
**********
Third Person's POV
"Nasaan ako?" tanong ng isang babae nang makaahon ito sa dagat. Magdamag itong lumangoy pagkatapos niya makawala sa sako na nakatakip sa kanya.
Nag-umpisa ito maglakad hanggang sa mapadpad siya sa mataong lugar. Napatingin ang babae sa pulang-pulang mansanas na. Kukuha sana siya ng isa ngunit naunahan siya ng ginang.
"Pabili pong apple," sambit ng ginang. Kumuha ito ng tatlo saka nagbayad ng 15 pesos. Titig ang babae sa mansanas habang binabalot ito ng tindera. Gusto niya kumuha subalit alam niyang hindi pwede dahil wala siyang pambayad.
Napansin ng tindera ang pagtitig nito sa paninda niya.
"Gusto mong apple?" tanong nito. Tumango ang babae bilang tugon.
"Pwede ba ako makahingi ng isa?" tanong nito.
Kumuha ng isa ang tindera at binigay sa babae. Nagliwanag ang mukha ng babae at agad na kinain ang mansanas. Natulala na lamang ang tindera dahil sa mabilis na pagkain nito akala mo isang lingong hindi kumakain.
"Saan ka ba nakatira miss?" tanong ng tindera.
"Hindi ko alam," sagot nito.
"Hindi mo alam? Nawawala ka ba? Ano ba pangalan mo?"
"Pangalan? Hindi ko din alam."
Napatingin ang tindera sa suot nito na t-shirt na malaki.
"Saan ka ba galing? Bakit wala ka maalala?" tanong nito.
"Sa dagat," tugon nito. Hindi maiwasang maawa ng tindera. Unang pumasok sa isip nito na baka wala ito sa tamang katinuan.
"Naku! Baka pinahahanap ka na sa inyo. Sa itsura mo mukhang 18 ka pa lang. Tamang-tama hapon na. Tabi ko lang itong paninda ko tapos punta tayo sa pulis," sambit nito na agad-agad naglipit ng paninda. Tinunulungan naman siya ng babae.
"Salamat. Ito apple, mukhang nabitin ka pa sa isa kanina," nakangiting sabi ng tindera pagkatapos nila magligpit.
"Salamat," tugon ng babae. Dahil sa kinikilos ng babae naisip ng tindera na baka may amnesia ito dahil maayos naman ito kumilos at mukhang nasa tamang katinuan.
Nakasunod lamang sa kanya ang babae. Napansin ng tindera ang pagtingin ng mga nadadaanan nilang lalaki sa kasama niya. Kaya naisipan niyang umuwi muna upang pahiramin ng maayos na damit.
"Diyan ka muna. Hahanapan lang kita ng damit," sabi nito nang makarating sila sa bahay niya. Pumasok ito ng kwarto at hinanap ang tinagong uniform noong nag-aaral pa siya.
"Nakita ko na! Sigurado kasya ito sa kanya," sambit nito nang makita ang uniform.
"Magbihis ka na muna. Ayos lang ba sayo na tawagin kitang apple? Mukhang mahilig ka kasi sa apple kaya ayun na lang itatawag ko sayo," sabi nito habang inaabot ang uniform at underwear.
Tumango ang babae bilang tugon.
"Nandoon ang banyo. Baka gusto mo maligo," turo ng tindera sa banyo nila.
"Pwede ba matanong kung ano pangalan mo?" tanong ng babae bago ito pumasok sa banyo.
"Hindi pa pala ako nagpapakilala sayo. Ako nga pala si Mama Sunny," tugon nito.
"Mama Sunny, salamat po dito."
Natuwa ang tindera dahil sa inasal nito.
"Walang anuman iha. Sige na. Magbihis ka na."
Habang hinihintay ng tindera si Apple, naghanda muna ito na makakain para dito. Napalingon ito sa banyo nang marinig niya ang pagbukas nito.
"Buti naman sumakto sayo yung damit ko. Kumain ka muna dito bago tayo umalis. Naghanda ako ng tuyo at sinangag."
Mabilis na kumain si Apple sa sobrang pagmamadali, naging makalat ang lamesa. Hindi na rin nito nagawang magkutsara dahil sa gutom.
"Gusto mo pa ba?" tanong ni Sunny nang maubos nito ang pagkain. Tumango si Apple bilang tugon kaya muli niyang pinagsandok ng makakain. Naghiwa na din ito ng mansanas bilang desert.
*****
"Pasensya na Maam. Wala po kaming nakuhang report na may nawawalang dalaga," sabi ng pulis na nakausap nila.
"Ganun ba? Sige, salamat," tugon ni Sunny sabay tingin kay Apple.
"Wala ka bang natatandaan na kahit ano?" tanong niya kay Apple. Umiling ito bilang tugon.
"Iwan niyo na lang po siya dito Ma'am para kapag may naghanap makita siya agad," suhestiyon ng pulis. Biglang kumapit si Apple kay Sunny.
"Wag mo ko iwan," pakiusap nito dahil sa takot nito na maulit ang nangyari sa kanya. Alam niyang mas ligtas siya kay Sunny.
"Hindi na po. Sa amin na lang po muna siya. Tawagan niyo na lang po ako kung may maghanap sa kanya," tugon ni Sunny.
"Sige po. Palisulat na lang po dito ang numero niya."
Hindi nagtagal umuwi na din si Sunny.
"Doon ka na muna sa kwarto ng anak ko. Pauwi na siguro yun. Pasensya na maliit lang bahay namin. Hindi tayo kasya sa sala. Wag ka mag-alala mabait naman yun. Medyo may pagkasuplado nga lang. Kapag may ginawa siya sayo, sumigaw ka lang pupuntahan kita agad," sabi nito sabay turo sa nag-iisang kwarto ng bahay nila. Naglalatag lamang ito ng matutulugan niya sa sala kaya naman wala siyang choice kundi patulugin si Apple sa kwarto ng anak niya.
"Mukhang pagod ka na. Namumutla ka. Matulog ka na muna habang nag-aayos ako dito," pansin nito kay Apple. Sinamahan niya ito papasok sa kwarto saka pinahiga sa kama.
"Magpahinga ka muna diyan. Tatawagin na lang kita kapag kakain na," aniya bago lumabas.
Mabilis na nakatulog si Apple dahil sa pagod. Ilang araw na din siya kulang sa tulog dahil sa mga nangyari sa kanya.
"Nandito na ako Ma," sambit ni Neil pagkapasok nito sa bahay. Agad ito dumiretso sa kwarto niya upang magbihis.
Dahil sa abala si Sunny sa pagluluto, nakalimutan nitong sabihin ang tungkol kay Apple.
Hindi agad napansin ni Neil si Apple dahil nasanay itong mag-isa lang siya sa kwarto. Nakapagtanggal na siya ng damit nang magsalita si Apple.
"Sino ka? Ikaw na ba yung anak ni Mama Sunny?" tanong ni Apple habang kinukusot nito ang mata niya.
"Waaahhh! Sino ka? Ano ginagawa mo sa kwarto ko? Maaaaa!" sigaw ni Neil dahil sa gulat. Tumakbo ito palabas ng kwarto niya upang kausapin ang kanyang ina.
"Bakit anak?" tanong ni Sunny na nagulat sa pagsigaw ng kanyang anak.
"Bakit may babae sa kwarto ko? Sino siya?"
"Si Apple yun anak. Dito muna siya sa atin titira habang hinahanap pa namin yung pamilya niya. Nakilala ko siya sa bayan kanina. Wala siya maalala na kahit ano kaya kinupkop muna siya."
"Bakit dito? Pwede mo naman siya iwanan sa mga pulis."
Naalala bigla ni Sunny ang takot na itsura ni Apple habang nakikiusap sa kanya na wag iwanan.
"Basta anak dito muna siya titira. Sa higaan mo siya patulugin. Maglatag ka na lang sa sahig mamaya. Maliwanag? Wag mo siya gagawan ng masama. Isipin mo na kapatid mo siya. Mukha naman kayong magkasing edad lang. Naiitindihan mo ba ako?"
Napabuntong hininga na lamang si Neil sabay sagot na 'Oo' sa kanyang ina.
Itutuloy...
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top