Honey 021
Mabilis kong ininom ang pills na nakatago sa likod ng salamin sa banyo ng kwarto ko, nang marinig kong tawagin ni Kookie ang pangalan ko ay mabilis kong tinago ulit iyon.
Sa sobrang gulat ko ng makita ko si Kookie sa harapan ko ay nakalimutan kong isarado yung salamin. Napatingin siya doon pero sinarado ko rin agad iyon para hindi niya mabasa kung anong nakasulat doon.
"Ano yun?" Tanong niya sa akin.
"W-Wala, sumasakit lang yung ulo ko." Pagsisinungaling ko bago ko siya nilagpasan at lumabas ako ng banyo.
"Bakit parang wala ka yata sa mood?" Naramdaman kong niyakap niya ako mula sa likuran bago niya binaon ang mukha niya sa leeg ko.
"Pagod lang ako, masakit rin yung ulo ko."
"Hmm?" Naramdaman kong bumaba yung kamay niya kaya naman napapikit ako ng mariin bago ko inalis yung kamay niya sa baywang ko.
"Tigilan mo ko Kookie ha, kakagawa lang natin niyan kagabi, pagod ako." Mariin na sabi ko sa kanya bago ko umalis sa kwarto ko at dumiretso ako sa kusina.
"Kagabi?" Naguguluhang tanong niya sa akin.
Iritado ko siyang tiningnan pero nakita kong naguguluhan siya kaya naman napabuntong hininga nalang ako para ikalma yung sarili ko. Nadidepressed na ako, aminado ako. Hindi ko na alam gagawin ko sa buhay ko, natatakot ako sa araw-araw na paggising ko.
Ako na nagsabi sa sarili ko na dapat sulitin ko yung mga araw ko kasama siya pero hindi, natatakot ako. Natatakot lang ako.
Natigilan kaming dalawa sa pagtititigan namin ng biglang tumunog yung cellphone ko, mabilis kong pinuntahan iyon para tingnan kung sino yung tumatawag.
"Hello, Jimin?" Bahagya akong lumayo kay Kookie pero bago ko pa tuluyang marinig yung sasabihin ni Jimin ay mabilis nyang inagaw sa akin yung cellphone ko.
"Sino to?" Tanong nya sa akin sa galit na tono.
"Si Jimin! Akin na nga yan!" Sigaw ko sa kanya bago ko pa makuha yung cellphone ko ay binalibag na nya iyon.
Kitang kita ko kung papaano mabasag ang screen ng cellphone ko. Napahawak ako sa bibig, lalapitan ko na sana sya para itulak pero nakita kong napakundap siya ng ilang beses bago sya napatingin sa buong paligid bago walang malay na naglakad papalayo sa akin.
Napasabunot ako sa buhok ko sa sobrang iritasyon ko, nakalimutan nya agad. Nakalimutan nya agad na nagtatalo kaming dalawa.
Bumagsak nalang yung luha ko bago ko mabilis na pinunasan iyon dahil sa takot na baka makita nya akong umiiyak at magtaka sya kung bakit ako umiiyak.
Naglakad ako papunta sa kwarto ko at nakita ko syang naglilibot doon na para bang may hinahanap, nang makita nya ako ay agad na lumawak yung ngiti nya.
Pero nawala yung ngiti nya ng titigan nya ako.
"Kanina pa kita hinahanap." Nakangusong sabi nya, para bang maiiyak na sya kaya naman mabilis akong lumapit sa kanya para yakapin sya.
Parang kanina lang nagtatalo kami.
"Nasan nga pala yung laptop mo?" Tanong ko sa kanya.
"L-Laptop?" Nagtatakang tanong nya.
"Laptop, as in laptop. Kakagamit mo lang nun kagabi, ichachat ko lang si Jimin." Sabi ko sa kanya.
"S-Sino si Jimin?"
Parang bumagsak yung puso ko sa tanong nya.
"Si Jimin, kapatid mo." Hinawakan ko siya sa braso nya para tingnan sya ng diretso sa mata nya para malaman ko kung nagsisinungaling ba sya o hindi.
Minsan kasi ay binibiro nya ako na nakakalimutan nya ako o yung ibang bagay pero ngayon mukhang seryoso sya.
"Si Jimin, kilala mo si Jimin. Pangatlo sa huli sa inyong magkakapatid." Mariin na sabi ko pero umiiling sya sa akin kaya naman naramdaman kong nangingilid na yung luha sa mata ko.
"Si Jin! Kilala mo ba si Jin!? Panganay sa inyo!" Halos pasigaw na yung tanong ko sa kanya.
Nang unti-unti syang umiling sa akin ay naramdaman kong bumagsak na yung luha, hindi pwede.
Sabi nya tatandaan nya, tatandaan nya hanggang makabalik sya. Mabilis kong pinunasan yung luha sa mata ko.
Kaylangan nyang maalala. Ipapaalala ko sa kanya.
"Si Jin, Kim Seokjin. Panganay na kapatid mo." Pinipilit kong ipaalala sa kanya pero umiiling lang sya sa akin habang bumabagsak na rin yung luha sa mata nya.
"Si Min Yoongi, si Kuya Suga mo, tandaan mo please Kookie." Mariin na sabi ko sa kanya pero umiiyak nalang rin sya kasi hindi na nya talaga matandaan.
"Si Jung Hoseok, Si Kuya Hobi yun, Kim Namjoon, si Kuya Rm. P-Park Jimin, si Jimin, lagi mo yung binubully di ba." Napahawak na ako sa bibig ko dahil panay ang hikbi ko na at hindi ko na masabi ng diretso.
"K-Kim Taehyung... si Taehyung." Napahawak na ako sa braso nyo dahil nanghihina na talaga ako, pero pareho lang kaming umiiyak.
Kasi hindi na nya matandaan yung mga kapatid nya.
"A-Ako? Kilala mo pa ba ko?" Nanginginig na tanong ko.
"H-Ha..." Nakita kong nahihirapan sya pero ng lumunok sya at hinawakan nya ako sa braso ko ay alam kong sinusubukan nya.
"H-H-Hon... N-Ney. H-Honey. Honey." Nakita kong unti-unti niyang pinapakalma yung sarili nya habang nakapikit siya.
Tumango ako, natatandaan pa nya ko.
Nang dumilat sya ay nagmamadali syang pumasok sa loob ng banyo ng kwarto nya kaya naman sinundan ko sya doon, nakita kong may hinahanap siya sa lahat ng papel na nakadikit sa pader.
Naguluhan ako dahil sobrang daming nakadikit doon at ang iba naman ay nakasulat sa mismong tiles gamit ang pentel pen. Tiningnan ko yung mga nakasulat at napahawak ako sa bibig ko habang pinipigilan kong humagulgol.
Ang mas lalong kinakaiyak ko ay yung paulit-ulit na nakasulat yung 'gusto ko pang mabuhay' at yung mga tanong nya na 'papaano na si honey pagnawala ako?' 'anong mangyayari sa akin kapag namatay na ako?' 'anong pakiramdam ng nakakalimutan?'
Ang ibang mga nakasulat ay mga paalala nya sa sarili nya, ang iba naman ay mga meaning ng mga salita.
Hindi ko na napigilan yung paghikbi ko ng mabasa ko na paulit ulit na nakasulat yung pangalan ko at kung sino ako, pati na rin yung pangalan ng mga kapatid nya, yung pangalan ng pamilya nya.
Napatingin ako sa kanya at nakita kong may hawak-hawak na syang papel at nanginginig yung kamay nya habang nakatitig sya doon.
"K-Kookie, ayos ka lang ba?" Tanong ko sa kanya.
"May babasahin ako, makinig kang mabuti Honey." Aniya bago sya lumunokX
"H-Honey, h-hindi ko alam kung nakalimutan na ba kita ngayon o h-hindi pa..." Nanginginig yung kamay at boses nya habang binabasa nya yung nakasulat sa papel.
"P-Pero k-kapag nakalimutan k-ko na... y-yung sarili k-ko, pakiusap H-Honey, h-hayaan mo na ako."
"W-What?!" Naguguluhang tanong ko.
"T-Tama na y-yung i-inaalala m-mo ako, k-kahit hindi k-ko na m-maalala yung s-sarili ko..."
Umiling ako ng umiling dahil hindi na ako makapagsalita.
"P-Pakiusap, k-kapag wala na ako, m-magmahal k-ka ulit—"
Natigilan sya sa pagbabasa, bumagsak ng bumagsak yung luha sa mata nya habang nakatitig lang sya sa papel.
"H-Hindi k-ko mabasa..." Napahawak sa bibig nya. "Hindi ko na alam k-kung paano basahin."
Hinawakan ko sya para maalalayan sya ng makita kong nanghihina na sya.
"Kookie tumingin ka sa akin! Tumingin sa akin!" Sigaw ko habang pinipilit ko syang tumingin sa mata ko at nang magtama na ang paningin namin ay nakaramdam ako ng konting ginhawa pero may bigat pa rin sa dibdib ko.
"Kookie, makinig ka sa akin. Ako ng magbabasa kapag hindi mo na mabasa." Sabi ko sa kanya kahit nanlalabo na yung mata ko.
"Ako ng gagawa ng mga bagay na hindi mo na magawa."
"Ako ng magpapaalala sayo kapag hindi mo na maalala."
"Ako ng magsasabi sayo kapag hindi mo na masabi..."
"Kaya please, hayaan mong mabuhay ka pa, kahit makalimutan mo ako ayos lang, kahit hindi mo na alam kung mahal mo ako hayaan mong mahalin pa rin kita, kapag hindi mo na maalala yung sarili mo hayaan mong alalahin pa rin kita. Pakiusap Kookie." Pagmamakaawa ko sa kanya pero kahit alam kong magmakaawa ako ay pareho naman kaming walang magagawa.
Nang matabig ko ang lalagyanan ng shampoo ay napatingin kaming pareho doon, hanggang sa pagtingin ko sa kanya ay nakita kong wala na yung takot at lungkot aa mukha nya.
"K-Kookie?" Kinakabahang tawag ko sa kanya.
Nang magkatama ulit ang paningin namin ay naramdaman ko yung unti-unting pagkabasag ng puso ko lalo na ng magtanong pa sya ng...
"Sino ka?"
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top