Honey 015

"Honey?" Gulat na tanong ni Jin ng makita niya ako sa harap ng pinto ng dati naming bahay.

Nakita kong napatingin siya sa akin mula ulo hanggang paa bago niya ako mabilis na hinila papasok sa loob ng bahay.

"Anong nangyari?" Nag-aalalang tanong niya sa akin.

Hindi ako nagsalita at nanatili lang akong nakatahimik, pakiramdam ko ay konting salita ko lang ay bubuhos na agad yung luha ko, hindi kasi ako makatulog kaya naisip kong pumunta kay Jin.

Alam kong alam niya lahat ng yun, pero hindi ako galit sa kanya, o kahit kay Yoongi o sa pamilya ko, galit ako sa sarili ko.

Halatang bagong gising lang si Jin, sino ba naman kasi ang pupunta ng 2 am dito. Ako lang naman.

"Sabi ko na nga ba, may problema kayo ni Yoongi." Sabi niya ng inupo niya ako sa sofa, tiningnan niya yung mukha ko at alam kong magang-maga na yung mata ko.

Hindi ako nakapagsalita, gusto kong umiyak sa harap niya kaya iyon yung ginawa ko, hinayaan ko ng bumagsak yung luha sa mata ko at nakita kong mas lalong nag-alala yung expression ng mukha niya.

"Break na kayo?" Tanong niya, tumango ako sa kanya.

Hinila niya ako papalapit sa kanya pagkatapos ay niyakap niya ako ng mahigpit. Pareho kaming hindi nagsasalita dahil alam kong alam niya lahat.

"Gusto kong bisitahin yung baby ko, alam mo ba kung saan siya nakalibing?" Tanong ko sa kanya.

Nakita kong mabilis siyang napahiwalay sa akin at napatingin ng diretso sa mata ko, mukhang hindi nga niya alam lahat.

"Sinabi ni Yoongi sa'yo?" Hindi makapaniwalang tanong niya, tumango lang ulit ako.

Hindi ko alam kung anong tumatakbo sa isip ngayon ni Jin pero alam kong nagaalala siya sa akin ngayon.

"A-Alam ko kung saan, k-kaso hindi kita masasamahan, hindi ko pwedeng iwan si Kookie, I'm sorry." Malungkot na sabi niya.

"Pero kung gusto mo tawagan ko si Taehyung para samahan ka." Suggestion niya.

"No, kaya ko namang mag-isa." Tumango siya sa akin pero alam kong hindi siya sigurado sa sinabi ko.

"Don't worry, ayos lang talaga ako." Matamlay na sabi ko.

Yinakap nalang niya ulit ako at hindi na ulit kami nag-usap, ito lang naman yung kaylangan ko ngayon, kahit huwag na akong tanungin dahil kung tatanungin lang ako ay mas lalo lang akong maiiyak.

Dito ako pinatulog ni Jin dahil ayaw niya akong pauwiin pa, hindi pa masyadong ayos yung ibang kwarto pero malinis naman na, sa dating kwarto ako ni Mommy at Daddy natulog, katabi ko si Jin.

Ang sabi nya ay hindi pa naman daw masyadong malala yung sakit ni Kookie kaya pwede pa siyang iwan mag-isa sa kwarto sa ngayon, kasi baka dumating din daw sa punto na baka hindi na niya pwedeng iwan itong mag-isa sa kwarto.

Tulog na tulog na agad si Jin sa tabi ko habang ako ay hindi pa rin makatulog dahil sa dami ng tumatakbo sa isip ko, pero kaylangan kong matulog, kaya naman pinatay ko na yung ilaw sa gilid ko at inayos ko ang kumot ko bago ko pinikit ang mata ko.

Nagising ako ng makaramdam ako ng weird, pakiramdam ko ay may masamang kaluluwa sa paligid ko kaya naman mabilis akong dumilat, halos mapasigaw ako pero pinigilan ko agad ang bibig ko ng makita ko si Kookie na nakatingin ng masama sa akin habang nakasandal siya sa pader at nakacross arms.

Napatingin ako sa dambuhalang balikat na nakadagan sa akin na mahimbing pa rin ang tulong hanggang ngayon, parang bang iba ang nasa isip ni Kookie base palang sa tingin na binibigay niya.

"Sino ka ba talaga, nung nakaraan lang kasama mo si Kuya Suga, ngayon si Kuya Jin naman?" Iritadong tanong niya.

"Isipin mo kung anong gusto mong isipin." Mariin na sabi ko sa kanya bago ko hinawi si Jin para makatayo na ako. Nilagpasan ko siya si Kookie pero hinawakan niya ako sa braso ko kaya naman tiningnan ko siya agad.

"Sino ka ba talaga?" Tanong niya sa akin.

Napatingin ako sa pagkakahawak niya sa braso ko bago ko dahan-dahang inalis iyon.

"Honey, Honey pangalan ko." Tipid na sabi ko sa kanya bago ko hinanap yung jacket ko sa may sofa kagabi.

"Saan ka pupunta?" Mabilis na tanong niya sa akin.

"Uuwi." Tipid na sabi ko.

Aalis na sana ako ng biglang lumabas si Jin sa kwarto kaya naman napatingin ako sa kanya.

"Alam mo kung gaano ko kaayaw kapag hindi kita napapakain bago ka umalis." Malamig na sabi ni Jin sa akin kaya naman napairap ako sa kawalan bago ko binalik yung jacket ko sa sofa at naglakad ako papalapit sa kanya.

Wala naman akong choice, ang plano ko pa naman ay takasan siya pero dahil nahuli na niya ako ay wala akong choice kundi kumain dito.

Pareho kaming tahimik ni Kookie habang hinihintay naming matapos yung niluluto ni Jin, napatingin sa aming dalawa si Jin ng makita niyang hindi kami nag uusap.

Seriously, hindi ko magagawang makipag usap kay Kookie kahit alam kong wala na siyang natatandaan, dapat ay umarte ako na ayos lang kami pero hindi eh. Lalo na at alam ko kung ano yung nararamdaman ko sa kanya.

Pati sa pagkain ay tahimik kaming tatlo, ramdam ko na panay ang tingin sa akin ni Kookie pero hindi ko iyon pinapansin, alam kong hindi maganda yung tingin na binibigay niya sa akin kaya naman nanatili nalang akong nakafocus sa pagkain.

"Honey, sigurado ka bang hindi ka magpapasama kay Taehyung? Gusto mo iwan ko muna si Kookie kay Taehyung, samahan na kita." Suggestion ni Jin.

Napatingin ako kay Kookie na halos mabasag na yung pinggap sa lakas ng pagtama ng kutsara at tinidor niya doon habang kumakain siya.

Napabuntong hininga nalang ako bago ako napatingin kay Jin. "Sigurado ako Jin, ayos lang ako." Paninigurado ko sa kanya.

Hindi na ako nag-stay ng matagal doon dahil gustong gusto ko na talagang makita yung puntod ng anak ko, alam kong ipapagawa ni Mama iyon ng puntod kahit fetus palang ito nung namatay. Para sa akin kahit hindi pa siya buo sa tyan ko nung nawala siya ay pakiramdam ko nawalan ako ng buhay.

Kahit na alam kong haggard ako ngayon ay dumiretso na agad ako sa sementeryo na sinabi ni Jin, pero bumili muna ako ng bulaklak at kandila para dito, tinanong ko sa guard kung saan iyon nakapwesto at hinatid naman ako nito.

Dinala ako ng guard sa isang maliit na bahay dito sa sementeryo na mukhang pagmamay-ari ng pamilya nila Jin.

Kasi nakita ko dito ang pangalan ng Mommy ni Jin, Namjoon at Taehyung; yung unang asawa ng Daddy nilang pito. Pati na rin ang Lolo at Lola nila sa side ng tatay.

Nakita ko malapit dito na may hiwalay at maliit na libingan at may maliit rin na cross sa ibabaw nito, pakiramdam ko ay halos manikip ang dibdib ko habang tinitingnan ko iyon. Iniwan na ako ng guard dito mag-isa ng makita niya yung unti-unting pamumuo ng luha ko.

Napatingin ako sa mga bagay na nasa tabi nito, may mga maliit na medyas at mga gamit pangbaby na nakapaligid sa libingan nito. Halos manikip yung dibdib ko habang tinitingnan ko iyon lahat, halos mapuno na ang lugar na 'to ng mga gamit pangbaby.

Tiningnan ko kung kanina galing ang mga ito, may mga nakasulat kasi kung kanino iyon galit, nakita kong may ilang galing kay Jin, kay Taehyung, Kuya Jimin, Kuya Hobi at Kuya Namjoon pero karamihan dito ay puro galing kay Suga, may maliit na card pa ang mga nilalagay ni Suga kung saan sinasabi niya na ayos lang siya at ako.

Never ko pang nakitang ganto ka soft si Suga sa message, alam niyang hindi iyon mababasa ng anak namin, alam naming lahat iyon pero nagsusulat pa rin siya at iyon yung mas nakakapanikip ng dibdib ko kasi hindi man lang niya nalaman kung gaano siya kamahal ng Daddy niya.

Pero napansin ko sa mga lumang message at puro sorry ang nakasulat doon, napangiti ako. Ito yung dahilan kung bakit hindi ko magawang magalit kay Suga.

Siguro kung yung dating ako ay hindi matanggap yung sinabi ni Suga na ipalaglag yung bata ay naging emosyonal lang dahil kahit naman siguro sinong sabihan noon ay magagalit dahil alam nyong pareho na anak nyo yung pinag uusapan.

Pero ngayon kasi, naiintindihan ko pero hindi ibig sabihin noon ay tama na ang sinabi niya, naiintindihan ko lang kasi alam kong pinangunahan siya ng takot to think na ang bata ko pa masyado noon, siguro ay iniisip niya yung future namin. Kasi kung ako ang tatanungin ay never kong naramdaman na hindi ako minahal ni Suga ng buong-buo.

Talaga lang na ako ang hindi siya magawang mahalin siya ng buo.

Naiinis lang rin ako sa sarili ko kasi napakaharot ko siguro dati, hindi ako nag-iisip, hindi ko alam kung masyado lang ba akong nabulag noon kay Yoongi dahil bata pa ako. Pero hindi ko alam, hindi ko masasabi dahil wala naman akong matandaan.

Napatingin ako sa ilang regalo na walang nakalagay kung kanino galing, pero kung titingnan palang ang maliliit na timberland shoes ay alam ko na kung kanino galing iyon. Napansin ko na may nakaipit na papel sa isang sapatos kaya naman kinuha ko iyon

May alikabok na ang loob ng sapatos kaya naman napaubo ako ng masinghot ko iyon kaya naman napatakip ako sa ilong ko bago ko basahin iyong nakasulat.

From, Tito-Daddy na POGI

Alam kong magagalit yung totoong daddy mo kapag nalaman niya 'to pero mapapatawad mo naman siguro si Tito di ba? Kami na ni Mommy mo, ayos lang naman siguro sa'yo yun di ba? Ako naman pinakapogi mong tito, at pinakamabait, aalagaan ko si Mommy mo ng ayos promise.

Pero sorry talaga sa lahat ng ginawa ko. Kasalanan ko kung bakit hindi kayo nabuo na pamilya tapos eto ako ang kapal ng mukha ko kasi nagpapaalam ako sa'yo tungkol sa relasyon namin ng mommy mo kahit ang totoo ay kasalanan ko lahat ng trahedyang nangyari sa inyo. I'm sorry talaga baby, sana mapatawad mo ko.

Napahawak ako sa bibig ko kasi pinipigilan ko yung pag iyak ko, nakita kong mas madaming sulat si Suga pero natatakot akong buksan at basahin ang mga iyon.

Kaya naman pinagmasdan ko nalang ang ilan sa mga gamit, ang iba ay luma na, ang iba ay medyo may agiw na. Siguro ay taon na rin ang tagal ng mga ito dito.

Kinuha ko ang kandila na binili ko at sinindihan iyon, pinapanuod ko lang na unti-unting maubos iyon, hindi ko na alam kung ilang minuto na akong nakaupo sa malamig na tiles sa harap ng anak ko.

Nakatulala lang ako habang nangingilid ang luha sa mata ko, nakayakap ako sa tuhod ko habang nakakagat ako sa labi ko para sa pagpigil ko ng iyak, ayokong sa unang beses niya akong makita ay umiiyak pa ako.

Hindi ko magawang magsalita o kausapin siya sa isip ko, kasi sa totoo lang ay nahihiya akong magpakita sa harap ng anak ko kasi pakiramdam ko napakasama ko. Hindi ko man lang siya nagawang bisitahin, pero sana maintindihan niya ako.

Biglang namatay ang sindi ng kandila kaya naman mabilis kong hinanap ang lighter sa bulsa ng jacket ko pero natigilan ako ng makita kong may nagsindi nito.

Napatingin ako kay Taehyung na naupo sa tabi ko pagtapos niyang sindihan iyon, napatingin ako sa pinto dahil hindi ko man lang siya napansin na pumasok, siguro ay dahil kanina pa ako tulala.

"Tinext ako ni Jin, pumunta ka daw dito mag-isa. Kaya naman naisip ko na sundan ka, at isa pa hindi ko pa naibibigay 'to sa pamangkin ko." Aniya bago niya inilapag sa tabi ng puntod nito ang isang maliit na gloves na pang baby.

"Malapit na kasing magpasko, kaya binili ko na siya ng gloves. Baka lamigin siya eh."

Pareho kaming natahimik na dalawa, hindi ko magawang magsalita kasi pakiramdam ko kotang kota na ako kakaiyak ko. Nakita kong naiintindihan naman ni Taehyung na ayokong magsalita kaya naman pareho nalang kaming tumahimik.

"Alam kong masaya yung pamangkin ko na sa wakas nakita ka na rin niya." Pambasag niya sa katahimikan.

Naramdaman ko na naman yung pamumuo ng luha sa mata ko, nang bumagsak iyon ay mabilis kong pinunasan ang luha ko bago ko yinakap ulit ang binti ko at sinubsub ang mukha ko sa tuhod ko.

Tinapik ni Taehyung ang likod ko habang wala akong tigil sa paghagulgol ko, hindi ko na kayang pigilan yung iyak ko. Sorry, sorry baby, I'm sorry.

"Wag kang mag-alala. Mahal na mahal ka ng anak mo Honey, kagaya ng pagmamahal ni Kookie at Kuya Suga sa'yo." 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top