Diary 035
Dear Kookie,
Sobrang stress ko, hindi ko na alam yung gagawin ko dahil ang dami kong gustongg itanong sayo pero wala ka namang sasagutin kahit isa doon, kung di mo kayang sagutin ako nalang ang maghahanap ng mga makakasagot ng tanong ko. Kaya naman gumawa ako ng "Bakit List" ko.
• Bakit mahal pa rin kita?
• Bakit ikaw lang yung natatandaan ko?
• Bakit di kita makalimutan?
• Bakit di ka nagbigay ng closure sa atin?
• Bakit sa dami ng babae, bakit kaibigan ko pa?
• Bakit imbes na makipagbreak sa akin, bakit isinabay mo pa ako sa iba?
• Bakit palagi mo kong pinagmumukhang tanga?
• Bakit mo binalik sa akin lahat ng bagay na binigay ko sayo?
• Bakit parang matagal ko ng kaclose si Kuya Suga?
• Bakit parang may importante akong bagay na hindi ko natatandaan?
• Bakit hindi pa rin nagpapakilala yung nagbibigay ng flowers?
• Bakit hindi ka nagrereply sa lahat ng entry ko dito?
• Bakit gusto kong makilala pa si Kuya Suga?
• Bakit parang lahat ng taong nakapaligid sa akin mas gusto si Kya Suga kaysa sayo?
• Bakit pakiramdam ko mahal mo pa rin ako?
Sa ngayon 15 muna, tsaka ko nalang iintindihin yung iba, masyadong maraming tanong at halos wala na talaga akong masagot. Sana kahit ito man lang sagutin mo, sana naman magsend ka rin ng entry sa akin. Please.
Pakiramdam ko kasi kaylangan ko ng isang tao na tutulong sa akin para magmove on sayo. Tulungan mo naman ako! :(
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top