DIARY ENTRY #49


DIARY ENTRY #49

Dear Diary,

I can't breathe.

That's my summary of the moving-up ball. I. Can't. Breathe.

Ahm... simulan ko na lang sa... nung sinabing pinapalayas—este pinapaalis yung parents—or umalis na yung parents para magkaroon daw ng privacy kaming mga estudyante eh namatay na yung ilaw.

Killian asked me to dance but since I'm a weird friend slash sister, I told him to dance with all the girls at our table before he could dance with me.

Mas okay naman 'yun kasi mas bet ko naman talagang mag-picture kasama yung tropa ko.

So ayun nga, natapos na si Kuya sa lahat kaya inaya na niya akong sumayaw. Tapos alam mo ba, Diary? Topic namin nun si Kaine. Tinatanong kasi ako ni Kuya, "May gusto kang makasayaw 'no?"

Tinawanan ko lang naman siya sabay tanong ng "Paano kaya kung lahat nang naging crush ko eh yayain kong sumayaw?" Pareho na naman kaming natawa at pinagalitan ako ni Kuya dahil puro raw ako kalokohan.

Akala ko nga palalampasin na niya yung topic na 'yun kaya lang ini-straightforward na niya ako eh. "Gusto mo bang makasayaw si Kaine?"

Inirapan ko tuloy siya. "'Wag mo nang pakelaman 'yung tao," sabi ko kay kuya. Kasi naman, obvious na kay kuya na gagawa siya ng paraan para lang makasayaw ko si Lim eh duh! Nagta-try na nga ako mag-move on, diba?

Tapos dumating yung tatlo ko pang kaibigang babae tapos gumawa kami ng bilog na lima saka nagsasasayaw. I was fine with that, Diary. Promise. Hindi naman kasi ako yung katulad ng mga iba ko pang kabatch na girls na popular eh. Doon lang ako sa simple lang.

Nang mapagod kaming lima, nag-decide na kaming bumalik sa table namin. ETO NA, DIARY! So hindi pa ako nakakaupo eh may tumawag sa akin. Paglingon ko, si Kit naman pala. Medyo okay na ako sa kanya, sa nangyari noon. Kinalimutan ko na yung tensyon na nangyari sa amin noon kaya naman kahit papaano ay nangingitian ko na siya.

But that's not the deal, Diary. Ito talaga 'yun eh. Paglapit ni Kit sabi niya, "Zoe, sayaw raw kayo ni Kaine."

Syempre ang ate mong ghorl eh gulong-gulo sa pinagsasasabi niya, saka medyo maingay kaya hindi ko gaano naintindihan yung sinabi niya. Magtatanong na sana ako nang bigla siyang mag-move, tapos bigla kong nakitang nakasunod sa likod niya si Kaine.

DIARY! OXYGEN TANK, DIARY! KAILANGAN KO NG OXYGEN TANK! JUSMIYO MARIMAR!

So ayun, naghe-haywire yung utak ko sinasabi ko sayo. Mukha akong robot na nakangiti lang sa kanila tapos nung inilahad ni Lim yung kamay niya sa harap ko, kahit feeling ko may sinasabi siya eh hindi ko na maalala. Kasi nga! Nagma-malfunction na ang utak ko, jusko naman talaga.

Tapos mukha akong robot na tumango habang nakangiti tas ibinigay ko sa kanya yung kamay ko. DIARY! HOLDING HANDS KAMI, DIARY! 'WAG KANG EPAL!

Bale hindi pa rin nakakabawi yung utak ko nun, tapos tinatanong ako ni Kaine kung saan kami p-pwesto, tango lang ata ako nang tango, ewan ko na.

Nung nakatayo kami at nagsasayaw na, yung isa kong kamay eh hawak niya tas yung isa naman nasa balikat niya.

Gusto ko sanang namnamin yung moment. 'Yung tipong nasa fairytale kami, ano? Kaya lang ansarap balibagin ng mga kaibigan ko eh.

Alam mo 'yun, Diary? Bigla na lang sumigaw si Kathryne ng, "Tingin kayo rito, dali!" tapos sunod-sunod na camera flashes. Nang tingnan ko siya, nandoon lang naman sa likuran niya si Killian at yung dalawa pa naming kaibigan.

Instead na mainis, tinawanan ko na lang sila. Plus natatago nung tawa ko yung kaba saka kilig na nararamdam ko nung mga sandaling 'yun. Feeling ko kasi sobrang bilis ng tibok ng puso ko eh. Sana lang hindi nahalata ni Lim na nanlalamig yung mga kamay ko.

And then nung akala ko eh ganon na lang yung mangyayari, biglang nagsalita si Lim. "So bale, isasayaw ko lahat ng naging seatmate ko buong buhay ko sa school natin."

Napa-hum na lang ako, Diary. I don't really care about the reason behind the dance. Ang mahalaga lang sa akin, isinayaw niya ako.

Tapos nagsalita ulit siya. "So umm... thank you sa memories and kung ano-ano pa."

Honestly, 'di ko naintindihan yung sinabi niya dahil hindi ko kayang mag-focus dahil sa malulupit kong mga kaibigan lalo na si Kathryne.

Tapos nung hindi ako nagsalita, tinanong ako ni Lim kung may gusto ba raw akong itanong sa kanya. Eh hindi nga nagana utak ko so sinabi kong wala.

Then sabi niya sabihan ko na lang siya kung gusto ko na raw matapos yung sayaw kasi may iba pa siyang yayayain. Um-oo na lang ako kesa mukha akong ewan doon na tulala. And then inihatid niya ako sa table namin at jusko andaming pang-aasar ang inabot ko sa mga tao doon.

Anyways, dahil medyo disoriented pa ako nun, niyaya ko ulit silang lahat na sumayaw. Pumayag naman sila so ayun, nagsasasayaw kaming lima doon, may sarili kaming mundo tapos nung tumalikod ako, nasaktuhan ko si Jax. Eh diba nga close kami nun dahil same kami ng elementary school? Kaya ayun, automatic. Pagkakitang pagkakita namin sa isa't isa, sumayaw kami na parang nasa ball, habang nagk-kwentuhan at nagkukumustahan.

Tapos ito yung cute, Diary. Tinanong ko si Jax kung may gusto ba siyang makasayaw tas nung sinabi niya yung name ng crush niya, sumayaw kami papunta sa direksyon nung girl tapos binitawan ko si Jax sabay kalabit kay girl at turo kay Jax. Ngumiti naman si girl tapos ayun, nagbabye ako at hinayaan ko na silang sumayaw. Balik ulit ako kela Kuya na nasa may table na pala.

Nagpaalam naman sina Kathryne, Kuya Killian at yung dalawa ko pang kaibigan at sasayaw raw muna ulit, kaya naiwan ako sa pwesto namin.

Ang saya-saya ko nun, kaya lang biglang nag-vibrate yung phone ko at nag-text pala si Mommy. Niyayaya na akong umuwi since may pasok pa si Daddy bukas.

Bigla naman akong nanghinayang kasi parang saglit pa lang akong nage-enjoy pero no choice naman. Tapos bigla akong may naalala.

Hindi ko na nga first dance si Kaine tapos hindi rin siya ang last ko! Kaya ni-replyan ko si Mommy na kahit isang sayaw na lang, nung pumayag siya, jusko Diary! Sinasabi ko sayo! Grabe ang hinga ko nang malalim nun sabay tingin sa dance floor.

And my sudden confidence took over my body. Lumapit ako sa table nila Lim—specifically, sa tapat ako ni Lim huminto. Ako naman ang naglahad ng kamay sabay sabing, "Halika dali. Ayokong may pagsisihan ako."

Huminto siya sa pagf-Facebook niya nun sabay tanong, "Bakit? May itatanong ka ba?"

Bahagya akong natigilan nun, Diary. Wala naman kasi akong planong makipag-usap sa kanya. Sayaw lang naman sana eh. Kaya lang baka kapag sinabi kong wala eh tanggihan niya ako. Kaya um-oo ako.

Binitawan niya yung phone niya at iniwan sa table nila sabay tayo at hawak sa kamay ko. DON'T ME, DIARY! FOR THE SECOND TIME, NAG-HOLDING HANDS KAMI!

Pumwesto na lang ulit kami sa sinayawan namin kanina. Ang pinagkaiba lang ay wala sila Kathryne at hindi niya hawak ang kamay ko. Both of my hands are on his shoulders then his are on my waist.

In-enjoy ko na sana yung sayaw kaya lang epal siya—charot lang, Diary. Bigla niyang binasag yung peaceful atmosphere na meron kami sabay tanong, "Ano yung itatanong mo?"

At si ako ay muling nag-buffer kasi nga wala naman talaga dapat akong itatanong. So isip-isip, gusto ko sanang itanong kung anong favorite color niya sa rainbow or favorite number sa electric fan kaya lang baka bigla niya akong iwan kaya nag-isip ako ng seryosong tanong, hanggang sa nag-automatic yung bibig ko.

"Bakit?"

One word, Diary. Kung naguluhan siya, pwes naguluhan din ako sa sarili ko. Bakit sa dinami-raming pwedeng itanong, 'yung bagay na 'yun pa ang lumabas sa bibig ko.

"Bakit nawala yung feelings mo para sa akin?" I swear, Diary. My mouth has a mind of its own.

The music changed from a slow love song to pop music, pero hindi nagbago yung posisyon namin ni Lim, not even our tempo.

Para kaming may sariling mundo.

Nung hindi siya sumagot, sasabihin ko sanang joke lang tapos magbababye na ako para makaalis ako sa awkward na sitwasyong 'yun, kaya lang mukhang may plano nga siyang sagutin.

"Ganito kasi 'yun. Nung summer, sinabihan ako ni Mom na pagbutihin ang pag-aaral ko. Then namis-interpret mo ata."

Hindi ko gets yung part na namis-interpret ko raw kaya 'yun yung tinanong ko ulit. And guess what he said next, Diary.

He said, "Kasi hindi naman nawala. Tapos ayun, tumigil ka."

I sadly smiled, Diary. Kasi gusto ko sanang sabihin sa kanyang, "Kung alam mo lang, hanggang ngayon, mahal pa rin kita." Kaya lang imposible eh. Hindi pwede, Diary.

Paiyak na sana ako nun kaya tumingala ako para pigilin. Saglit pa kaming natahimik nang tanungin niya kung okay na ba raw.

Gusto kong sabihing, "Hindi pa. Gusto pa kitang makasama. Gusto ko pang ganito tayo. I wish the time will stop. I want us to stay like this forever. I want us to be together."

Pero wala eh. Pagdating sa ganon, duwag na ako. Alam ko naman kasing hindi ko kakayaning ibigay sa kanya yung isang bagay na pwede niyang hingin. I can't make him officially mine, kasi nga natatakot pa ako. Hindi pa ako pwedeng pumasok sa isang relasyon.

So I took my time before saying, "Yeah. Okay na." and for the last time, he held my hand and guided me to our table before leaving.

Kinuha ko na lang yung phone at bag ko nun, sabay lapit kela kuya saglit para magpaalam and yey! I'm an actual Cinderella.

Eleven o'clock kasi ang tapos ng ball tapos ten-thirty pa lang nakaalis na ako. Oh, pak, diba?

'Yun lang naman, Diary. At least nagkalinawan, ano? Okay naman na siguro 'yun. Jusko naman para namang naging kami kung maka-asta ako.

Hay! Ewan ko na kung anong mangyayari sa akin, Diary. Ang mahalaga, na-enjoy ko yung saglit na oras na magkasama kami at nasa ibang mundo kami.

But that's it for this entry, Diary. Kwentuhan ulit kita next time. Bye!

Real-life Cinderella minus the Happy Ending,

Zoe

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top