KABANATA XXII

KABANATA XXII

Nababalot ng katahimikan at matinding tensyon ang buong dining area. Sa kaliwang bahagi ng lamesa ay kaming dalawa ni Kreed ang nakaupo. Sa kanang bahagi naman ay sina Klaude, Knight at si Kei. Katapat ko si Knight. Naiilang naman ako dahil kanina pang nakatitig sa akin si Kei. Pasulyap-sulyap naman si Klaude sa akin at ngumingiti ng matamis.

"Dad is already late. I'm getting hungry." wika ni Klaude at niluwagan ang pagkakatali ng kanyang necktie.

"Naiwan sya kanina sa opisina para ayusin ang ibang papeles. Hindi ba kayo nagkita?" tanong ni Kreed kay Klaude.

"No. Akala ko sabay kayong umalis kanina. Anyway, I'll just call her secretary." kakakuha palang ni Klaude ng cellphone sa kanyang bulsa ay saktong dumating ang kanilang ama.

Napa-ngiti ito nang makita ang mga tao sa dining area. Binigay nya ang kanyang dalang bag sa body guard na nakasunod sa kanya bago pumunta sa kanyang upuan sa dulo ng table. 

"I'm glad everyone's here." ani ng matanda.

"Kanina pa namin kayo hinihintay, Dad." saad naman ni Kreed. Nagsimula nang kumilos ang mga katulong sa mansyon para ayusin ang ihahandang pagkain sa lamesa.

"I'm sorry. Sana hindi ko pinaghintay ng ganon katagal si Eleanor." napa-diretso naman ako ng upo sa gulat at napangiti sa kanya. Nakangiti rin itong nakatingin sa akin. Mababait talaga ang mga Hendricks.

"Hindi naman po gaano." nahihiyang sagot ko. Naramdaman kong hinawakan ni Kreed ang kamay ko na nakapatong sa ibabaw ng lamesa. Lalong lumawak ang ngiti ng kanyang ama ng mapansin ito.

Tinignan ko naman si Kreed at nakita kong sa kaharap ko ito nakatingin ng masama. Nagsukatan ng tingin sina Kreed at Knight bago ito tuluyang naputol ng dahil kay Klaude. 

"It looks like Knight likes our Lady." mapanuksong saad nito kay Kreed habang nakangisi.

Biglang nagkaroon ng nakakabinging katahimikan. Bumilis ang tibok ng puso ko sa kaba at humigpit ang hawak ni Kreed sa aking kamay. Halatang pinipigilan nito ang kanyang inis.

"Are we not going to eat?" basag ni Kei sa katahimikan. Nakapalum-baba ito sa lamesa at bagot na nakatingin sa kanyang ama dahil pati ito ay napaseryoso na rin dahil sa narinig na winika ni Klaude.

"Don't say nonsense things, Klaude." pagkasabi ni Kreed non ay inayos nya ang table napkin ko at pinagkuha pa ako ng pagkain sa plato. Todo asikaso sya sa akin na sobra kong ikinakagulat. Naninibago ako sa kinikilos nya. Parang hindi sya ang Kreed na nakilala ko dahil para syang tense sa mga nangyayari.

"Okay ka lang ba?" pabulong na tanong ko sa kanya. Tumingin sya saglit sa akin at umupo ng diretso.

"Do I look like I'm okay?" mahina nitong sabi. Hindi ko nalang sya sinagot at nagsimula nang kumain. Alam ko namang hindi sya okay pero wala ako sa tamang wisyo ngayon para pagaanin ang loob nya dahil may ibang bagay na bumabagabag sa aking dibdib.

Si Knight na minsan ay nagbibigay ng panakaw na tingin sa akin, hindi iyon nakakalagpas sa mga mata ko. Wala naman sigurong masama kung susundin ko ang sinabi ni Knight diba? Makikipaglaro ako sa kanya at isa ako sa mga piyesa nya.

"Eleanor, nagpakilala na ba sayo ang mga anak ko?" bukod sa mga pangalan nila ay wala na akong ibang alam tungkol sa tatlong lalakeng kapatid ni Kreed.

"Si Knight at Kei pa lang po ang nakakausap ko pero hindi kami ganoong nakakapag-kwentuhan dahil kahapon ko palang nakilala si Knight at kanina naman si Kei sa garden."

Tumangu-tango ito. "Kung ganon ay ako na mismo ang magpapakilala sa kanila." uminom muna ito sa kanyang baso bago tumingin kay Kei. "1st year college at South Bridgeforth Academy, Kei Hendricks. He's 17 years old. My youngest son. He's staying at the school's dorm that's why he's not living here." nakita kong umismid si Kei at napayuko nalang habang kumakain. "Next is Knight Hendricks. 4th year college at University of Willfred, 20 years old and the last one---"

"I would like to introduce myself." putol ni Klaude sa sinasabi ng kanyang ama. "I've got a lot of things to do, so I didn't come here yesterday. 24 years old, Klaude Hendricks." isang taon lang pala ang tanda ko kay Klaude pero mukha na syang matured.

"Nice to meet you." ngumiti ako rito at ganon din naman ito. "Salamat sa pagtanggap sakin kahit hindi nyo pa ako gaanong kakilala."

"We know you so much, My Lady." singit ni Knight sa sinasabi ko pero hindi naman ito nakatingin sa akin.

"Ganun ba?" sabi ko rito. "Siguro nga pero masaya na akong maganda ang trato nyo saking lahat sa kabila ng lahat ng nalalaman nyo tungkol sa buhay ko." nailang ako bigla ng makita na lahat sila ay tahimik na nakatingin sa akin.

Biglang humagikhik ng mahina si Klaude kaya napunta ang atensyon ng lahat sa kanya. "Now I know." wika nito habang makabuluhang tinignan sina Kreed at Knight. "Tama nga ang naririnig ko tungkol sayo, Eleanor." maalam ako nitong pinagmasdan na parang may na-realize sya dahil sa sinabi ko kanina.

"Kreed, let's talk about your engagement party tomorrow." nagulat ako sa aking narinig. Bukas na?! Hindi ba napaka-aga pa non? Kakauwi lang namin kahapon galing ibang bansa tapos bukas na agad ang engagement party?!

"Dad---" magpoprotesta pa sana si Kreed pero naunahan na sya ng kanyang ama.

"You stayed in another country for a long time kaya ako na ang nag-ayos ng lahat. At 8:00pm tomorrow, the party will start." wala na kaming nagawa pa. Nagkwentuhan nalang ang magpamilya ng mga mangyayari bukas at ang mga kilalang tao na imbitado.

Nawala ako bigla sa sarili ko. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Matutuloy ba talaga? Mae-engage ba talaga kami ni Kreed? Parang hindi kapani-paniwala.

Natapos ang hapunan nang balisa pa rin ako. Pinapunta si Kreed sa library ng kanyang ama para mapag-usapan pang mabuti ang detalye ng party na gaganapin bukas dito sa mansyon. Ako naman ay pabalik na sa aming kwarto kasama nina Hannah, Daniela at Jennie.

"Eleanor." napalingon ako sa tumawag sa akin. Humabol pala sa akin si Klaude. "Can we talk?" kahit nagtataka ay tumango ako rito.

"Hintayin nyo nalang muna ako rito." bilin ko kina Jenie at sumunod na kay Klaude. Napunta kami sa living room kung saan una kong nakausap si Kreed. Naaalala ko na naman ang una naming pagtatagpo. Kinakamuhian ko pa sya non pero ngayon, sobra ko na sya kung mahalin. Nakakatawa lang. "Anong gusto mong sabihin?" tanong ko kay Klaude pagkaupo namin.

"Rachel will be coming tomorrow. Hindi man sya makakapasok dito sa mansyon, siguradong uuwi sya ng Pilipinas bukas ng gabi. What will you do, Eleanor?" napa-maang ako sa sinabi nya. Susulpot na naman si Rachel?

"Ano nga bang dapat kong gawin?" balik tanong ko sa kanya. Nag-aalala ba sa akin si Klaude kaya nya sinasabi ito ngayon sa akin.

Nagkibit-balikat lang ito sa sinabi ko. "The reason why I'm late earlier is because I trace the location of Rachel. Alam kong pupunta 'yon agad dito pag nalamang mae-engage na si kuya Kreed and I expect you to look after my stupid brother."

"Susubukan ko pero hindi imposibleng iwan na naman nya ako. Pag nangyari yun, wala na akong magagawa. Kung hindi naman talaga ako ang gusto nya, mahirap nang ipilit pa ang nararamdam ko. Pero ngayon, lalaban pa rin ako hangga't hindi mismo sya ang nagsasabing sumuko na ako."

"He's lucky to have you." nagpakawala ng marahas na buntong-hininga si Klaude at isinandal ang dalawang braso sa likuran ng couch. Tumingala ito at tumitig sa mataas na kisame. "And you would be very lucky if he will love you in return. Imagine that you're in Rachel's position. Ganon nya kayang magpaka-tanga para sa isang babae. Sobra pa sa ginagawa mong pagpapaka-tanga sa kanya."

"Alam ko." nakangiti kong sabi. "Kaya kahit ilang beses na kong nasaktan ng dahil sa kanya, hindi pa rin ako tumitigil kasi alam kong wala pa sa kalahati ng nararamdaman kong sakit ang sakit na nararamdaman nya ngayon para kay Rachel."

"Among the four of us, he's the most loyal one and the most serious when it comes to love." bigla itong tumingin ng seryoso sa akin. "Maiintindihan ko kung bakit baliw ang kuya kay Rachel pag nalaman mo ang nakaraan ng babaeng 'yon."

"Anong bang meron sa nakaraan nya?" curious na tanong ko. Bakit nga ba mahal na mahal ni Kreed si Rachel sa kabila ng pangit na balitang naririnig ko tungkol sa kanya? Anong meron sa kanya na hindi maiwan iwan ni Kreed?

"I'm in no position to tell the story. Pero kung pagkukumparahin kayong dalawa, mas kailangan ni Rachel si kuya Kreed kesa sayo." anong ibig nyang sabihin? "But don't worry Eleanor, I like you for my brother. You think and act like a lady compared to Rachel and it's my pleasure to call you, 'My Lady'."

"Thank you." iyon nalang ang nasabi ko.

"If you see Rachel tomorrow, what will you do?" tanong nito sa akin. Napaisip naman ako sa tanong nya. Ano nga bang gagawin ko?

"Kung wala syang gagawing masama sakin, wala rin akong gagawin sa kanya. 'Wag nya lang akong lalabanan dahil kahit ganto lang ako, kaya kong ipagtanggol ang sarili ko sa mga katulad nya."

"I'm satisfied." nakangiti si Klaude habang nakatingin sa akin. Naputol ang usapan namin dahil bumukas ang pinto sa living room. Pumasok si Kei kasunod si Knight.

"My Lady." tawag sa akin ni Kei at umupo sa tabi ko. Si Knight naman ay nakatayo sa likuran ko. "Kanina pa kita hinahanap." sabi nito sa akin.

"Bakit magkasama kayo?" tanong naman ni Knight kay Klaude. Tumayo si Klaude at inayos ang suot na coat.

"See you tomorrow, My Lady." sabi nito sa akin at tumingin kay Kei. "Don't be a nuisance to Eleanor. I know it's you who gave that flower to her." dala ko pa rin pala ang bulaklak na binigay sa akin ni Kei kanina. "And Knight, stop your games." iyon ang huling sinabi ni Klaude bago lumabas ng kwarto.

"Tsk, bakit ba palaging ako ang pinagsasabihan nila?!" inis na umupo si Knight sa couch na inupuan ni Klaude kanina. "They should be mad at kuya Kreed instead of me. I'm not the one who's causing you so much pain."

Nakatingin lang ako kay Knight habang putak ng putak ang bunganga nya tungkol kay Kreed. "Am I being a nuisance to you, My Lady?" mahinang tanong sa akin ni Kei.

"Huh? Hindi naman." sagot ko rito na nagpangiti sa kanya. Sinandal nya ang kanyang ulo sa kaliwang balikat ko at ipinikit ang kanyang mata.

"Eleanor..." malambing na tawag sa akin ni Knight at tumabi rin ng upo sa akin. Sumandal naman ito sa kanan kong balikat at niyakap pa ako. "If anything bad happens tomorrow, let me be the first one to know it. I'll be your knight in shinning armor." halos pabulong na sabi nito bago tuluyang bumagsak ang mga mata nito.

Tinulugan ako ng dalawa. Matamis na napangiti ako. Malalambing ang mga Hendricks. Swerte nga ata ang babaeng magugustuhan ng mga ito. Parang mga tunay na kapatid na ang turing ko sa dalawang ito.

Bumukas ang pinto at bumungad sa akin si Kreed na hinihingal. Napahinto pa ito ng makita kaming tatlo. Sumenyas naman ako sa kanya na 'wag syang maingay dahil baka magising ang dalawa.

Dahan dahan syang lumapit sa amin ng may malumanay na tingin. Lumuhod sya sa harap ko at kinuha ang kamay ko. "I thought you run away. Natakot ako ng hindi kita nakita sa kwarto." natawa ako sa sinabi nya.

"May pagka-OA ka rin eh. Siguro kaya ka ganyan kahingal kasi hinanap mo pa ako sa buong mansyon." natawa ito sa sinabi ko habang tumatango.

"Come with me." tinulungan nya akong isandal ang dalawa sa couch ng hindi nagigising. Mabuti nalang at medyo tulog mantika pala ang dalawang ito kaya tahimik na nakaalis kaming dalawa ni Kreed.

"Saan tayo pupunta?" takang tanong ko sa kanya pagkaalis namin sa living room.

"Sa balkonahe, may ipapakita ako sayo." mabilis kaming nakapunta sa balkonahe dahil itong si Kreed ay parang madaling madali. Lakad takbo ang ginawa namin papunta roon. "Close your eyes."

"Bakit?! Mamanyakin mo siguro ako no?!" sinamaan ko pa 'to ng tingin at lumayo ng onti sa kanya. Hinila naman nya ako at tinakpan ng sarili nyang kamay ang mata ko. "Hoy baka kung anu-ano 'yan ah! Lagot ka sakin 'pag may masamang nangyari sa akin Kreed!"

"Shhh... Quiet, My Lady!" saway nito sa akin habang papalakad kami. "In a count of three, open your eyes. 1... 2... 3..." tinanggal nya ang kamay nya sa mata ko at unti unti kong binuksan ang mata ko.

Tumambad sa akin ang isang puting telescope. Tumakbo agad ako palapit dito. Natatakot akong hawakan 'to dahil baka masira ko. "Grabe ang ganda! Bakit ka bumili nito?" nilingon ko si Kreed na masayang pinapanood ako.

"Natatandaan ko yung sinabi mo sa akin sa Spain na gusto mo ng telescope and I told you that I'll buy you one." natatandaan pa pala nya 'yon. Nangilid ang luha ko at mabilis syang niyakap.

"Salamat! Sabi ko naman sayo, kahit 'wag ka na bumili." hinampas ko pa sya sa kanyang braso bago ko ulit tinignan ang telescope.

"Try it, Eleanor." tumango naman ako at sumilip na roon. Ang ganda talagang pagmasdan ng mga bituin sa langit. "Can I take a look?" bago pa ako pumayag ay kinulong na ako ni Kreed sa kanyang bisig at tumingin sa telescope. Hindi tuloy ako makaalis sa pwesto ko. "Ang ganda nga." pagkasabi nya non ay tumingin sya sa akin. Napaiwas naman ako ng tingin pero muli kong tinagpo ang kanyang mata.

Lumapit ang mukha ni Kreed sa akin at hinalikan ang labi ko. Napahawak ako sa kanyang balikat at sinabayan din ang galaw ng kanyang mapangahas na halik. Parang sabik na sabik si Kreed kung makahalik sa akin.

Pinasok nya ang kanyang kamay sa dress na suot ko at hinagod ang likuran ko patungo sa kawit ng aking bra. "Kreed! 'Wag dito, ano ba? Baka may makakita!" saway ko sa kanya pero bigla nalang nya akong binuhat at dinala sa railing ng balkonahe at inupo ako ron.

"Let them watch." minasahe nya ang dibdib ko habang hinahalikan ang leeg ko. Kahit humahangin ng malamig ngayong gabi ay nararamdaman ko pa ring nag-iinit ng husto ang buong katawan ko.

"Kreed... baka mahulog ako." mahinang sabi ko sa kanya habang nakasabunot sa kanyang buhok.

Hinarap nya ang mukha ko at ngumisi sa akin. "Don't worry, My Lady. I'll fall with you." pagkasabi nya non ay pinasok nya ang kanyang kamay sa panty ko. "Goodness, you're so fucking wet." namamaos pang sabi nito at pinadaan ang gitnang daliri nya sa pagitan ng hita ko.

Napaliyad ako dahil sa ginawa nyang iyon. Pinakita nya sa akin ang daliri nya kaya namula ang buong mukha ko sa hiya. "Kreed! Ano ba?!"

"What? This is your juice, Eleanor." natatawang sabi nito at titig na titig pa sa mata ko ng dilaan nya ang daliri nyang iyon. "Hmmm..."

"Tigilan mo nga iyan! Para kang baliw!" nahihiyang sabi ko sa kanya. Natawa naman ito at biglang kinuha ang kamay ko. Akala ko kung anong gagawin nya pero nilagay nya ito sa harapan ng kanyang pants. Ramdam na ramdam ko ang umbok na iyon. Init na init na ang mukha ko dahil sa mga kalokohang ginagawa ni Kreed.

"Hahaha, you turned me on. Unzip my pants, Eleanor. Someone wants to see you." dahil nahihiya ako ay hindi ko sinunod ang sinabi nya pero ang sira ulo'ng Kreed ay ginabayan pa ang kamay ko para ibaba ang zipper ng pants nya.

Matapos non ay hinadkan na naman nya ang labi ko kasabay ng paglalaro nya ulit sa aking perlas. Pinasok nya ang isang daliri nya rito. Nakagat ko ang labi nya ng dahil don. Ang sarap sa pakiramdam. Para akong nababaliw dahil sa sobrang sarap at pakiramdam ko ay makakalbo ko na si Kreed ng dahil sa paghigit ko sa buhok nya.

"Ahhh, Kreed..." tawag ko sa pangalan nya ng bilisan nya ang paggalaw ng kanyang daliri. Ilang segundo pa ay naramdaman kong naabot ko na ang sukdulan. Pagkatapos non ay binaba ni Kreed ang kanyang pants. Kita ng dalawa kong mata ang laki ng kanyang sandata.

Maraming salamat sa liwanag ng buwan dahil kita ko ang bawat detalye ng kabuuan nito. "Hold it, My Lady." dahil alam ni Kreed na hindi ko iyon susundin ay sya na mismo ang naglagay ng kamay ko sa bagay na iyon. Ang taba taba non at matigas pa.

"Ano nang gagawin ko?" natatarantang sabi ko.

"Up down, Eleanor. But it's more pleasurable if you'll eat it. It'll be sensual to see my thing inside your mouth." malokong sabi nito. Sinamaan ko naman ito ng tingin kaya lalo itong napatawa. "Kidding, My Lady." hinaplos nya ang mukha ko. "Open your legs wider, I'm entering you."

Susulitin ko na ang araw na nakakasama ko pa si Kreed. Nahahawakan, nayayakap, nahahalikan at nagiging isa sa kanya dahil walang nakakasigurado kung habang buhay ako sa tabi nya o hindi.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top