Chapter 18

"Davina nandito na tayo, gumising ka na d'yan." marahang sabi ni Drake. Napamulat ako na nakapatong pa ang mga palad niya sa may buhok ko. Inalis naman niya kaagad 'yon nung tuluyan na akong dumilat. Uminat ako at humikab bago ngumiti sa kaniya.

"Tsk." Nagpakawala siya ng isang puluntong-hininga

"Oh ano naman ang problema mo sa'kin?" Tanong ko dahil bigla na namang naging masama ang tingin niya. Akala mo lagi kong inaasar, ang laki talaga ng galit nito sa mundo. Lagi nalang nakasimangot ang loko!

"Be careful." Sa kauna-unahang pagkakataon, inalalayan niya akong bumaba sa sasakyan. Pagbaba ko ay pumasok na kaagad si Drake sa loob ng bahay habang ako naman ay naiwan rito.

"Davi!"

Lumawak ang ngiti ko noong makita ko ulit si Air, kinawayan ko siya habang papalapit siya sa akin.

"I missed you." Sabi niya. Niyakap niya ako ng mahigpit at kasabay noon ay bigla namang bumilis ang tibok ng puso ko na para akong nakipaghabulan sa tatlong flying ipis.


"Air," banggit ko. Literal na kailangan ko ng 'air'! Kasi baka mahimatay nalang ako bigla rito, nakakainis kasi itong si Air.

"I-I'm sorry." Sabi niya at lumayo ng bahagya sa akin.


"Okay lang, namiss rin kita hehe." Nginitian ko siya.

"Tara pumasok na tayo sa loob, maginaw narin kasi dito sa labas baka magkasakit pa tayo." Saad ni Air habang hinihimas ang magkabilang braso niya.

Natawa ako ng bahagya siya sinabi niya. Kasi bakit naman siya lalamigin eh ang taas-taas pa ng araw tapos naka-hoodie pa siyang itim?

"Nilalamig o kinikilig?"

Sabay kaming napatingin ni Air kay Berta na biglang tumingin sa langin na para bang may pinapanood doon. Bakit alam niya na kinikilig ako?


Hindi ko maiwasang mapangiti dahil pumasok kami ni Air sa loob ng bahay na magkahawak ang mga kamay namin.

"Diyos ko! Davina buti bumalik ka!"

Inakap ako ni Tita Camilla na para bang sabik na sabik makita ako kaya binitawan ko na ang kamay ni Air. Nakita kong nakatingin si Drake sa amin, kaya naisipan ko siyang pag-tripan.

"Hindi ko po kasi matiis si Drake."

Sabi ko habang nakangisi kay Drake, kahit medyo nakakasuka yung sinabi ko ay keri na. Mukhang naiinis rin naman kasi si Drake dahil nalukot ang mukha niya. Inilabas ko pa ang dila ko para asarin siya pero pinalitan ko agad 'yon ng ngiti nang kumalas sa yakap namin ang mommy niya.

"Ganu'n ba?"

"Sobra po, parang hindi nga ako makakatulog dahil nakikita ko ang mukha niya sa bawat pagpikit ng mata ko!" Over acting, best actress award na sabi ko.

Pero totoo naman 'yon, iniimagine ko sa bawat pagpikit ng mata ko na binubugbog ko siya.

"Uuwi na ako."

Napalingon kaming pareho kay Air, nakalimutan kong nandito pala siya sa likod ko. Kasalanan 'to ni Drake e!

"Diba kadarating mo lang?" Tanong ni Tita, napatango nalang ako do'n bilang pagsang-ayon.

Ayaw niya ba akong makasama o makausap manlang?

"Napadaan lang ako, tsaka naalala ko, may pinapagawa pala sa akin si Dad." Saad ni Air bago lumabas sa pinto. Ni hindi man lang siya nagpaalam sa akin.

Napawi ang kaunting kirot na nararamdaman ng puso ko nang biglang magsalita si Tita.

"Ah Davina? Welcome back ulit. Magpahinga ka muna dun sa kwarto mo."

"Sige po, salamat."

Ibinagsak ko ang katawan ko sa malambot na kama pagpasok ko sa kwarto, medyo napagod kasi ako sa pag-akyat ng mahaba nilang hagdan. Pagkatapos iniisip ko pa 'yong nangyaring pag-walk out ni kuya mong boy!
---
Napamulat ako at naputol ang mahimbing na tulog ko, alam kong mahimbing 'yon kasi may kayat laway pa ako.

Ayon na nga, nagising ako dahil biglang nabuhay ang mga halimay ko sa tiyan. Paano ba naman kasi kaninang umaga pa yung huli kong kain, natulog nalang kasi ako simula pagdating namin dito sa Maynila.

Tiningnan ko ang relos ko, 2:52am na pala.

Lumabas ako sa kwarto at bumaba ng hagdanan nakakatakot pa naman rito kapag gabi. Parang hospital na walang tao kasi puro tiles, patay pa ang mga ilaw at ang laki pa man din nitong bahay. Buti nalang may dala akong maliit na flashlight!

Dumiretso kaagad ako sa kusina para maghanap ng makakain. Pero natigilan ako dahil napansin ko na may nagbukas ng ilaw sa may living room, narinig kopa ang pag-click nu'n. Kung sino man siya bahala na siya! Wapakels muna ako, kailangan ko ng enerhiya. Nilamon ko ang mga pagkain na nakita ko dito sa ref at nagsalin ng gatas sa baso, buti nalang palaging puno ang pantry nila. Iba talaga kapag mayaman!


Natigil ako sa pagkain nang may marinig akong nagpatugtog ng gitara tapos kinanta niya ang kanta ni Ed Sheeran na- When your legs don't work like they used to before?

Ah basta! Iyon na 'yon, nakalimutan ko ang title. Basta maganda ang boses nung kumakanta, ang sarap sa tenga at humahagod iyon. Sumilip ako sa labas ng kusina at sumandal sa pader.


Oo nga si Drake may hawak pang gitara, papikit-pikt pa dahil feel na feel 'yung kanta. Ayos may talent rin pala itong lokong 'to sa pagkanta ah? Pinanood ko pa siyang kumanta at maggitara. Okay na sana ang lahat pero bigla akong nabahing kaya natigil siya sa pagkanta. Nagmulat siya ng mata at automatic na tumama sa akin iyon na parang pana.

"Anong ginagawa mo?" Nakakunot noong tanong niya.

"Kumakain." Inirapan ko siya tsaka pumasok ulit sa kusina. Ininom ko ng diretso ang lahat ng gatas sa baso na isinalin ko kanina.

Kinuha niya sa akin ang baso at ipinatong 'yun sa counter.

"Anong ginagawa mo?"

Sobrang lapit ng mukha niya sa akin kaya naamoy ko ang amoy ng alak sa kaniya. "Uminom ka?"

Hindi siya sumagot sa tanong ko kaya naginig na ang mga tuhod ko. Pero mas lalo akong kinabahan nang mas inilapit niya pa ang mukha niya sa mukha ko.

"Anong ginagawa mo sa akin?" Bulong niya pero rinig na rinig ko 'yon dahil sa distansya namin.

"Ha? Anong-" Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko ng bigla niyang ilapat ang mga labi niya sa labi ko. Ilang segundo rin siguro kaming nasa ganoong posisyon.

"Bastos ka talaga!"

Sinampal ko siya at tsaka tumakbo ng mabilis papunta sa kwarto.

Triple ng bilis ng kabog ng dibdib ko, parang sampung flying ipis na ang humabol sa akin. Bakit naman niya ako hinalikan?!

Ilang sandali lang ay narinig ko ang pagkatok ni Drake sa pinto. Bakit sinundan pa niya ako?!

"Please, let's talk."

"A-ano ba 'yun?" Sumandal ako sa pinto.

"Pumunta ka sa balcony, usap tayo."

"Usap lang?" Paninigurado ko, 'ba mahirap na!

"Oo, please?" Nabasag ang boses niya.

Umiiyak ba siya? At bakit sa balcony pa, 'wag niyang sabihin tatalon siya doon.
Sumunod agad ako sa kanya sa balkonahe pagkatapos ng ilang minuto.

"Hoy loko." Pagtawag ko sa atensiyon niya.


"Please be my girlfriend Davina, pagbigyan mo na ako."

-----

"Please help me."

Hindi ako sanay na may taong umiiyak sa harapan ko, lalo na at si Drake pa ito. Parang hindi bagay e?

"Ano ba kasing problema?" Hinawi ko ang buhok niya.

"Desperado na ako Davina." Namumula ang mga mata niya dahil sa alak at luha.

"Halata naman Drake pero saan ba?"

"Tulungan mo akong malaman kung may nararamdan pa siya sa akin."

Napalunok ako dahil sa sinabi niya.

"Ha sinong siya?" Kuryosong tanong ko.

Lumuhod siya sa harapan ko bago nagsalita, "I will do anything, just help me Vina! I will hire you to our company, tulungan mo lang ako!"

"Anything?" Tanong ko dahil pumalakpak ang tenga ko doon.

Pero sino bang 'Siya' ang tinutukoy niya?

"Pagselosin natin ang Ex ko Vina, 'yon lang. Oo bibigyan kita ng kahit anong gusto mo."

Siguro kaya siya nagkakaganito ngayon ay dahil na rin sa tama ng alak. Uso 'yon eh? 'Yong biglang na aalala 'yong ex kapag nalalasing.

Pero siguro rin mahal na mahal talaga niya kung sino man iyon. At isa pa, bakit ako pa ang napili niyang hingian ng tulong? Sa itsura kong 'to may magseselos ba naman sa akin? Baka mamaya magmukha lang akong alalay ni Drake kapag nakita kaming magkasama.

"Please." Nakaramdam ako ng awa nang hawakan niya ang paa ko, halos halikan na niya 'yon nang yumuko siya sa sahig ng balkonahe.

"S-sige Drake, b-basta bigyan mo ako ng trabaho sa kompanya niyo ha? Tutulungan lang naman kitang malaman kung may nararamdan pa siya para sa'yo diba?" Pagsang-ayon ko.

Pero paano naman namin pagseselosin yung sinasabi niyang ex niya? Ni hindi ko nga 'yon kilala.

"Totoo Vina? Pumapayag ka?" Tumayo siya at niyakap ako ng mahigpit.

Nag-aalangan nalang akong tumango at binigyan siya ng isa ring alanganing ngiti dahil nag-aalangan ako sa pagpayag ko. Mukhang alanganin ako ah?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top