67

Theron's POV

Naglalakad ako papunta sa room nila Samantha nang bigla na lamang akong nakatanggap ng isang text galing sa kanya. Lumiko na lang ako at pumunta sa tinext niyang lugar kung saan ko siya kikitain. May nararamdaman akong kakaiba.. hindi ko alam kung si Samantha ba talaga yung nagtext nun dahil unang una sa lahat, bihira niya lang ako tawaging "mister ko" madalas kasi eh "misterq" at isa pa ay hindi siya nagsasabi ng iloveyou. Laging may space yung babaeng yun kaso naisip ko na baka kailangan niya lang talaga ako kaya wala siya sa sarili niya.

Nandito na ako sa garden at wala akong naabutang ibang tao dito maliban sa isa, si Nathalie, kablockmate ko.

"Ano ginagawa mo dito?" tanong ko. Tumayo siya at nagsmile sa akin.

"Theron.. salamat kasi dumating ka.."

"I-ikaw? Ikaw yung nagtext sa akin?" seryoso kong tanong. Yumuko siya at dahan-dahang tumango. "Talagang dinamay mo pa yung girlfriend ko para makausap ako, tsk."

"Theron, mahal kita—"

"May girlfriend nga ako, mahirap bang intindihin ang bagay na 'yon?!" umiinit yung ulo ko kapag dating sa mga ganitong klase ng babae. "Nagsayang pa ako ng minuto para pumunta sa napakawalang kwentang bagay—" pagtalikod ko ay naramdaman ko na lang na tumakbo siya at niyakap ako sa likod ko.

"Theron please, mahal na mahal kita. Hihigitan ko siya para lang mahalin mo ako. Ako na lang please please please."

Hinawakan ko ang kamay niya at pinilit tanggalin sa bewang ko. "Itigil mo ang kahibangan mo, Nathalie." Nagulat na lamang ako sa sumunod na nangyari.

Hinila niya ako paharap sa kanya at hinalikan ako sa leeg. "Alam ko Theron na ito lang ang kahinaan mo. Sige, hawakan mo yung bewang ko." bulong niya pa at kinuha ang dalawang kamay ko para ipulupot sa bewang niya. "Ito ba ang dapat kong gawin para mahalin mo ako, ha? Theron matagal na matagal na kitang minamahal pero iba pa rin yung ginugusto mo." at itinuloy niya ang paghalik sa leeg ko.

Tinutulak ko siya palayo pero mas hinihigpitan niya naman ang pagkapit sa leeg ko para hindi ko siya matulak. "Puta, tigilan mo ako pwede?!"

"Theron......." napalingon kaming dalawa sa nagsalita at napatigil si Nathalie sa ginagawa niya. Itinulak ko si Nathalie kaya nasubsob ito sa sahig at lumapit kay Samantha.

"No no no no Sam, mali yung iniisip mo.." sabi ko sa kaharap ko ngayon na umiiyak at may bahid ng galit at sakit na namumuo sa kanyang mata.

"Ang baboy mo, Theron..."

"Samantha naman, mali yung iniisip mo. Plinano niya 'to. Hindi ko kagustuhan lahat ng nangyaya—" at nakatanggap ako ng malakas na sampal dahil sa kagaguhan na nangyari.

"Tignan mo na 'yang leeg mo! Puno ka ng lipstick! Ang baboy niyong dalawa! Ang baboy niyo! Akala ko ba napag-usapan na nating dalawa 'to Theron? Akala ko ba sabi mo wala kang iba? Akala ko ba wala kang kasalanan? Akala ko ba pinapapunta mo ako dito dahil kailangan mo ako tapos ito?! Ito ang ipapakita mo sa akin? Pinapunta mo ako para makita ang kalaswaan niyong dalawa?! Sorry Theron kung kahit minsan hindi ko nagawang halikan ka sa labi o saan man. Sorry kung hindi ako nagpapagalaw. Hindi kasi ako ganung babae—"

"Alam ko Sam." Hinila ko siya at dinukdok ang mukha niya sa dibdib ko.

"Gago ka! Gago ka! Gago ka! Ginago mo ako! Niloko mo ko!" pinagpapalo niya ako at patuloy na umiiyak. "Bitawan mo ako! Ayoko na, Theron!"

"Kahit kailan hindi ko hinangad na sana magalaw kita. May respeto ako sayo Samantha kaya please.. mali ang iniisip mo.."

"Kung may respeto ka sa akin, rerespetuhin mo ang desisyon ko. Theron, break na tayo." sabi niya na tuluyan ng nakapagpahina sa akin. Tumakbo siya at iniwan ako na nakatayo.

"Samantha.. mahal kita.."

pasensya na, hindi ako magaling magsulat ng drama eh, haha.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top