52
Theron's POV
"Bat ganyan suot mo?" seryoso kong tanong sa girlfriend kong nasa harap ko lang.
"Ha? Bakit? Mahaba naman po yung palda ko ah?"
"Kahit na. Nakapalda ka pa rin, tsk. Isa pa, mag t-shirt ka nga." Tinignan ko ang relo ko at nilingon ulit siya. "Marami pang time, magpalit ka."
"Theron naman."
"Samantha Gail Lim." mariin kong pagtawag sa pangalan niya. Sinimangutan niya ako at pumunta na sa loob ng bahay nila. Tsk, malinaw naman na sinabi kong huwag siyang magsuot ng exposed na damit.
"Oh, eto na! Tara na nga." bakas ang irita sa kanyang boses at pumasok na sa sasakyan. Napailing na lang ako at pumasok sa loob ng kotse.
"Bakit ganyan 'yang mukha mo?" tanong ko habang nagmamaneho.
"Oh? Ano na naman meron sa mukha ko? Papatanggal mo rin yung manipis na blush on ko sa pisngi? Nakakainis ka na."
"Nagtatanong lang ako kung bakit ka nakasimangot."
"Bakit ba kasi masyado ka ng oa? Pati ba naman pananamit ko Theron? Seriously?"
"Oa ba ang tawag dun? Dapat nga natutuwa ka pa eh. Samantha, kapag hinayaan ka lang ng boyfriend mo na magsuot ng exposed na damit, ibig sabihin nun hindi ka mahalaga sa kanya. Ang gago ko lang siguro kung hahayaan kitang nakapaldang pupunta sa gym na puno ng lalaki. Hindi naman sa ayaw kitang magmukhang maganda sa iba. Ang sa akin lang, piliin mo naman sa lugar. Tandaan mo, hindi ka naman rarampa dun." hindi siya nakapagsalita at tumingin na lang sa labas ng bintana. Hinawakan ko yung kamay niyang nakapatong sa bag niya kaya napatingin siya sa akin.
"Fine, I'm sorry. Mali rin ako dahil sinasakal na kita minsan. I'm really sorry the way I treat you but I just want you to know how much I care for you, misis ko. I love you."
Venus' POV
Ano naman drama nang dalawang 'to? Kanina lang magkaaway ata tapos ngayon naman naglalandian na. Jusko ha, ang tagal din kasi nung coach nila eh.
"Hoy tombs, bakit nandito ka?"
"Wala na kasi ako dyan sa puso mo, boom!" sabi ko at pumalakpak pa dahil sa banat ko.
"Kikiligin na ba ako? Inform mo ako kapag pwede na ako kiligin ha?" mapang-asar niyang tugon. Ang epal niya talaga, nakakainis.
"Tse! Ewan ko sayo."
"Atsaka alam mo ba bakit wala ka na sa puso ko? Kasi nasa isip na kita, boom!"
-_____-
"Oh talaga? Walang may pake." sabay irap ko sa kanya.
"Burn, fa." natatawang sabi naman ni Phoenix. Ang gwapo niya talaga kapag tumatawa.
"Kaya wala ka na sa puso ko kasi si Phoenix fa na yung mahal mo eh." Aba, gago 'to ah. Nagdrama ang loko na akala mo naman eh naging kami.
"Hoy hoy hoy, huwag ka ngang ano dyan. Mamaya maniwala si Phoenix na gusto ko siya ah. Hmp!" pagdi-deny ko.
"Okay lang kay fa yun. Hindi ka naman niya papatusin eh, haha."
"Actually, I can court you Venus pero naawa naman ako kay Kean fa. Baka iniisip niya inaagawan ko siya, haha." tawang tawang sabi pa ni Phoenix.
"Hoy, ano ba pinagsasabi mo Phoenix?" naiirita niyang tanong.
"Alam mo kasi Venus, gusto ka talaga niyang si Kean. Nagpapapansin na lang sayo yan-"
"Hoy fa, itigil mo nga yang kakasabi mo nang ganyan. Tumakbo ka na, aba."
"Kita mo Venus oh, affected talaga siya say- HAHAHAHAHAHAHAHAHAHA tangina teka."
At ayun, nagsimula na silang nagtakbuhan sa court. Runner talaga 'tong Kean na 'to, ang bilis eh.
"Venus, I love you daw sabi ni Kea- hahahahaha!" tawang tawang sigaw ni Phoenix. Napailing na lang ako at tumawa.
"Tombs! Paker talaga si Phoenix mo!" papansin talaga. Makasigaw siya ng "Phoenix mo" eh mamaya dumating yung girlfriend. Damn you, Kean.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top