40
Theron's POV
"Ganito ba misterq?" tinignan ko siya at napangiti. Damn, her smile is drooling me af. "Huy, nakikinig ka ba?" nabalik ako sa realidad nang iwinagayway niya ang kamay niya sa harap ng mukha ko.
"Ha?"
"Sabi ko po, tama ba?" tinignan ko ang mga pinipindot niya at tama naman kaya tumango ako sa kanya.
Magsisimula na yung laro namin at siya ang pinaglaro ko. Tumayo naman ako at pumunta sa likod ng upuan at pinanood ang ginagawa niya. Hinawakan ko yung kamay niya na nakahawak sa mouse at tinuruan pa siya ng kaunti. Idinikit niya ang pisngi niya sa pisngi ko at tinitigan ako. Nakikita ko kasi siya sa gilid ng mga mata ko.
"Baka malusaw ako, misisq."
"Ang gwapo mo talaga misterq." sabi niya at hinalikan ako sa pisngi.
"Alam ko, haha. I love you."
"I love you too!"
"Kingina, masakit sa tenga yung landian niyo." irita na sabi ni Caleb. Palibhasa walang chicks ngayon eh.
"Hoy, respeto naman sa walang lovelife dito noh!" natawa kami sa sinabi ni Venus na nakapout pa. Tsk tsk.
"Anong walang lovelife? Anong tawag mo sa akin sa buhay mo?" singit naman bigla ni Kean. Sinamaan siya ng tingin ni Venus at inirapan 'to. Hokage talaga ang loko.
"Ayiee" sabay sabay naming panloloko na ikinangiti lalo ni Kean.
"Isa kang malaking bwisit sa buhay ko."
"Woaaaaah." sabay sabay ulit namin sabi at tumawa ng tumawa. Sinamaan din siya ng tingin ni Kean pero ngumisi din bigla.
"Atleast merong 'ako' dyan sa buhay mo. Boom!"
"Hoy ang feeling mo ha! Ron, pakiexplain nga sa akin kung saan humuhugot ng kapal ng mukha itong bading na 'to."
"Makakapal ka naman ng mukha sa akin, baba lang kaya.." pangangatwiran niya pa, gago talaga haha.
Kean's POV
"Turuan mo na ako, sige naaaa!" tangina, mukha siyang bibe kapag nakapout talaga. Niyuyugyog niya ako dahil lang sa gusto niyang matutong maglaro ng lol.
"Tangina, huwag kang magulo. Hahalikan na kita para manahimik ka." ang ingay at gulo eh.
"Turuan mo na fa kaya nga natin sinama yan eh." sabi naman ni Calix na katabi lang namin.
"Ayan si Phoenix oh, expert din. Hoy Phoenix! Turuan mo nga 'tong si Venus at ayaw turuan ni Kean fa." sigaw ni Ethan kaya napalingon si Phoenix. Expressionless lang siya at tumango.
"Omg, ang gwapo niya bads.." bulong ni Venus sa akin at kinikilig kilig sa tabi ko, tss. "Buti pa siya mabait, hindi tulad mo na suplado, hmp!" huling sabi niya at umalis sa tabi ko.
"Tuturuan mo ako Phoenix?" rinig kong tanong niya kay Phoenix kahit nakaheadphone ako.
"Oo, umupo ka muna dito at tatayo na lang ako." sabi naman ni fa at tumayo. Uupo na sana si Venus nang bigla akong sumigaw.
"Hoy tombs! Halika na nga dito, tsk." napalingon silang lahat sa akin at ngumiti ng nakakaloko maliban kay Phoenix at Venus.
"Bakit?"
"Ako na lang magtuturo sayo."
"Kanina nga ayaw mo, hmp!"
"Huwag ka nang makulit, bumalik ka na nga dito."
"Ayoko nga. Nakatayo na si Phoenix oh."
"Tss. Bahala ka." sabi ko at inirapan siya. Ewan ko ba at gusto kong ako na lang ang magturo sa kanya.
"Oo na, nangonsensya ka pa. Dunggulin ko baba mo eh." tumayo siya at lumapit naman sa akin. "Oh saan ako uupo diyan?"
"Dito sa lap ko, kandong kita." sabi ko at kinindatan siya na ikinalaki ng mata niya.
"Doon na nga lang ako Phoenix! Basto—"
"Joke lang. Umupo ka na dito, nahiya naman ako sayo." sabi ko at tumayo na. Umupo siya at hinawakan na yung mouse. Hinawakan ko yung kamay niya at tinuruan na siya.
"H-hoy, chansing ka ah."
"Gwapo naman eh. Aayaw ka pa ba?"
Naglaro na kami. Si Samantha ang naglaro sa account ni Theron, si Venus naman sa akin at si Phoenix fa ay yung girlfriend niya. Yung apat, sila naglaro kasi hindi nila dala yung chicks nila haha.
"Magfocus ka nga sa nilalaro mo." naiirita kong sabi kay Venus. Paano kasi, tingin ng tingin kay Phoenix atsaka dun sa girlfriend niya.
"Ang ganda ng girlfriend niya noh?" napalingon ako at maganda naman pero mas maganda siya.
"Selos ka?"
"Hindi noh. Ang swerte lang kasi talaga nung babae sa kanya. Ang loyal siguro ni Phoenix sa kanya noh? hindi tulad mo na babaero."
"Hindi ko pa kasi nahahanap yung taong para sa akin."
"Woah, ikaw ba yan bads?"
"Hindi, tatay mo 'to. Sapakin kita eh."
—
a/n: medyo maraming narration dito, okeh? kasi magkakakilala na sila in person :>
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top