Kapitulo XVII - Sorting Ceremony

Nagsitayuan ang mga gurong naroroon sa aming lamesa at sinenyasan ang mga tagapagbantay na hawakan ako. Abot-abot ang pagtahip ng puso ko nang damputin nila ako at ramdam kong parang may nakatali sa aking mga kamay kahit wala naman silang inilagay roon. "S-Saan niyo po ako dadalhin? A-Ano pong gagawin niyo sa akin?"

"Dadalhin ka namin sa kulungan ng phoenix," pormal na sagot sa akin ng isang tagapagbantay.

Hanggang dito ka na nga lang ba talaga, Eshtelle Alexa?

Ipinilig ko ang aking ulo dahil sa naiisip. Itinikom ko na lang ang aking bibig at pilit na pinalakas ang loob katulad ng sinabi sa akin ni Luke. I know I didn't come this far to only come this far. Sigurado akong hindi magtatapos dito ang buhay ko. Bahala na kung anong mangyari sa akin, basta huwag lang madamay ang mga kaibigan ko ay mapapanatag na ang loob ko.

Pakiramdam ko ay ang tagal ko nang nanatili rito sa paaralang ito dahil sa iba't ibang mga naging naranasan ko dito. Sa katunayan nga ay nakatatak na sa aking puso't isipan ang lahat ng mga alaalang nabuo ko kasama ang mga kaibigan ko.

Nang marating namin ang tapat ng kulungan ng phoenix ay bigla akong itinulak papasok ng mga nakahawak sa aking tagabantay pagkabukas pa lamang ng malalaking pinto nito. Namutawi ang katahimikan sa buong paligid habang unti-unting nagsasara ang pinto sa aking likuran at unti-unti rin akong nilalamon ng kadiliman sa loob ng hawla. Ang natitirang liwanag na lang ay ang liwanag ng ilang kandilang nakasabit sa chandelier.

Nasa loob din ng hawla ang ilang guro ko kabilang na si Ms. Miranda, Sir Alejandro, at Ms. Erispe. Naiwan naman sa labas ang aking mga kaibigan na kasama si Luke at ang ilang Class A students. Nandoon din sa likod ng mga guro nakatayo ang nakangising-aso na si Elise.

Pinasadahan ko ng tingin ang madilim na paligid. Ngayon ko lang napagtanto na mapanlinlang pala ang hitsura ng kulungang ito dahil kapag nasa labas ka ay makikita mo ang lahat ng nangyayari sa loob nito ngunit kung titingin ka naman mula rito sa loob ay saradong-sarado ito.

"So let's begin the sorting ceremony. Shall we start?" pormal na tanong sa amin ni Headmaster R. Napalunok ako nang sunud-sunod bago marahang tumango. Mukhang mabubuking na nga talaga ang sikreto ko. Ano na nga ba ang mangyayari sa akin? Katapusan ko na ba talaga? Bibigyan pa kaya ako ni Headmaster R ng pagkakataong mabuhay?

Halos mapatalon ako sa aking kinatatayuan nang umalingawngaw sa paligid ang lakas ng ungol ng phoenix na tila nagising mula sa mahabang pagkakatulog. Nanindig ang mga balahibo ko sa tunog na iyon at ramdam ko ang pag-usbong ng mas matinding takot sa aking dibdib.

Nagulat ako nang biglang hawakan ni Sir Alejandro ang kanang pala-pulsuhan ko at hinila ako papalapit sa phoenix kung saan may apat na malalaking basin na nakahilera sa kanyang harapan. May mga label ito sa itaas na mga letra mula A hanggang D. Sa tingin ko, ito ang sinabi nilang papatakan ng luha ng phoenix upang malaman kung saang class ako nararapat.

Nalaglag ang panga ko nang may nilabas na dagger si Sir Alejandro mula sa kanyang bulsa. Lumingon ako sa paligid at nakitang walang bahid ng pag-aalinlangan sa mukha ng lahat ng nasa loob ng hawla at tila ba sanay na sila sa ganitong eksena. Halos mapamura ako nang makita kong inilapit ni Sir Alejandro ang talim ng dagger sa bahagi ng aking braso malapit sa pulso.

Napapikit ako nang mariin at nagtagis ang aking bagang dahil sa sakit na dulot ng paghiwa ni Sir Alejandro sa aking braso upang palabasin ang aking dugo. Agad niyang kinuha mula sa kanyang bulsa ang isang maliit na vial na walang laman. Sinahod niya ang vial sa tumatagas na dugo mula sa aking braso hanggang sa mapuno ito. Mabilis niya itong tinakpan bago bitiwan ang aking braso. Ramdam ko pa rin ang pagdaloy ng dugo sa aking braso at ang bahagyang panlalambot nito.

Lumapit si Sir Alejandro sa phoenix at ibinuhos ang ang laman ng vial sa isang maliit na palangganang may lamang tubig. Kumalat ang aking dugo sa tubig hanggang sa tuluyan na itong maging kulay pula. Matapos ang ilang sandali ay hinila nila sa leeg ang phoenix upang pilitin itong uminom doon. Halos mapatalon ako sa gulat nang bigla itong mapahiyaw matapos lumagok ng tubig mula sa palanggana. Nagwala ito nang kaunti at napatingala ang kanyang ulo na para bang ito'y nahihirapan.

Naramdaman ko ang kaunting panginginig ng aking tuhod dahil sa nasaksihang iyon. Nanlamig lalo ang aking mga kamay at ramdam ko na rin ang pagtagaktak ng aking pawis dahil sa sobrang kaba. I don't think I've ever been this nervous in my life! All I think about is to face my fears without hesitations before, pero ngayon ay tila nasampal ako ng katotohanan!

I know that I've been ready to face death ever since I realized that I don't really belong here, pero ngayon ay parang gusto ko na yatang umatras. Parang bigla kong naramdaman na dapat ko nga talagang katakutan ang kamatayan dahil kumakatok na ito sa pinto ko ngayon. Akala ko dati ay handa na akong harapin ito at akala ko rin dati ay kaya kong idaan sa tapang ang lahat upang maka-survive sa mundong ito.

May takot pa rin pala ako... Natatakot akong tuluyan na akong mawala sa mundo, pero mas takot akong maiwan ang mga mahahalagang taong gusto ko pang makasama nang matagal at makapagbuo pa ng marami pang mga alaala. Natatakot akong maiwan ang pamilya ko nang walang paalam.

Lumapit ang phoenix sa apat na basin na nasa harapan niya. Kitang-kita ang unti-unting pagkawala ng luha mula sa kanyang mata bago ito yumuko at lumapit sa isa sa mga basin sa kanyang harapan. Halos malagutan ako ng hininga nang makita kung saan niya ipinatak ang kanyang unang luha. Ramdam na ramdam din ang namumuong tensyon sa paligid at tila wala akong marinig kung 'di ang malakas na tibok ng aking puso na tila ba gusto nang kumawala mula sa aking dibdib.

Ano ang ibig sabihin nito? Bakit gano'n? Paano nangyari? Imposible!

"Eshtelle Alexa Lee...Class A." Malinaw at mariing wika ng headmaster na tila ba naka-mikropono dahil sa lakas ng boses.

Ramdam ko ang unti-unting panlalambot ng aking tuhod. Paano ako naging Class A?! Wala naman akong ability! Isa itong kalokohan!

"No way!" histerikal na sigaw ni Elise na bakas ang magkahalong gulat at galit sa kanyang mukha.

"M-Mawalang galang na po, Sir Alejandro, pero..." namamaos na sabi ko habang hindi pa rin makapaniwala sa nasaksihan. "Paano po iyon nangyari? B-Bakit po ako ganoon ang resulta ng sorting ceremony?"

Kumunot ang kanyang noo. "Hindi ba dapat ikaw ang tanungin ko tungkol d'yan, Ms. Lee? Paano ka nga ba napunta sa Class D kung ikaw pala ay dapat nasa Class A?" balik niya ng tanong sa akin.

"M-Mahabang kuwento po, pero sigurado po akong wala talaga akong ability at totoo po ang sinabi ni Elise na isa lang akong... m-manna," naiilang na pag-amin ko.

Napahawak pa ito sa kanyang baba na tila nag-iisip bago matamang pinagmasdan ang patak ng luha sa basin ng Class A. "Imposible 'yang sinasabi mo dahil hindi pa kailanman nagkamali ang phoenix sa sorting ceremony," aniya bago sinenyasan ang isang guro na si Mrs. Perickles, teacher namin sa Chemistry class. "Gusto mo bang malaman ang iyong ability?"

I swallowed hard and slowly nodded as a response. Sinundan ko ng tingin si Mrs. Perickles nang hawakan niya ang basin na naglalaman ng dugo ko. Matagal niya itong hinawakan habang nakatitig nang diretso rito na tila ba may binabasa roon.

"A-Ano pong ginagawa ni Mrs. Perickles?" nalilitong tanong ko kay Sir Alejandro.

Sinulyapan niya ako. "Iyon ang ability na taglay niya. Binabasa niya ang iyong kakayahan sa pamamagitan ng sense of touch at direct contact." Napatango na lang ako sa sinabi niya bago binalik ang tingin kay Mrs. Perickles na nakabitiw na pala sa basin at tila may malalim na iniisip.

Awtomatikong kumunot ang noo ko at unti-unti na namang binalot ng kaba ang dibdib. Lumabas kaya roon ang katotohanan? Ano ang naging resulta? Nagkamali nga ba talaga ng pag-sort ang phoenix sa akin?

"Mrs. Perickles," tawag ni Sir Alejandro sa kanya upang makuha ang atensyon nito dahil halatang-halata ang bahagyang pagkabalisa niya. "What's the matter?"

Nanlalaki ang mga matang nagpabalik-balik siya ng tingin sa akin pati kay Sir Alejandro. Maya maya'y bumuntonghininga siya at napahawak sa kanyang sentido na tila ba nahihirapan.

"What's her ability, Perickles?" Napasinghap ako nang marinig muli ang tinig ng headmaster.

"It was difficult to detect and analyze, but..." she trailed off before looking at the basin again.

Napalunok ako habang hinihintay ang kanyang susunod na sasabihin. Lumabas ba ang totoo ngayon? Nalaman ba ni Mrs. Perickles na wala talaga akong ability? Wala ba siyang na-detect na kahit katiting na ability mula sa akin?

Nag-angat ng tingin sa akin si Mrs. Perickles bago tumikhim at nagsalita. "Enhanced Senses."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top