sixty-five

messenger

Samantha Calleso
active now

08:30PM

Samantha
Khael, anak

Kasama mo ba si samuel?

Khael
po?

hindi po, tita

bakit po?

Samantha
Hindi pa siya umuuwi

Anong oras na

Alas-otso na

Khael
baka pauwi na po yun, tita

natraffic lang po ata

Samantha
Tiningnan ko ang schedule niya

Hanggang 6:30 lang ang pasok niya ngayon

Ayaw niyang sagutin ang tawag ko

Khael anak, nag-aalala ako

Khael
imemessage ko po

Samantha
Asan ka ba?

Khael
andito lang po sa may malapit na coffeeshop

Samantha
Sige

Sabihan mo ako kapag nagreply na sayo

Please, khael anak, ayokong may mangyaring masama sa anak ko

Khael
opo, tita

__________________

Khael Dela Cruz
active now

08:40PM

Khael
wel

asan ka?

Samuel
uuuy!

kakatapos lang namin magdinner ni veronica

ihahatid ko na siya pauwi

Khael
hindi mo raw sinasagot tawag ni tita

nag-aalala na sayo mama mo

Samuel
sabihin mo kasama mo ko

Khael
gago ka ba?

Samuel
dali na khael

uuwi rin naman ako

i-excuse mo na lang ulit ako kay mama

Khael
samuel, hindi ko na gagawin mga favor mo

kasi pati ako nag-aalala na sayo

ayoko ring mawalan ng kaibigan

Samuel
hindi pa naman ako mamamatay

Khael
yun nga yung point, e

hindi natin alam kung kelan

Samuel
oh, anong gusto mong gawin ko?

hindi ko gagawin yung mga gusto ko?

knowing na anytime pwede Niya akong bawiin?

Khael
hindi naman sa ganon

ang gusto lang namin, alagaan mo yung sarili mo

Samuel
inaalagaan ko naman sarili ko

kayo lang naman yung walang tiwala sakin

typing. . .

natutulog ako ng maaga

lagi akong pumupunta sa weekly check up

umiinom ako ng gamot

ginagawa ko yung gusto ni mama na huwag tumakbo, huwag kainin yung mga ganto-ganyan, huwag magpagod, huwag magstay sa kusina, huwag maglaba

typing. . .

i was homeschooled for 6 or 7 years

hindi ko naenjoy yung highschool life ko

hindi ko naenjoy yung buhay ko

kasi araw-araw na lang akong dinadala sa hospital

buwan-buwan akong inaatake

sa tingin mo ba ginusto ko rin to?

typing. . .

kahit minsan nakikita kong hirap na si mama sa mga gawaing bahay at magkayod sa trabaho para lang magkaron ng pera pangbili ng gamot at pang bayad sa hospital

pero wala akong magawa

dahil sa putanginang sakit na to

putangina, khael

Khael
yun na nga e, nagkakayod yung nanay mo para makakuha ng pera panggamot mo
pero ganyan pa rin ginagawa mo

Samuel
ayokong mawala sa mundong ito na may pinagsisisihan

kahit ito lang mga gala namin ni veronica, wag niyo nang ipagkait sakin

Khael
simula nung nakilala mo yang si veronica
ganyan ka na

eh, baka siya pa magbigay ng disgrasya sayo

typing. . .

Samuel
alam kong nag-aalala ka sakin, khael

pero huwag kang ganyan.

ako na bahala kay mama

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top