one

messenger

riri, reyn, at ronron
3 members

03:00PM

Raine
hoy, babaita @Veronica yung utang mo sakin, pakibayaran

Veronica
wala pa akong pera, wait lang

Raine
last month pa talaga yang wait mo

Mirari
ingay niyo

Rain
riri! pakisabihan nga yang kaibigan mo!

wankey ang utang niya sakin!

1k!

isang libo!

Veronica
sandali nga lang kasi

babayaran naman kita, epal to!

Mirari
sabunutan, sabunutan

Raine
kelan mo babayaran?

Veronica
now na! pupunta lang ako dun sa kapitbahay ni tita na may utang sakin na 500

tapos uutang ako kay tita ng 500 pa, tapos ibabayad ko na sayo

Mirari
ano kaya yon? inutang din yung ipangbabayad sa utang

Raine
HAHAHAHA go, roni! AHAHAAH

Veronica
paepal ka talaga, ulan!

Raine
yung utang mo ha!

Veronica
oo na nga! eto na! kukunin ko na

Mirari
paano ka nagkautang kay raine?

Veronica
lagi kasi akong umuutang sa
kanya tuwing uwian nung pasukan

pambili ng fishball

ang loka, nililista pala

Raine
gago, hindi lang talaga fishball yon!

kapag pumupunta tayo ng ukay-ukay, sakin ka pa rin humihingi ng pambayad!

kesyo, nakalimutan ang wallet o kulang ang pera

pero kinabukasan, may pa-selfie na umiinom ng milktea!

Veronica
pake mo ba!

Mirari
FO! FO! FO!

Raine
labyu ronron, pakibayaran na lang, pls
AHAHAHAHAHA

Veronica
labyutu, wait lang

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top