Chapter 26: Ring

#DS4Unadorned #MAAAD #DaggerSeries
CHAPTER 26: RING
MIREIA'S POV
I don't know how long since we left the hospital. I didn't care. Ang mahalaga sa akin ay makalayo sa lahat pansamantala dahil hindi ko alam kung hanggang kailan ko kakayanin na hawakan ang lahat ng ako ngayong pakiramdam ko ay anumang saglit ay mawawasak na ako.
"We can only do palliative chemotherapy for her, Mireia."
Mahigpit na kinuyom ko ang mga kamay ko dahilan para maramdaman ko ang pagkagat ng mga kuko ko sa mga palad ko. A warm hand reached for mine, but even the familiarity of the touch can't calm the chaos inside me— No... it's more than a chaos, it's more like everything I have is turning into dust.
Kasi alam ko na kahit anong gawin ko ay hindi ko magagawang taguan ang katotohanan. My mother is dying. She's going to leave me. I'm going to lose her.
"Where do you want us to go?" Axel asked in a soft voice.
Us.
The moment he came back into my life, it was like everything just fit perfectly. We became an "us" before I even accepted everything that was in front of me. Being with him feels so natural that thinking about the years without him fills me with an ache I never fully understood.
It scares me. It scares me to know how much I need him. Kasi alam ko kung gaano magiging kahirap kapag nawala siya sa akin. Kung gaano magiging kasakit kapag iniwan niya rin ako.
The car slowed down, and when it stopped, I noticed that we were outside his house.
"Don't," he whispered.
"W-What?"
Tinignan niya ako sa paraan na para bang mas naiintindihan niya ang nararamdaman ko kesa sa akin. Humigpit ang pagkakahawak niya sa kamay ko at sa sumunod na sandali ay natagpuan ko siyang iginagaya ako palapit sa kaniya hanggang sa wala na akong nagawa kundi mapaloob sa mga bisig niya.
"I know that right now your world feels like it's falling apart. I know that you want to take control and handle it all. I understand that. I respect that. You can do whatever you want, angel. But while you take care of everyone around you, you need to understand that I'm here to take care of you."
"Axel—"
"You let everyone lean on you. You took on the responsibility of keeping everything together. With me you don't need to. You can lean on me, and you can fall to pieces, because I will be beside you to catch you. Even if your world ends, you will always have mine."
Tears clouded my eyes, but I didn't let it fall. When I spoke, it was barely above a whisper. "I'm so tired."
"I know," he said as quietly.
"Lagi kong sinasabi sa sarili ko na hindi ako dapat magreklamo. Hindi ako iyong may sakit. Hindi ako iyong magdadaan sa lahat ng kakailanganin na pagdaanan ni Naynay. Pero hindi ko kasi maiwasan na hindi rin mapagod. Iyong lumaban madali lang... pero ang umasa iyon kasi ang mahirap. Sobrang hirap."
Ilang beses ko bang hiniling noon na sana magkaroon pa kami ng kaunting oras ni Naynay? Ilang beses ko bang hiniling na huwag siyang kunin kasi hindi ko kayang mawala siya?
Hanggang dito na lang ba talaga? Will it be too selfish to ask for more time? To want for more?
"Ayokong maiwan," bulong ko. "Hindi ko kayang maiwan na mag-isa."
"Mireia..."
"H-Hindi ko kayang mawala si Naynay."
No one could mistake the anguish in my voice. But I can see that, Axel, that for some reason always understands my heart more than I do, feels my pain more than anyone else.
There might be millions of words out there, but there's not one of those that can lessen my pain. I know that, and he does too. He can't give me a solution, he can't give me false hope, and he can't stop me from hurting. So he didn't. Instead, he stayed with me, letting me feel what I needed to feel, while trying his hardest to remind me that I would always have him no matter what.
I forced myself to speak, even though all I want to do is curl into him. "We... we need to go back to the hospital for Lucienne. She might be wondering why... why..."
Marahang hinaplos niya ang buhok ko. "Don't worry about that. Trace woke up and read the messages in the group chat. He's going to pick them up."
"Do they know?"
Umiling siya. "That's not up to me." Inilapat niya sa pisngi ko ang mainit niyang palad. "Hindi mo kailangang mag-alala sa kahit na ano. Just focus on you and Naynay for now."
Imbis na bumalik sa kinauupuan ko ay isinandig ko ang ulo ko sa dibdib niya kasabay nang pagpalibot niya ng mga braso niya sa akin. We could have stepped out of the car and go back home, but he didn't protest that I obviously didn't want to get out.
It just feel safer here. I only have him. Even if I could hear all of the things that surrounds me shatter, it was like in here, I could hide from everything so that they wouldn't crush me. At least not completely.
But clearly, I'm not fate's favorite. Dahil bumasag sa katahimikan ang ingay na nagmumula sa speaker ng sasakyan na nakakonekta sa cellphone ng lalaki. When I looked at the screen on the dashboard, I saw that it's Marthena calling.
Bago pa makakilos si Axel ay ako na ang sumagot noon. Noises fill the car the moment that the call got connected. Para bang bukod sa boses ni Marthena ay may iba pang mga nagsasalita malapit sa kaniya.
"Kuya Axel? Kayo ba ang nakaparada sa labas ng bahay?" bumubulong na tanong ng pinsan ko. "Kung kayo 'yan huwag muna kayong bababa. Tatawagan ko rin si Tita para hindi muna sila umuwi ni Orson. O kaya sunduin niyo na lang sila—"
"Anong nangyayari?" tanong ko.
"Ate! Kanina pa ako tumatawag sa'yo." I heard the noises from the other line of the call getting nearer. Lalong humina ang boses ni Marthena nang muli siyang magsalita, "Naalala mo noong nakaraan na nakausap ni Tita Mila si Tita Mayette? Nabanggit ni Naynay mo na dito tayo sa Tagaytay pansamantalang tumutuloy. Alam mo naman si Tita Mayette. Siyempre nagpabili na naman ng kung ano. Sa return address siguro nila nalaman kung nasaan tayo kaya ngayon bigla na lang sumulpot."
"Si Mireia ba 'yan? Kasama niya ba ang boyfriend niya? Sabihin mo umuwi na para makilala naman namin."
Hindi na ako nagtataka na alam nila ang tungkol kay Axel. Kahit hindi pa sabihin sa kanila ni Naynay ay malalaman at malalaman nila. Daig pa kasi nila ang paparazzi na alam ang bawat galaw ko.
"Pasabi kay Ate Mireia akin na lang 'tong nakita ko na isa sa mga bracelet sa kuwarto nila ng boyfriend niya. Saka pwede rin itong bulaklakin na singsing? Mahal ba 'to? Parang plastic lang pero ang ganda ng lalagyanan eh."
Ibinalik ko kay Axel ang cellphone at pagkatapos ay basta ko na lang binuksan ang pintuan sa driver's side para lumabas doon. Ramdam kong nakasunod siya sa akin habang mabilis ako na naglalakad papunta sa bahay.
It didn't took long for me to enter the house. Hindi ko pinansin ang mga nagkalat na mga damit at bag na alam kong lahat ay sa akin at sa halip ay dumiretso ako sa kinatatayuan ng pinsan ko na si Melanie. Kinuha ko mula sa kamay niya ang hawak niya na lalagyanan ng singsing at binuksan ko iyon pero wala na ang laman no'n.
"Where's my ring?" I asked in a quiet voice.
Nakangiting inangat niya ang kamay niya. On her ring finger, I can see the transparent plastic ring with small flowers in them. "Bagay sa akin no? Akin na lang 'to ate ha—"
Hindi niya nagawang tapusin ang sasabihin nang abutin ko ang kamay niya at marahas na hinubad ko mula sa daliri niya ang plastic na singsing. Mahigpit na hinawakan ko iyon at direkta ko siyang tinignan sa mga mata. "No."
Bahagyang namutla ang babae at nilingon niya ang kinaroroonan ng nanay niya na kaagad lumapit sa amin. Kunot na kunot ang noo ng Tita ko sa akin. "Ano bang problema mo, Mireia? Ngayon lang tayo nagkita ulit tapos ganiyan pa ang trato mo sa pinsan mo. Ang dami mo namang alahas para iyan lang ipagdadamot mo pa?"
"May karapatan naman po ako sigurong tumanggi kung ano ang pwede at hindi ko gustong ipamigay Tita tutal mga gamit ko ang basta niyo na lang pinakielamanan."
"Ang dami naman niyan. Aanhin mo lahat 'yan?"
"Kahit ano pong gawin ko sa pera ko o sa mga gamit ko nasa akin na ho iyon kasi pinaghirapan ko naman ang mga iyan."
Dumilim ang mukha niya. "Kung makapagsalita ka na sa akin ngayon, Mireia, ha? Pamilya ko lang naman ang tumulong sa inyo ng nanay mo noong panahong walang-wala kayo. Porke may pera na kayo ngayon ang taas na ng lipad mo." Nang-uuri na tinignan niya ako mula ulo hanggang paa. "Ang daming pangarap ng kapatid ko para sa'yo. Lagi niya ngang pinagmamalaki kung gaano ka katalino at malayo raw ang mararating mo. Tama naman siya. Malayo nga ang narating mo pero hindi dahil sa utak mo kundi sa katawan mong walang kahihiyan mong ibinandera sa mundo. Hindi ka ba nahihiya sa nobyo mo? Bukod sa ang dami ng pinagpyestahan ang mga larawan mo eh kung sino-sino na rin ang nakinabang sa'yo sa dami ng kinalantari mo? Pinaghirapan mo ba talaga ang mga pinambili mo sa mga mamahalin mong gamit o dahil sa mga nilandi mong lalaki?"
I felt Axel's familiar hand tugged me close to put himself between him and the woman in front of me, and from the corner of my eyes I saw Marthena angling towards our aunt as if she wanted to lunged at her. Pero hindi nila nagawang unahan ang pares ng mga kamay na tumulak kay Tita Mayette dahilan para halos mapatumba siya kung hindi lang siya nasalo ng anak niya na si Melanie.
"Huwag na huwag mong iinsultuhin ang anak ko, Mayette."
I stared at my mother in shock. Despite her obvious struggle to keep standing, she didn't move away from her sister who's looking at her furiously.
"Iyang anak mo ang yabang kasi, Mila. Kung makapagsalita akala mo naman ang linis. Puro problema lang naman ang dala sa iyo niyan mula noon hanggang ngayon."
Buong buhay ko ay nasaksikhan ko lahat ng mga kinailangang harapin ng ina ko para lang magawa akong buhayin. Lahat ng hirap at sakripisyo hindi niya ininda. She will just smile and keep moving forward as if nothing can deter her from wanting to work hard for a better life for us. She never act frustrated, she never complained, and she was never bitter. She's always been a positive person. Pero ngayon ay bakas sa kaniya ang galit na ni minsan ay hindi ko nakita sa kaniya.
"Wala kang alam... wala kang alam sa pinagdaanan ng anak ko para pagsalitaan mo siya ng ganiyan. Kaya niyang makapagtapos at matupad ang pangarap niya pero pinili niyang itigil ang pangarap niya para sa akin. Mas pinili niyang magtrabaho dahil may sakit ako."
"Ang sabihin mo ay kinailangan niyang magtrabaho dahil nasesante ka nang matanggal ka sa mga Castañeda dahil nilandi niyang si Mireia ang anak ng amo mo—"
Isang malakas na sampal ang dumapo sa pisngi ni Tita Mayette na nanlalaki ang mga matang napatulala sa nanay ko. Axel let me go, but only to step closer to my mother in case my aunt retaliated.
"Hindi mo alam ang nangyari. Kahit hindi nila ako sinesante hindi ako mananatiling magtrabaho para sa mga taong nagpahirap sa anak ko!" nanginginig ang buong katawan na malakas na sabi ni Naynay sa galit. "Kung naging guro si Mireia ako ang magiging pinakamasayang tao sa mundo dahil iyon ang pangarap niya. Ngayon na sinasabi niyong wala siyang ginawa kung hindi ipakita ang katawan niya sa mga tao? Wala pa ring nagbago. Proud na proud pa rin ako na maging nanay niya."
Bumagsak ang mga luha mula sa mga mata ko lalo na nang lumingon sa akin si Naynay at binigyan ako ng maliit na ngiti bago niya binalik ang atensyon niya sa kapatid niya.
"Wala siyang dapat na ikahiya sa kahit na sino. Lalong lalo na sa inyo na kung kutyain siya eh ganoon na lang pero wala naman kayong ginawa kundi humingi nang humingi sa kaniya na para bang may utang na loob siya sa inyo."
"Baka nakakalimutan niyo kung ano ang mga tinulong namin sa inyo!"
"Bayad na kami. Matagal na matagal na. Lahat ng tulong na ibinigay niyo hindi ba pinagtrabahuhan ko? Kung ituring niyo nga ako parang katulong niyo at hindi kapatid mo. Pero inintindi kita, Ate. Alam ko na kahit may negosyo kayo may anak ka rin na pinapaaral. Kaya noong nakaluwag kami, lahat ng hingin niyo ay binibigay namin. Pero sobra na. Sobra na kayo sa anak ko." Binuksan ni nanay ang bag niya para kunin ang wallet niya roon at pagkatapos ay inilabas niya lahat ang laman no'n na pera. Inabot niya iyon sa tila itinulos sa kinatatayuan na kapatid niya. "Huwag kang mag-alala, Ate, kung kulang pa 'yan dadagdagan ko. May listahan ako lahat ng hiniram ko na pera sa'yo. Kahit matagal ko ng naibalik sa'yo iyon babayaran ko ulit sa katapat na halaga kung iyon ang paraan para mabili ko ang katahimikan ng buhay ni Mireia. Iyon man lang maibigay ko sa anak ko bilang nanay niya bago ako mawala."
Tinalikuran niya ang kapatid niya at nag-angat siya ng tingin kay Axel na nasa tabi niya. Marahang tinapik niya ang pisngi ng binata. "Maswerte ang anak ko na maging parte ka ng buhay niya, pero sana hindi mo makalimutan na maswerte ka rin dahil wala ka ng mahahanap na babae na gagawin ang lahat para sa mga taong mahalaga sa kaniya. Ganoon magmahal si Mireia." Axel's jaw were tight, but he nodded at my mother. "Ang mga narinig mo at malalaman mo—"
His eyes went soft. "I am proud of her just like you are, Nay. Nothing can change that."
Mukhang may sasabihin pa si Tita Mayette. Knowing her, she always have something to say. Para bang kailangan sa kaniya lagi ang huling salita. Pero bago pa niya magawa iyon ay nakarinig kami ng komosyon na nagmumula sa labas. Ilang sandali lang ay pabalabag na bumukas ang pintuan ng bahay at nagsipasukan ang pamilya ni Axel.
Si Coal na karga si Cookie sa isang braso ay lumapit sa kinaroroonan ni Naynay at iginaya niya palayo kaila Tita Mayette ang ina ko. Domino that looks disheveled from sleep went to the seething Marthena and corralled her towards Naynay and the others. Binitawan ni Dom ang pinsan ko nang abutin ng nurse ni Naynay na si Orson si Marthena.
Lia stopped near them with her arms crossed. She didn't say anything, but she didn't need to because the look she gave my aunt and cousin is speaking volumes. She was always kind to me, that's why it's the first time I saw her looking at someone so coldly that it's a wonder that they didn't freeze to death. Sa tabi niya ay naroon si Gun na tulak ang stroller ng mga anak. The expression on his face doubled the one that can be seen on his wife.
Nilagpasan sila ni Trace na karga si IC at si Lucienne na naniningkit ang mga matang tinignan ang mga kamag-anak ko. Itinuro ng babae ang isang panig ng living room. "FYI lang ho, maraming camera sa bahay na 'to. Bukod sa trespassing kayo ay nagnanakaw rin kayo ng mga gamit na hindi sa inyo. Pabalik na galing Manila ang asawa ko. Isusumbong ko kayo."
"A-Ano? Hindi kami magnanakaw!" galit na sabi ni Tita Mayette. "Bahay 'to ng pamangkin ko at nandito ang kapatid ko."
"FYI lang po ulit, bahay 'to ng kapatid ko," sabi naman ni Trace. "Someday it will be your niece's house when they get married. Pero kahit ganoon pa man, kung hindi kayo invited sa bahay trespassing pa rin iyon. Hindi rin ibig sabihin na kamag-anak ninyo si Mireia at Tita Mila ay ibig sabihin pwede niyong pakielamanan ang mga gamit nila at kunin ang magustuhan niyo." IC made a sound and Trace nodded. "See? Even my own niece, who's not even a month old, agrees with me."
Luna walked towards us with her eyes glued to her phone. Nang huminto siya malapit sa akin ay nag-angat siya ng mga mata at direktang tinignan niya ang pinsan ko. "Melanie Aguero, also known as GlamMeanie. A so called influencer on Instagram with twenty thousand and two hundred four followers. Not a lot, but it's something. You're not that good with makeup, your photography skill is subpar, but you have a lot of expensive things." Bumaba ang tingin niya sa mga nagkalat na gamit sa paligid. "One of your commentor asked you kung saan mo raw nakuha iyong limited edition Fendi bag mo." She gave my cousin a sweet smile. "Now I know where you "shop" for your luxury things. Gusto mo bang malaman din nila?"
Melanie's face lost its color. I have no doubt that she knew who Luna was. But before she could speak, the door opened again, and Belaya sashayed inside with Pierce and Arctic following her. Nakangiting lumapit siya sofa at pabagsak na umupo siya roon. Tumabi rin sa kaniya si Arctic na kinawayan ako.
"Hi Tita Mireia," bati niya sa akin.
"Hi baby Arc," I whispered just enough for him to hear.
"Maganda po ang car na nasa labas. Sabi po ni Mimi tapag bago raw po ang car ng bad guys dapat binyagan kaya drawing po tami."
Nagtama ang mga mata namin ni Belaya at kahit hindi pa niya sabihin ay alam ko na kung anong ginawa nila. It's not the first car that she or I have ruined by keying it.
"Don't worry, I'll pay for the damages kapag nasa mood na ako. Wala namang pambayad ang mga 'yan kaya sigurado akong sa'yo rin sila mangungutang," sabi ni Belaya bago niya nilingon sila Tita Mayette. "Pero sa susunod na malaman kong ininsulto niyo na naman ang kaibigan ko, hindi na lang sasakyan niyo ang babangasan ko. You have no right to insult her when she's nothing but gracious to you and your rotten family even if you don't deserve it." Napapabuntong-hininga na napailing ang babae at muli niya akong tinignan. "I already told you before that you don't need them. Hindi porke kamag-anak mo sila ay matatawag mo silang pamilya. You have your Naynay and Marthena. You also have me and my family."
My lips quivered as new tears welled up from my eyes. I felt Axel pulled me close. He opened my hand that I'm clutching tightly, and I saw recognition flash in his eyes when he saw the plastic ring I'm holding.
It's the ring he got from a toy vending machine that he gave me back in college. The only thing from my past that I always carry.
"She's the most beautiful person I ever met. Hindi ko alam kung anong nakikita niyo at ng mundo sa kaniya. I don't care what you see, because you might as well be blind, when you can't even grasp how lucky you are to know someone as compassionate and strong-willed as she is." His gaze went to my aunt. "Our family is going through a tough time right now without you adding to that. I would like to ask you to leave our home. You are not, nor will you ever be welcome here. Even if Mireia forgives you for the things you said to her, I wouldn't, so please leave."
Kita ang pagkapahiya sa tiyahin at pinsan ko nang kunin nila ang mga bag nila. Mabibigat ang mga hakbang na naglakad sila papunta sa pintuan, iyon nga lang ay bumukas iyon dahilan para mabangga sila no'n.
Thorn that was about to enter the house holding a fair amount of paper bags and boxes collided with them. Dahil sa banggaan nila ay nabitawan niya ang ilan sa mga dala niya.
My eyes followed one box that burst open, and a chill ran down my spine when I saw its contents.
Scrabble tiles.
"Sorry," Thorn murmured to my aunt and cousin. Binaba niya ang mga dala niya at tumingin siya kay Axel. "I met with Mireia's manager in Manila before I went home, and he gave me some of the things that arrived for her. I also saw one that you bought for her. Bakit sa Manila mo pa pinadala?"
"I bought that the day after her birthday..." Axel's words trailed off, at the same time that realization glinted in his eyes.
Thorn's forehead knotted, and the tension around us finally hit him. Huminto ang mga mata niya sa direksyon ng asawa niya na masama pa rin ang tingin sa tiyahin ko. "What's happening here?"
For I don't know how many times this day, the front door of Axel's house opened again. Pero sa pagkakataon na ito ay ang huling taong inaasahan kong makita ang iniluwa noon.
"Mall na ba ang bahay mo Kuya at lahat na ata ng tao nandito ngayon?" tanong ni Trace.
"Zoo kamo. Lahat ng mga hayop nandito na," sabi ni Lucienne na nameywang at tinignan ang bagong dating. "At sino naman ho kayo? Mireia looks upset again at kapapanganak ko pa lang. Madaling uminit ang ulo ko ngayon. Kung sakit ng ulo lang ang ibibigay niyo Ma'am sa pamilya namin eh umalis na lang kayo."
Tumikhim ang matandang babae na sa kabila ng pag-aalala ay kakakitaan ng pagmamataas ang kaanyuan. "I'm Santana Castañeda and my daughter's been missing since yesterday. I want to know where she is."
My eyes dropped to the ring I'm holding. A representation of the past that came into the open for my present to see. Like an avalanche, it looks like a lot will soon rapidly fall down, and I just hope I won't get swept away and be buried by their weight.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top