Chapter 9: Ice Cream

#DS3Unscripted #BelayaxPierce #LKCouple #DaggerSeries

CHAPTER 9: Ice Cream

BELAYA'S POV

"Girlfriend siguro ni Doc."

"Eh di ba kailan lang nagkaroon ng balita na nakipaghiwalay siya sa boyfriend niya?"

"Iyan ba iyong nakuhanan siyang umiiyak sa bar?"

"Oo. Wala pa atang dalawang linggo 'yon tapos may bago na ulit?"

"Bakit si Doc pa? Parang hindi bagay ang kaanghelan niya na maging flavor of the week lang."

I tried not to roll my eyes at what I'm hearing. Nanatili akong nakaupo sa visitor's chair habang nakadikuwatro at suot ang oversize Gucci sunglasses ko. Mukha lang akong bulag sa laki niyon pero hindi naman ako mukhang bingi ata.

Minsan napapaisip ako kung akala ata ng mga tao ay requirement sa mga celebrity na maging mahina ang pandinig. Hindi man lang sila nag e-effort na itago ang pinag-uusapan nila.

Nagbaba ako ng tingin sa suot ko na relos. It's almost twelve in the afternoon and I'm hungry. Wala naman kasing saktong oras para sa lunch break ang taong pinunta ko rito sa public hospital na kinaroroonan ko. Hindi ko nga alam kung uso ba mag lunch break sa mga doktor. For sure kasi kung papipiliin sila kung pagkain o pasyente nila ay paniguradong ang huli ang pipiliin nila. Only if we have a lot of healthcare workers so that the health of those that are supposed to take care of us won't suffer in the process of caring for the people. Iyon nga lang overwork ang medical practitioners sa bansang 'to pero underpaid naman.

"Belaya?"

Sumilay ang malawak na ngiti sa mga labi ko nang makita ko ang taong ipinunta ko sa lugar na ito, na kasalukuyang nakatayo sa nakabukas na pinto ng isang kuwarto. Patakbong nilapitan ko siya at bago pa siya makaiwas ay ikinawit ko ang mga braso ko sa leeg niya at halos paglambitinan ko na siya.

"Get off! Akala ko ba diet ka? Bakit ang liit mo pero ang bigat mo?"

Umayos ako ng tayo at binigyan ko siya ng matalim na tingin na hindi niya naman nakikita dahil sa salamin ko. "Alam mo bakit hindi na lang talaga kayo mag-date ni Mireia? Wala kayong ibang pinagdiskitahan kundi ang height ko."

"Right. I'll die in my forties if I date your best friend."

"Crush ka kaya no'n Kuya."

"Lahat naman crush no'n."

Napangisi ako sa sinabi ni Kuya Cross kasi totoo naman. Basta gwapo paniguradong crush agad iyon ni Mireia. She's been trying to flirt with one of my brothers any time she gets pero hindi siya talaga umuubra sa kasupladuhan ng mga kapatid ko. Minana nila ata kay Mommy 'yon.

"Bakit ka nandito?"

"Salamat sa warm welcome," nakangusong sabi ko.

Dinutdot niya ang noo ko gamit ng hintuturo niya. "Bakit nga?"

"Wala lang. Napadaan lang ako at naisipan kitang puntahan. Umuwi ako sa atin pero hindi ka naman pumunta."

"I went there before you. Tinataguan ko pa si Ate Vie at hindi na naman ako tinitigilan."

Natawa ako sa sinabi niya. Ang tagal na kasing kinukumbinsi ni Ate Vodka na sa organisasyon na lang magtrabaho bilang doktor si Kuya Cross. Ang kaso mas gustong magtrabaho ni Kuya sa malaking pampublikong ospital na kinaroroonan namin. Dito na siya nag-internship noon at ngayon nga ay dito na rin nagtatrabaho.

My brother is one of the most intelligent people that I ever met. Our grandmother, Sophia Carina Davids told us that he reminds her of our great grandmother, Breeyhana Davids. Katulad niya kasi ay maagang nag-graduate sa kolehiyo si Kuya. He graduated at eighteen, completed his medical school when he was twenty-two, and then he finished his internship and residency at the age of twenty-five. Right now he's pursuing his specialization in cardiology.

"Nagugutom ako, Kuya. Libre mo naman ako."

"Wow. Sa akin ka pa nagpalibre eh ang laki ng kinikita mo."

Binelatan ko lang siya at ikinawit ko ang braso ko sa kaniya. Hindi naman maliit ang suweldo niya. Kumpara sa akin oo bagay na nakakatawa. I'm just entertaining people but he's the one saving them.

Kung tutuusin ang daming offers ni Kuya lalo na sa ibang bansa. Di hamak na ang lalaki ng inaalok sa kaniya ng mga iyon. But he stayed here because for one he wanted to save his own country even if this country keep on failing their frontliners. Isa pang dahilan niya ay ang dami raw complex cases ang napupunta sa kanila dahil lang sa hindi iyon matugunan ng mga pribadong ospital dahil unang-una na nagiging problema ay ang kakulangan sa pambayad.

"Sus, para namang hindi ka yayamanin," sabi ko sa kaniya.

"Normal na mamamayan lang ako."

"Na bilyonaryo."

"Bilyonaryo ka rin."

Ngumuso ako dahil totoo naman. We have that title before we even started working to earn our own money. We have two trust funds; the Davids' and the Lawrence's. We also have money from our great grandmother side of the family at mula sa mga Cole na galing naman sa side ng pamilya ng grandmother namin. Trust fund babies in short. Kahit hindi kami magtrabaho ay magiging maalwan na ang buhay namin maging ang magiging mga anak namin. But if I'm a workaholic, Kuya Cross is on a different level.

"Ah basta. Gusto ko libre."

Bumuntong-hininga siya dahil alam naman niyang wala siyang magagawa. "Dito pa talaga sa ospital eh mamahalin iyang panlasa mo?"

Hindi ko na siya sinagot at hinila ko na siya papunta sa cafeteria ng ospital. And because I'm Belaya Lawrence, I gave the nurses that were talking about me a sweet smile before I waved at them.

Nang mag-angat ako ng tingin kay Kuya ay nakita ko siyang nakatingin sa akin na para bang isa akong undefined specie na baka bigla na lang siyang kagatin. "Ano na namang ginawa mo sa mga 'yon?"

"Wala akong ginagawa sa kanila ah. Sila nga ang madaming sinasabi tungkol sa akin," nakairap na sabi ko. "Flavor of the week daw kita."

Sabay pa kaming umakto na para bang nasusuka. Inalis niya ang braso ko na nakaabrisete sa kaniya at tinulak niya akong palayo. "Lumayo ka sa akin bago pa ako ma-tsismis."

"Ang sama ng ugali mo, Kuya. Para kang others samantalang siyam na buwan tayong magkapitbahay sa tiyan ng nanay natin. Kaya nga ako naging ganitong kaliit kasi inagawan niyo ako ni Kuya Ram ng sustansiya."

Iyon kasi ang laging sinasabi sa akin ng mga nakakakilala sa amin. Ang tatangkad daw ng mga kapatid ko na lalaki pero ako raw iyong bukod tangi na naubusan sa height.

Binalik ko ang pagkakaabrisete sa kaniya at hindi naman na siya pumalag pa. Sa amin na magkakapatid ako talaga iyong clingy. Kahit nga si Reika ay hindi kasing tindi ko sa pagiging malambing. Nunka naman maging sweet si Ate Vie. May sarili siyang paraan ng pagiging sweet. Iyong klase ng katulad no'ng ginawa niya kay Kaiser, The Two Timing Ass.

Turns out na pagkatapos niya akong i-two time ay ganoon din ang ginawa niya sa ipinagpalit niya sa akin. Because the sense of vengeance in Ate Vie is very strong, she made it her mission to let every woman Kaiser is dating in the know kapag nangangaliwa pa rin siya. Kaya nga nalaman ni Michelle na nagangaliwa rin sa kaniya si Kaiser at kung bakit nang ulitin niya iyon sa sumunod ay nahuli na naman siya. Ayos nga 'yon. Paniguradong magdadala.

"Sino nga pala iyong bago mong dine-date? Iyong iniyakan mo sa bar?"

Nalukot ang ilong ko sa tanong niya. Sila Ate Vodka nga hindi nagtanong noong nagkita kami. Isa pa wala akong planong malaman nila kung sino iyong nakita ko. Mabuti na lang ako lang ang kita sa video. "Hindi ko nga date 'yon."

"Bakit iniyakan mo?"

"Na-touch lang ako sa kanta."

"Iniyakan mo ang kanta na Fireball ni Pitbull? What? Is it sad to do the boogie oogie oggi?"

Napatalon siya nang basta ko na lang siyang kurutin sa braso niya. Hinila niya ang buhok ko na binalewala ko lang dahil sanay naman ako. Try to grow up with four other siblings. Ewan ko na lang kung hindi tumibay ang anit mo.

"How many times do I have to tell you, Bela? Stop looking at jerks as potential partners."

"As if naman gano'n sila una pa lang kami magkakilala. They're pretty nice the first time."

"They're not nice. They're jerks. You need to learn how to read warning signs. Iyong Kaiser mo sa pananamit pa lang mukha ng hindi gagawa ng matino. Akala mo laging mag go-golf para lang ma-ipagbayabang ang Lacoste niya."

"So you mean to say, I need to be judgemental?"

"Yes if it's for the sake of protecting your own self. Hindi mo naman siya hinahamak, wala ka rin namang sasabihin na masama sa kaniya. But it's not that bad to keep a distance so that you could see what kind of person he really is. Kung mapapatunayan mo na hinusgahan mo lang siya at hindi naman pala siya masamang tao, then good. Mabuti ng sigurado ka kesa ikaw ang iiyak sa huli. I hate seeing you cry."

Inilagay ko ang isa kong kamay sa tapat ng puso ko. "Aww."

"Because you look ugly."

Inaasahan ko na iyon kaya kinurot ko na lang siya ulit. Iisa lang naman ang likaw ng mga bituka namin. Ano pa at housemates kami sa bahay bata ni Mommy? Kaya hindi na ako nag-expect na matino ang takbo ng utak niya kahit pa nga ba sa level ng katalinuhan niya.

"Aray. Kanina ka pa," sabi niya at itinulak ang ulo ko. Dahil napalakas iyon ay muntik akong sumalya sa tabi kung hindi ko lang nabalanse ang sarili ko.

Inangat ko ang bag ko at inihampas ko iyon sa kaniya pero iniwasan niya lang 'yon. Dahil lumaki akong pursigido lalo pa at madalas akong lamangan ng mga higante kong kapatid ay hindi ko siya tinigilan hanggang sa hindi na niya ako maiwasan pati na ang mga kurot ko.

"Belaya!" saway niya sa akin at hinawakan ang dalawa kong kamay. "Ibabalik talaga kita sa pinanggalingan mo."

"Iisa lang tayo ng pinanggalingan, assface."

"Isusumbong kita sa nanay ko."

I stuck out my tongue. "Nanay ko rin 'yon!"

"Isusumbong na lang kita kay daddy."

"Favorite ako ni Daddy," kampanteng sabi ko.

"Kasasabi niya lang last week na ako ang favorite niya."

Hindi na rin ako nagtaka. Lahat naman kami nililinlang ng ama namin na iba-iba ang favorite kada nagbabago ang linggo. "Paano nakakatipid siya ng gamot pangrayuma dahil sipsip ka."

Sinubukan ko siyang kurutin ulit pero hinila niya lang ako palapit sa kaniya na para bang niyayakap niya ako. Pero iyon nga lang hindi iyon ang ginawa niya dahil kinulong niya ang leeg ko sa braso niya para sa isang head lock.

"Aray! Let me go! Hindi mo ba alam na maraming mamamatay sa lungkot kapag nabangasan ang mukha ko?"

"Basta ang alam ko hindi ako 'yon."

"Kakagatin kita pag hindi mo ako binitawan!"

"Subukan mo lang at papabakunahan kita," banta niya dahil alam niya kung gaano ako katakot sa hiringgilya.

Binuka ko ang bibig ko para lang sana takutin siya na kakagatin ko siya pero nang mapatingin ako sa harapan namin at makita ko ang pamilyar na bulto ng isang lalaki ay wala sa sariling naituloy ko iyon.

Who could blame me when Pierce is in front of us looking delectable enough to eat?

"ARAY! BELAYA!"

Impit na napatili ako nang humagis ang katawan ko dahil sa malakas niyang pagtulak. Mabuti na lang ay may tila bakal na mga braso na sumalo sa akin at napigilan ang pakikipagtagisan ko sa pinakamalapit na pader.

Nawala kaagad ang inis ko sa kapatid ko nang pag-angat ko ng tingin ay nakita ko ang seryosong mukha ni Pierce. Inayos niya ako ng tayo at hindi pa rin ako binibitawan na dumako ang mga mata niya sa direksyon ni Kuya.

"Pare, konting ingat naman."

Nilunok ko ang tawa na gustong kumawala sa akin at imbis na lumayo ay kumapit pa ako sa braso ni Pierce na parang nagsusumbong. I felt his body stiffened but he didn't move away. Nilingon ko si Kuya na sunod-sunod ang pagkurap ng mga mata na para bang hindi siya makapaniwala na napagsabihan siya ng taong hindi niya naman kilala.

"That rabid dog bite me," Kuya Cross said.

"She's smaller than you. She's like a kitten. Hindi 'yan mangangalmot kung walang dahilan."

Grabe. Feeling ko apat na henerasyon na ni Rapunzel ang naitumba ko. Baka nga umiiyak na ngayon ang great great great granddaughter no'n sa haba ng hair ko.

"Nagpapalibre lang naman ako kasi nagugutom ako," himutok ko at eksaheradong ngumuso pa ako na ikinalaki ng mga mata ng kapatid ko. "How can anyone be so mean to a hungry person like me?"

Pierce eyes skewered my brother's. "You're refusing to buy her a meal?"

"What-"

"Nagdadamot ka sa date mo na nagugutom?"

"Ew! Hindi ko date 'yan," nakangiwing reklamo ko. "Kapatid ko 'yang damulag na iyan."

Surprise colored Pierce's eyes. Sa unang tingin kasi hindi naman kami ganoong magkamukha ni Kuya Cross. Idagdag pa ang height difference namin na kaduda-duda talaga. Kahit nga si Reika na bunso sa aming limang magkakapatid ay mas matangkad pa sa akin.

Nang makabawi ay nagbaba siya ng tingin sa akin. "Bakit ka nagpapalibre sa kapatid mo? Wala ka bang pera?"

"Uhh... I don't have cash with me," I told him which is the truth. Cards lang talaga ang dala ko.

Tumingin si Pierce kay Kuya Cross. "Iyon naman pala. Pakainin mo muna ang kapatid mo."

Nagpalipat-lipat ang tingin sa amin ni Kuya Cross na parang hindi niya alam kung sino ang unang pagbabalingan niya. Pinanlakihan ko siya ng mga mata at umiling ako na para bang sinasabi na 'wag siyang pumayag.

Malakas na bumuntong-hininga siya at naiiling na pinagmasdan kami ni Pierce. "Magsama kayong dalawa. Sumasakit ang ulo ko sa inyo."

Napangisi ako nang pagkasabi niyon ay tinalikuran niya na kami at naglakad pabalik sa pinanggalingan namin kanina. Nang mag-angat ako ng mukha kay Pierce ay nakita kong nasa akin na ang atensyon niya dahilan para lalong lumawak ang ngiti ko.

"Pwede ka ng bumitaw," sabi niya.

"Mamaya na lang."

"Pupuntahan ko pa si Arctic."

Kunot ang noo na umayos ako ng tayo. "Dito sa ospital? Bakit? Anong nangyari?"

Sandaling nakatuon lang sa akin ang mga mata niya na para bang may kung ano siyang iniisip. Something crossed his eyes so fast that I didn't have the chance to process and understand it.

"Dinala siya ng teacher niya. May nakaaway daw. Okay lang naman daw si Arctic but I asked the teacher to still bring him here."

"Sa emergency ba?"

"Yeah."

Hinawakan ko siya sa braso at hinila ko siya papunta sa direksyon ng emergency room. Pamilyar na pamilyar na ako sa lugar na ito hindi dahil sa lagi akong naoospital kundi dahil lagi kong binibisita ang kapatid ko kapag may pagkakataon. Kung hindi pa kasi namin siya pupuntahan ay malabong makita namin siya. Adik pa naman sa trabaho iyon.

"He's in pre-school. Paanong magkakaroon ng away na aabot sa emergency?" tanong ko.

"Kids are not that in control when it comes to their emotions.They're more likely to have altercation than others."

"They're babies."

"You haven't fought hard with your siblings when you were young?"

Hindi ako nakasagot dahil alam ko kung ilang beses kaming naaksidente ng mga kapatid ko dahil sa mga kalokohan namin. Minsan nga parang mas may stock pa ng gamot at kung ano-ano pa ang bahay namin kesa sa isang maliit na klinika.

Nang makapasok kami ng emergency room na thankfully ay hindi kasagsagan ang dami ng dinadala na tao ng mga oras na iyon ay kaagad kong nahanap ang kinaroroonan ng anak ni Pierce. Malalaki ang mga hakbang na lumapit kami roon. Well actually sa akin malalaki ang hakbang. Kay Pierce normal lang.

"What happened?" I asked before Pierce can even utter a word. Tinignan ko si Arctic na mukhang okay naman maliban sa ilong niya na mukhang kaaampat pa lang ng pagdurugo. "Nabalian ba? Sinong may gawa?"

"Okay naman po siya. Hindi naman daw nabali ang ilong, nagdugo lang talaga." Binigyan ako ng maliit na ngiti ng isang babae na siyang nagsalita. Sandaling pinakatitigan niya ako bago nahihiyang nagsalita ulit. "I'm his teacher."

Tumango ako. "Nasaan iyong bata na gumawa nito? Nandito rin ba siya?"

"Opo-"

"Dapat lang. Para makausap 'yon at ang magulang. Pag away eh away lang. Kailangan magkabalian ng ilong?" Nilingon ko ang bata na nakatingin sa akin. "Okay ka lang ba?"

"Otay lang po pero James po nandito din."

How could anyone hurt this cute angel? "Wag kang matakot sa kaniya. Akong bahala sa'yo. Doktor ang kapatid ko rito. Pa-i-injectionan natin 'yon kahit hindi kailangan."

His plump limps opened as if to speak pero napigil iyon nang may malakas na umiyak. Kunot ang noo na pinalis ko ang kurtina na humaharang sa kinaroroonan na gurney ni Arctic at sa pagtataka ko ay nakita ko ang isang bata na nakaupo sa kabila na di hamak na mas malala ang sinapit kesa kay Arctic. Nagsisimula na kasi siyang magkaro'n ng black eye bukod pa sa ilong niya na mukhang duguan din kanina.

"Si James ba 'yan?" bulong ko kay Arctic.

Tumango siya at umakto rin na bumubulong. "Opo."

Lalong lumakas ang iyak ni James nang mula sa kung saan ay humahangos na pumasok ng ER ang isang babae na base na rin sa pagkakatingin sa bata ay malamang nanay niya. Niyakap ng babae ang anak at kaagad dumako ang tingin niya sa amin. Her eyes went sharp when her gaze dropped to Arctic.

Hinarang ko ang katawan ko sa bata at nakahalukipkip na sinalubong ko ang tingin niya.

"Mommy!" palahaw ni James. "Sabi po nila iinjwection ako kahit di po kailangan!"

Oops. Nilingon ko si Pierce at ngumiwi ako na ikinailing niya na lang bago niya binalingan ang nanay ni James.

"I'm sorry for whatever happened here, Mrs."

"Dapat pagsabihan mo iyang anak mo. Nakita ko na 'yan noong minsan na pumunta ako sa school. Walang masyadong kaibigan hindi katulad ng James ko. Baka kaya walang kasama 'yang batang 'yan kasi salbahe-"

Hinubad ko ang suot ko na sunglasses at direkta ko siyang tinignan sa mga mata. Kita ko ang pagbakas ng gulat sa mga mata niya nang makita ang mukha ko. "Don't finish that and don't you dare talk to Pierce that way. Hindi pa nga natin alam kung anong nangyari."

"Look at my son's face!"

"Arctic's nose bled too." Nilingon ko ang teacher ng mga bata. "Ano ba talagang nangyari?"

"Nag-away po kasi si James at iyong isa nilang kaklase na si Zinnia. Umiyak po si Zinnia at lumapit si Arctic. Pinalo po ni James si Arctic ng pencil case tapos si Arctic naman sinuntok si James."

Tinaasan ko ng kilay ang nanay ni James na naumid ang dila. Nilingon ko si Arctic at binigyan ko siya ng nakakaunawang ngiti. "Bakit ba umiyak si Zinnia?"

"Inaatar po ni James tasi wala po siyang snack. Sabi po ni Zinnia wala po sila masyadong money tapos po tinawanan siya ni James. Sabi to po bad 'yon. Pwede naman share pero pinalo po ato ni James. Sabi po ni Toto Twace 'wag po ato papaapi taya punch to po si James."

Nakangiting tinanguhan ko si Arctic pero nang humarap ako sa nanay ni James ay para bang hinasa na kutsilyo sa talim ang mga mata ko. Bumuka ang bibig ko para magsalita pero hindi ko nagawa iyon nang maramdaman ko ang kamay ni Pierce na inabot ang sa akin. He curved my fingers inwards in a way that it's like I have a paw. Pinisil niya iyon ng marahan pero ang mga mata niya ay nasa direksyon ng ina ni James.

"I don't know what it's like in your home but I do know what it's like to raise a son. Half of the time we don't know what we're doing but still they're ours. We're protective because we're parents but we have responsibilities. Hindi ako nagagalit. Away ng bata 'to. I won't tell you what to do but I'll tell you what I will do. Arctic didn't start the fight and he defended himself and another child but he's also a kid and he shouldn't have done what he did. What he should do was talk to the teacher." Nagbaba siya ng tingin kay Arctic na humaba ang nguso. "I will always be proud of my son but he should understand that there's always a consequence. No more Tayo The Little Bus after dinner for the whole week, Arc."

Humalukipkip ang bata pero mabilis na tumango siya. Makabili nga ng merch ng kung anuman 'yon. Ibibigay ko na lang sa kaniya kapag tapos na ang one week niya.

Hindi na muling kinausap si Pierce ng babae at nauna rin na natapos si Arctic kausapin ng pedia. Nang makalabas kami sa ER ay nagbaba ako ng tingin kay Arctic na kahit napagalitan ng slight ay nakahawak pa rin sa kamay ng ama.

"Nagugutom ako." Both of their eyes went to me. Good luck kay Pierce paglaki ng anak niya. Parang parehas pa ata sila ng ugali. "Gusto mo ng ice cream, Arctic?"

"But I did somwiting bad. Ice cweam is a wiward. I don't deswerve to eat one."

"Sino namang may sabi niyan? Batas ba 'yan?" Tinaasan ko ng kilay si Pierce. "Pagpumupunta ako sa doktor noong bata ako lagi akong pinapakain ng ice cream nila Daddy. Bakit bawal kumain ng ice cream? Anong masama sa pagkain ng ice cream? Is it a sin to eat ice cream?"

"Do you want ice cream?" Pierced asked me with a sigh.

I do. Favorite dessert ko iyon. Hindi nga nawawalan ng mint chocolate chip ice cream sa freezer ko. "Yeah!"

He blinked at my enthusiasm before he looked down at his son. "Do you want one?"

"Yes po."

"Are you going to punch another classmate again?"

"Hindi na po."

Pierce gave him look but he just sighed again. "Alright then."

Sabay pa kami halos ngumisi ni Arctic. Itinaas ko ang kamay ko sa direksyon niya na sa pagkatuwa ko ay hinigh-five niya naman.

"Nice one, little Muhammad Ali."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top